bc

Fatal Destiny

book_age18+
1.1K
FOLLOW
7.0K
READ
dark
forbidden
reincarnation/transmigration
fated
twisted
bxg
humorous
heavy
mystery
school
like
intro-logo
Blurb

Throughout Jessie's Life she had no other desire but to find the person who ruined her. The man whose the reason why she is suffering so much in the present.

Currently, Jessie kept searching for the person she was eagerly waiting for. With the ability to read minds, she went to the mortal world to ascertain their pasts. She has been doing that for more than a thousand years but she still can't find the slightest trace of what happened in her life in the past.

But what if the person she’s looking for is different than she expected?

A man with an inherent charisma and beauty that no mortal woman would dislike? What if Jessie’s plan turns into an addiction?

Will she continue with the plan or will she allow herself the sweetness of temptation.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
"Dahil sa ginawa mong kasalanan, hinahatulan ka ng kaparusahan. Mananatili ka sa mundo ng mga tao sa loob ng isang libong taon o mahigit. Bilang kapalit sa pagkakamali mo'y matutunan mong magpahalaga ng nilalang immortal man o mortal. Maari ka lang makakabalik makalipas ang isang libong taon at iyon ay kung matagpuan mo muli ang taong 'yon. " Yumuko si Jessie. Kasabay ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata ay ang pagluhod niya sa harapan ng kanyang sariling ina- ang reyna sa kaharian ng mga diyos. Hinawakan ni Jessie ang magkabilang paa ng kanyang ina. Patuloy sa pagpatak ang mga luha sa mga mata, tiningala niya ito na animo'y labis ang pagmamakaawa upang huwag siyang hatulan ng kaparusahan. "Ina, maawa ka. H'wag mong gawin ito sa sarili mong anak. Hindi ko kayang mabuhay sa mundo ng mga tao. Mga sakim, sarili lang ang iniisip at walang sapat na kakayahan. Ako'y nangangako na magbabago na," ilang beses humikbi si Jessie para lang kumbinsihin ang ina nitong h'wag siyang hatulan ng kaparusahan. "Kailangan mong pagbayaran ang kasalanang nagawa mo. Kapalit no'n ay ang pananatili mo sa mundo ng mga mortal. Doon, matutunan mo kung ano ang pakiramdam ng maging tao. Bagkos, ika'y hindi ko tataggalan ng kapangyarihan at ito'y mananatili lamang sa iyo ngunit sa tuwing ginagamit mo ito sa masama ay unti-unti itong mawawala sa'yo. " May isang salita ang mga diyos. Bawat salitang kanilang binibitawan ay lahat 'yon kailagan nilang panindigan. Ganoon na lang ba kalaki ang kasalanan nitong si Jessie para parusahan siya ng kanyang sariling ina? Ang mundo ng mga tao ang kahinaan ng mga diyos. Pakiramdam nila'y sa tuwing tumatagal ay parang nanghihina sila. "Ina!" Gamit ang malakas na boses ay pinilit ni Jessie na pigilan ang ina sa gagawin nito sa kanya. Pero walang nagawa si Jessie. Lalo na't ang ina niya ang may gamay ng lahat. Kailangan na lamang niyang tanggapin ang kaparusahan sa kasalanang nagawa niya. Kailangan niya iyong pagbayaran. Kailangan niyang magbayad sa kasalanang kanyang nagawa. Sa loob ng isang libong taong pananatili sa mundo ng mga tao. Kasabay ng malakas na liwanag na biglang bumalot sa buong katawan ni Jessie ay parang dinadala siya nito sa kakaibang dimension. Pumikit ang dalaga dahil sa lakas ng liwanag na umaaligid sa kanyang ngayon. "Inaaaaa!" Sigaw nito ngunit alam niyang huli na ang lahat. Gusto man siyang pagsisihan ang nagawa niyang kasalanan sa mortal na taong 'yon at kumbinsihin ang kanyang ina na kung maari ay bigyan siya ng pangalawang pagkakataon pero hindi niya 'yon nagawa. Lalo na't mas mahalaga para sa kanyang ina ang katungkulan nito sa kaharian. Kasabay ng pagbagsak ni Jessie ay ang pagkawala ng ilaw na umaaligid sa kanyang katawan kanikanina lang. Marahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Isang makapal na gubat ang sumalubong sa paningin ni Jessie. Marahan siyang tumayo saka nilibot ang kapaligiran gamit ang paningin nito. Mundo ng mga tao- ang lugar kung saan malaki ang kaibahan sa kahariang kanyang kinagisnan. Makasarili, sakim at mapanghusga ang tingin ni Jessie sa mga tao. Pero ngayong nandito na siya ay hindi niya alam kung makakaya ba siyang pakitunguhan ang mga 'yon lalo na't ibang-iba siya sa mga ito. Diyos ng kalawakan si Jessie. Ang ina nito ay siyang naghahari sa kanilang kaharian. Taglay ni Jessie ang kapangyarihang karaniwang tinataglay ng mga diyos. Pagbabasa ng isip, pagkontrol ng oras at isipan ng mga mortal na tao at marami pa. "Paano ako mabubuhay sa mundong kailanman ay hindi ako nabibilang?" Wika ni Jessie sa kanyang paghahakbang. Suot ang mahabang sayang suot-suot niya mula sa kaharian nila'y marahang tinahak ni Jessie ang daanang hindi pamilyar sa kanya. Kaya lang naman niya nagawa ang bahay na 'yon sa mortal na yaon dahil siya ang mortal na taong 'yon mismo ang may sala. Kung tutuosin ay tama pa nga ang ginawa ni Jessie gayong binigyan lang naman niya iyon ng aral. Pero hindi hindi inakalang mauuwi sa kamatayan ang kaparusahang ibinigay niya sa taong mortal na 'yon . Ngsisisi ang dalaga. Walang sinumang diyos ang hinangad na mananatili sa mundo ng mga tao. Kailanman ay hindi pangarap ni Jessie na tumira sa mundong ito lalo na sa ganoon kahabang panahon. Isang libo? Paano na niya malalagpasan ang panahong 'yon? Sariwang hangin ang nalalanghap ni Jessie sa paglilibot ng kagubatan. Walang ibang ginawa si Jessie kung hindi ang lumikha ng ulan sa tuwing nababagot siya at kidlat kapag naiinis siya. Kontrolado niya ang lahat sa kalangitan dito sa mundo ng mga tao. Makalipas ang ilang daang taon ay umaasa pa rin si Jessie na balang araw ay magbabago ang pasya ng kanyang ina. Na balang araw ay may susundo sa kanya rito para pabalikin sa kaharian kung saan siya nararapat na manatili. Ngunit alam niyang hindi na magbabago ang pasya ng kanyang ina. Siguro kailangan na lang niya talagang tanggapin ang kaparusahang hinatol sa kanya mula sa kanyang ina. Kailangan niyang mabuhay sa mundo ng mga tao. Makisalamuha sa mga taong makasarili, mapanghusga at walang kakayahang kontrolin ang mga bagay bagay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
397.6K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
402.6K
bc

That Night

read
1.1M
bc

Love Donor

read
85.8K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
63.5K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
314.9K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
310.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook