bc

The Billionaire's Secret Possession (Hidden Desire Series #5)

book_age18+
10.8K
FOLLOW
40.8K
READ
billionaire
stalker
dark
possessive
forced
dominant
manipulative
beast
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

Sikat si Greta Vittoria Colombo bilang isang artista sa Pilipinas. Kilala din siya bilang maayos at disente na babae. Ngunit tila walang pumapasa sa magulang nito bilang maging nobyo niya maliban na lang kay Gregory Reyes. Isang magaling at marangal na Doctor na tumutulong sa mga mahihirap para sa libreng konsultasyon at gamot. He’s a complete package. A handsome thirty-five years old na Surgeon Doctor na likas ang pagiging mabait at gentleman. She fell in love and they became an official couple. Greta believes that everything goes well. Sa buhay niya bilang sikat na artista, anak at fiancee. Wala na siyang mahihiling pa. Pero iyon ang buong akala niya.

She was abducted by few tall men on the night of her engagement party at ang mastermind ay walang iba kundi si Marco Giovanni Romano. Marco is a thirty-years old billionaire whose involve into illegal drugs. Siya ang may-ari ng Romano Cruise Lines na mayroon ng mahigit isang daang ships na naglalayag sa buong mundo. He’s a ruthless billionaire. He gets what he wants in just a snap, including her. He’s has the power in everything and a certified womanizer. He’s arrogant, possessive, dominant, and territorial man. Negative traits? Name it, mayroon siya lahat niyan pero nagtatago sa magandang mukha at katawan.

She’s scared for her life. Marco Giovanni is obsessed with her and now he wants to secretly keeping her in the palace forever! To her surprise, Marco Giovanni wants her to be his wife and carry his child! Will she able to escape and run for her life?

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA: HINDI ako makapagsalita. Gulantang ako at tila hindi maproseso ng utak ko ang nangyayari. Nilahad nito ang kamay sa akin. Tinabig ko iyon at umurong. Bakas man ang takot ngayon sa aking mukha ay pilit kong pinapakita na handa pa din akong ipagtanggol ang aking sarili mula sa kanya. Hindi ko maalis-alis ang aking tingin sa kulay asul niyang mga mata. Binawi nito ang kamay pero madilim na anyo naman ang pinakita sa akin. He's intimidating. Bakas sa tindig at awra nito na makapangyarihan talaga siyang tao. May lumapit sa kanyang tauhan at kinuha ang baril na nasa kanang kamay nito. Nilukob lalo ng kaba ang aking sistema. Ganunpaman, nakuha kong mapansin kung gaano siya kaperpekto. Habang tinitignan ko siyang lalo ay napansin ko ang tila maraming lihim sa likod ng kanyang magagandang mata. Matangos at manipis ang kanyang labi. Tulad ko ay may bakas din siyang pagiging Italyano. Ang mumunting bigote at balbas nito ay nakadagdag atraksyon sa kanya. Para siyang Greek God pero hindi ang pagkatao nito. Masama kasi siyang tao. Lihim kong kinagalitan ang sarili. Paano ko nagawang purihin ang lalaking nasa harap ko ngayon. Kinuyom ko ang aking kamay. Nananakit pa din ang aking katawan mula sa ginawang pakikipaglaban sa mga tauhan nito. Gumalaw ang panga niya habang madilim ang tingin sa akin. "Y-you are... you are Marco Romano. You're the owner of Romano Cruise Lines. What do you want from me?!" hindi ko na napigilan na bulyawan siya. Takot man ako pero hindi ko ipinakita iyon. Buong tapang akong umupo mula sa pagkakahiga sa lupa. Napadaing ako sa aking balakang ng subukan kong tumayo. Galit ko siyang tinignan. Nahuli ko ang pagsulyap nito sa aking balakang. Umigting ang kanyang bagang at walang sabi-sabing kinuha nito ang baril na nakasuksok sa gilid ng beywang ng katabi niyang tauhan! Mabilis nitong tinututok ang baril sa tauhan nitong nasa tabi ko. Nanlaki ang aking mga mata! Nagmamakaawa ang tauhan nito at halata ang takot sa pagtutok ni Marco ng baril sa kanya. Sapo-sapo nito ang duguang binti at hita na si Marco din ang may gawa. "Boss, 'wag! Parang awa mo na!" Umiling-iling ito at nagmamakaawa. Umawang ang aking bibig at hindi ako makapagsalita. Mabilis kong tinignan si Marco pero walang bahid ng ngiti ang mukha nito. Pigil ang aking hininga at napatitig ako sa hawak nitong baril. Nang makita kong gagalawin na ang gatilyo ay pumikit ako ng mariin at tinakpan ang aking magkabilang tainga. Nakadinig ako ng dalawang putok ng baril. Napatili ako at nanginginig na lalo sa takot. Takot ako para sa sarili dahil alam kong masasaktan ako o ikamamatay ko ang pagtatagpo naming ito ni Marco. Umiiyak na ako ng sinubukan kong idilat ang mga mata. Diretso lang ang aking tingin pero kita ko pa rin sa gilid ng aking mga mata ang lalaking tauhan nito na ngayon ay nakahandusay na sa lupa. Hinihila na ng mga kasamahan nito paalis sa aking tabi. Hindi ko alam kung magagawa ko bang makatulog ng mahimbing matapos ang nangyari ngayon. Lalo na tatatak sa isip ko ang pinatay na lalaki kanina. Gulong-gulo ako at walang maintindihan sa nangyayari. Nawala ang kaunting tapang ko kanina. Hindi na ako makapagsalita. Pakiramdam ko katapusan ko na. Umiiyak ako habang nakatulala. Tahimik siyang lumapit sa akin. Napaurong ako. Para akong pusa na takot na takot at umiiling. Pero agad akong natigilan ng maisip na baka barilin niya ako bigla dahil hindi ako sumusunod sa kanya. Nanatili ang diretso kong tingin. Nakalapit siya ng tuluyan sa akin. Tahimik lang ito habang pinagmamasdan ako Nagsquat siya at ang isang binti ay tinukod na sa lupa. Nanigas ang aking katawan ng hawakan nito ang aking basang pisngi. "I am flattered that you knew me," anito sa baritonong tinig. Ngumisi ito habang tinitignan ako. Takot na takot ako pero bakit tila may ilang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan ng hawakan niya ako. Nilapit nito ang mukha sa akin kaya napaiwas ako. Pigil ang aking hininga at mas lalong nanigas ang aking katawan. "P-please, p-please... G-gusto ko ng... u-umuwi..." Napasigok ako. Tinagilid ni Marco ang kanyang ulo habang pinagmamasdan ako. Ngumisi ito na tila nakakaloko. Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba. Dahan-dahan itong umiling kaya mas lalong bumuhos ang luha ko at tumindi ang aking hikbi. Umiwas ako ng akmang hahawakan niya ako. Nanlaki ang aking mga mata ng sinakmal nito ang aking magkabilang pisngi. Galit at pilit akong iniharap sa kanya. Mas tumindi pa ang aking takot na nadaraman. Tumambad sa akin ang galit niyang mga mata. "I will keep you here with me. You will forget about your life as an actress and your idiot boy. Stick that in your pretty head, baby..." anito. Mahinahon man ang pagkakasabi ngunit bakas sa bawat salita nito kung gaano siya kadelikadong tao. Napuno ng tanong ang aking mga mata kasabay ng aking paghikbi. "Please... p-please, Marco," pagmamaka-awa ko. Halos maghalo na ang luha at sipon sa aking mukha. Pumikit si Marco na tila ninamnam ang mga sinabi ko. Umungol ito at naghatid iyon ng kilabot sa akin. "My name sounds so good when you say it..." sabi nito at nagmulat ng mata. Umiwas ako ng tingin habang humihikbi. Nanakit na ang aking panga dahil sa pagkakahawak niya. Mas lalo akong kinilabutan. May kutob na ako kung anong gusto niya pero umaasa pa din ako na hindi at makakawala ako dito. "P-pakawalan mo na... a-ako..." humihikbi kong sabi. Ngumisi ito at tinignan ako sa mga mata habang tinagilid ang kanyang ulo. "You're going to marry me, and you have to carry my next generation," Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. This guy is crazy! He's obsessed with me! Pinakawalan niya ang aking pisngi at tumayo ito habang pinagmamasdan pa din akong tila nawalan ng lakas sa narinig. Nakatulala ako habang umiiyak. "Get her in!" utos nito at nagsi-kilos ang mga tauhan ni Marco para alalayan ako na itayo mula sa lupa. Nanlalambot ang aking mga tuhod. Naunang pumasok si Marco sa palasyo nito. Bumuhos pang lalo ang mga luha ko ng unti-unti ng napo-proseso ng utak ko ang mangyayari sa akin ngayon at sa mga susunod na araw. May pag-asa pa kaya akong makaalis sa kamay niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook