bc

Loved You First (Tagalog)

book_age0+
24.0K
FOLLOW
253.7K
READ
possessive
second chance
arrogant
badboy
boss
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Womanizer Series 3: Loved You First

Sa lahat ng mga lalaking nakilala ni Lizette ay si Zach lamang ang pinakaiiba para sa kanya. Hindi naman Alien si Zach pero iba ang paningin ni Lizette lalo na kapag silang dalawa lang ni Zach ang magkasama. Sa katunayan ay gwapo si Zach. Lahat na nga yata ng gusto niya sa mga lalaki ay na kay Zach na. 'Yun nga lang may itinatagong kalokohan si Zach na talaga namang kinaiinisan lagi ni Liz. May pagka-isip bata rin ang loko na siya namang naging dahilan para mas lumalim ang pagmamahal ni Lizette kay Zach.

Pero, paano kung may dumating? Paano kung may mawawala?

May babalik ba? O may babalikan pa ba?

chap-preview
Free preview
Simula
"Bakit ba ayaw mong maging bayarang babae? Maganda ka naman, sexy at saka tiyak akong maraming parokyano ang babalik-balik dito kapag nagkataon.." napatungo ako sa sinabi ni Ma'am Elaine. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa club ngayon bilang waitress. Matagal na akong nagsisilbi sa club na ito. "Okay na po ako sa trabaho ko ngayon Ma'am.." "Bahala ka, Marami naman kasing lalaki ang nagtatanong sa akin kung pwede ka raw ma 'you know' iuwi, eh ang sabi ko naman hindi mo trabaho 'yon.." sabi ni Ma'am habang nagbibilang ng pera sa harapan ko. "Eto nga pala, one thousand five hundred 'yan.." Ngumiti ako nang inabot ni Ma'am Elaine ang sinahod ko. "Maraming salamat po.." Tumango sa akin si Ma'am Elaine at muli siyang nagsalita. "Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo.. Maraming customer sa labas." Maingay, mausok at magulong lugar ang sumalubong sa akin. Karamihan ay puro lalaki ang nandito, hindi malimit ang babaeng customer. Marami kasi akong kasamahan na nagpapatable at binabalik-balikan ng mga parokyano kaya kadalasan ay dito na pumupunta ang mga customer namin. "Lizette, Pakibigay nga ito sa table 4, pinapatawag kasi ako ni Ma'am Elaine.." sabi ng kasamahan kong si Hanna, wala na akong magawa kung hindi kuhanin ang hawak niyang tray na puno ng mga ibat-ibang klase ng alak. Pumunta ako sa table 4 at naabutan ko ang grupo ng mga lalaki na may sari-sariling tabi na babae. Kinawayan pa nga ako ni Nichole habang ang isang kamay niya ay nakapatong sa dibdib ng isang gwapong lalaki. Tinignan ko ang gwapong 'yon at laking gulat ko nang tinitignan rin naman niya ako. Napalunok ako ng ilang beses bago ko pa ilagay ang iba't-ibang uri ng alak sa kanilang mesa. "Miss..." muntik ko pang mahulog ang isang beer na hawak ko. "Uhh sir.." hindi ko naman maiwasang hindi mamangha. Siya yung katabi ni Nichole at hindi ko naman talaga maipagkakaila na gwapo ang isang 'to. Matangos ang kanyang ilong at mapula ang kanyang labi. Nakakapagtaka lang na hanggang ngayon ay mapula ang labi niya kung may sigarilyo naman siya na binubuga. Napaayos ako ng tayo ko nang lumapit sa akin ang gwapong lalaking 'yon. "Dito ka nagtatrabaho?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya, para bang matagal na niya akong kilala o ewan. Hindi ko alam. "O-Opo. Bakit po?" tanong ko at ipinatong ang tray saglit habang ibinababa ang ibang mga alak. "Dito lang pala kita makikita.." Mahinang sabi niya at lumapit pa ng kaunti sa akin. "B-bakit po sir?" unti-unti akong kinakabahan. Sumibol pa lalo ang kabang nararamdaman ko nang hawakan niya ang baywang ko.. "H-hindi mo 'ko nakikilala?" bulong niya malapit na malapit sa mukha ko. hindi ako nakasagot, tinignan ko ang gwapo niyang mukha at pilit inaalala ang kung ano man ang dapat na maalala, pamilyar na pamilyar rin kasi ang kanyang mukha sa akin. Umiling-iling ako at kaunti pang inilayo ang sarili ko sa kanya. "Zach..." Napamulagat ako nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi nga ako nagkakamali. Zach! Zach Will Santos, kilala ko ang lalaking 'yan sa eskwelahang pinapasukan ko, kilalang-kilala rin siya sa pagiging babaero niya, pati na ng mga kaibigan niya. Napahinga ako ng malalim nang maisip kong dito ko pa makikita ng malapitan si Zach, hindi ko maipagkakaila pero gwapo ang isang ito kung hindi lang naadik sa paghanap ng mga babe. Bumalik lang ako sa katinuan nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya sa harap ko, nananatili lang akong nakatingin sa kanya at maya-maya pa ay kinagat pa niya ang ibabang labi niya. Tinanggal niya ang salamin niya na lalong nagpapagwapo sa kanya at saka mas lalo pang humarap sa akin. "Baka naman pwede kitang iuwi ngayong gabi?" mahinang bulong niya malapit sa tainga ko kaya tuluyan na akong napaatras. "Teka, teka oy!" hindi ko siya pinansin, sa halip ay kinuha ko ang tray na nasa lamesa at naglakad papunta sa loob. "teka naman!" Huminto ako nang humarap siya sa akin, hindi ko naman mapigilang hindi mapataas ng kilay sa ginawa niya. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at dinala sa ibaba niya. "Palambutin mo 'to.."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married to a Hot Magnate

read
356.8K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
825.6K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
698.7K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.7K
bc

The Young Master's Maid

read
749.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook