bc

Debt Payment

book_age18+
2.2K
FOLLOW
26.3K
READ
drama
twisted
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

Stella— isang babaeng may pangarap sa buhay. Nagsumikap siyang makapagtapos sa pag-aaral kahit mahirap lang sila. Dumating ang araw ng kanyang pagtatapos, maging masaya pa kaya siya, ngayong nalaman niyang ibang apelyido na ang nakalagay sa kanyang diploma? Paano pa siya magiging masaya gayong may asawa na pala siya at hindi niya man lang alam?

Ating subaybayan ang kwento nina Phrixx at Stella.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Anak, ikaw na muna ang bahala sa mga kapatid mo. Maaga akong aalis ngayon dahil marami pa akong gagawin sa mansyon," bilin ng ina ni Stella. "Sige po, Inay. Ako na po ang bahala sa kanila," sagot ni Stella sa ina habang naglilinis siya ng bahay. Tulog pa ang mga kapatid niya. Dahil walang pasok kaya hindi sila gumising nang maaga. Nasanay na si Stella na maagang gumising para tulungan ang mga magulang sa gawaing bahay. Nasa sakahan na ang kanyang itay. Madaling araw pa lang ay umaalis na ito. Pinagpatuloy ni Stella ang kanyang gawain habang hinihintay gumising ang kanyang mga kapatid. Pakanta-kanta pa si Stella habang naglilinis siya. Mahilig siyang kumanta kahit sa kanilang paaralan. Gusto niya laging magaan lang ang takbo ng kanilang buhay kahit mahirap lang sila. Malapit na siyang matapos sa kanyang ginagawa. Binilisan niya ang pag-aayos at paglilinis ng kanilang bahay bago pa magising ang kanyang mga kapatid. Nang matapos na niya ang mga gawaing bahay ay nagpahinga muna siya, dahil medyo napagod siya. Nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran. "Ate, saan po si Inay?" tanong ng kapatid ni Stella, dahil nagising na pala ito. "Ahh... maagang pumunta sa mansyon," sagot naman niya sa kapatid. "Ganoon po ba, Ate?" paniniguro ng kapatid niya. "Oo. Tawagin mo na si bunso at ipaghahanda ko na ang inyong almusal," utos ni Stella sa kapatid at pumunta na siya sa kusina para ipaghanda ng almusal ang dalawang kapatid. Malayo ang agwat ng edad ni Stella sa kanyang dalawang kapatid. Gabi na nang dumating ang mga magulang ni Stella, dahil marami ang gawain sa bukid at sa mansyon. Kaagad niyang pinaghain ng hapunan ang kanyang inay at itay. Alam niyang pagod ang mga magulang sa trabaho. Pinatulog na niya nang maaga ang mga kapatid niya kanina dahil may pasok pa sila bukas. "Inay, Itay, kumain na po kayo. Alam ko pong gutom at pagod kayo," ani Stella sa mga magulang. "Salamat, anak," wika ng itay niya at umupo na ito sa mesa. Habang kumakain ang mga magulang niya ay hindi maisawan ni Stella na maawa sa kanila. Alam niyang matatanda na sila. Doble ang trabaho nila para sa kanilang magkakapatid. Ayaw ng mga magulang niya na huminto siya sa pag-aaral dahil siya na lang ang tanging pag-asa nila na makaraos sila sa kahirapan. At hindi niya bibiguin ang mga magulang. Mag-aaral siyang mabuti para makapagtapos at matulungan niya ang mga magulang lalo na ang mga kapatid. Gusto niyang makapagtapos silang lahat sa pag-aaral. Ayaw niyang mahihirapan pa ang kanyang mga magulang. Malapit na rin siyang makapagtapos ng high school. Balak niyang tumulong muna sa itay at inay niya habang bakasyon pa para sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Kinabukasa ay maaga ulit gumising si Stella para tumulong muna sa mga magulang niya, bago sila pumasok na magkakapatid sa eskwelahan. Maaga silang umaalis na magkakapatid para hindi na sila sasakay pa. Maglalakad na lang sila para makatipid. Hindi naman ganoon kalayo ang kanilang paaralan. Dinadaan muna ni Stella ang mga katapid sa paaralan nila bago siya papasok. Inaayos na rin niya ang mga babaunin nilang magkapatid at ang mga damit nila. Ayaw niyang ang inay pa nila ang mag-aasikaso sa kanila. Alam niyang marami pang gagawin ang inay nila dahil may alaga rin silang mga hayop. Pauwi na si Stella galing sa paaralan. Hindi na niya dadaanan ang mga kapatid dahil nauna na silang umuwi sa kanya. Lagi siyang late sa pag-uwi dahil tumutulong pa siya sa mga gawain sa paaralan. Dahil iskolar siya ay gusto niyang manatiling maganda ang kanyang record at matataas na grado sa paaralan. Kilala si Stella ng mga taganayon nila at kilala rin ng mga ito ang kanyang mga magulang. Maggagabi na kaya sumakay na siya ng tricycle pauwi sa kanila. Maraming mga binata na nagkakagusto kay Stella. Ang iba ay anak ng mga kasamahan ng ama sa sakahan. Ang iba naman ay kilala rin na pamilya sa kanilang lugar. Ngunit gaya ng pangako niya sa sarili ay wala siyang haharapin sa kanila dahil uunahin muna niya ang pag-aaral para matulungan ang kanyang mga magulang at mga kapatid. ----- "Wala akong pakialam kung ilang taon ka nang nagtatrabaho sa kumpanya ko!" sigaw ni Phrixx sa empleyado niya. "Sir, parang-awa mo na... may mga anak ako. Hindi ko pong intensyon na maging mali ang ginawa ko," pagmamakaawa pa nito kay Phrixx. "Alam na alam mo kung paano ako magalit kapag may nilabag kayo sa kumpanya ko!" Dumadagundong na ang galit ni Phrixx sa kaharap niyang empleyado. "Hinding-hindi ko na po uulitin pa ang pagkakamali ko. Parang-awa na po ninyo. Bigyna pa po ninyo ako ng isa pang pagkakataon," patuloy na pagmamakaawa ng kawawang empleyado kay Phrixx. "Tandaan mo, ito na ang huli at ikaw lang ang bibigyan ko ng pagkakaton. Isa pang pagkakamali na magagawa mo, h'wag na h'wag ka nang magpapakita sa akin at h'wag na h'wag ka ng tutungtong pa sa kumpanya ko!" galit na bilin ni Phrixx sa halos mangiyak-ngiyak na empleyado. "Pangako po, Sir! Maraming-maraming salamat po," pasasalamat ng empleyado na halatang parang nabunutan ng tinik at sabay alis sa harapan ni Phrixx bago pa magbago ang isip niya. Galit na galit na hinagis ni Phrixx ang isang folder sa sahig sabay pindot niya sa telepono na nasa harapan niya at pinapapasok niya ang kanyang assistant. "Yes, sir?" tanong kaagad ng assistant ni Phrixx sa kanya. "Simula sa araw na ito, bantayan mo lahat ng galaw ng mga taong may warning na sa akin!" galit na utos ni Phrixx sa kanyang kanang kamay. "Masusunod, sir," kaagad na sagot nito kay Phrixx. Alam niya ang ugali ng boss. Kahit sino ay wala itong sinasanto. Pasalamat ka na lang kung pagbibigyan ka nito ng isa pang pagkakataon. Kaagad na nagsalin si Phrixx ng alak sa kopita niya saka umupo sa sofa ng kanyang malaking opisina. "Anong balita sa mansyon?" tanong ni Phrixx sa assistant niya habang nasa loob pa rin ng opisina niya. "Anihan na ng mga mangga ngayon, sir. Uuwi po ba tayo roon?" tanong ng assistant niya. "Sasabihin ko sa iyo kung uuwi tayo roon. Sa ngayon, uunahain muna natin ang problema rito," seryosong sagot naman ni Phrixx sa kanyang assistant. "Sige, sir," tipid na sagot nito kay Phrixx.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook