bc

I HAVE A LOVER ( Love or Lust )

book_age18+
46
FOLLOW
1K
READ
fated
dare to love and hate
heir/heiress
drama
twisted
bxg
female lead
realistic earth
affair
passionate
like
intro-logo
Blurb

Si Lucky ay nagka- boyfriend ng isang anak mayaman na si Dave, na noong una ay sweet at maalalahanin. Dave also had a friend namely, Meteor na may girlfriend din, si Macy. Then, lucky and Macy became also a friend of Lucky dahil nga magkaibigan ang kanilang mga nobyo. Until, Dave was changed na unti-unting napansin ni Lucky. Wala namang sinasabi sa kanya ang kanyang nobyo basta busy daw ito sa work niya. Out of pain, natutong uminom si Lucky na palaging dinadamayan nina Meteor at Macy. Dumating sa point na, nakagawa si Lucky ng isang kasalanan. Kasalanang bumabagabag sa kanyang konsensya subalit ang kanyang katawan ay sumasang-ayon naman sa tuwing ito ay nagkakasala. Gusto man niyang umiwas subalit ang tukso ay mas malakas kaysa sa kanya. Ano ang kanyang gagawin upang makaiwas sa tawag ng tukso Was it right na magpakalayo-layo na lang siya upang matapos na ang lahat? Sino ang nagmamay-ari sa kanyang katawan kahit na karelasyon pa lamang niya si Dave? Who is her lover by the way?

chap-preview
Free preview
C-1: One sweet date
"Lucky, andito si Dave!" sigaw ng isang baklang may kinukulot. Agad na binitawan ni Lucky ang hawak nitong make up kit at nakangiting bumaling sa may pintuan. Naroon ang nobyo ni Lucky na si Dave, isang anak ng bilyonaryo. Nakangiti ito sa dalaga kaya inilang hakbang lamang nito ang kanilang pagitan at agad silang naghalikan. "Gosh, spg na 'yan ha?" muling sabi ng baklang tumawag kay Lucky kanina. Kapwa tumawa sina Lucky at Dave. "Paano, Momsh mauna na ako!" pagpapaalam ni Lucky. "Oo na! Ingat kayong dalawa!" sagot ng bakla. "Sige po!" sabi naman ni Dave "Uy, ibalik mo ang anak kong buo ha?" baling nh bakla sa binata. "Oo naman po!" natatawang sagot ni Dave. "Dapat lang, sobrang iniingatan ko ang batang 'yan. Hindi porke't mayaman ka ay magagawa mo na ang gusto mo kay Lucky." "Momsh?!" pandidilat naman ni Lucky sa bakla. "Don't worry po, I treasure Lucky!" sagot naman ni Dave. Ngumiti naman ang bakla. "I know! Nagpapaalala lang ako, sige na lumakad na kayo!" "Thank you, Momsh bye!" wika rin ni Lucky. Masayang tinanaw nang tingin ni Avon ang kanyang alaga. "She's so Lucky!" aniya. "Bagay ang ipinangalan mo sa kanya Avon." Sabi naman ng isa pang bakla. "Tama ka, the luckiest among them!" naiiyak na sagot ni Avon. "Naku, mauuwi na naman ito sa crying kaya back to work na lang tayo!" sabi ni Fem. Humagikhik naman si Avon. "Luka-luka!" tugon nito at muling hinarap ang costumer niyang kinukulot. "Saan tayo?" nakangiting tanong ni Lucky kay Dave nang makasakay na sila sa kotse ng huli. "Kahit saan, it's my treat!" Napairap naman si Lucky. "Kasi isang linggong hindi tayo nagkita kaya alam kong pinapalubag mo lang ang kalooban ko." Aniya. Tumawa naman si Dave saka hinalikan ang pisngi ng dalaga. "I'm sorry honey, alam mo naman ang nobyo mo palaging busy." Paliwanag nito. "Kaya?" "Oo, kaya gusto kong bumawi!" tugon ng binata. "Ano pa nga bang magagawa ko?" sabi ni Lucky. "Thank you!" sagot ni Dave kasabay ang paghalik nito sa likod ng kamay ni Lucky. Kapagkuwan ay sumibad na ang kanilang sasakyan. At hindi nga binigo ni Dave si Lucky dahil dinala niya ito sa isang mamahaling restaurant. "Shall we?" magiliw na tanong ni Dave sabay hawak sa kamay ng nobya. Masayang tumango si Lucky at sabay ba silang pumasok sa loob ng restaurant. Pagpasok pa lang nilang dalawa ay agad na tumugtog na ang orkestra. Isang kantang makapabagbag damdamin ang siyang narinig ng dalawa. Masayang umupo ang magkasintahan habang hinihintay ang kanilang mga order. "Bakit parang tayo lang ang tao saka 'yang mga tumugtog?" paanas na tanong ni Lucky sa nobyo nito. "I rent the whole restaurant just the two of us!" masayang sagot ni Dave. Walang masabi si Lucky, as in speechless siya. Hindi man sila palaging nagkakasama ni Dave dahil sa sobrang busy nito sa negosyo ay sobra naman kung makabawi. Kaya ang tampo at inis ni Lucky ay agad na nawawala. Kasabay no'n ang pagpatay ng mga ilaw at napalitan ng candle light. Isa-isa ring lumabas ang mga staff ng restaurant at tulak- tulak ang kanilang mga order. Meron ding nakawak ng mga red roses saka ibinigay kay Lucky. "Am I forgiven?" untag ni Dave sa dalaga nang makita nitong masaya ito. "Alam mo kung paano ako amuin, at hindi na ako magpapakipot pa." maluha-luhang sagot ng dalaga. "Thank you honey!" "Mas thankful ako to have you in my life at nasasayawan ang mga kabaliwan ko." Matapat na sagot ni Lucky. Ngumiti naman si Dave at hinaplos ang pisngi ng dalaga. "I love you, Lucky!" "And I love you too, Dave!" Nagkahalikan sila subalit saglit lamang dahil hindi naman talaga silang dalawa lang ang naroon. At alam ni Dave ang mga limitations nito at mga ayaw ni Lucky na gawin ng binata. "So, let's eat?" wika ng binata. "Okay, gutom na rin ako!" natatawang turan ni Lucky. Dave served Lucky first before he eat. Na labis namang ikinasaya ng dalaga dahil spoiled talag siya sa kanyang nobyo. Kung kaya't wala nang mahihiling pa si Lucky sa kanyang buhay kahit na ibinenta lang siya ng kanyang Ina sa baklang nagpalaki sa kanya. Pagkatapos kumain sina Dave at Lucky sa restaurant ay nagtuloy naman sila sa may Lake Park. Ilog kasi ang katabi nito at kay gandang lugar, tahimik at kilalang pasyalan ng mga magkakasintahan lalo na sa gabi. "So, kailan mo ako pagbibigyan sa hiling ko honey?" tanong ni Dave habang nakaupo sila sa may damuhan. Agad na bumangon si Lucky at hinarap ang nobyo nito. "Dave, napag-usapan na natin ito hindi ba? Pagtatalunan ba natin ulit?" sagot ni Lucky. Bumuntonghininga si Dave at tumingin sa ilog. "Para naman mapanatag na ang loob ko sa tuwing magkakalayo tayo. At para may assurance akong sa akin ka lang!" ani nito. Hinawakan naman ni Lucky ang pisngi ng binata. "Dave, gagawin man natin ang hiling mo o hindi, sa'yo lang ako! Wala kang dapat ipag- alala okay?" "Pero, doon rin naman ang bagsak natin saka ang kasal." "Dave, kung mahal mo talaga ako hindi mo ipagpipilitan ang gusto mong mangyari. Ayokong gumawa ng aking pagsisihan someday." "Kung ganoon, hindi ka pa sigurado sa akin?" malungkot na tanong ng binata. "Hindi sa ganoon honey! Gusto ko kapag ibinigay ko na ang hinihiling mo 'yong kasal na tayo okay?" Paliwanag ni Lucky. "Ano pa nga bang magagawa ko? Sa conservative talaga ang nobya ko," pagsuko ni Dave. Sukat doon ay napangiti si Lucky at kanyang hinalikan si Dave. Halik na naging malalim at marubdob, subalit agad ding pinutol iyon ni Lucky dahil alam niyang marupok si Dave. Katunayan ay madalas nilang pagtalunan ang bagay na 'yon, subalit nanatiling pinanindigan ni Lucky ang pasya nitong hindi bibigay kay Dave hangga't hindi sila ikinakasal muna. Ilang oras pa at nagyaya na si Lucky na umuwi na sila dahil alanganin na ang oras. Tiyak mag- aalala na naman ang kanyang Mamita kapag nagisingan niyang wala pa siya aa kanilang bahay. "Dadalaq ako sa Sunday, ipagpapaalam kita para sa isang party." Sabi ni Dave nang lulan na sila ng sasakyan. "Sige, aabangan kita sa linggo!" masayang sagot ni Lucky. "Pero sa bahay ka matutulog!" "Ano?! Baka hindi ako payagan ni Mamita!" "May kasama ka namang babae, syota ng kaibigan ko. Hindi naman tayo magtatabi," paliwanag ni Dave. Nakahinga nang maluwag si Lucky. Alam ni Dave ang mga ayaw na ayaw ng Mamita ni Lucky. Kung pasyal lang ay payag ito pero kung overnight at silang dalawa lang malamang malabo ngang mangyari. Unless kung magsinungaling silang dalawa pero ayaw naman ni Lucky na gawin iyon, malaki ang utang na loob niya sa kanyang Mamita. At malaki ang respeto niya dahil sa kabila ng lahat, pinalaki siya nito at pinag- aral.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook