bc

His Broken Pieces

book_age18+
10.6K
FOLLOW
88.0K
READ
possessive
CEO
drama
bxg
enimies to lovers
friends with benefits
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Dala ng kahirapan ay napilitan si Sabrina na huminto sa pag-aaral at maghanap ng trabaho. Dobleng dagok ang dumating sa buhay niya nang sunod-sunod na mamatay ang kanilang mga magulang, at biglang paglaho ng kaniyang kapatid. Kailangan niyang maghanap ng trabaho para buhayin ang sarili at para makapag-ipon ng pang-tuition sa susunod na pasokan.

She ended up applying for an assistant secretary in one of the biggest entertainment companies of the country. And her boss is no other than Mr. Jackson Samaniego, the dubbed Devil Incarnate in the business industry. Masama ang ugali, palaging galit at higit sa lahat siya ang palaging pinag-iinitan nito. Pero kahit na gano’n ay pilit na iniintindi ni Sabrina ang amo dahil hindi naman lingid sa kaalaman nila ang nangyari sa asawa nito, at talagang kapit siya sa patalim.

Pero paano kung isang pangyayari ang babago sa ikot ng mundo nila?

Kakayanin kaya ni Sabrina ang hagupit ng galit nito? Kakayanin niya bang manatili sa tabi nito at pilit na ayusin ang pira-piraso nitong puso?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Mapait akong napangiti habang hinahaplos ang lapida ng mga magulang ko. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang mawala sila pero ‘yung kirot sa puso ko ay hindi pa rin nawawala. Isang napakasakit na trahedya para sa isang anak ang sabay na bawian ng buhay ang mga magulang. Hindi ko lubos maisip kung paano ko nalampasan ang lahat ng ‘yon. “Ma, Pa, kamusta na po kayo d’yan?” mahinang sambit ko. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagtulo ng luha na pilit kumakawala sa aking mga mata. Ang kirot sa dibdib ko ay mas lalong tumindi habang nakatingin sa lapida. Kinuha ko ang dalawang bugkos ng bulaklak at inilagay iyon sa ibabaw ng lapida. Siyam na taon ko na silang hindi nakikita at naririnig, at loob ng mga taon na iyon, araw-araw akong nagdarasal para sa mga kaluluwa nila. It's the least that I can do for them. “Ako, okay lang po ako. Mahirap po mamuhay ng mag-isa pero kinakaya ko naman po. Si kuya Elmer hindi ko na po alam kung nasaan siya. Nababahala na po ako dahil ilang taon na po siyang nawawala at wala po akong balita tungkol sa kan’ya.” Bumuga ako ng malalim na hangin para maibsan ng kahit kaunti ang bigat ng dibdib ko. Ipinikit ko ang mga mata at umusal ng dasal. m Pinahid ko ang isang butil ng luha na nakatakas sa mata ko. “Kung nandito sana kayo ma, pa, makikita niyo po na pumapasok ako sa pinagtratrabuhuan ko, kahit na masungit ang amo namin ay carry ko pa rin ang ugali niya. Malakas yata itong bunso niyo ma, pa.” Natawa ako na naiiyak. “Huwag po kayo mag-alala sa akin, kaya ko po ang sarili ko. Malapit na po ako gru-maduate at matutupad na po ang mga pangarap natin na magiging flight stewardess. Tutuparin ko po ‘yun para sa inyo.” Tumingala ako at bumuga ng hangin. Ang bigat-bigat ng dibdib ko sa tuwing dadalawin ko sila dito sa sementeryo. Masakit talaga sa loob ko ang maaga nilang pagpanaw. Masyado pa silang bata para mamatay, hindi pa nila ako nakikitang matupad ang mga pangarap. Siguro iyon ang nakatadahana. Ang pagkawala nila ng maaga, ang biglang paglaho ng kapatid ko, at itong pag-iisa ko, alam ko na may dahilan ang lahat ng ito. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinahid ang luha sa pisngi. Pinaypayan ko ang sarili para kahit papaano ay kumalma ako bago pumasok sa trabaho. Tumingin ako sa relo sa kaliwang braso, kailangan ko na talagang umalis at baka ma-late pa ako sa trabaho, nakapasungit pa naman ng amo namin. “Ma. Pa. Aalis na ako, ha? Bibisitahin ko po ulit kayo dito sa susunod na buwan. Mahal na mahal ko po kayo.” Hinaplos ko ang lapida nila. Sa tuwing nalulungkot ako ay dito ako napapadpad, dahil kahit papaano ay mailalabas ko ‘yung bigat na dinadala ko kapag nakakausap ko sila. Bigla akong nataranta nang malakas na tumunog ang cellphone ko sa bag. Dali-dali ko itong kinuha at nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay nag-wala bigla ang puso ko. Iyong executive secretary ang tumatawag. Bakit tumatawag si Miss Cindy? “Hello po, Miss Cindy.” Magalang na bati ko sa Executive secretary ni Mr. Samaniego. Hindi maawat ang puso ko sa malakas na pagkabog nito. Sa tuwing tumatawag kasi si miss Cindy ay palaging masamang balita ang hatid nito. “You have to come to office right now. Mr. Samaniego is looking for you, Ms. Ocampo. Don’t let him wait.” “Po?” Napatayo ako ng matuwid sa sinabi niya. Anong kailangan ng CEO sa akin? May mali na naman ba sa trabaho ko? Diyos ko! Huwag naman sana. “Pumunta ka dito ngayon din. This is urgent.” Pinal na saad nito bago ibinaba ang tawag. Napahawak ako sa dibdib. Masakit ang bawat kabog nito at tila pinangangapusan ako ng hininga. Alam ko na may mali. Masyado pang maaga para dumating si Mr. Samaniego sa opisina. Mag-a-alas otso pa lang ng umaga at kadalasan ay alas-dyes na ito dumadating. Diyos ko, may nagawa na naman ba akong kasalanan? Pumara ako ng taxi para magpahatid sa Diamond Tower. Hindi ako mapakali sa loob ng taxi. Paulit-ulit kong inisip kung may mga nakalimutan ba akong gawin kahapon? Wala naman siguro ‘di ba? Parang ayaw ko yata pumunta sa opisina, siguradong sermon na naman ang aabutin ko kay Mr. Samaniego. Ang sungit-sungit pa naman no’n, palaging magkasalubong ang mga kilay at paliging nakabulyaw. Bahala na! Nagmamadaling akong pumasok sa Diamond Entertainment Building or Diamond Tower. Namamanhid ang mga kamay ko sa kaba. Ibang klase pa naman manermon iyong si Mr. Samaniego. Nanlilisik ang mga mata at masyadong masakit magsalita. At ako ang paborito niyang sermonan nitong mga nakaraang buwan. Nagbuga ako ng hangin nang marating ko ang opisina namin. Ang nakasanayan kong magulo at maingay na opisina ay napakatahimik ngayon. Lahat ay subsob sa trabaho at walang empleyado na nagtsi-tsimisan sa isang gilid. “Bree, ang aga ni sir ngayon, wala na naman sa mood. Kanina pa malakas ang boses. May malaking problema yata sa business deal.” Iyon sa balita na isinalubong ni Cheska sa akin, mahina ang boses nito at halatang nag-iingat na hindi marinig ang sinabi. Mas lalo lamang nanlamig ang buong katawan ko. Diyos ko! Pakiramdam ko kakatayin ako! Tulong po! Lakas loob akong naglakad patungo sa cubicle namin. Nakasara ang window blinds. Tinulak ko ang glass door ng opisina namin pero bigla akong naitulos sa kinatatayuan ko. Napanganga ako dahil ang sumalubong sa akin ang malademonyo niyang mga titig. Napakaseryoso ng mukha nito. He stood tall in front of miss Cindy and Rachelle, my co-assistant secretary. Napalunok ako nang salubungin ko ang nakakatakot niyang titig. Lalo na’t halos magdikit na ang mga kilay niya. a “Good morning, Mr. Samaniego.” Pilit kong pinapatatag ang mga binti kong gusto nang bumigay. Napalunok ako ng masama niya akong tiningna. Nakita kong sinenyasan ako ni Chelle pero hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang iparating. “Are you the one who talked to Mr. Lao’s secretary?” His voice is stern. It was laced with annoyance. Napalunok ako at unti-unting tumango. “Yes po, sir. Ako po ‘yung kumausap ng sekretarya ni Mr. Lao.” Mariing itong pumikit at tila nagtitimpi sa galit. Ang mga ugat sa leeg nito ay nagsilabasan. Hinilot nito ang sintido na parang may iniindang sakit. May nagawa ba akong mali? Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang hindi ko pala na logged ang appointment ni Mr. Lao. Kahapon dapat iyon pero dahil sa sobrang dami ng trabaho at dahil na rin na nalalapit na death aniversary ng mga magulang ko, ay nawala iyon sa isip ko. Nabaling ang tingin ko kina miss Cindy at Chelle. Umiling lang ang dalawa. Ngayon dapat ang breakfast meeting ni Mr. Lao kay Mr. Samaniego. Para akong nahilo dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. “In my office.” Iyon lang ang sinabi nito at walang lingon-likod na umalis. He even slammed the glass door. Napahawak ako sa dibdib kong gusto nang kumuwala sa hawla. Nakakatakot talaga siya! Nakagat ko ang ibabang labi. Napadako ang tingin ko kay Miss Cindy na seryosong nakatitig sa akin. “Miss Cindy, sorry po! Nakalimutan ko pong e-logged ang schedule ng meeting.” Naiiyak kong saad. “Go. Sa office. And goodluck.” Utos nito. Bagsak ang balikat kong tumango at nagmamadaling sumunod. Wala naman akong ibang p’wedeng gawin. Ihahanda ko na lang ang sarili kung sakaling sesesantihin ako ngayon. Pero huwag naman sana, kailangan ko pa ng pera para pang-tuition next semester, kulang pa iyong ipon ko. Nag-buga ako ng hangin at pinaypayan ang sarili bago ko binuksan ang pinto ng opisina ni Mr. Samaniego. Impit akong napasigaw nang biglang may lumipad na paper weigh sa direksyon ko pagkapasok ko pa lamang sa opisina ni Mr. Samaniego. Mabuti na lamang at nakaiwas ako, o baka mas lalo ko lamang ginalit ang amo ko dahil hindi ako tinamaan ng ibinato niya. “Do you have any idea how important that meeting is? Huh?!” Sigaw nito. Napapikit ako nang dumagondong ang boses niya sa bawat sulok ng opisina. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Katapusan ko na yata ngayon araw! “Sir, I’m so sorry - Hindi natapos ang dapat kong sasabihin nang ibato niya naman ang isang ballpen holder, mabuti at hindi iyon umabot sa kinaroroonan ko. Nagkalat ang mga ballpen sa sahig. “Shut up! Incompetent bitch! I will not allow this kind of dumbness inside my company. Alam mobang napakalaki ng nalugi ko dahil d’yan sa katangahan mo? I will charge that loss into your account! Hindi mo lang ako pinahiya kay Mr. Lao, now they even questioned my credibility as a businessman. Get out!” Nagulantang ako nang bigla na lang niyang ibinato ang laptop niya sa direksyon ko. Napanganga ako sa mga nagkalat na parte ng nawasak niyang laptop. Dali-dali ko iyong pinunot at sa nanginginig na mga kamay ay inilagay ko iyon sa office table niya. He was breathing hard. Nakayuko ito at tila isa iyong paraan para pakalmahin ang sarili. “Sir, kakausapin ko po ulit ang sekretarya ni Mr. Lao. Huwag po kayong mag-alala, si hihingi po ako ng tawad may Mr. Lao, sasabihin ko po na ako ang may kasalanan. Pasensya na po talaga kayo, sir.” Kung puwede lang ako lumuhod sa harapan niya, ginawa ko na. Nag-angat ito ng tingin mula sa pagkakayuko at matalim akong tingnan. Hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ko. Aakuin ko na nga lahat ng kasalanan at hihingi ng tawad kay Mr. Lao. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko. “Jackson, just spare her. It not her fault, I shouldn’t have let her handle that deal.” Para akong nakahinga ng maluwag nang biglang pumasok si miss Cindy. Bumaling si Miss Cindy sa akin at sinenyasan akong lumabasa. “Labas ka na,” utos nito. “Opo.” Hidni ko na hinintay pa na makapagsalita si Mr. Samaniego. Nagmamadali kong tinungo ang pinto. Nang maisara ko ang pinto ng opisina ay gusto kong humiga sa sahig. Nawalan ako ng lakas bigla. Araw-araw talaga stress ang hatid ni Mr. Samaniego sa buhay ko. Guwapo sana nakak-stress naman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook