bc

Winter Mckinley

book_age18+
2.3K
FOLLOW
13.2K
READ
one-night stand
opposites attract
brave
gxg
humorous
mystery
bold
multiple personality
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Hindi inaakala ni Carrie Mendez na isang gabi lang ang kailangan para mabago ang s****l orientation niya. And now hindi niya na alam kung paano pa buburahin sa alaala niya ang isang pares ng kulay dagat na mga mata.

Sa muling pag kikita nila ni "Miss Blue Eyes" aka Winter Mckinley. Kakayanin niya pa bang itago ang nararamdaman niya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 (Carrie’s POV)
"Ang galing mo talaga Carrie."   Carrie just smiled at the complement her friends gave her.   Masayang masaya ang mga ito dahil natapos ang presentation nila para sa thesis. At hindi lang basta basta ang nakuha nilang award. Best thesis ang gawa nila. And the group thinks it's because of her genius idea about it. Kaya sila ang nakakuha ng award.   "Guys. Lahat tayo may part sa thesis na 'to. So everyone should be proud." Sabi niya.   Her bestfriend Amy tap her on her shoulder. "Sus pa-humble effect ka pa."   "Yeah." Farra said while ruffling her hair.   Namula talaga siya ng todo sa mga papuri ng mga ito sa kanya. Wala naman siyang magagawa kung gusto siyang batiin ng mga ito. Even the teachers gave her the credit for the works.   "So. I think we should celebrate this day." Lumingon si Hernan sa iba pa nilang ka thesis mate."Sumama ka naman kahit minsan sa mga ganitong okasyon Carrie."   Lima lang sila sa grupo. At kahit gusto niyang sumama. Hindi pwede.   Napakagat labi siya. "G-Guys kasi..."   Biglang nalungkot ang mukha ng apat. Lalo na si Hernan, ang nag iisang lalake sa grupo.   "Yeah we know." Farra sighed. "Go. We can't take your time. It's precious pero kaunting tiis na lang. Makakagraduate na din tayo."   Amy hugged her. Tsaka isa isang nag paalam ang mga ito sa kanya. Kahit gusto niyang sumama hindi naman pwede. Kailangan niya pang pumunta sa trabaho niya.   Waitress siya sa isang bar sa gabi at estudyante naman sa araw. Ni hindi nga niya masyadong nadadalaw ang ina na nasa hospital.   Agad siyang nag time card pagkapasok pa lang sa backdoor ng bar. Nagmamadali din siya sa pagpalit ng uniform niya sa school para sa maikling palda at halos open sa cleavage na polo shirt.   Kahit ayaw niya ng suot niya. Nakasanayan niya na din. Anim na buwan na rin kasi nang magsimula siya bilang waitress. Kinukuha nga siyang maging dancer at mag 'serbisyo'. Pero hindi niya maatim na gawin iyon. Maliban na lang kung desperado na talaga siya. Buti na lang at matatapos na rin naman siya ng college at wala namang problema ang mama niya sa hospital.   Hindi din naman maiiwasan na mabastos siya kung minsan. Lalo na at pansinin talaga ang ganda niya. Matapos kasing anakan ng isang spanish ang nanay niya. Iniwan na lang din sila.   Ayaw niyang sisihin ang ama niya sa nangyari sa nanay niya, dahil choice naman ng nanay niya ang magpakalunod sa alak. Pero dahil dun nagkakomplikasyon ito sa atay. At nagkaroon ito ng kidney failure.   So how come na nakakapag aral pa siya? Because of scholarship grants. At tama lang sa gastusin nila ang allowance niya. Pero hindi nito kaya ang expense ng nanay niya sa hospital kaya kailangan niya ding mag trabaho.   "Rie. Ikaw na daw mag bigay ng drinks sa table number three."   Yun agad ang bungad sa kanya ng katrabaho niyang si Mai.   Tumango siya dito. Ibinigay naman nito ang listahan ng order ng drinks. At kinuha niya iyon sa counter.   She made her way to the inside of the club. Agad na sumalubong sa kanya ang malakas na tugtog. She made her way to the table.   Pero hindi niya inaasahan na may mababangga siya. If it was a consideration. Hindi siya tumama sa isang matigas na bagay. It was soft. Kaya naman hindi ganun kalakas ang pagkaka untog nilang dalawa. Medyo nahilo lang siya ng kaunti. Isa pa matangkad ito.   At huli na nang ma-realize niyang natapon lahat sa nabangga niya ang drinks na dala dala niya sa tray.   Napahawak siya sa bibig niya. A gasp escaped her mouth. Ang mahal pa naman ng mga natapon na alak. Siguradong i-c-charge iyon sa kanya.   "I-I'm sorry!" Yumuko pa siya. Nanginginig ang kamay na dinukot niya ang panyo sa bulsa para punasan ang harap ng katawan ng nakabangga niya.   The girl was tall. At mukhang may malusog din itong hinaharap. At base sa suot nitong pin stripe office attire. Mukhang mayaman ito.   Na-shocked din kaya ito sa nangyari?   Unti unti siyang nag angat ng tingin. But she was mesmerized when she saw the face of the girl. Mukha itong ramp model. Bagsak ang medyo alon alon nitong buhok na umabot hanggang sa dibdib nito. Narrow but small nose, and lips made of sinfully red color. But her icy blue eyes are emotionless while looking down on her.   Hindi siya makapag salita. Maganda siya pero mas maganda ang babaeng nasa harap niya kahit wala itong ka-emo-emosyon sa mukha.   "Are you just gonna stare at me?" Medyo halata sa boses nito ang pagkairita.   Hindi niya namalayang ilang minuto na pala siyang nakatitig lang dito.   A smirk formed on the other woman's lips. "You found me attractive?"   Doon lang siya tila natauhan. Bakit naman siya ma-a-attract dito? Parehas silang babae?   "E-Excuse me. I don't find you a-attractive!"   "Oh really?" Mula sa pagkaka-cross arms. Marahang pinasadahan nito ng kamay ang buhok nito. It made her look sexier. Kaya naman inalis niya na ang tingin sa mukha nito.   She pretended to pick up the shattered glasses. Napapapikit pa siya sa inis kapag naaalala niyang i-c-charge sa kanya ang mga iyon. Ayaw niyang ibaling ang tingin niya sa babae dahil na iilang siya sa presensiya nito. At malakas din ang tibok ng puso niya. Baka dahil na din sa nerbiyos. At hindi dahil sa attracted siya dito kagaya ng suggestion nito.   "Don't pick that up. Masugatan ka pa." Carrie heard her talk aloud.   But she ignored it. Ano namang paki nito?   Pinagpatuloy niya ang pag pulot sa mga nabasag na baso. Pero agad din niyang binawi ang mga kamay niya nang masugatan siya.   Agad niya sanang kakagatin ang daliri niya para mapahinto ang pag dugo. Pero naunahan na siya ng kaharap na babae. Hinawakan nito ang kamay niya. May dinukot ito sa bulsa. Pagkatapos ay binalot sa kamay niya ang puting panyo.   "A girl should follow what she's been told. Alam mo na ngang ikakapahamak mo. Sumige ka pa din."   Sa sinabi nito ay napaangat siya ng tingin dito. Those eyes finally shown something. Concern ba ang nakikita niya sa maganda nitong mukha?   "T-Thanks."   Tipid ang ngiting binigay nito. "It's ok. Wag mong alalahanin ang bayarin sa natapon. I will just pay for it. In return you should do something for me when we meet next."   Pagkasabi nun ay tumayo na ito. Naiwan naman siyang tulala habang sinusundan ito ng tingin. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
86.6K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
533.5K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
328.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook