bc

The Legal Mistress

book_age18+
135
FOLLOW
1K
READ
billionaire
forbidden
mistress
drama
bxg
city
cheating
like
intro-logo
Blurb

Isang babae na nagmahal sa maling tao at maling pagkakataon.

Pilit man pigilan ang damdamin, pag-ibig pa rin ang mananaig.

Isang lalaki na naiipit sa pagmamahal ng nakaraan at kasalukuyan.

Sino ang pipiliin? Sino ang palalayain?

Mga puso na pinagtagpo-tagpo;

Kaninong pag-ibig ang mananaig?

Maaari ba na maging tama ang pag-ibig na sa una pa lang ay alam nang mali?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Good morning, hon, wake up.” Nagising ako sa malambing na tinig na aking narinig at mga halik na iginagawad sa aking labi at pisngi. Agad ako na napangiti, kahit na patuloy na nakapikit. “Gising na, hon, tanghali na.” “Hmm? Maaga pa. Mamaya na lang.” sagot ko sa kanya. “Wake-up, sleepy head. Tanghali na. Gumising ka na.” muli na pangungulit sa akin. “Later. Antok pa ako.” sagot ko sa kanya. Nagulat na lamang ako nang pangibabawan niya ako kaya agad ako na napadilat. “Troy!” sigaw ko. “What? Ayaw mo gumising eh. Ito ang alam ko na magpapagising sa iyo, pati sa akin.” Muli niya na idinampi ang labi niya sa aking labi. Pilit ko siya na itinutulak ngunit lalo lamang niya diniinan ang paghalik sa akin. “Troy, hmp. Morning breath.” Pagsasalita ko pa sa gitna ng mga halik na iginagawad niya sa akin. “I don’t care. I like kissing you. Every hour of every day.” Tumigil siya sa paghalik at matiim siya na tumitig sa akin. Hinimas pa ang pisngi ko at marahan na hinalikan ako sa noo. “Let’s go.” pagyaya pa niya sa akin. “Saan?” nagtataka na tanong ko naman. “Saan pa? Eh 'di sa banyo. Halika na at maligo na tayo.” “Hmp, ayaw ko. Ang aga-aga pa eh. Tsaka pinagod mo kaya ako kagabi.” Kunyari na pagsisimangot ko pa. “I missed you.” Malambing na bulong niya sa aking tainga. Agad naman ako na kumunyapit sa leeg niya at marahan na bumulong din sa kanyang tainga. “Mas lalo kitang na-miss.” “Miss mo ako, 'diba? Tara, sabay na tayo maligo.” natatawa na sabi pa niya. “Perv. Ang aga-aga ang hilig.” “Dapat sinusulit natin ang bawat oras, hon.” Napatigil ako sa kanyang sinabi. Nawala ang mga ngiti sa aking labi. Gustuhin ko man ay laging parang laging kulang ang bawat oras sa amin dalawa. Minsan napapa-isip na rin ako. Hanggang kailan kaya kami ganito? Hanggang kailan ako makikiamot sa kung ano lamang ang kaya niya na ibigay sa akin? “Rave?” tawag niya sa akin. Pilit ako na ngumiti pabalik, “Sige na maligo ka na.” “Sigurado ka na ayaw mo sumabay?” maloko na tanong niya. Agad naman ako na umiling sa kanya atsaka siya ipinagtulakan sa direksyon ng banyo. “Bahala ka, hon. Kapag magbago ang isip mo, sunod ka nalang.” Kumindat pa siya saka tuluyan na iniwan ako at dumiretso sa banyo. Ito ang buhay ko. Ako si Raven De Ocampo, at ako ay isang kabit. I am a mistress, and I am not proud of it. Pero wala akong magawa. Wala akong magawa dahil nagmamahal lamang ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng lalaki sa mundo sa lalaki na may asawa at nagmamay-ari pa tumibok ang puso ko. Ayaw ko na mahusgahan. Ayaw ko na maalipusta. Ayaw ko na maparatangan. Pero wala akong magagawa. Walang sapat na eksplanasyon kung bakit ako narito. Walang tamang dahilan kung bakit ako pumasok sa relasyon na ito. Iisa lang ang alam ko. Nagmahal ako, nagmamahal ako at patuloy ko siya na minamahal sa kabila ng kaalaman na mali ang pag-ibig ko. Si Troy ang buhay ko. Hindi ko kaya na mawala siya sa akin. Kung kaya’t kahit alam ko na mali, pilit ko na pinapangatwiranan ang aking nagawa. Hindi ko kaya na papiliin si Troy dahil alam ko na matimbang ang pagmamahal niya sa kanyang asawa. Isa akong tanga. Martir sa pag-ibig. Ang pinaninindigan ko na lamang ay ako ang nauna. Nauna ako na makilala si Troy. Nauna kami na naging magkasintahan pero sa huli ay kay Ivory siya napunta. “Hon?” Hindi ko namalayan ang paglabas ni Troy sa banyo dahil sa muli ay naiisip ko na naman ang sitwasyon namin. “Hmm?” Sinulyapan ko siya at tinitigan lamang niya ako. Bumuntong-hininga siya at naglakad papalapit sa akin sa may kama. Tumabi siya sa akin at yumakap. “Troy, you’re wet. Magpunas ka nga.” “Hon,” seryoso niya na tawag ulit. “Ha?” Pilit ako na ngumingiti kahit na nag-uumpisa na naman na maghumiyaw ang puso ko. Nagsisimula na naman ang sakit na aking nararamdaman. “I’m sorry.” bulong niya sa akin. At ang dalawang salita na iyon ang tuluyan na nagpaguho sa lakas na pilit ko na pinapakita sa kanya. Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng aking mga luha. Marahan niya na pinunasan ang bawat patak ng mga iyon. Kinabig niya ako palapit sa kanya at mahigpit na yumakap sa akin. “I’m sorry, Rave. Alam ko na nasasaktan ka na at hindi ko sinasadya na saktan ka. I love you, hon.” Napahikbi ako lalo nang marinig ang mga salita na iyon. Lalo ako na nahihirapan. Lalo ako na napapatanong sa aking sarili. Mahal niya ako pero bakit hindi puwede na maging kami? Bakit ako ang nakikihati? Bakit hindi puwede na ako na lang? Bakit hindi maaari na sa akin na lang siya? “Raven, mahal na mahal kita.” muli niya na bulong sa akin. “Yeah, alam ko. Mahal mo ako, hindi nga lang kasing laki ng pagmamahal mo kay Ivory.” “Hon, napag-usapan na natin ito, diba? Please, hon.” Agad ko na pinunasan ang mga luha na patuloy na pumapatak sa aking mata. Sasayangin ko pa ba ang natitira na sandali na kasama siya para lamang mag-away kami? Napabuntong-hininga na lamang ako sabay pilit na ngumiti ng matamis kay Troy. “I’m okay, hon. Huwag na natin pag-usapan. Ayaw ko na magtalo pa tayo sa natitira na oras na mayroon tayo na magkasama.” Pagkasabi ko ng mga salita na iyon ay sumilay ang ngiti kay Troy. Hinimas pa niya ang pisngi ko bago ako muli na hinalikan sa labi. “Bangon ka na riyan. Naghanda ako ng almusal.” Tumango na lamang ako saka tuluyan na bumangon sa kama at dumiretso sa banyo para makapag-ayos. Troy is everything any woman can ask for. Mayaman, guwapo, romantiko, maalaga. Kaya hindi nila ako masisisi na patuloy na mahulog sa kanya. Nakikihati man ako ay pilit naman niya na pinaparamdam sa akin kapag magkasama kami na sa akin lang siya. Pero patuloy pa rin ako na umaasa at nangangarap, na isang araw ay buong-buo ko na makukuha ang pagmamahal ni Troy. At patuloy ako na mangangarap na paggising ko isang araw, hindi na ako isang kabit. “Hon.” “Palabas na, hon.” Agad ako na lumabas ng banyo upang matunghayan ang nag-aalala na mukha ni Troy, “May problema ba?” “Hon, pasensya na hindi na ako makakasabay mag-almusal sa’yo. Tumawag na kasi si Ivory.” Tumango naman ako at akma na tatalikuran siya para lumabas ng kuwarto nang agad niya ako na hinawakan sa braso. “Hon, sorry.” “Parati ka na lang ba magso-sorry? Alam ko, Troy. Alam ko kung saan ako lulugar sa buhay mo. Ako ang nakikihati kaya wala akong magagawa kung kailangan ka na niya. Pasalamat pa nga ako na may oras ka pa para sa akin. Naiintindihan ko, hon, kaya okay lang ako.” “I’m sorry, hon. Bawi ako sa’yo. Pangako.” Pagkasabi niyon ay hinalikan niya ako muli sa labi bago nagmamadali na lumabas ng kuwarto. At sa muli naiwan ako na luhaan. Naiwan ako na nasasaktan nang dahil sa isang mali na relasyon at pagmamahal na mayro'n ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook