bc

I HATE YOU BUT I LOVE YOU - (Fendi&Letiana)

book_age18+
86
FOLLOW
1K
READ
arrogant
badboy
no-couple
lighthearted
bully
campus
first love
like
intro-logo
Blurb

(This story is not copyright from the other source like other novels and drama series. All the dropped names, events, places and sequence of the story are created by my own fiction/imagination)

Mr. Fendi Castillejos which is the leading man in the story has a long lost childhood  sweet friend during his age of 7 y/o, her named is Letiana Del Puerca at the Brgy. of Alalingan Batangas City.It was all started when he saved her life at the forest. At that time, Fendi was busy of taking care of his goats in the forest then out of nowhere, he heard that there was someone screaming for a help. So he saved her life from danger. Fendi was a poor boy that was living with his family in the middle of a rice field opposite to the life of Letiana. She was a famous daughter of one of the successful businessman of their town. These children had a multiple secret bondings mostly at the forest and at the piggery. Letiana seldomly escaping from her home just to see her friend to play with him without the knowledge of her parents. They created a meaningful bondings during their childhood memories for each other but there was an unexpected tragedy that happened to the family of Fendi. Along the way, Mr. Premetivo has been discovered that the father of  Fendi was the mistress of his wife Marciana so he made a revenge by means of threatening him up to death by his own men. Fendi was in their house when he witnessed those criminals were assaulted his father. Because of this, there was an unexpected spreading of fire that happened when his father didn’t notice the fallen lightning candle at their floor when he accidentally hit it during his fought to the intruders that led why his parents were burned by the huge fire. Fendi became an orphan then he was living at the street for a couple of weeks. Along the way, he met an old man who was living by himself then this oldman adopted him. When the oldman got sick and heading his death, his only child named Maleyna Cuertas visited her long lost father. This mentioned woman had a huge anger and sorrow to her father because he left her when she was younger with her mother but in the end, she gave her forgiveness for his peace.

         When the old man died, Maleyna Cuertas adopted Fendi then they went at the Manila for a new life. Fendi grew up already and he is now a college student at the UST. Eventhough he has a new family, he still continously living by himself because his parents are busy of managing their business in Amerika. He will going to meet Letiana Del Puerca again. The destiny crossed their path again. She is his new classmate because she is a transferre student from University of Batangas. When he recognized her, he became so happy but the pain in his heart awakened again when he realized that her father is the cause of the death of his parents at the Alalingan Batangas City and also became a reason why he turned into a loner child. Will he be forgotten all the heartaches of his past for the sake of the friendship? Or still pursuing the burn of revenge to gain a justice for the death of his parents? What response he should have to do? What if, the destiny would push him again to meet the man that he doesn't like to see? How could he manage it?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1- Katas ng Tagumpay
Ang nakaraan… Sa taong 1995, sa lugar ng Alangilan, Batangas City ay may isang mayamang pamilya ang kilala dahil sa pagmamay-ari nila ng halos malaking parte ng ilang ektarya ng lupa. Ito ay pinagtayuan nila ng iba't ibang mga negosyo na isa sa mga kilala na pinagkukuhanan ng angkat ng bigas at koprahan. Mayroon din silang pag-aari ng ibang parte ng isla kung saan pinagkukuhanan din ito ng suplay ng bangus sa kanilang lugar. Walang iba kundi ang pamilya ng Del Puerca. Si Don Costejo Del Puerca ang isa sa pinakatanyag na negosyante sa kanilang lugar. Mayroon itong mabait na asawa na nagngangalang Dona Fermelita Del Puerca na sumusunod lang sa lahat ng gustuhin at desisyon nito. Mayroon silang nag-iisang anak na lalaki na walang iba kundi si Premetivo Del Puerca. Si Don Costejo Del Puerca ay isang ambisyoso, mapulitika at walang ibang pinakikinggan na desisyon kundi ang sarili niya lang na desisyon maliban lang kung magkakaroon iyon ng pakinabang sa kanya. Isa rin itong istrikto at magaling makipaglaro sa larangan ng negosyo. Isang araw, nagpadaos ng malaking selebrasyon sa kanilang hacienda ang pamilyang Del Puerca at nag-imbita ito ng malalaking mga tao sa nasabing okasyon kasama na ang ilan niyang kilalang mga pulitiko sa kanilang lugar para sa paghahandog niya ng pasasalamat sa tagumpay nang pagtaas ng kanilang kita at sa paghakot pa ng ilang business partner nito sa kaniyang negosyo. Ilan sa kanila ay nanggaling pa sa Manila. "Cheers! kumpanyero, it's a very grateful day for having here in your celebration of success," bati ng isang negosyante na kausap ni Don Costejo sa isang malaking lamesa na nasa gitna ng kanyang malawak na hardin. Maraming tao ang nagkakasiyahan at sabay-sabay silang nagtaasan ng kanilang mga baso para magcheers. "Thanks kumpanyero, hindi lang para sa akin ito kundi para sa ating lahat na bahagi ng proyekto na ito.. kayo ang dahilan kung bakit tayo nagcecelebrate ngayon, cheers pa tayo!" masayang sambit naman ni Don Costejo para sa lahat ng naroroon. "Cheers!" sagot naman ng sabay-sabay ng halos lahat ng tao na naroroon . "Magaling talaga itong si kumpare, lahat ng nagagawa niya ay nagiging matagumpay. Isa kang legend kumpare haha," todo papuri pa ng ilang mga kakilala niya sa okasyon na iyon. Maya't maya'y dumating ang isa sa importanteng panauhing pandangal nito na isang politiko. "Sandali lang mga kumpanyero, sasalubungin ko lang si governor Montero. Ayan na siya at nakapasok na," pagpapaalam naman niya sa mga taong kausap niya. Siya na nga ay nagtungo sa bisitang pandangal nito na kapapasok lang sa kanyang malawak na hardin. "Have a great evening governor. Please come in, sobra po akong nagpapasalamat at pinaunlakan ninyo ang aking paanyaya. Sana’y mag-enjoy po kayo," masaya at masiglang bati ni Don Costejo sa dumating na bisita. "Maraming salamat sa paanyaya Don Del Puerca. I congratulate you sa tagumpay mo," masayang sagot naman sa kanya ng governor at sila nga'y sabay nang pumasok sa loob ng naturang okasyon. Masaya ang lahat, may nagsasayawan sa gitna at ang iba naman ay abalang nakikipagkwentuhan sa ibang mga bisita na naroroon. May kinuha rin silang isa sa mga sikat na musikero sa kanilang bayan. Marami ring masasarap na pagkain ang nakahain sa kanilang buffet kaya hindi rin nagsasawa kaagad ang iba na bumalik-balik para kumain ulit. Habang busy ang lahat sa kasiyahan ay may isang dalaga na nakatanaw lang sa labasan ng gate at panay ang silip nito sa mga taong naroroon at sa patuloy pa na mga pumapasok sa loob. Kanina pa ito hindi mapakali sa tao na kanyang hinihintay habang palakad-lakad ito nang pabalik-balik sa kanyang kinaroroonan mismo sa isang malaking puno sa gilid ng labas ng hacienda. Kanina pa rin ito hampas nang hampas sa kanyang kanang braso dahil sa mga lamok na panay ang dapo sa kanya. Sa kabilang banda naman, kanina pa pasilip-silip sa security guard ng gate sa pinakalabasan si Premetivo Del Puerca at nag-iisip ito kung paano siya makakalabas ng hindi namamalayan ng kanilang guard. May isang pagkakataon na napansin niyang may isang matandang babae ang lumapit sa kanilang guard at humingi ito ng tulong para mabitbit ang kanyang dala-dala na ipanreregalo sa ama niya na si Don Costejo papasok sa loob saka niya sinamantala ang pagtakbo patungo sa labasan ng gate. Nang makalabas na siya roon ay agad nitong pinuntahan ang babaeng kanina pa na naghihintay sa kanya sa tapat mismo ng puno na naroroon sa kanang gilid. “Mahal ko, nandito na ako. Pasensya ka na kung pinaghintay kita nang matagal. Alam mo naman na sobrang busy sa loob at marami ang bisita na dumating. Ok ka lang ba riyan?” pagtatanong na may pag-aalala ni Premetivo kay Maleyna na kanyang kasintahan at niyakap niya ito ng mahigpit saka hinalikan ng madiin ang kanyang labi. "Ok lang ako mahal ko, ang importante ay nakarating ka,” sagot naman ni Maleyna sa kanya. "Halika sa loob, kumain ka muna at maraming masasarap na pagkain ang naroroon, tara,” pagyaya naman sa kanya ni Premetivo saka nito hinila ang kanyang kanang kamay palakad nila. "Nahihiya ako sa mga bisita ninyo.. huwag na lang kaya? Tingnan mo naman ang kasuotan ko kumpara naman sa mga bisita ninyo at nakita ko kanina, na parang may isang governor ang dumalo sa loob,” pag-aalangan na sagot nito sa lalaki at nanantili lang siya na nakatayo sa kanyang pwesto. "Ok naman ang damit mo huh… hindi mo na kailangan ang magsuot ng magara dahil maganda ka na. Mas lutang pa nga ang iyong kagandahan sa simple lang na pananamit. Ok lang yan ..huwag mo silang intindihin ..Nandito naman ako, huwag kang mag-alala mahal ko,” sambit ulit ng lalaki habang nakayakap na ito sa kanya at hinahawakan nito ang kanyang ulo ng kanyang kanang kamay. Napapapayag na nga siya sa huli na makapasok sila sa loob ng hacienda. Bago sila makapasok, panay silip naman ulit nila sa security guard na nagbabantay pa rin sa kanilang gate. Maya’t maya’y naging busy na ito dahil sa pagsalubong nito sa mga bagong tatlong bisita na dumating at saka sila tumakbo ulit pabalik sa loob.Habang naglalakad sa loob ng nasabing okasyon si Maleyna ay sobra itong namangha sa kagandahan na nakita niya roon. Pinaupo ng lalaki ang babae banda sa duluhan para hindi ito gaanong mapansin ng kanyang mga magulang na nakapwesto naman sa unahan at abala na nakikipagkwentuhan sa mga bisita na naroroon. "Anong gusto mong kainin mahal? Ikukuha kita ng makakain mo roon sa buffet area,” tanong naman ni Premetivo sa babae. “Bahala ka ng kumuha,” sagot naman nito saka ito nagtungo sa pwesto ng mga pagkain. Si Maleyna Cuertas ay isang mahirap na anak ng mangingisda sa kanilang lugar na nagtatrabaho mismo sa pag-aari ng isla ng pamilya ng lalaki. Lumaki itong wala ng ama dahil bata pa lang ito ay iniwan na sila ng kanyang ama nang magtungo ito sa ibang bansa para magtrabaho hanggang sa hindi na ito nagparamdam pa sa kanila. Ang ina na lamang niya ang nagpalaki sa kanya sa pamamagitan ng pagsuporta nito na nanggagaling sa kinikita niya sa pangingisda at pagbebenta ng mga isda sa kanilang palengke. High school lang ang tinapos ni Maleyna at pagkatapos niyang mag-aral ay tumulong na kaagad siya sa pagtatrabaho para sa kanyang ina sa pamamagitan ng paekstra-ekstra sa pagtatanim ng palay at pagtitinda ng isda sa palengke. Sa kabilang banda naman, bigla pang may humabol na bisita sa okasyon ng Del Puerca na isa ring kilala at mayamang negosyante na taga Manila, ang pamilyang Monchesca. Sinalubong kaagad ni Don Costejo ang buong pamilyang Monchesca na dumalo sa naturang okasyon sa bungad ng kanilang hardin. "What a big surprise kumpanyero! Buti at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko sa inyo. Welcome! Tara pasok muna kayo. Alam kong sobrang busy mo na tao kaya it’s a very pleasure na nagkaroon ka ng oras para madalaw mo ang hacienda ko pare haha,” masiglang pagbati ni Don Costejo sa dumating na bisita. "Siyempre naman kompanyero ikaw pa ba ay bibiguin ko? Haha.. malapit na rin naman tayong magiging magbalae kaya dapat lang na magkakilanlan ang mga pamilya natin,” masaya din namang pahayag sa kanya ni Don Lucio Monchesca. Sila’y nag-uusap na dalawa lamang habang nakahiwalay naman sa kanila ang naiwan pang asawa at anak ni Don Lucio na naroroon pa rin sa gilid ng bungad ng hardin. Naghihintay sila sa signal nito para makapasok na rin sila ng tuluyan sa loob. "Alam na ba ng anak mo ang tungkol sa balak natin?” taong ni Don Costejo sa kausap. "Ngayon pa lang niya malalaman. Mas ok nga na surpresa para hindi na rin sila parehas makatanggi diba? Ikaw ba? Nasabi mo na rin ba sa uniko iho mo?” balik na tanong naman ni Don Lucio. "Maganda ang ideya mo pare haha. Mamaya ipapakilala natin sila sa isa’t-isa. Tamang-tama na rin ang pagkakataon na ito para mas magkakilanlan sila haha. Nasa'n ba ang napakaganda mong anak na babae?” tanong naman ni Don Costejo sa kanya. "Sandali lang pare ah, Honey! Marciana anak lumapit na kayo rito,” pagtawag ng pansin sa kanila ni Don Lucio. Saka naman sila nagsipaglapitan. "Wow! kumpanyero, sadyang napakaganda naman pala ng anak mo, nagmana sa maganda mong asawa,“ papuring sabi na lang nito sa kausap. "Siyempre naman kumpanyero, maganda ang mga lahi namin haha. Malalahian ka na rin,” masaya namang sagot muli ni Don Lucio. Dahil sa mga sinabi nito ay nabigla ang dalawang babae na dumating lalo na si Marciana. Bahagya itong kinabahan sa sinabi ng kanyang ama. Si Marciana Monchesca ay ang bunsong anak ni Don Lucio Monchesca na galing sa mayamang angkan ng mga negosyante at nakatira sila sa Maynila. Nakasuot ito ng kulay pink na sleeveless na bestida na kita ang makinis niyang balikat at leeg na tinernohan ng mataas na heels na sandalyas. Nakaayos naman ng kulot ang mahaba nitong buhok na nakadantay sa kanyang makinis na mga balikat at nakamake-up pa. Inakala niya na isang simpleng pagdalo lang sa isang party ang sadya ng kanilang pamilya roon subalit ngayon, halos parang sinakluban ng buong kaba ang kanyang dibdib. Imbes na matuwa at magsaya siya sa pagdalo nila sa party na iyon ay parang nagsasabi na ang isip nito na dapat na siyang umalis kaagad doon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook