bc

Long and Lasting Love (Tagalog- COMPLETED)

book_age16+
14.9K
FOLLOW
67.0K
READ
billionaire
playboy
badboy
bxg
campus
city
secrets
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Joseph and Serenity were college sweethearts.

Niloko si Serenity ng taong minsan pa'y pinag-alayan niya ng kanyang buong puso. Pinaniwala siya ni Joseph na minahal siya nang totoo pero ang tanging hangad pala nito'y saktan ang damdamin niya. She knew he was once a womanizer. Noong mga panahong magkapiling sila'y pinadama nito sa kanya na nagbago ito at siya lamang ang nag-iisang babae sa puso nito. Ngunit sa huli ay lumabas ang totoong kulay nito at tahasang inamin sa kanya na isa lamang siya sa koleksyon nito ng mga babae.

She went to New York and stayed there for almost nine years healing her broken heart. Sa pagbabalik niya dala ang bunga ng minsa'y matatamis na sandaling pinagsaluhan nila at sa muling pagkukrus ng kanilang mga landas, sapat nga ba ang siyam na taon para masabing nakalimot at nakatakas na siya sa pait na dinulot ng nakaraan?

(COMPLETED)

© All Rights Reserved, 2015

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Imbes na ipagtanggol n'ya ang sarili at sabihin sa akin na hindi totoo ang lahat ng natuklasan ko ay kabaliktaran ang nangyari. Nang muli siyang humarap sa akin at sinalubong ang galit kong mga mata ay tila tuluyan nang naglaho ang Joseph na nakilala at minahal ko. The womanizer structure of him was back! Ngumisi s'ya na parang isang demonyo. Ngising kahit na sino ay hindi magugustuhang pagbigyan ng ganoon. "Isn't it obvious? Of course, what you have watched was true! Oo, pinaglaruan lang kita, Serenity." Malamig na sagot niya. "Bakit mo nagawa sa akin 'to?" Hindi ko na napigilan pa, tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pang sinusubukang pinipigilan. Nag-iwas s'ya ng tingin. "Because I was challenged by your beauty, Serenity. Nakakasawa rin kasing puro mga malalandi yung nakakarelasyon ko that's why when I first saw you, I already set you as my new target. I did everything para lang mapasaakin ka, kahit agawin ka sa sarili kong bestfriend ay ginawa ko para lang masubukan ko ring makipaglaro sa isang baguhang katulad mo." Muli niyang sinalubong ang mga mata ko. "At least, masasabi ko namang nag-enjoy ako kahit papaano sa pakikipaglaro sayo, though you were bit boring sometimes. Eh ngayong napagsawaan na kita, edi hiwalayan na." Nababagot na sagot n'ya. "Pero naibigay ko na ang lahat sayo!" Nanghihina kong sabi. He laughed devilishly. "Exactly! Dahil nga nakuha ko na ang lahat sayo kung kaya't napagsawaan na kita at ayoko na. Sa katunayan, hindi ko nga din lubos akalain na aabot ng one year and a half ang larong 'to, masyado ka pa kasing pakipot! Pero masasabi ko namang worth ang paghihintay ko ng one year para buong-buo kitang makuha." Then he drew his lips near in my ear and whispered me, "kasi ang sarap mo especially that night when we had sex." Pakiramdam ko biglang bumaba ang dignidad ng pagkababae ko dahil sa pambabastos na sinabi n'ya kaya naman awtomatikong lumipad ang palad ko sa kanyang pisngi. Isang malakas na sampal iyon. Napahawak s'ya sa kanyang pisngi. Hindi ko alam ang sasabihin. Matagal na sandali bago niya muling sinalubong ang mga mata ko. I felt some fear because of his dark and cold gaze kaya naman napaiwas ako. Hindi ko na alam pa kung ano ang dapat kong sabihin. "Are you done? Kasi ako tapos na ako sayo, Miss Manrique." Patapos na sabi n'ya then he started to walk away from me. Parang hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang lahat ng nangyari. Para bang namanhid ako bigla. But seeing him walking away made me realize one thing. Mahal na mahal ko nga pala s'ya at hindi ko maaatim na makitang naglalakad s'ya palayo sa akin kaya mabilis na hinabol ko s'ya at walang pakundakang niyakap ko ang kanyang likod ng mahigpit. "No! Ayokong mawala ka sa buhay ko, Joseph! Sobrang mahal kita. I'm willing to forgive you and forget everything. Just say sorry and we will start a new happy life again.. together." Hindi s'ya kumibo. Tila walang balak na magsalita. "Pakiusap naman, mahal huwag mo akong iwan! All my life, ikaw lang ang nag-iisang lalaking minahal ko kaya hindi ko kakayaning mawawala ka. Please, don't leave me. I love you so much, Joseph! I love you." Patuloy ko sa aking kahibangan habang hindi na alintana ang sunod-sunod kong paghikbi. Sa ngayon ay wala na muna akong pakialam kung bumaba na ako nang husto sa paningin n'ya o sa paningin ng lahat. What is important now is not to give him up, to fight for the only one I love this much! Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay kong nakayakap sa kanya at ilang sandali iyong nagtagal roon. Tila nabuhayan naman ako ng pag-asa. Narinig pa ko pa ang marahan niyang pagbuntong hininga. Ngunit pakiramdam ko ay tuluyan akong nadurog nang marahas na niyang tinanggal ang mga kamay ko mula sa pagkakayakap sa kanya. "Break na tayo. Tigilan mo na ako." Huling sinabi niya saka tuluyan na akong iniwan. Kasabay ng pag-alis n'ya ngayon ay ang tuluyan na ring pagkawala niya sa buhay ko. Bumagsak ako sa sahig dahil pakiramdam ko lahat ng lakas ko ay nawalang bigla nang dahil sa sobrang sakit ng pang-iiwan n'ya sa akin. Ang tanging gusto ko na lamang ngayon ay ang umiyak nang umiyak at maibuhos ang lahat. --- Author's Note: It's a daring love story so, alams na haha. Just read at your own risk. Thanks and Godbless :-) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
815.9K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.7K
bc

Love Donor

read
86.5K
bc

Tamed to Be Yours

read
384.9K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The ex-girlfriend

read
138.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook