bc

Akin Ka Na Lang, Please

book_age16+
613
FOLLOW
2.0K
READ
billionaire
friends to lovers
CEO
bxg
humorous
lighthearted
others
tricky
like
intro-logo
Blurb

Girl best friend. Iyan ang turing ni Ace Miguel Zuniga kay Arianne Haresco. Taga-bugaw ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Substitute date sa mga company events ng pamilya niya. Pretend girlfriend din paminsan-minsan.

Pero habang tumatagal, hindi na lang girl best friend ang nararamdaman ni Ace para kay Arriane. Kahit pilit niyang ipinaparamdam iyon kay Arianne, tila naman naglalagay ng pader ang dalaga para hindi niya ituloy ang balak niya. Pero paano kung malaman niya ang lihim na matagal nang itinatago ng dalaga sa kanya? Mamahalin pa rin kaya niya ito?

*** Kuwento ng pag-ibig ng mga anak nila Chad, Klarence, Judd at Adam ng HUNK SERIES. Subaybayan natin ang kanilang paglaki at mga kuwento dito sa HUNK SERIES NEXT GEN.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Arianne!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng tawag. Nakita ko ang kumakaway na si Riva sa akin. Binalingan ko iyong staff sa tabi ko. "Okay na, Miss. Nakita ko na 'yung friend ko," nakangiting sabi ko sa kanya. Nginitian ako nito, "Enjoy your meal, Mam!" sabi nito sa akin, sabay bahagyang yumukod. Pumaling ako sa gawi ng mesang kinauupuan ni Riva, at saka nag-umpisa nang maglakad papunta doon. "Oh? Hindi ka pa nag-order?" tanong ko sa kanya pagka-upo ko. Malinis pa kasi iyong mesa. "Kanina pa. Baka isi-serve na rin 'yun," sagot sa akin ni Riva, na lumingon pa sa gawi ng counter nitong restaurant. "Himala! May time kang mag-lunch out ngayon..." tila nang-aasar na sabi sa akin ni Riva. Bahagyang tumaas ang isang kilay ko. Ano'ng pinagsasasabi nitong babaeng 'to? "Baliw! Lagi naman akong nagla-lunch out. Alangang hindi ako kakain." "Ay, mali pala ang sentence ko. I mean, may time kang mag-lunch out ngayon kasama ako. Oftentimes kasi, ang guwapong si Ace Zuñiga ang kasama mo laging kumain sa labas," sagot ni Riva, na may kasama pang pagkindat. "Ahh. 'Yun ba?" tanging sagot ko, at saka ako nagkibit-balikat. Alam ko naman kasing may ibang ibig ipahiwatig si Riva sa mga salita niya. "Kayo na ba?" follow-up na tanong nito, na may nakakalokong ngiti na may kasama pang pagdukwang sa mesa. Inirapan ko si Riva. "Hello??! Malabong maging kami. Magkaibigan lang kami ni Ace. " "Really? Parang hindi naman kapani-paniwala... ang isang yummy at playboy na Ace Zuñiga? Kaibigan lang ang turing sa isang magandang katulad ni Arianne Haresco?" "Excuse me? Aware ka namang walang siniseryoso ang isang Ace Miguel Zuñiga. Ikaw na nga ang nagsabi, isa siyang palyboy, at ayaw kong mabiktima niya." Tamang-tama naman na dumating na ang mga inorder ni Riva, kaya tahimik lang muna kami habang inilalapag ang mga iyon sa mesa namin. "So, kung ayaw mo naman magpalaway kay Papa Ace, ako na lang ang ireto mo sa kanya!" tila kinikilig na sabi ni Riva nang tumalikod na iyong waiter. Pinandilatan ko ito ng mga mata. "Riva! 'Yang bibig mo! Walang ka-finesse-finesse! Parang hindi ka mayaman kung magsalita." Inirapan ako nito. "Sus! Para 'yun lang ang sinabi ko... mas lalo na siguro kapag niroromansa na ako ni Papa Ace! Baka mas masahol pa dun ang masabi ko!" "Riva! Lower your voice!" Nagpalinga-linga ako sa mga katabi naming mesa. "Kumain ka na nga! Ako ang nahihiya sa mga sinasabi mo. Ka-babae mong tao..." Bahagya itong natawa. "What? Don't tell me, hindi pa kayo nagkatikiman man lang ni Papa Ace?" "Of course not! Bakit ko naman gagawin 'yun? Magkaibigan lang kami. Period," sagot ko kay Riva, habang kumukuha ako ng mga ulam sa mga nakahain sa mesa at inilalagay sa plato ko. "Sus! Pwede naman 'yun... friends with benefits!" Ako na ang sumandok ng mga pagkain, at saka ko inilagay sa plato ni Riva. "Hindi ba gutom ka? Ayan. Kumain ka na. Hindi 'yung kung anu-anong sinasabi mo diyan." Nang biglang mag-ring ang phone ko, na nakapatong sa mesa. Ace calling... This time, tumawa uli si Riva. Mas malakas ngayon, kaysa kanina. "Oh, ayan na 'yung friend mo with benefit. Mukhang na-miss kang kasama sa lunch." Wala akong nagawa kung hindi umiling na lang. Ano na naman kaya ang kailangan ng Ace na 'to? Hindi ko dinampot ang telepono, sa halip ay inilagay ko lang ito sa speaker mode. "What now, Zuñiga?" inis kong bati sa kanya. ["Babe... sunduin mo ko dito. Promise... hindi na ako kakain sa labas na hindi ka kasama."] Napataas bigla ang isang kilay ko sa narinig ko mula kay Ace. "Aw... ang sweet..." mahinang sabi ni Riva. Napatingin ako kay Riva nang marinig ko iyong sinabi niya. Pinanlakihan ko ito ng mga mata, at saka sinenyasan na huwag siyang maingay. Nagbunga ako ng hangin, bago sumagot kay Ace. "Suits you. Hindi ka makuntento sa iisang babae." Nasanay na ako kay Ace. Kapag ganito ang mga linyahan niya, for sure, may kasama itong babae na ayaw na naman sigurong humiwalay sa kanya. ["Babe, sorry na. Alam mo namang hindi ako mabubuhay ng wala ka. Let me ammend. Where are you now? Pupuntahan kita."] Nakita ko naman si Riva na nagsa-silent talk ng "Omg! Omg!" na may kasama pang patirik-tirik ng mga mata. Kapag ito natuluyang tumirik ang mga mata, ewan ko lang.... "I am eating with a friend," walang emosyon kong sagot sa kanya. ["Babe? I hope that friend of yours is a 'she'. Cause if you're with a male friend now, God forgive me for what can I do with him."] "Ihhh..." Pinandilatan ko uli ng mga mata si Riva. "Ace, I'll hang up the phone. Kung aalis ka na diyan, umalis ka na. Iwanan mo na kung sino mang kiriray na babae ang nandiyan. Hindi 'yung sinasayang mo ang oras ko." Iyon lang at pinatay ko na ang tawag. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain. "May friend ba na 'babe' ang tawag?" nakangiting tanong ni Riva sa akin. "Hay naku! Huwag mong pansinin 'yung si Ace. For sure, meron na namang gustong takasan na babae iyon kanina sa tabi niya, kaya pagpapanggap lang ang lahat ng narinig mo. Kumain ka na, para matapos na tayo. I need to go back to the office." "So, to the rescue pala ang pretend girlfriend..." Nagkibit-balikat lang ako sa sinabi niya, at saka ipinagpatuloy ang pagkain. "Bakit kasi hindi pa totohanin?" Hindi pa rin tumigil si Riva sa panunukso sa akin. Pinaningkitan ko ito ng mga mata. "Pwede ba, Riva? How many times will I tell you na hindi kami talo ni Ace?" Pero ang bruha, tumawa lang. "Okay, kung ayaw mo kay Ace, ilakad mo na lang ako." Tumaas ang isang kilay ko. Seryoso ba itong babaeng 'to? "At bakit ko naman ipapahamak ang kaibigan ko sa isang babaero at papali-palit ng babae na tulad ni Ace Zuñiga? Marami pang ibang lalaki diyan, Riva. Pwede ba? Huwag na si Ace." "Sus! Ang sabihin mo lang ayaw mo lang talaga ipamigay sa iba si Ace. Gusto mo, sa 'yo lang," ayaw magpatalo na sabi ni Riva, na may kasama pang pag-irap. "Eww! Kung si Ace din lang, magpakatandang dalaga na lang ako. Tigilan mo na kakatukso sa akin, or else, ikaw ang magbabayad ng lahat na 'yan na inorder mo." Pinatunog seryoso ko ang boses ko, para isipin ni Riva na tototohanin ko talaga ang sinabi ko. "Okay, fine... Eh, di tumigil. Ang pikon nito." Ako naman ang napangiti. Sa wakas, matatahimik na rin ang tenga ko sa pangalan ni Ace. TAPOS na kaming kumain ni Riva, at nakapagbayad na rin ako. Isinisilid ko na iyong credit card ko sa wallet ko nang biglang may humawak sa bewang ko, at saka bumulong sa tenga ko. "I miss you, babe." Sa amoy pa lang ng pabangi niya ay kilala ko na kung sino ito, pero nilingon ko pa rin siya. Iyon ang pagkakamaling ginawa ko, dahil halos magdikit na ang aming mga mukha sa lapit namin. Konting galaw ko nga lang ay baka magdikit na ang aming mga labi. Narinig kong tumikhim si Riva, kaya awtomatikong napaatras ako sabay bahagyang tulak kay Ace. "Ano'ng ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "Sinusundo ang girlfriend ko," confident na sagot ni Ace. Iyong nakakunot na noo ko ay lalong nagdikit sa isinagot niya. "Excuse me, Ace. Hindi na tayo nagpapanggap. So drop the 'babe', and the sweetness. Paano mo nalamang nandito ako?" iritadong sabi ko sa kanya. Pero ang hudyo, tila hindi man lang naapektuhan. Ngumiti pa ito sa akin. "Aw... huwag ka nang magtampo, babe. I have my own ways para mahanap kita. Tara na, ihahatid na kita sa office mo. Tapusin mo na ang dapat mong tapusin. Then I will pick you up at five pm. May event mamaya sa office namin. So you will be my date later." Kumindat pa ito sa akin. "What?? Excuse me? I do not remember that I said yes to you." Binitiwan ni Ace ang hawak niya sa bewang ko, at saka umupo sa katabi kong silya. Tinitigan ako nito. "Ahhh, babe... alam ko namang hindi mo ako matitiis..." may pakurap-kurap pa ang mga matang sabi nito, at saka pinahaba pa ang kanyang nguso. Bigla kong naalala na nasa harapan nga lang pala namin si Riva, kaya napalingon ako dito. Ang bruha, halos pigilan ang kanyang pagngiti sa amin ni Ace. "May nakakatawa, Riva?" Nakataas ang isang kilay ko dito. Umiling si Riva. "Ang sweet n'yo kasi." Lalo tuloy tumaas pa ang kilay ko. Sweet? Saang parte? "Bagay ba kami?" singit naman ni Ace na tanong kay Riva. Sunod-sunod na tumango si Riva. "Bagay na bagay!" Malapad ang ngiti nito, pagkatapos sabihin iyon. Tingnan mo itong bruhang 'to! Kani-kanina lang ay pinipilit ako na ireto ko siya kay Ace, ngayon naman ay nakikisama pa siya kay Ace sa pambu-bully sa akin. Minsan, nagsisisi ako kung bakit nakipaglapit pa ako kay Ace Miguel Zuñiga. Right! He will be the death of you, Arianne Haresco. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
70.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook