bc

Knight Series 3: Hatt Mendoza (R18 Tagalog)

book_age18+
317
FOLLOW
1K
READ
dark
possessive
sex
dominant
CEO
boss
secrets
engineer
sacrifice
knight
like
intro-logo
Blurb

Isang fairytale para sa mga kababaihan ang magkaroon ng nobyo o asawang katulad niya.

Ang hindi alam ng marami ay matagal na niyang isinara ang kaniyang puso para magmahal. Sapagkat niloko siya ng babaeng lubusang niyang minahal, at ipinagpalit siya nito sa matalik niyang kaibigan matapos silang ikasal.

Ngunit babaguhin ni Zainab Malik ang kaniyang pananaw pagdating sa mga babae. Ito ang anak ng isang NBI Agent na kaibigan ng kaniyang Tito Eric. Hinuli siya nito at pinahiya sa gitna ng kalsada dahil sa kaniyang violation sa over speeding at pag-inom ng alak.

Upang makabawi sa masamang inasal nito sa kaniya ay nakaisip si Hatt ng isang plano lalo na't nalaman niya na kailangan ng pamilya nito ang isang katulad niya para sa nalulugi nilang negosyo. Papayag kaya si Zainab na maging personal assistant niya? O tatanggihan siya ng dalaga at siya ang mahuhulog sa patibong nito para sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
ABALA si Hatt sa mga trabaho sa kaniyang kumpanya nang tawagan siya ni Shyra para sabihin ang naging proseso ng kanilang annulment. Makalipas ang limang taon ay natapos na rin ang ugnayan nila ni Shyra bilang mag-asawa. Kababata niya ang dalaga, at matalik na kaibigan. Bente uno anyos pa lamang siya noon nang pakasalan niya si Shyra. At labing siyam na taon naman noon ang dalaga. Kahit na mag-asawa na noon sila ni Shyra ay hindi pa rin siya tumigil sa kaniyang pag-aaral. Gusto ni Hatt na may mapatunayan pa rin siya sa kaniyang ama kahit na sinuway niya ito. Ipinagpatuloy din ni Shyra ang pag-aaral nito kasama ang kaniyang matalik na kaibigan na si Aldrin dahil parehong kumukuha ang mga ito ng kursong Dentistry. Nagtiwala si Hatt sa kaniyang matalik na kaibigan at kay Shyra. Tandang-tanda pa ni Hatt ang araw na nahuli niya ang mga ito na nagtatalik sa loob mismo ng iniregalong bahay ng kaniyang ina noong ikinasal sila ni Shyra. Bumuga nang malalim si Hatt nang maalala ang masakit na nakaraan niya. Ibinigay niya ang lahat kay Shyra at naging mabuti siyang asawa sa loob ng dalawang buwan nilang pagsasama. Kahit na masakit para sa kaniya ay nakipaghiwalay siya sa dalaga at nagpatuloy sa pag-aaral hanggang sa matapos niya ang kursong engineering sa America. "Hello, Hatt?" untag nito sa kabilang linya. "Yes. Narinig ko. Congratulations sa inyong dalawa ni Aldrin at sa magiging baby ninyo. Kailangan ko nang ibaba dahil marami pa akong trabaho." "Thank you, Hatt," mahinang sabi nito bago niya tapusin ang kanilang pag-uusap. Ibinaba niya ang telphono at saka sumandal sa kaniyang upuan. Isang taon na ang nakalipas mula nang itayo niya ang Hatt Wirings and Auto shop gamit ang perang ibinigay sa kaniya ng kaniyang namayapang ama. Kahit na anak siya sa labas ay naging mabuting ama pa rin ito sa kaniya. At namana niya ang pagiging istrikto nito at pagiging kuripot sa pera. Palagi niyang iniisip ang bawat sentimo na kinikita niya. Sa trabaho umikot ang kaniyang buhay upang kalimutan ang nakaraan niya. Mayamaya ay nag-ring ulit ang telephone niya kasabay naman ng pagkatok sa nakasarang pintuan. "Come in," aniya bago sagutin ang incoming call. "Bro!" masayang bungad sa kaniya ni Dark. Isa itong architect at nagtratrabaho sa Dagupan Architectural Firm. Sumenyas siya rito na huwag ma-ingay dahil baka ang tawag na sasagutin niya ang galing sa investor na matagal na na niyang nililigawan. "Bro!" malakas ding sabi ng lalaking nasa kabilang linya. Nabosesan kaagad niya si Luke na medyo paos ang tinig kakabanda nito. "Nandito sa office ko si Dark, pumunta ka na rito. Kabisado na kita nariyan ka na sa labas." Ibinaba niya ang phone call at hinarap ang kaibigan. "It's been a couple of weeks. Kumusta na?" masayang tanong ni Dark habang nakapamulsa at nakatayo sa kaniyang harapan. "Heto, as usual. Bakit ba kayo sumugod dito?" taka niyang tanong sa kaniyang kaibigan. "Kulang yata kayo, sina Storm at Cold, nasaan?" Tumingin siya sa gawi ng pintuan dahil inaasahan niya na bubukas iyon at papasok ang mga ito. Umiling si Dark. "Busy si Cold sa pagpapayaman at wala naman si Storm, nasa paradise of heaven." Kumindat si Dark bago ngumisi sa kaniya. "Busy rin ako kung gusto ninyong puntahan si Storm sa Isla." Ibinalik niya ang tingin sa mga nakatambak na papeles sa kaniyang lamesa. "Hindi mo ba ise-celebrate ang pagiging single mo?" usisa sa kaniya ni Dark. Kumunot ang kaniyang noo dahil palagi nitong alam ang latest sa buhay niya. Kunsabagay ay third cousin nga pala nito si Shyra. "Almost six year ko nang isine-celebrate ang pagiging single ko, bro." Lumapit sa kaniya si Dark at umupo sa swivel chair sa kaniyang harapan. "Six years of loneliness and pain. Hindi ko alam pero parang may sumpa yata sa ating magkakaibigan. We love... we love the most." Nangalumbaba ito sa kaniyang harapan at mukhang magdradrama na naman. "Hindi ko rin maintindihan, bro. Si Cold, iniwan ng babaeng pinakasalan. Ako naman niloko ng babaeng pinakasalan ko. At ikaw, iniwanan pa ng anak bago lokohin. I don't know. Isang sumpa yata ang magkaroon ng kaibigan na playboy." Malakas itong tumawa sa kaniyang sinabi. "Tayo yata ang past, present at future. Anyways, gusto ko lang makasiguro kung okay ka na ba talaga. The long wait is over and I know the pain was still here." Kinabog nito nang malakas ang tapat ng kaniyang puso. Umiling siya rito. "No, bro. Na-realize ko na siguro nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa ni Shyra. Bata pa kami noon at naniwala kami sa pagmamahal ng isa't isa. We're both innocent and wild. Tinupad ko ang pangarap ko habang nag-aaral ako at bilang asawa niya. Ginawa ko ang lahat... at hindi iyon naging sapat. Masaya ako sa kanila ngayon ni Aldrin. Nag-usap kami ni Aldrin at nagkaayos na rin kami. Matalik ko siyang kaibigan at alam kong magiging masaya silang dalawa sa piling ng isa't isa." Pumalakpak si Dark pagkatapos niyang magsalita. "Tama nga ang sinabi nila. Engineers are the best but not in love." "And architects too..." mapang-asar niyang dugtong. Sabay silang tumingin ni Dark sa bumukas na pinto ng office niya. Pumasok doon si Luke, magulo ang buhok nito at may nakasukbit na gitara sa balikat. Nakapamulsa ang mga kamay nito at walang emosyon na tumingin sa kanilang dalawa. Ibinagsak nito ang sarili sa couch at saka nag-cross legs. "Congrats, bro. Nasa apartment ako at natutulog nang tawagan ako ni Dark. Pasensiya ka na, p'wede bang matulog ako rito tutal naman nabati na kita?" Binato niya ng folder si Luke na inaayos ang sarili sa couch. "Umuwi ka na lang. Marami akong trabaho." Binalingan niya si Dark na malapad ang ngiti sa kaniya. "Nandito lang kami para damayan ka sa happiness, bro. Busy rin kami sa kaniya-kaniyang mga trabaho. But we cancelled everything just to go here." Sumang-ayon naman si Luke na nag-thumbs up pa. "Tinawagan ko na si Luke para sabihin na pupunta tayo sa hacienda para i-celebrate ang pagiging bachelor mo, Hatt. At kahit na broken-hearted si Cold, gagawa pa rin siya ng paraan para mapasaya ka," sabi naman ni Luke habang nakahiga sa couch at nakataas ang dalawang paa. Kinuha ni Dark ang telphono at idinayal ang number ng kaniyang secretary. "Miss Jane, cancel all the appointments of Mister Mendoza right now. We have an urgent meeting today. Thank you!" "Pero---" "Bro, this is your freedom day." "Yeah. Rock and roll!" Nagtaas naman ng kamay si Luke at saka mabilis na tumayo. "Let's go." Muli nitong kinuha ang gitara at naunang lumabas ng kaniyang office. Inakbayan naman siya ni Dark. Wala siyang nagawa kun'di pumayag sa pamimilit ng mga ito. Nagbilin siya sa kaniyang assistant bago sumama sa kaniyang mga kaibigan. Sa kanilang paglalakad sa working area ng mga staffs niya ay nakatuon ang atensyon ng mga ito sa kanilang tatlo. Nakabuka ang mga labi ng mga ito at nagkakandahaba ang leeg sa paghatid ng tingin sa kanila. Sanay na sila sa mga paghanga ng mga kababaihan sa taglay nilang kaguwapuhan. At hindi nila iyon ginagawang advantage para manloko dahil sila ang naloloko ng mga babae na minamahal nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.8K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook