bc

La Aspin Sangre: Seri and Dwhite

book_age16+
36
FOLLOW
1K
READ
revenge
friends to lovers
drama
bxg
mystery
werewolves
pack
sentinel and guide
weak to strong
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Tumakas pa si Seri Natalia Flenzier mula sa pack, at mag-isang pumunta sa bayang kaniyang pinagmulan, ang Flenzieras, upang iligtas lamang ang kaniyang pamilyang nagpapanggap lang palang nanganganib.

Sa gitna ng paglalakbay ay nakilala niya ang isang puting kapwa werewolf na si Damon White "Dwhite" Castro. Muntik na itong sumuko sa buhay at magpakamatay nang kaniyang madatnan. Niligtas niya ito at naging katuwang patungo sa kaniyang bayan.

Subalit, labis ang pagsisisi ni Seri sa kaniyang ginawang pag-iwan sa pack at sa kaniyang tungkuling bilang sentinel dito. Sapagkat doon na lamang niyang natutuhang sila pala ang tunay na nanganganib. At si Dwhite na unti-unti niya nang minamahal ngunit walang ka-alam-alam sa pakikipaglaban—O wala nga ba?—ang tangi lamang niyang pag-asa.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
SERI NATALIA FLENZIER Masaya kaming naglalakbay pauwi galing sa isang matagumpay na misyon. Kasalukuyang nagkukulitan kaming tatlo ni Dey-Dey, ang aming luna, at ni Magenta Montana, ang hinahangaan kong kasamahan dahil sa talino at angking talento nito sa paggawa ng mabisang gamot na talagang importante tuwing nakikipaglaban kami. Abot tainga ang aming mga ngiti habang tinatahak ang daan pauwi. Malaking pasasalamat namin sa aming malakas na alpha na si Aaron Sandoval, at sa aming palaban at maabilidad na luna na si Desiree Melancholy. Well, mas komportable kaming tawagin siyang Dey-Dey. Nang makarating na kami sa aming teritoryo, isang sensasyon ang bumalot sa sistema ko. Pamilyar iyon, at para sa akin ay hindi maganda ang kahulugan; may nangyaring hindi kaaya-aya. Mabilisan kaming pumasok sa loob. Nilingon ko si Dey-Dey at si Aaron. Pero mukhang wala naman yata silang napapansing mali sa atmosphere. Mukhang excited nga talaga silang ipaalam sa lahat ang matagumpay na misyon. Ngunit, nangunot ang noo ko nang makarinig kami ng malakas na paghagulhol sa loob ng silid ni Baby Nix, ang anak ng alpha at luna. “Dane? Astraeana?” pagtawag ni Dey-Dey sa dalawang kasamahan namin na naiwan rito sa kampo at naatasang magbantay sa sanggol. Sumunod ako sa alpha at luna na nagmamadaling pumasok sa hindi tuluyang nakasarang pinto ng silid ni Baby Nix. Nang tuluyan na kaming makapasok, agad naming namataan ang dalawa naming kasamahan. Duguan, maraming pasa, nanginginig, umiiyak, at nagmamadaling lumuhod sa harapan ng luna at alpha nang makalapit sila sa kanila. Napaawang ang aking bibig. Parang nag-glitch ang sitwasyon, at biglang huminto ang oras. Isang bangungot ang aming nadatnan. Ramdam ko ang unti-unting paguho ng mundo naming lahat nang makitang wala na ang sanggol sa crib nito, at tanging bahid na lamang ng dugo ang naroon. “Aaahhh! Ang anak ko! Nasaan ang anak ko?” sigaw ng luna, nanginginig at hindi mapakaling nakatingin sa dapat na hinihigaan ng sanggol. “D-Dey—” hindi na nakapagpatuloy sa pagsasalita si Dane Lycaon, isa sa aming kasamahang naatasang magbantay, nang mabilisan siyang sinakal ni Aaron. “What the f*ck happened, Dane!” sigaw ng alpha kay Dane. Mangiyak-ngiyak rin ang kasamahan naming nagngangalang; Astraeana Jane Williams, na nagpaiwan din dito sa aming teritoryo upang magbantay. “Pakiusap, patawarin n’yo kami. Patawad po. Hindi namin nalabanan ang kumuha sa anak ninyo. Patawad kung hindi ko siya na protektahan. Patawad kung hindi naging sapat ang lakas ko—” Isang malakas na sampal galing kay Desiree ang pumutol sa mga salita ni Astreana. “Ang anak ko! Ang anak ko!” paulit-ulit na pagsisigaw ni Desiree na tila nababaliw, kinakapa ang duguang higaan ng nawawalang sanggol. Napaigtad ako ng tayo nang biglang bumagsak sa sahig si Dane. “Argh!” “Mga wala kayong silbe!” bungad ni Aaron, at kinuwelyohan si Astreana. “Anong ginawa ninyo? Sino ang gumawa nito?” Bakas sa mukha at boses ng alpha ang pagkasindak at hindi makapaniwala sa nangyari. “H-Hindi po namin alam. M-Masiyado p-pong mabilis ang naging kilos ng k-kalaban—aaahhh!” Isang malakas na suntok mula sa alpha ang agad na tumama sa mukha ni Astreana, dahilan upang tumilapon siya sa sahig. “H-Hindi po lobo ang kumuha kay Baby Nix. Iyon lang po ang alam namin,” pagpapatuloy na pagsasalita ni Astreana, kahit na nangangapos na ang kaniyang paghinga. Napapikit din siya kaagad nang makita ang matatalim na tinging mula sa Alpha at Luna. Isang kathang-isip ang sumanib sa utak ko. So, ibig sabihin, maaaring halimaw iyon, o isang diwatang may taglay na gumawa ng mahika o sumpa. Walang duda na malalakas ang mga kasapi ng aming pangkat. Kaya kung sakaling hindi sila nakapanlaban sa umatake sa kanila, dumukot at kumain sa sanggol, tiyak na talagang malakas ang kalabang sumalakay sa aming teritoryo. Napatingin ako sa duguang higaan ng sanggol. Kahit isang hibla ng buhok ng bata ay wala nang natira. Wala na ang anak ng alpha at luna—ang rason ng kanilang pagiging matatag. Saksi ang aming pack kung paano kami nabuo sa pamamagitan ng pagiging matatag sa bawat isa ng alpha at luna. Binuo kami ng pagmamahal, tiwala, sakripisyo, at katapatan sa isa't isa. Kaya hindi na ikabibigla kung ano man ang magiging desisyon nina Desiree at Aaron sa aming pangkat. Maaaring palayasin niya kaming lahat at ibuwag ang aming grupo, o magsanib-puwersa kaming harapin ang aming kalaban. Katahimikan ang sandaling bumalot sa aming paligid, walang nagsasalita. Napalingon ako sa dalawang kasamahan namin na naatasan sa pagbabantay ng sanggol. Kita sa kanilang mga mata ang takot, pagiging guilty sa kanilang kapabayaan, pagkabigo, at pagkataranta na rin. Nanatili akong tahimik sa gilid habang naiyak sa situwasyon. Masyadong inosente ang dugo ng batang iyon para maranasan ang ganoong pangyayari sa buhay niya. Hindi siya ipinanganak upang maranasan ang ganitong situwasyon. Kasalanan ko rin ito dahil hindi ko binilisan ang aking kilos. Kung maaga lang siguro naming natapos ang laban, marahil ay naabotan pa namin ang mga kalaban dito, at matulongan ko pa silang ma-iligtas ang bata. Simula noong mapabilang ako sa clan ng La Aspin Sangre, palagi nila akong tinutulongan sa tuwing ako ay napapaaway sa labas. Hindi nila ako trinato na isang alipin o sunod-sunoran lamang. Kaya isang malaking kahihiyan para sa aking sarili kung hindi ko magawa nang maayos ang aking trabaho. Handa akong i-alay ang aking buhay para sa pack, at iyon ang aming kasunduan bago pa man ako tuluyang mapabilang sa aming pangkat. Kung ano man ang magiging desisyon ng alpha at luna ngayon ay gagawin ko ang lahat upang magawa ko nang maayos ang aking tungkulin. Bilang isang sentinel ng pack, wala akong ibang minimithi, kung hindi ay ang mabantayan nang maayos ang aming pack. Since sinama ako ng alpha at luna sa pakikipaglaban, hindi ko nagawa ang tungkulin ko rito sa aming teritoryo. Nagawa ko ngang maging backup sa labanan namin doon, hindi ko naman maiwasang sisihin ang aking sarili dahil sa hindi ko nabantayan ang teritoryo namin—na siyang ang talagang tungkulin ko rito. Kahit pilit kong isiping iisa lang ang katawan ko, at hindi ko mahati ang aking sarili, alam kong may bahid parin ako ng dugo ng inosenteng sanggol na iyon. Kaya simula sa araw na ito, mas magiging matatag na ako. At hinding-hindi ko na hahayaan pang maulit pa ito. Maya-maya, pag-iyak, sigawan, at sisihan ang maririnig sa loob ng silid. Kaniya-kaniyang paninisi sa bawat sarili, at paghingi ng kapatawaran sa alpha at luna ang bukang-bibig nina Dane at Astreana. Bakas sa mukha ng alpha at luna ang hindi parin nito pagkaka-get over sa pangyayari, pagkadismaya, at hindi matutumbasang galit. Ang kaninang matagumpay at masayang damdamin ay napalitan ng labis na kagalitan at panlulumo. Napadausdos ako sa sahig, napapikit, at napatakip ng aking mukha. Maski ako ay hindi rin makapaniwala. Panaginip lang ito, hindi ba? Panaginip lang ito, eh. Bukas paggising namin, makakalimutan din namin ito. Pero hindi. Totoo ito. Hindi ito panaginip, Seri! Natigilan kaming lahat at napatingin kay Dane. Habol ang hininga niya, at pilit na tumayo. Nanginginig siyang humakbang papalapit sa direksyon ng alpha. Naalerto ako sa ginawa niya. Mabilisan akong napatayo at akmang lalapit sa kaniya, upang mapigilan siya sa pag-aakala kong gaganti siya ng suntok sa alpha at susugurin kami. Ngunit napahinto rin ako sa paghakbang nang bigla siyang humikbi. “Patawarin niyo po ako,” halos pabulong na wika niya. Nagulat kami nang bigla siyang tumakbo palabas ng silid. “Dane!” pagtawag ko sa kaniya. “Dane? Saan ka pupunta?” nag-aalalang tanong naman ni Astreana. Rinig ko ang mabibilis niyang mga hakbang. Nag-anyong lobo siyang tumakbo palabas ng kampo namin. Tanaw-tanaw ko siya mula rito sa bintana. Halatang wala sa tamang huwisyo ang paraan ng kaniyang pagtakbo. Tinawag ko ulit siya, ngunit hindi man lang siya natinag doon. “Dey, Sir Aaron.” Nilingon ko ang alpha at luna, ngunit pati sila ay mukhang wala nang lakas upang pigilan si Dane. Hindi ko sila masisisi. Kahit ako rin ay bugbog sirado pa mula kanina. Kaya marahil ay hanggang isip na lamang nilang tinatawag si Dane. Nilingon ko ulit si Dane. Unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko. Walang lingon-lingon niya kaming iniwan sa loob. At simula sa araw na iyon, hindi na siya bumalik pa sa pack. Nag-aalangan akong lumapit sa luna at niyakap siya. Ngunit nang niyakap niya ako pabalik, gumaan din ang loob ko. Nagsisimula na namang umiyak si Dey-Dey. Mahigpit niya akong niyakap, at ganoon din ako sa kaniya, pabalik. Natanaw ko ang duguang kuna ni Baby Nix, kasabay ng pagsanib sa aking isipan ang munting mga ala-ala na meron ako sa batang makulit na iyon. Napapikit ako kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha. Pasimple ko ring nilingon si Astreana na tahimik na umiiyak, pasipat-sipat sa bintana. Tumikhim ako upang mawala ang bumara sa aking lalamunan. Inanyayahan ko ang luna at alpha na magpahinga na muna kahit marahil ay mahirap na gawin. Habang iprinesinta ko naman na kaming dalawa ni Astreana ang maglilinis sa silid ni Baby Nix. Nang pumayag si Desiree at Aaron, at lumabas na, doon ko na niyakap si Astreana. “Seri, wala akong silbeng taga-pagbantay.” Napahagulhol siya habang mahigit na nakakapit sa akin. Hinahaplos ko ang kaniyang likod. “Hindi totoo iyan, Astreana. Huwag kang mag-isip ng ganiyan. Pero sa ngayon, intindihin muna natin ang mga nabibitawang salita ng alpha at luna.” Umiling siya at kumawala sa pagkakayakap. Pilit ko siyang nginitian. “Astreana, puwede mo bang makuwento sa akin ang nangyari?” Tumango naman siya at umupo sa sahig. Inabot niya ang kamay ko at mahigpit niyang hinawakan iyon. Nagsisimula na siyang magsalita, at ako naman ay tamang nakikinig. Sa totoo lang, hindi talaga nagsi-sink in sa utak ko ang kuwento niya. Pero ang tanging naiintindihan ko lang ay ang huling panayam niya. “Nagbitaw ng salita ang pumatay kay Baby Nix. Aniya, kulang pa raw ang bata para sa kasalanang ginawa ng pamilya ni Sir Aaron sa pamilya niya. Kaso hindi ko na nakita ang totoong wangis ng kumuha sa bata. Ang bilis niyang makaalis matapos masubo niya na ang bata.” Kinilabutan ako roon, pero hindi na ganoon ka nakakapag-react ang katawan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.6K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook