bc

Crime and Passion

book_age16+
9.1K
FOLLOW
67.7K
READ
sex
age gap
forced
independent
drama
bxg
small town
childhood crush
lawyer
passionate
like
intro-logo
Blurb

Beinte anyos lang si Gigi Apostol, pero ipinagkasundo na siyang ipakasal ng stepmother niya sa isang matandang mayamang negosyante sa kanilang bayan. Mula nang magkaisip si Gigi, tumatak na sa kaniya na ang stepmother at hindi ang kaniyang biological father ang nasusunod sa kanilang pamilya. Upang hindi matuloy ang kasal, pinapakitaan ni Gigi nang kasamaan ng ugali ang matandang negosyante dahil nagbabakasakali siyang ito mismo ang umayaw na pakasalan siya. Ang hindi niya inaasahan, natagpuang patay ang matanda sa loob ng opisina nito at si Gigi ang itinuturong salarin.

Akala ni Gigi ay tuluyan nang masasayang ang kaniyang buhay subalit, isang tao ang nagpakita ng pagmamalasakit sa kaniya. Bata pa lang siya ay kilala na niya si Attorney Matthew Gamboa dahil apo ito ng may-ari ng hacienda kung saan katiwala ang kaniyang ama. He was also her childhood crush. Trese anyos lang siya noon habang twenty-eight years old naman si Matthew. Sa paglipas ng mga taon ay nawala na sa isip ni Gigi ang paghanga sa abogado hanggang sa tinulungan siya nitong makalaya. Naabswelto si Gigi sa krimen kaya ang laking pasasalamat niya kay Matthew. Ang hindi alam ng dalaga, may kapalit pala ang lahat…

“Maniningil na ako ng mga pautang, Gigi.”

“P-pero…w-wala pa po akong perang pambayad, Senyorito.”

“You don't need money to repay me. You just have to marry me...”

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“HALIKA nga ritong babae ka! Ano na naman ba ang ginawa mo?” asik ni Tita Donna at halos mabali ang braso ko sa malakas na paghatak niya sa akin. “B-bakit po ba, Tita? Ano bang ginawa ko?” “Maang-maangan ka pa? Sinadya mong itapon kay Mr. Javier ang juice para umuwi agad ang matanda!” Hindi ako agad nakasagot. Ang hirap lang ipagtanggol ang kasinungalingan lalo na sa harapan ni Tita Donna. Totoong sinadya kong itapon ang juice sa damit ni Mr. Javier. Nagulat ang matanda at nagreklamo pero, hindi naman tuluyang nagalit. Nagpaalam na lang ito na aalis na. “Ano? Sinusubukan mo talaga ang pasensiya ko?” “H-hindi po, Tita. N-nadulas talaga sa kamay ko ang bas-” “Sinungaling! Alam kong sinadya mo ‘yon!” Nanlilisik na ang mga mata niya at tila bubugahan na ako ng apoy. Pagkaalis nga ng sasakyan ni Mr. Javier ay hindi na nakahintay si Tita Donna at hinila agad ako. “Hoy, babae, heto ang tandaan mo, kahit ano pang gawin mo matutuloy at matutuloy ang kasal mo kay Mr. Javier! Isaksak mo ‘yan sa kukote mo dahil hindi ako papayag na makawala sa akin ang pagkakataong ito! Kaya magpakaayos ka dahil kung hindi mo gagawin ang gusto ko, lalayasan ko kayo ng tatay mo at tingnan ko kung saan kayo puluting mag-ama!” Pagkasabi noon ay tinalikuran niya ako. Pagkatapos ng panenermon sa akin ni Tita Donna ay pumasok ako sa kwarto at kumuha ng pamalit na damit pambahay. Naka-bestida kasi ako dahil iyon ang gusto ni Tita Donna na suotin ko pagdating ni Mr. Javier. Pagkabihis ay lumabas ako at nagbisikleta papunta sa lagoon. Nasa loob lang ng Hacienda Isabelle ang lagoon at libreng puntahan ng kahit sinong nakatira sa lupaing nasasakop ng may-ari. May mga pisante na kasama ang pamilya nila na madalas magtungo upang maligo at mag-picnic sa tabi ng lagoon pero, kapag maraming trabaho sa hacienda, tahimik lang sa lugar at walang katao-tao. Kagaya na lang nang oras na iyon. Isinandal ko ang aking bike sa malaking puno at naupo sa isang putol na kahoy na nasa tabi ng lagoon. Nakaugalian ko nang magpalipas ng oras sa lagoon sa tuwing may problema ako. Wala naman akong nakakausap sa aking pamilya dahil walang may gustong kumampi sa akin. Kahit ang sarili kong tatay ay hindi man lang ako maipagtanggol sa pangalawa niyang asawa. Stepmother ko si Tita Donna. Namatay kasi ang totoong nanay ko sa panganganak sa akin. Limang taon ako nang pakasalan ni Tatay si Tita Donna at simula nang tumira siya sa bahay, siya na ang laging nasusunod. Pati ang mga desisyon ko sa buhay, pinanghihimasukan din ni Tita Donna. Kagaya na lang ng pag-aaral. Ang gusto ko sana ay magtapos sa Nursing pero, secretarial course ang pinakuha sa akin ni Tita Donna. Ang masaklap pa, nang nasa unang taon na ako ng college, nagloko sa pag-aaral nito at nabuntis si Ate Candy, anak ni Tita Donna sa una niyang asawa. Pinatigil niya sa pag-aaral si Ate Candy pero, pati ako ay nadamay. Hindi ko na natapos ang dalawang taong kurso at sa kasalukuyan ay nagtatrabaho na lang ako. Okay lang naman sa akin kung hindi na nila ako pag-aralin at magtrabaho na lang ako para makatulong sa mga gastusin sa bahay. Pero ang hindi ko matanggap ay nang ipagkasundo ako ni Tita Donna na ipakasal kay Mr. Javier. Noong isang linggo lang nangyari ang pag-uusap nila at ang sabi, gusto raw ng matanda na sa lalong madaling panahon ay makasal kaming dalawa. “Sabi ko na nga ba, andito ka lang!” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang bestfriend kong si Melba na isinasandal ang bike niya sa isa pang puno na malapit sa akin. Napabuntung-hininga ako at ibinalik ang tingin sa tubig. Naramdaman ko ang pag-upo ni Melba sa aking tabi. “Anong nangyari, Gigi? Si Donya Donata na naman ba?” Nagkibit ako ng balikat. Alam ni Melba ang tungkol sa problema ko sa aking madrasta. Alam din niya ang tungkol sa pakikipagkasundo ni Tita Donna na ipakasal ako kay Mr. Javier. “May saltik talaga ang madrasta mo! May mga apo na nga ‘yong matandang ‘yon at sa pagkakaalam ko mas matanda pa sa’yo ang panganay na apo no’n! Ano? Ipapakasal ka ng pamilya mo sa parang lolo mo na?” “Hindi ko nga ma-imagine ang sarili ko sa tabi ng matandang ‘yon. Iniisip ko pa lang na magpapakasal kami, kinikilabutan na ako!” “Kausapin mo ulit si Tito Gardo. Magmakaawa ka sa tatay mo. Tatay mo ‘yon. Hindi ka no’n matitiis.” Isa pa ulit malalim na buntung-hininga ang ginawa ko. “Hindi ko alam, Melba. Kasi sa totoo lang, mas takot si Tatay na hiwalayan siya ni Tita Donna kesa ang mawala ako na anak niya. Hay, ano bang gagawin ko?” “Humingi ka kaya ng tulong sa ibang kamag-anak mo? ‘Di ba, may Lolo at Lola ka pa sa side ng Nanay mo?” Tumango ako. “Meron pero, nasa malayong lugar sila. Matatanda at mahihina na rin ang Lolo at Lola ko. Isa pa, mula nang mag-asawa si Tatay, hindi na ulit sila nag-usap.” “E, kung umalis ka na lang kaya? Tumakas ka?” “Saan ako pupunta, Melba? Wala akong ibang alam na lugar maliban dito sa bayan natin. At kahit saang panig dito sa Sorsogon, siguradong masusundan ako ni Tita Donna.” “Ang laki talaga ng problema mo, Gi. Hindi ko alam kung paano kita tutulungan.” Nagkibit lang ako ng balikat. “Gi, may ibabalita rin sana ako sa’yo kaya kita hinanap.” Nilingon ko siya. “Tungkol saan?” Ngumiti si Melba. “Naaalala mo ba ‘yong first crush mo?” Nagusot ang noo ko. “First crush? Sino?” “Si Matthew. Matthew Gamboa. ‘Yong abogadong apo ng namayapang Donya Isabelle at Don Hernando Ylustre.” Naalala ko na. Si Senyorito Matt nga ang childhood crush ko. Bata pa ako noon, trese anyos lang habang kapapasa lang sa bar exam ng apo ni Don Hernando. Naalala ko rin na laging laman ng school diary ko ang pangalan ni Matthew. “Anong tungkol kay Senyorito Matthew?” Iyon talaga ang tawag ko sa lalake bilang isa ito sa mga apo ng may-ari ng hacienda na pinaglilingkuran ni Tatay. Senyorito rin ang tawag dito ng maraming tauhan sa hacienda at sa Villa Isabelle habang ang ilan ay tinatawag itong Attorney. “Nandito siya ngayon at nagbabakasyon.” Lumabi ako at tumango at napaisip. “Mabuti pa ang mayayaman, pabaka-bakasyon na lang kung kailan nila gustuhin. Ano kayang madalas na maging problema ng kagaya nila?” Nagsalubong ang mga kilay ni Melba. “Ano bang klaseng reaksiyon ‘yan, Gigi? Hindi ka ba na-eexcite na makita ulit si Attorney Matt?” Nagbuga ako ng hangin mula sa ilong. “Melba, sa laki ng problema ko, hindi ko na maiisip ang ibang bagay. Isa pa, ang tagal nang panahon ‘yon. Grade six lang ako. Nakalimutan ko na nga na crush ko ang apo ni Don Hernando.” “Gano’n? Sayang naman! Akala ko pa naman matutuwa ka sa ibabalita ko at makakalimutan mo ang problema mo.” Matipid akong ngumiti at tinapik sa balikat si Melba. “Ayos lang, Mel. Nagpapasalamat na rin ako kasi nariyan ka na handang pasayahin ako.” Totoo nga pala na umuwi ng Sta. Magdalena si Senyorito Matt. Iyon kasi ang pinag-uusapan nina Tatay at Tita Donna pag-uwi ko sa bahay. Mukhang good mood nga ulit si Tita Donna at hindi nito pinuna ang pagkawala ko. “Pupunta tayo sa welcome party ni Attorney!” Sa mataas na boses ay narinig ko ang sinabi ni Tita Donna. “Sige, mahal,” sang-ayon naman ni Tatay. “Ihahanda ko na ang ating tricycle.” Pagkasabi noon ay lumabas si Tatay ng bahay. May tricycle si Tatay na ginagamit niya sa paghatid at pagsundo kay Tita Donna sa kung saan man ito pupunta. Minsan ay pinauupahan din ang tricycle. Regalo iyon ni Don Hernando dahil sa dalawampung taon na matapat na paninilbihan ni Tatay sa hacienda. “Ikaw, Gigi, maiwan ka rito!” Napalingon ako kay Tita Donna. Hindi ko pa nasasabi ang pagtutol ko ay inunahan na niya ako. “Iyan ang parusa ko sa’yo sa ginawa mo kay Mr. Javier kanina! Bahala kang magluto ng kakainin mo dahil doon na kami maghahapunan sa Villa Isabelle!” Tuluyan na akong hindi nakakibo sa sinabi ng aking madrasta. Nagbihis na sila at maya-maya lang ay nagsialisan na silang apat. Kasama nila ang bunso naming si Jaypee at ganundin si Ate Candy. Buhay-dalaga na ulit ang stepsister ko mula nang kunin ng pamilya ng lalakeng nakabuntis dito ang anak. Madalas kasi noong mag-away sina Tita Donna at Ate Candy kapag walang maibili ng gatas ang sanggol kaya pinuntahan at kinausap ng madrasta ko ang pamilya ng tatay ng apo nito. Hindi ako gaanong nakakain kaninang tanghalian dahil kasalo namin si Mr. Javier. Mag-aalas siete na ng gabi at gutom na talaga ako. Naghanap ako ng tirang pagkain sa kusina. Napansin ko ang maraming nakatambak na hugasin sa lababo. Ako nga rin pala ang inaasahang maghuhugas ng plato sa gabi. Kumain na muna ako at pinagtiyagaan ang kaning lamig at natirang kaunting gulay. Pagkakain ay dinala ko na ang mga pinggan sa lababo at sinimulang hugasan ang mga kasangkapan. Pagkatapos maglinis sa kusina ay naglinis naman ako ng katawan at nagbihis na ng pantulog. Nahiga akong iniisip kung paano tatakasan ang malaking problemang aking kinakaharap. Hindi ko na namalayan ang pagdating nina Tatay kagabi. Pero paggising ko kinaumagahan ay tulog pa sila at nakita ko sa loob ng ref ang mga balot ng sari-saring ulam. Hindi ko na kailangang magtanong dahil ugali na talaga ni Tita Donna na mag-takeout ng mga pagkain mula sa handaan. Nagsaing na ako at sinabayan na rin ng pakulo ng tubig. Pagkatapos kong maisalin ang mainit na tubig sa thermos ay nagpainit naman ako ng dalawang klaseng ulam para pang-almusal. Naghain na rin ako pagkatapos at saktong nagising na sina Tatay at Tita Donna kaya nagsiupo na sila para makakain. “Gigi, kumain ka na rin,” alok sa akin ng tatay ko. “May pasok ka na ba ngayon sa trabaho?” “Meron na po. Maliligo na po muna ako, Tay. Mauna na kayong kumain.” Iniwan ko na sila upang maligo. Nagbihis at naghanda na ako sa pagpasok sa trabaho bago bumalik sa kusina para mag-almusal. Si Jaypee ang naroon at kumakain. Hinalikan ko muna sa noo ang bunso kong kapatid bago naupo sa tabi niya. “Nakaalis na si Tatay?” “Opo, Ate,” sagot nito. “O, bakit hindi ka umiinom ng gatas? Teka, ititimpla kita.” “H’wag na,” sagot ng boses na galing sa pinto ng kusina. Nakita kong pumasok si Tita Donna. “Ako na ang bahalang magtimpla ng gatas ng kapatid mo. Maghanda ka na sa pag-alis dahil pupunta ka ngayon sa bahay ni Mr. Javier.” “Po? Ano naman ang gagawin ko roon?” “May ipapadala ako sa kaniya at ikaw ang gusto kong maghatid.” “Hindi po ako pwede. May trabaho po ako ngayon. Kahapon lang ang day-off ko.” “Magpa-late ka na lang. O kaya umabsent ka na muna,” giit ni Tita Donna bago ako pinagtaasan ng mga kilay. “Tutal kapag kasal na kayo ni Mr. Javier, hindi ka na magtatrabaho. Mahihiga ka na lang maghapon sa malambot na kama at mag-uutos sa mga chimay na naroon sa malaking bahay ng matanda.” “Hindi ako titigil sa trabaho. At hindi rin ako magpapakasal kay Mr. Javier,” matigas na sabi ko. Umismid siya at nameywang sa harapan ko. “Kahit paulit-ulit mong sabihin ‘yan, wala akong pakialam. Mangyayari ang gusto ko at hindi ang sa’yo, naiintindihan mo? Sige na! Bilisan mo na riyan at nang nakakaalis ka na!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook