bc

Owned By The Mafia Boss

book_age4+
113.9K
FOLLOW
613.7K
READ
billionaire
murder
boss
mafia
bxg
like
intro-logo
Blurb

May isang ampunan na kung saan ay napapabilang sa mga sindikato. Nagbebenta sila ng mga batang kababaihan para sa mga Mafias na may ranggo. Isang binata na nag ngangalang Reid Lewis Ford ang nag hintay ng ilang taon para mabili ang pinakamimithi niya at iyon si Ellen Garcia. Ano ang magiging buhay ng dalaga sa mga kamay ng isang rank 1 Mafia Lord?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ako nga pala si Ellen Garcia, katorse anyos ako simula ng kupkupin ako ni Sister Frances. Apat na taon narin akong naninirahan dito sa bahay ampunan. Disi otso na ako ngayong taon isa na akong ganap na dalaga. Ulila na akong lubos namatay ang aking Ama samantalahang hindi ko naman kilala ang aking ina. Ang tiyo ko na walang sing sama ay binenta ako sa isang lalaki at dito ako dinala sa bahay ampunan. Kinupkop naman ako ni Sister Frances at akala ko'y nakatakas na ako sa masasamang kamay. Ngunit nagkamali ako, dahil dito palang magsisimula ang bangungot ng buhay ko. Para sa kalaman ng lahat ay Isang sekretong organisasyon ito ng mga sindikato. Mapapansin mong puro kami babae mula edad walo hanggang bente na taong gulang. Magaganda ang halos lahat ng kababaihan dito, maswerte na lamang ako at naririto pa ako dahil ibinebenta kami ni Sister Frances sa mga Mafia's. Takot na takot ako at gusto ko ng umalis sa lugar na to. Ngunit paano? Pano ako makaalis kung nakatulong kami sa malaking bahay ampunan na to. **** "Ellen? Nabalitaan mo ba wala na si Sari ibinenta na ni Sister Frances dun sa mayamang Mafia boss na si Stepen Delfonso." Balita sakin ni Celine. Si Stepen ang number 4 sa rank ng mga mafia, kinatatakutan ito at marami ng mga nabalitang pinatumba nito na kapwa mafia niya. "Sari? Hindi maaari ang bata pa ni Sari." Sabi ko. Si Sari kasi ay 16 taon pa lamang at sadyang napakabata pa. Lalo akong hindi nakampante ng malaman kong si Stepen ang bumili sakanya. "Wala na tayong magagawa Ellen hinihintay nalang natin ang mga bibili satin. Eto ang kapalaran natin." Sabi ni Celine. "Hindi naman ako makakapayag Celine, lalaban tayo. Tayo nalang ang natitirang pamilya dito." Pamilya na ang turing ko kay Celine at Sari ang pinakabata samin. Mas matanda naman sakin si Celine dahil bente anyos na ito. "Natatakot ako para satin Ellen." "Wag kang matakot, tatagan lang natin ang mga loob natin." Pinapangako ko din sa sarili ko na hahanapin ko si Sari ano mang mangyare. Pumasok sa selda si Sister Frances kung saan kami nakapreso lahat. "Sino sainyo ang may balat sa balikat?" Unang tanong nito. Nagkatinginan kami bigla ni Celine. Hinawakan ko naman ang kamay niya. "Waren hubaran isa isa ang mga babaeng yan." Utos nito sa kasama niyang lalaki. Lalong nanikip ang dibdib ko. Gustong gusto ko ng manlaban. "Ellen natatakot na ako." Bulong sakin ni Celine. "Wag kang matakot." Bulong ko dito. Isa isa ng sinira ng lalaking ito ang sleeve ng damit namin. Pinupunit niya kada madadaanan niya. At ngayon nasa harapan na namin siya. Kagad niyang hinila si Celine. "Aray ko!" "Dahan dahan lang po wag niyo siyang sasaktan." Sabi ko. Hindi naman ito nakinig sakin at dali daling pinunit ang suot ni Celine. Tumingin ang lalaki sakin. "Hindi siya." Sabi nito. "Halika dito!" Sabi nito at hinila ako. Kagad niyang pinunit ang aking damit at natulala sandali. "Madam nahanap ko na." Sabi nito at kinaladkad na ako palabas. Naiwan ko namang luhaan si Celine. "Sandali lang Sister saan mo ako dadalhin?" "Wag ka ng madaming tanong iha. Napakaswerte mo at ikaw ang napili niya." Hindi ko ito maintindihan. Inilabas ako ng selda at ang sakit sa mata ng liwanag na nanggagaling sa araw. Naglakad pa kami ng naglakad hanggang sa may makita na kaming tatlong itim na sasakyan at mga lalaking puros naka uniform na itim. "Ayusin mo ang sarili mo Ellen." Sabi sakin. Paano ko naman aayusin ang sarili ko eh mukha na akong grasa at punit pa ang damit ko. Nakatayo lamang kami na animo'y may hinihintay. Maya maya pa ay may lumabas ng isang lalaking tansya ko ay nasa 6'2 ang tangkad nito. Nakaitim lang ito at halatang mamahalin ang damit. Yumuko sina Sister pati ang lalaki. Pati narin ang mga gwardiya ay nagsipag yukuan na. Ako lamang ang naglakas loob na sumuway sa tradisiyon dito sa ampunan. Hinding hindi ako yuyuko nino man. Naglakad ito ng dahan dahan papalapit sakin at sinuri ako. Tinitigan ko lamang siya at hindi ko maipagkakaila na napaka gwapo niya kahit na may maliit na pilat ito sa gilid ng kanang mata. "Lord ito na po siya, ang batang may balat sa balikat." Sabi ni Sister. Lord ang tawag nila? Hindi maaari. Siya na kaya? Siya na kaya ang Mafia Lord na si Reid Ford? Ang makapangyarihan sa lahat, ang pumapatay ng walang awa. Diyos ko iligtas niyo po ako. "Tumingin ka sakin." Sabi nito. Nagiiwas lamang ako ng tingin dahil sadyang nakakatakot ang mga titig niya. "Titingin ka o gusto mo ng mamatay?" Kinabahan ako dahil nakarinig ako ng pagkalas ng baril. Para na akong maiihi sa takot kaya tumingin ako. Ng makita niya ako ng malapitan at malinaw na ay parang biglang natauhan ito. "Iuuwi na kita sa Bahay natin." Bigla na lamang naging kalmado ang boses nito at may bakas ng liwanag ang kaninang madilim na mukha nito. Napakagwapo pala niya sa malapitan. Napakalakas ng appeal nito. "Don't touch her." Sabi nito sa lalaking kanina pa nakahawak sa braso ko. Wala pang ilang segundo ay kinalabit niya ang trigger ng baril sa may paa mismo ng lalaki dahilan para mapahiga ito sa sakit. Grabe wala siyang puso. Garapalan. "Pasalamat ka at binuhay pa kita." Sabi nito sa lalaki. "Let's go." Inalalayan ako bigla nito papasok sa mamahaling kotse niya. Nakita ko namang may iniabot na dalawang suit case at alam kong eto na ang kabayaran ko. Nagdarasal na lamang ako na sana humaba pa ang buhay ko. Dahil... I'm owned by the Mafia boss.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.3K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.4K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
478.9K
bc

He's Cold Hearted

read
160.3K
bc

His Precious Property

read
613.6K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.0K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook