bc

Oh Boy, I Love You So... (Filipino ON-GOING)

book_age18+
4.8K
FOLLOW
28.2K
READ
billionaire
confident
humorous
female lead
city
office/work place
cheating
Writing Academy
roommates
like
intro-logo
Blurb

Lena was left with no choice but to dance on a stag party one night before her preliminary examination. Kailangang-kailangan niya ng pera dahil No Permit, No Exam ang isa sa mga mahigpit na panukala ng Unibersidad na pinapasukan niya, and she wouldn’t have permit kung hindi siya makakabayad sa buwanang hulugan ng tuition fee nila.

There, she met the most handsome yet the most irritating man ever! Si Rick Salvador. Ang lalaking nambastos sa kanya at handa umano siyang bayaran kahit magkano maikama lamang siya sa gabing iyon dahil stripper lamang naman daw siya. Things got worse when she slapped him hard and found out that she wronged him for being the groom-to-be in that stag party. Hindi pala. Hindi pala ngunit labis niyang sinayawan at hinatawan dahil sa maling pag-aakala niya!

(COMPLETED)

© All Rights Reserved, 2020

chap-preview
Free preview
1- “Groom.”
KABADONG-kabado ako nang iginiya ako ni miss Natasya sa isang madilim na exclusive party room. Nasa back stage kami ng mini-stage ng nasabing kwarto at disco lights lang ang tanging mga ilaw na naka-function dito. "Here. Uminom ka muna, pampalakas loob lang," aniya at binigyan ako ng isang baso ng alak. Napangiwi ako't napailing. "Oh come on, don't tell me hindi ka umiinom or worst, hindi ka pa nakakatikim man lang?" Naiilang na nahihiya ako. 'Yon ang totoo, hindi pa talaga ako nakakainom ng anumang inumin. "Hay naku, wala na akong masabi. Ikaw na talaga ang dakilang good girl!" Hindi na ako nakapagsalita. Kabado na ako eh! "Anyways, huwag ka na masyadong kabahan at isipin mo na lang ang makukuhang reward after you do this, may pang-tuition ka na, 'yon na lang ang gawin mong pampalakas loob." Eh, 'yon naman talaga ang totoong dahilan kung bakit ko kinagat ang ganitong klaseng offer na trabaho for one night. Kung hindi ko lang talaga kailangang-kailangan, hindi ko naman gagawin ang ganito! "Wala ka ring dapat na ikabahala sa kanila dahil hindi naman sila mga rapist. Babae pa nga ang mangre-rape sa kanila," humalakhak na ani miss Natasya. Napapailing na natawa na lang din ako. Gano'n kaguguwapo yung mga 'yon para gahasain ng mga babae? Hindi nga? "Anim sila sa barkada pero apat lang silang narito at nakapunta ngayon. Isa diyan sa kanila, happily married na. 'Yang groom naman, 'yang sasayawan mo tired of games na kaya magpapatali rin 'yan. May isa diyan na nasa complicated daw ang lovelife ngayon at may isang hayun, ubod ng binata pa, binatang-binatang-binata!" Kuwento niya na may halong sarkasmo sa huling binanggit sabay tawa. "So, you have nothing to worry about those three, do'n lang sa isa talaga pero feeling ko naman hindi naman 'yon papatos ng bata." Dugtong pa niya sabay marahang tawa ulit. Bata? Alam ni miss Natasya na bata pa ako? Alam din kaya niyang kaka-dise-otso ko pa lang nitong nagdaang buwan? Hinawakan niya ako sa balikat at pinasilip sa kurtina kung saan makikita ko ang apat na magkakaibigang sinasabi niya. Nagulat ako nang mapagtantong totoo nga ang sinasabi niya, puro may itsura at mukhang may mga maipagmamalaki sa buhay ang mga ito. Hindi sila mga ka-edad ko, mga nasa mid twenties na sila kung susuriin pero young and fresh pa rin pare-pareho. Nakaupo silang tigdadalawa sa isang may kahabaang couch at magkakaharap sa mesa nila. Maiingay ang mga ito dahil nagtatawanan at nagkukwentuhan ng kung anu-anong mukhang wala namang kwentang bagay lalo na yung lalaki sa may bandang kanan na nakaputi at talak nang talak, parang hindi mauubusan ng sasabihin at ng ikukwento na pagtatawanan nilang magkakaibigan. "Kita mo 'yang nasa kanan? 'Yang nakaputing polo? 'Yang walang hikaw sa tenga ha? 'Yan ang groom at 'yan lang ang kailangan mong sayawan." So, 'yang lokong maingay na 'yan pala ang groom ha? Tss! Ikakasal na pero mukhang ayaw pa ring itikom ang bibig sa kadadada! Sumulyap si miss Natasya sa suot niyang wristwatch. "It's already 7:58 PM, mag-i-eight na. We have to start the party. Are you ready, Lena?" Tinapangan ko ang loob ko. "Handa na." She smiled in relief. "Good. So, i-go-go signal lang kita mamaya ha? Tapos papasok ka na at gawin mo na ang show mo. Alam mo na ang gagawin." Tumango ako. Tumuntong siya sa stage at iniwan ako dito sa likod ng kurtina. Tiningnan ko ang sarili ko. I'm just wearing a red thin tube-styled crop top and black cycling shorts and then red stilettos, nakakaasiwa kasi ang ikli pero mas maayos na ito kaysa sa naman sa panty at bra. "Boys! Boys!" Pumalakpak sa ere si Natasya para kunin ang atensyon ng nagkakatuwaang mga kalalakihan. Napatahimik nga ang mga ito at napatingin sa babae. Tiningnan ko namang maigi ang itsura ng groom na sinasabi ni Natasya na kailangan kong sayawan. Ngayon ko mas naklaro ang itsura nito dahil nakaharap na ito sa stage at hindi na tinatakpan ng kasama niya sa upuan. Napagtanto kong ang gwapo pala niya. Ah no, gwapo is an understatement. Gwapo isn't enough word to praise him. He is almost close to perfection. Napakalakas ng dating ng chinito niyang mga mata, matangos na ilong, mukhang tuso pero mukhang palabiro at mukhang masiyahin ang kanyang itsura... Napakaswerte naman ng mapapangasawa niya! Kung tutuusin, gwapo naman silang lahat eh. Silang apat na magkakaibigan pero para sa akin, siya talaga ang nakakuha ng atensyon ko. Siya ang pinaka-may dating para sa akin... Kaya nga siguro sa kanilang magkakabarkada, siya ang napili at nagustuhan ng mapapangasawa niya kahit lahat naman sila gwapo kasi katulad ko ngayon, ito din ang lalaking nakakuha ng pansin ko. Naku, kung hindi lang siya ang groom at kung hindi pa siya ikakasal, malamang nagka-crush na 'ko sa kanya! Napailing at natawa nalang ako sa sarili ko. Ba't ko ba pinagpapantasyahan ang lalaking ikakasal na?! Besides, mukhang langit at lupa ang pagitan namin niyan. Tingnan mo naman sa itsura at dating pa lang mukhang nakukuha na lahat ng gustuhin sa buhay samantalang ako, waley... Siguro tulad niya, mayaman at siyempre, magandang-maganda rin ang mapapangasawa niya. "Natasya!" Hiyaw pa niya kay Natasya sabay taas ng baso sa ere. Ang kulit talaga! Pero talaga bang ikakasal na ito? Parang hindi naman eh! Hindi halata! Basta, parang bata at parang hindi pa talaga pang-husband material! "Oh well, hi Rick! Hi, boys!" Cool na bati ni Natasya sa mga ito na para lang niyang kapatid ang mga ito. Simpleng nagsitaasan ng baso ang tatlo para bumati pabalik, hindi kagaya nu'ng nauna na sobrang hyper talaga! By the way, Rick is his name huh? "How's your night so far, huh?!" "Fun!" sagot nung isa sa apat tapos nagpasikat ulit 'yong makulit na groom. "Excited!" Nagtawanan tuloy ulit ang magkakaibigan. "Hmmn, fun! And excited? Excited for what, Rick?" "Excited makita at masayawan ng sexy dancer!" sigaw nu'ng mukhang pinaka-ahead sa kanila. Ito na siguro yung tinutukoy ni Natasya kanina na happily married na raw ang life. Mukha nga naman. Wait, ikakasal na yung soon-to-be groom pero excited pang masayawan ng sexy dancer? Tama nga ako! He's not yet a husband material, he's a complete asshole! Playboy! Paniguradong kawawa ang mapapangasawa nito at magiging miserable lang ang buhay sa kanya! "You're really excited, huh? Pwes, hindi ko na patatagalin pa ang paghihintay ninyo. Please welcome, our entertainer for tonight. Help me welcome the beautiful and hot babe!" Pumalakpak ang apat lalong-lalo na yung groom. Napuno ng usok ang mini-stage at nakabalik na si Natasya dito sa backstage at sinenyasan na akong pumasok. Hindi ko pa kayang uminom ng alak kaya mineral na lang muna ang nilagok at naubos ko pampalakas ng loob saka tuluyan nang tumuntong sa stage. Nag-umpisa akong sumayaw at tinodo ko na sa paghataw since ngayon lang naman 'to. Para sa ten thousand pesos! "Whooow! Yoohooow!" walang katitigil sa paghiyaw at pagpalakpak si Mr. groom! Tawa lang naman nang tawa ang mga kaibigan niya samantalang siya itong parang mababalian na ng ugat sa leeg kakasigaw at kahihiyaw! "Baba! Baba!" nag-umpisa rin siya sa pag-cheer sa akin para bumaba ako at puntahan sila. Hindi ako bumaba. "Baba na kasi!" patuloy pa niya. "Baba!" Pati tuloy mga kaibigan niya nahawa na rin sa kalokohan niya't naki-cheer na! "Baba!" "Baba na! Anu ba!" Hinahamon talaga ako ng isang ito at inuubos ang pasensya ko ah! Pero sige, bababa na ako para maging masaya siya! Kung hindi lang talaga para sa ten thousand pesos for a night, I will never make myself this low! Bumaba ako at pumalakpak na naman siya. "Yes, ganyan nga! Make us entertained and erect!" Halos mabilaukan ako sa huling salita niya kahit wala naman akong kinakain! Anu daw? Erect? Ha! Hindi lang talaga playboy ang lokong ito, matabas din ang dila! "Whoooy! Hahahahaha!" Napapahalakhak nalang sa kanya ang mga kaibigan niya. Alam kong may mga tama na ang apat na ito dahil sa nainom pero hindi ko akalaing nasosobrahan pala sa tama itong groom na 'to kapag umiinom ng marami! Sa sobrang inis ko, pinuntahan ko nga't sinayawan! Ito naman ang sinabi ni Natasya, 'diba? Ang sayawan ko ang groom! At malamang ito din ang gusto ng taong ito, ang sayawan siya kaya pagbibigyan ko siya sa gusto niya hanggang sa magsawa siya! Gago. Tinaas ko sa ere ang mga kamay ko at iginiling ang baywang ko para mas sayawan siya lalo. Tuwang-tuwa naman ang loko! "Wew! That's it! I love it! I want more!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.5K
bc

Love Donor

read
85.9K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

The ex-girlfriend

read
138.2K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K
bc

Tamed to Be Yours

read
384.8K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
402.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook