bc

Seducing the Beast

book_age18+
2.0K
FOLLOW
7.6K
READ
billionaire
revenge
forbidden
aloof
confident
CEO
heir/heiress
office/work place
royal
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Maliit lang ang kinagagalawang mundo nila Charles at Matilda. They belong to a rich society. They met a couple of times because of business. However, their families have been rivals in the business. Simula pa noon sa mga Lolo nila ang hidwaan ng pamilya. Nanatili pa rin iyon sa mahabang panahon at ngayon sa bagong henerasyon magtatagpo ang landas ng bagong CEO ng kilalang banko at CEO ng kilala namang Supermall sa bansa.

Dahil na rin sa negosyo kaya mapipilitan si Matilda na akitin ang isa sa mayayamang binata sa bansa. For her, she doesn’t care about the rift between the two families. Nasa bagong henerasyon na sila at hindi na uso ang magtanim ng galit pero hindi para kay Charles. Lumaki si Charles na may galit sa pamilya ni Matilda dahil sa ginawa nito sa kanilang pamilya noon.

Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon ay matatagpuan niya ang sarili na sumasabay na rin sa agos ng laro ni Matilda. Pag-ibig na nga kaya ang makakapagpabago at puputol sa matagal ng hidwaan ng dalawang mayamang pamilya? Saan aabot ang kanilang paghihiganti at sino kaya ang unang susuko sa dalawa? Will love win, or is it the pride that will take over in the end?

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA: TUWID na tuwid ang aking upo habang inaantay si Don Matias sa waiting area ng sikat nitong Hotel. I came here as I’ve received a call from his secretary last night telling me he wants to talk and help me with our company. Kaya ngayon, maaga pa lang bumiyahe ako para lang pumunta sa Hotel niya sa Pasay. I was in my resthouse in Batangas when I received the call. Problemado ako at ilang linggo na ito. I want to run and go to a place where people can't find me. I couldn't believe that our company that has run for decades is now facing a difficult situation right now. We lost billions because of data breaches. Ngayon, hindi ko alam paano babawiin lahat ng nawala. Matapos pumutok ng balita, nataranta lahat ng business partners and they're requesting to pull-out their stocks. Kinakalampag na ko ng mga shareholders na ibalik na ang pera pero paano ko gagawin kung ibibigay ko sa kanila ay siyang pagbagsak ng tuluyan ng kumpanya. I check all my savings, pati sa kapatid ko maging kay Mommy. Kulang na kulang. Some of our relatives reached out to us and extended their help pero of course, hindi pa din kaya. Lugmok na lugmok ako pero hindi ko ipapakita iyon sa tao dahil may pride ako. Everyone recognizes me to be an elegant and confident Matilda Smith. My mom didn't name me that for nothing. Matilda is mighty in battle according to the Christian religion. Lumaki akong taas ang noo at malakas ang tiwala sa sarili na kaya ko lahat pero ngayon... ngayon ko lang naranasan na manghina. Nabuhayan lang ako ng loob dahil sa offer na tulong ni Don Matias. Nagpasya akong tumayo at inabala ang sarili na tignan isa-isa ang paintings na naka-display doon. Kahit wala akong maintindihan at hindi ko appreciate ang arts inaksaya ko na lang ang oras ko doon dahil masakit na ang puwitan ko sa kaka-upo. "Miss Smith?" Lumingon ako sa pinto kung saan nakasilip ang secretary ni Don Matias. "Nasa office na po si Sir. P'wede na po kayong pumasok," aniya. Hindi ako nagsalita at kinuha muna ang orange na birkin bag bago tuluyang umalis doon. Binuksan ang pinto at nginitian ako ng secretary sabay muwestra sa loob. Pumasok ako do’n at ang bumungad sa akin ay si Don Matias na abala sa pagpirma ng mga papeles sa table nito. Nag-angat siya ng tingin at nginitian ako. "Have a seat!" masigla niyang sabi. Don Matias is a sixty-years old hotel magnate. He is considered as one of the very influential and wealthy in the real estate industry. We haven’t met yet. Iyong anak niyang babae ang palaging present sa mga business and social gatherings. I never thought that this day would come. Iyong ma-me-meet ko siya at siya pa ang tutulong sa akin. I extend my hand to greet him. "It's a pleasure to meet you, Don Matias!" I beamed. Tumayo siya at tinanggap ang aking pakikipag-kamay. Bakas na ang katandan sa kanya pero halata mong sa tindig at awra pa lang ay naghuhumiyaw na ng kapangyarihan at kayamanan. Matikas pa rin sa edad na 60. Tahimik akong umupo at pinasadahan ang buong opisina niya. "You have a nice office," puna ko dahil modern interior ang opisina niya at pumasa sa panlasa ko. Gray and white with a wood accent. Kakaunti lang din ang gamit. It's big, nice and clean. Tumawa siya na tila proud. "Of course, my son is behind all these. He's an architect, you know... top notch during his batch," anito at nahimigan ko ang pagyayabang doon. Tumango ako at ngumisi. I understand. He's a proud father, and he'll probably brag about his son's achievements to everyone. "I like his taste, I might get him once I have renovations for our office," sabi ko. Balak ko kasi talaga na ipa-renovate iyon dahil nga hindi ko gusto ang design ng building. "You'd do that? Sa dami ng nawalang pera you still thinking about renovation?" Nakangisi niyang sabi. Nawala ang ngiti ko pero agad na nakabawi. I smiled at him. "Of course, I'd do everything to save our business. That's why I'm here because your secretary told me you'd lend me some money," diretsyahan kong sinabi. Natulala saglit si Don Matias pero bumulanghit ng tawa. "Such a straightforward, huh? I like your confidence..." he paused. Nagseryoso siya at tinignan ako. Biglang nawala ang awra niya na welcoming kanina. Mukha na siyang tuso. Sabi ko na nga ba. Pagdating sa business, kapag malambot ang puso mo lalamunin ka ng matatagal na at halimaw sa negosyo. Just like my Dad, he may sweet to us but when it comes to work, he's very strict, assertive and passionate businessman. Kaya lang dahil sa katandaan kaya ipinasa na sa akin ang negosyo. Isang taon pa lang ako na umuupo bilang CEO pumalpak na agad ako. "I heard no one wants to invest now? Pinu-pull out na din ang mga stocks. Wala ding bangko ang gusto ng magpahiram?" Pinagsalikop nito ang dalawang palad at pinapanuod ako. What he's up to? Ano bang nakain ng matandang 'to at kailangan pang sabihin lahat ng 'yan sa akin. Gusto ko sanang sabihin iyon pero syempre kailangan ko siya kaya hindi p'wedeng gumawa ako ng dahilan para magalit ito at magbago ang isip niya. "Yes," mahina kong sagot. Tumango ito at naglabas ng cheque mula sa drawer. "I'm willing to lend you 50 billion pesos. Sosobrahan ko na, okay lang ba?" aniya at napasulyap sa akin. Nagulat ako pero kinalma ko ang sarili. Ayokong ipakita na natutuwa ako o hayok ako sa offer niya. Hindi ako ganoong babae. I cleared my throat. Nahigit ang hininga ko ng makitang nagsusulat na siya sa cheque. Totoo nga! This is fucking real! He'll gonna lend me 50 billion pesos! "Terms of payment? Interest?" I asked while looking at the cheque. Ang bilis ng tibok ng puso ko dulot ng excitement. Parang nasagot lahat ng panalangin ko at lahat ng problema ko. "No interest. Terms of payment? Kapag nakabawi ka na. Tsaka mo ko bayaran," aniya na siyang nagpa-angat ng aking tingin. "Sorry?" Nabingi yata ako. Walang interes? Babayaran ko na lang kung makakaluwag ako? This is too good to be true. "Yes," aniya at pinilas ang cheque sa check book. Itinaas para ipakita sa akin. Napatitig ako doon. Iyon ang sagot sa lahat ng problema ko. "But in one condition," aniya. Sabi ko na nga ba! "Makukuha mo 'to ng buong-buo kung kakampi ka sa akin. I want you to do something for me. Make Charles Han to fall in love with you," aniya na parang matagal niya ng pinag-isipan iyon kaya madali lang niyang nasabi sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook