bc

My I Love You Girl(COMPLETED)

book_age18+
5.0K
FOLLOW
11.0K
READ
student
drama
sweet
bxg
witty
realistic earth
school
like
intro-logo
Blurb

"Daig mo pa ang isang kabute na bigla-bigla na lang sumulpot sa buhay ko. 'Tapos, nalaman ko na lang na special ka na pala sa puso ko."

Stalker. Iyan ang tawag ni Scarlett sa sarili dahil sa mga pinagagawa niya. Ang prospect? Si Brayden Navarro na isang vocalist ng isang sikat na banda sa kanilang university. She was content admiring him from a distance dahil may girlfriend ito. Hanggang sa nakita niya si Brayden at ang girlfriend nitong si Lilian na nagtatalo. At nalaman na lang niyang hiwalay na ang dalawa. Hindi tuloy maiwasan ni Sacrlett na mapaisip nang magsimulang lumapit-lapit sa kaniya si Brayden. Pero kiber. Matagal niyang hinintay ang araw na mapapansin siya ng lalaki. Hindi nagtagal ay sinagot niya ito. Ang buong akala niya ay wala namang problema.

Hanggang sa...

"Niligawan ka lang ni Brayden para gantihan si Lilian."

Para makalimot sa sakit na dulot ng panggagamit ni Brayden, pumayag si Scarlett sa desisyon ng daddy niya na sa Japan manirahan. She thought she had moved on. Pero nang bumalik siya sa Pilipinas at nagkita uli sila ni Brayden, nalaman niya ang buong katotohanan sa likod ng masaklap nilang love story.

Nakumpirma rin niyang ni minsan ay hindi nawala ang pagmamahal niya sa lalaki.

But how could she fight for their love when she was already engaged to be married to another man...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Yuck!" Tili ni Sofia, ang ate ni Scarlett, nang bumungad ito sa sala. "Don't tell me, papasok ka ng school na ganiyan ang suot mo?" Madalas nitong problemahin ang kaniyang fashion na manang daw, wala sa uso at baduy. Pero ano bang magagawa niya kung ganito ang bet niya na fashion? Sanay naman na si Scarlett sa pagiging pakialamera ng kaniyang ate, hindi lang sa pananamit kundi sa buong buhay niya. Naiintindihan din niya kung bakit gan'on na lang ito kung laiitin ang kaniyang lifestyle. Isa kasi ang kaniyang Ate Sofia sa tinitingalang top models of the Philippines. Pero okay na 'yon at least napapansin nito si Scarlett, kumpara naman sa Kuya Jaxon niya na laging dedma. Kung daan-daanan siya, as if hindi siya nag-i- exist sa universe! At walang inatupag kundi mag-car racing, na bihira naman kung manalo. "What's wrong with my outfit, ate?" Kunwa'y tanong din niya rito. Sinipat niya ang sarili sa malaking salamin na nasa sala. Fitted naman sa kaniya ang skinny jeans na tinernuhan niya ng three-fourth shirt. Naka-rubber shoes siya at nakapusod ang mahaba niyang buhok. Suot-suot din niya ang kaniyang magic mirror-na ayon pa sa ate niya ay lalong nagpa-emphasize sa kaniyang pagiging nerd. Ngunit ano ang magagawa ni Scarlett? Eh, sa malabo na ang kaniyang mga mata? "'Buti sana kung ikaw lang ang napapahiya sa ayos mong 'yan, eh." Maarteng pagrereklamo ni Ate Sofia. Ngumiwi pa ito. "Im telling you, Scarlett, pinagtatawanan na ako ng mga friends ko dahil sa pagkakaroon ng kapatid na jologs. Kapag hindi mo pa inayos 'yang pananamit mo, mapipilitan akong paayusan ka sa mga kaibigan kong bakla!" Namilog ang mga mata ni Scarlett. "Ayoko, Ate Sofia! Ayokong magmukhang bading, 'no!" "What's going on here, ladies?" Bungad ng kanilang inang si Mommy Arianna. Pinaikot ng Ate Sofia niya ang mga mata. "It's your weirdo daughter... Again!" Ang kaniyang Mommy Arianna ang tanging kakampi ni Scarlett pagdating sa fashion. Okay lang daw kung saan siya mas comfortable. "Sofia!" saway naman ng kanilang Daddy na papanaog sa hagdan. Pero inismiran lang ito ng ate ni Scarlett. Maya-maya ay dumaan sa kanilang harapan ang Kuya Jaxon niya at dire-diretso sa paglabas ng bahay. Ni hindi man lang nag-abalang magpaalam sa kanilang mga magulang. "Jaxon!" malakas na tawag ng kanilang ama sa kuya ni Scarlett. Ngunit hindi man lang ito lumingon hanggang sa narinig na nila ang ugong ng sasakyan. Mayamaya'y sumunod na rin ang kaniyang ate na tanging 'bye' lang ang iniwan. "Sumusobra na 'yang mga anak mo, Arianna." "Siguro madami lang iniisip ang mga bata," pagdedepensa ng mommy ni Scarlett sa kaniyang mga kapatid. "Kaya lumalaki ang ulo ng mga iyon dahil sa pagtatanggol mo. I think I should punish them para magtino." "And do you really think na makakatulong 'yon? They are not a kid anymore, Vergilio. Na madadala kapag na-grounded o di kaya kapag hindi mo binigyan ng allowance." "Yes, I know. Kaya ang ibig sabihin niyon ay malalaki na rin sila para sa serious punishment. Oras na gumawa pa sila ng kalokohan ay makakatikim na sila sa 'kin," determinadong banta ng kaniyang ama kaya hindi na sumagot pa si Mommy Arianna. Alam kasi nila parehas na kapag gan'on na ang tono ng pananalita nito ay wala na silang magagawa pa. "I have to go." Binalingan siya ng ama. "And Scarlett, sana hindi ka tumulad sa mga kapatid mo ngayong nasa tamang edad ka na." Hinagkan siya nito sa noo saka dinampian ng halik sa labi ang esposa. Nang makaalis ang ama ay nagpaalam na rin sa ina si Scarlett. Malambing niyang inakbayan ang ina. "I have to go, too, Mom. Huwag na po kayong mag-isip about ate and kuya. Matatanga na ang mga iyon para sa mga sarili nila." "'Buti na lang hindi at ka nagmana sa mga kapatid mo." Pilit itong ngumiti saka siya hinagkan. Lumabas na si Scarlett at sumakay sa kaniyang kulay gray na Audi A4, pagkatapos na pagaanin ang loob ng ina. Pinayagan na siya ng kaniyang parents to drive her own car simula nang tumuntong siya ng eighteen. Unlike before na may sarili pa siyang driver. Kaya galit sa kaniya ang mga kapatid dahil daw mas paborito siya ng kanilang mga magulang. Pero hindi 'yon totoo. Si Scarlett lang kasi ang matino sa kanilang tatlo kaya lagi siyang napupuri sa bahay nila. Walang gaanong traffic ng araw na 'yon kaya mabilis ang naging biyahe ni Scarlett. Hindi niya namalayang nasa tapat na pala siya ng Collegio de Santo Niño- isa sa pinakamahal na eskuwelahan sa buong Quezon City. Pagkatapos niyang iparada ang kotse sa parking lot ng campus ay naglakad na siya papunta sa kaniyang first class.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

His Cheating Heart

read
40.5K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
45.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook