bc

Infirmity Series #1: In Sickness and In Health (Filipino)

book_age16+
1.2K
FOLLOW
4.7K
READ
family
friends to lovers
brave
versatile
drama
tragedy
straight
office/work place
nurse
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Nurse Jarra and Atty. Vaughn met in the most unexpected place. They developed romance at the most unexpected time. Their relationship will be tested by the most unexpected illness. Can their love make it through in sickness and in health?

chap-preview
Free preview
Prologue
Hindi magkanda-ugaga ang mga nurse at doctor sa pasilyo ng St. Martin's Elderly Hospital. "Paging Doc Marquez. Doc Marquez, to ward 4 please. Doc Marquez, to ward 4 please." Agad na napahinto si Jarra nang marinig ang sinabi sa speaker. Napalunok siya at napatingin sa ibaba. Mula sa second floor ay kitang kita niya ang nagkakagulong mga nurse sa corridor ng first floor. May mga pasyenste ring nagwawala sa labas. Biglang umusbong ang kaba sa kanyang dibdib. Napakapit siyang mabuti sa hawak na metal record at saka nagmamadaling bumaba ng hagdan. Habang palapit siya sa ward 4 ay mas lumalala ang kaba sa kanyang dibdib. "Jar! Jar! Tulong naman, o!" Agad siyang napahinto at napatingin kay Lena na sinusubukang pigilan ang isang matandang babae. "Ayoko rito! Ayoko! Papatayin niya ako! Papatayin niya ako!" sigaw ng matanda at nagpumiglas kay Lena. Hindi maipaliwanag ni Jarra pero napatitig lang siya rito. "Jarra!" Muntikan na siyang mapatalon nang marinig iyon. "S-Sorry!" agad na sabi niya at tinulungan ang kasamang pigilan ang matanda. Hinawakan niya ang kabilang kamay nito. "Halika na po, lola, mas mapanganib po rito sa loob. Kailangan niyo na pong kumain." Dinig niyang sambit ni Lena habang ipinapasok nila sa loob ng ward ang matanda. Hindi niya napigilang mapatanaw sa gulong nasa di kalayuan. "Ako na ang bahala rito, Lens. Jarra, pinapatawag ka ni Doc Marquez." Bahagya siyang napaigtad nang sabihin iyon ng lalaking kasamahan niya. Nataranta pa siya at agad na lumabas ng kwartong iyon. Lakad- takbo ang kanyang ginawa papunta sa ward 4. Magulong gulo pa rin doon at halos lahat ng staff nila ay nandoon na para pigilan ang mga pasyenteng nakikiusyuso. Lumunok siya at sumuot sa magulong mga tao. Hinanap ng kanyang mga mata si Doc. Marquez at nang makita niya ito ay halos biglang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. Doctor Marquez, together with 3 nurses, were around his grandmother's bed. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na tumakbo roon. Hindi na niya inantala pa ang mga nakabangga niyang mga nurse at pasyente. "Doc, still no pulse." Tila pinagbagsakan siya ng langit sa kanyang narinig. Ilang metro na lang ang layo niya sa hospital bed ng kanyang lola nang napahinto siya. Hindi siya nakagalaw. Unti-unting sumikip ang kanyang paghinga at kasabay noon ay ang panginginig at panlalambot ng kanyang tuhod. Umawang ang kanyang mga labi nang makitang sini-cpr ni Doc. Marquez ang nakapikit at payat na payat niyang lola. Tila nag-slow motion ang lahat sa kanyang paligid at ang tanging narinig at nakita niya na lang ay ang pagsasabi ng "clear" at ang pag-angat ng katawan ng kanyang lola nang itapat ng doktor ang aparato sa dibdib nito. Tila huminto ang kanyang paghinga nang makita niya ang pagbuntong-hininga ng doktor kasabay ng pagtingin nito sa relong suot. "Time of death, 3:58 pm." Dahan-dahan itong lumingon sa kanya at sa malungkot na titig ay tinapik nito ang kanyabg balikat. "I'm sorry, Nurse Jarra." Iyon ang huling sinabi nito bago siya nilagpasan. Tila hindi pa rin nagrehistro sa kanyang utak ang sinabi ng doktor. Binalingan niya ang kanyang lolang nakaratay sa kama. Lumapit ang dalawang lalaking nurse at saka tinakpan ng puting tela ang katawan ng matanda. Sa isang iglap ay parang bumalik siya sa reyalidad at tila doon lang nagrehistro sa kanya ang lahat. Nanginginig man ang mga tuhod ay unti- unti siyang lumapit dito. "L-Lola…lola? L-lola…" Pilit niyang kinapa ang mga kamay nito at niyugyog. "Lola? Lola, nandito na ako. La! La, lola!" Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas. Napuno ng kanyang hiyaw at iyak ang buong ward 4. Humihikbing niyakap niya ang kanyang lola. Wala na ito. Wala na ang lola niya. Wala na ang babaeng kumupkop at nag-alaga sa kanya habang nasa ibang bansa ang kanyang mga magulang. Sa isang iglap ay wala na ito. Sa isang iglap ay hindi na niya makikita ang mga ngiti nito. Sa isang iglap ay hindi na niya ito makakasama. "Jarra, tahan na. Tahan na..." Naramdaman nita ang dalawang kamay na nakahawak sa kanyang mga balikat. Pilit siya nitong pinapatayo pero marahas lang siyang umiling at mas hinigpitan ang yakap sa kanyang lola. "Jar, pasensya na kailangan na nating ialis ang lola mo rito. Yung ibang pasyente nagwawala pa rin kasi," anang lalaking nurse at tinulungan na rin siya sa pagtayo. Umiling-iling ulit siya pero agad siyang niyakap ng babaeng nakahawak sa kanyang balikat. "Jar, tahan na. Tahan na. Pupunta na lang tayo sa morgue. Tahan na," pagpapatahan nito. Hindi siya sumagot at humikbi lang nang humikbi sa kaibigan. Sinenyasan na lang ng babaeng nurse ang dalawang nurse na dalhin na ang bangkay. Pinauna muna nila ito bago sila sumunod. Inaalalayan pa rin si Jarra ng kanyang kaibigan. Iyak lang siya nang iyak. Tulala at ni hindi alam kung anong gagawin. Sinamahan siya ng kaibigan niya sa morgue ng hospital. Hinayaan niyang tumulo ang mga masasaganang luha sa kanyang pisngi habang pinagmamasdan ang kanyang lolang kahit kailan ay hindi na niya makakausap pa. Nakagat niya ang labi at mariing pumikit. "Jar, nandito lang ako, ha. Nandito lang kami." Naramdaman niya ang pagyakap ng kanyang kaibigan sa gilid. Dumilat siya at tiningnan ito. Tinanguan lang siya nito at saka muling niyakap. "Iiyak mo lang muna, yan. Iyak lang, Jar," anito at hinayaan siyang ibuhos ang lahat ng kanyang nararamdaman sa balikat nito. **** "Maraming salamat sa pagpunta." Tipid na ngiti ang iginawad ni Jarra sa mga bisitang nagsisialisan na. Puno ng puting lobo ang lalangitan at ang parteng iyon ng sementeryo. Noong araw na iyon ang libing ng kanyang lola. Halos tatlong araw lang ang itinagal ng lamay dahil ayaw ng mama niya na patagalin pa at mas masasaktan lang daw sila. Lahat ng mga nandoon ay mga kamag-anak nilang galing pang probinsya pati na ang kanyang mga katrabahong nurse at doktor sa St. Martin. Bumuntong-hininga siya at bumalik sa harap ng tolda kung saan nakaupo ang kanyang mga magulang. Tumabi siya sa kanyang ina at sabay nilang tiningnan ang pagtatabon ng lupa sa kabaong ng kanyang lola. "Anak, sigurado ka bang mananatili ka rito?" Naramdaman niya ang paglapat ng isang kamay sa kanyang balikat. Huminga siya nang malalim at binalingan ang kanyang ina. "Opo, ma. Hindi ako aalis sa trabaho," pinal na sagot niya. Kita niya pa ang pag-aalalang tumatak sa mukha nito. "Pero anak-" Binalingan niya ang kanyang papa na nasa tabi ng kanyang ina. "Pa, napamahal na po sa akin ito. Tsaka ayokong bumalik muna sa atin. Mas malulungkot ako roon. At least sa trabaho, pre occupied ako. Tsaka paano na lang ang pag-aaral ni Carlo kung hindi ako magta-trabaho?" tukoy niya sa kanyang nag-iisang kapatid na nasa Senior High na. Bumuntong-hininga ang kanyang ina. Nagkatinginan ito at ang kanyang ama. "Ma, pa, okay lang po talaga ako. Nandoon naman ang mga kaibigan ko, e. Hindi nila ako iiwan. Sigurado yan," laninigurado niya pa sa mga ito. Sa huli ay bumuntong-hininga na lang din ang kanyang ina at ama. "Oh siya, sige na. Pumapayag na kami. Basta ba, tatawag tawag ka ha? At please lang wag kang masyadong magpupuyat!" paalala ng mama niya. Nginitian niya lang ito at tinanguan bago niya ito niyakap. **** Hindi naging madali para kay Jarra ang araw araw pagkatapos ng libing ng kanyang lola. Naninibago pa rin siya na wala na siyang binibisita sa ward 4. Wala na siyang kinukwentuhan. Two years ago nang ma-diagnose ito ng severe alzhiemers disease kaya dinala nila ito sa St. Martin kung saan din siya nagta-trabaho. May sakit man ito ay napapagaan nito ang kanyang loob at naibsan nito ang pagka-homesick niya sa kanilang probinsya. Minabuti nilang doon ito dalhin para ito'y matutukan at mabantayan niya ng maigi. Nakakalungkot lang na binawi na rin ito sa kanila. Bumuntong-hininga siya at inayos ang kanyang mga gamit. "Bye, Jar!" paalam ng isang ka-trabaho niya. Nginitian niya lang ito at kinawayan na rin. Pagkatapos ay lumabas na rin siya ng hospital. Naglakad lang siya mula roon papunta sa sinasabing Firm ng kaibigan niya. 'Galdamez- Mazo Law Firm. Hmm ito na yata iyon. ' Huminto siya sa harapan ng building at saka akmang tatawagan ang bestfriend niya nang ito ang unang tumawag. Sinagot niya iyon. "Saan ka na girl?" tanong nito. "Nandito pa ako sa harap ng Galdamez-Mazo firm. Saan ba kasi apartment mo?" sagot niya. "O nandiyan ka na, sige diretso ka lang tapos kanan ka pagkakita mo ng unang kanto. And then iyong building ng apartment namin makikita mo agad. Alt building, bes." Ngumuso siya at sinuyod ng tingin ang paligid. Sa huli ay tumango tango siya. "Okay sige," sabi niya at saka in-end ang tawag. Nilagay niya ulit sa loob ng kanyang bag ang cellphone at saka naglakad patungo sa sinabing direksyon ng kaibigan. Sa kabilang dako, lumabas naman ng law firm na iyon ang tatlong lalaki. Pawang mga naka-suits ang mga ito. Ang pinaka mataas ang nasa gitna at ang dalawa ay magkasing-height lang. Halata sa mga porma ng mga itong alagang gym ang katawan. "Yown! Congratulations for another case bro! Iba ka talaga Atty. Vaughn Alegre!" ani ng lalaking nasa kaliwa at kinantyawan ang lalaking nasa gitna. Sinabayan din naman ito ng nasa kanan. Umismid ang lalaking nasa gitna. "Tss. Shut up," anito. Tumawa naman ang lalaking nasa kanan. "Sus! BGC na tayo later!" "Tara bro!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Fight for my son's right

read
146.6K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

Hired to Be Yours

read
2.9M
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
236.8K
bc

Sexytary |SPG|

read
537.1K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook