bc

Don't Love Me (Tagalog)

book_age18+
1.1K
FOLLOW
9.3K
READ
stalker
sex
kidnap
family
badboy
goodgirl
drama
twisted
sweet
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Sierra Casimiro 20 year old beautiful shy and simple. Lumaki sa Masaganang pagmamahal ng kanyang pamilya. But she didn't expect she would be far from her family and going into hands of someone with secret anger to their family. How she could meet a Vince Cordell 28 years old. How can they learn to love? if they both have anger in their hearts.

chap-preview
Free preview
Kidnap
Nagising ako sa isang malaki na higaan. Agad akong napabangon dahil hindi ito ang kuwarto ko. Naalala ko kagabi pauwe ako ng hacienda ng binabagtas ko ang daan papunta sa amin. Balak ko gulatin sila mommy at daddy sa biglaan na pag-uwi ko galing sa Canada. Tinignan ko ang katawan ko. kung may sugat oh may masakit sa akin pero wala naman. Naalala ko may humarang na kotse sa sasakyan ko. apat sila na mga kalalakihan. Ang ay dalawa pumasok sa loob at pinalipat ako sa likod nag-pumiglas ako ng may pinaamoy sila sa akin na kaagad na kinahilo ko. Hanggang nag-dilim ang paningin ko at nagising ako na nandito na sa kuwarto n ito. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kuwarto. malaki ito. may terrace ako nakita na may glass door. Tumayo ako para buksan ito. pero nakasarado siya. kaya nagpunta naman ako sa pintuan ng kuwarto pero naka lock din ito sa labas Bumalik ako sa kama. Naupo habang umiiyak na nagtataka. bakit ako nandito? Anong kailangan ng apat na lalaki na kumuha sa akin? Binalot ng takot ang buo kong katawan. Naarinig ko ang pag-pihit ng pintuan. may pumasok na isang lalaki na may dalang tray na may nakalagay na pagkain. "Gising kana pala miss kumain ka muna" "Sino ka at bakit ako nandito?" Tanong ko sa kanya sa malumanay na boses dahil natatakot ako. "Hindi naman po ako may kailangan sa inyo . kainin na po ninyo iyan" Hindi ako sumagot. lumabas ulit siya ng pintuan narinig ko na muli niya itong ni-lock. Hindi ko kinain ang pagkain na dala ng lalaki na iyon. dahil baka may lason ito. dahil hindi ko pa din alam ang nang-yayari bakit nandito ako. Muli ako tumungo sa terrace sinubukan ko pa din buksan ang pintuan na glaas door baka sakali na magbukas Pero ayaw talaga. "Kahit anong bukas mo diyan hindi iyan magbubukas!!' Isang boses ang nagpa+lingon sa akin. Ang tangkad niya at matipuno ang panga-ngatawan maalon ang kanya na buhok. may makapal na kilay sobrang tangos ng ilong niya. at may matang nangungusap. Pero may galit ang mga mata niya. Natakot ako para sa sarili ko sa klase tingin niya sa akin. Napatingin siya sa pagkain na nasa ibabaw ng kama pinuntahan niya ito at biglang itinapon. "Sa lahat ng ayaw ko ang pagkain na nasa harapan ay hindi ginagalaw!!!!" Nagulat at natakot ako sa ginawa niya. Napaatras ako sa gilid ng pinto ng terrace, dahil kahit kelan hindi ako nakaranas ng ganito na uri ng pagtrato. Tumingin siya sa akin at lumapit. "At ayoko din ng maamo mong mukha!!!! Halos mag apoy ang mata niya habang sinasabi niya iyon sa akin. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. hanggang sa tumalikod siya. pero bago siya makalabas ng pintuan nag-lakas na ako ng loob mag-salita. "Sino ka? anong kailangan mo sa akin? Bakit ako nandito??" Hindi niya ako nilingon at sinagot. palibag lang niya na sinara ang pintuan ng kuwarto. Napa-upo ako sa sahig gilid ng pintuan ng terrace. isang oras na ata ako nakaupo nang bigla ulit bumukas Ang pintuan ng kuwarto. Nakaramdam ulit ako ng takot. Ang lalaki ulit na may dalang pagkain kanina. muli ulit siya na nagdala ng pag-kain. Nilinis niya muna ang mga nagkalat na pagkain at mga basag na pinggan at baso. Nilapag niya ang pagkain ulit sa kama at tumingin sa akin. "Miss kumain kana" Nang hindi pa din ako sumasagot nagsalita ulit siya. "Wag ka mag-alala walang lason yan" Lumabas na lang ulit siya ng hindi pa din ako nagsa-salita. Hindi ko pa din kainain ang pagkain na nasa kama, nanatili ako na nakaupo kung nasaan ako mula kanina pa. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. nagising ako sa mula sa aking pagka-kaupo nang makarinig ako anh pagka-basag ulit ng mga bagay sa harapan ko. "Ginagalit mo ba talaga ako na babae ka!!??" Bigla niya akong hinila sa para maglapit ang mukha namin, galit na galit siya sa akin. Naiyak ulit ako sa takot na nararamdaman ko. dahil sa nakikita ko na galit niya sa akin. Nang makita niya na umiiyak ako. itinulak niya ako ng pabalya sa glassdoor ng pintuan ng terrace Naramdaman ko ang sakit sa likod ko. Nag makabawi ako. napatingin ulit ako sa galit na mukha niya. "Kung ayaw mong kumain bahala ka sa buhay mo!!! "Hindi kita padadalhan dito ng pagkain bahala ka mamatay sa gutom!!!!!" Sigaw niya parin sa akin, "Pakiusap ibalik na po ninyo ako sa amin" Naiiyak na pakiusap ko sa kanya, Lalo siyang nagalit sa sinabi ko, "Sabi ko sayo huwag mo akong tignan ng ganyan ang mukha mo! Gusto ko magalit ka sa akin!!!!!" "Kung ayaw mong kumain maglinis kana ng katawan mo nanduon ang banyo at gamitin mo kung ano ang meron diyan sa aparador ko!!" Lumabas siya ng pintuan at palibag parin itong isinara. Napatingin ako sa sarili ko ang dumi ko na pala, natimlasikan din ako ng mga pagkain na pinag-babalibag ng lalaki na iyon kanina, Lumapit ako sa aparador at binuksan ito. Puro mga t-shirt at boxer short mga pantalon, naghanap ako ng kakasya sa akin, Tinignan ko ang mga t-shirt karamihan sa mga t-shirt ay black na plain, kumuha ako ng isa. mahaba naman siya Kung susuotin ko, kumuha din ako ng boxer short, Napaisip ako sa panty napatingin ako sa mga brief, naasiwa ako. lalo ako naasiwa ng naisip kung susuotin ko iyon. Naisip ko labhan na lang ang panty ko ang boxer short lang muna ang susuotin ko. Ibig sabihin kuwarto niya ito? nilibot ko ulit ang paningin ko sa buong kuwarto. Binuksan ko ang mga tokador nag baba-kasakali na may makita ako na pag kaka-kilanlan ko sa kanya. Pero bigo ako. wala ako makita bukod sa mga damit lang ang meron sa loob ng aparador. Napaupo ulit ako sa kama. Narinig ko bumukas ulit ang pintuan. kaya nag madali ako pumasok ng banyo na nakita ko na kanina pa. Pinaki-ramdaman ko ang pag-galaw ng tao sa loob ng kuwarto mula dito sa kinaroroonan ko. napa-atras pa ako ng subukan na buksan ang pintuan ng banyo. Buti na lang pala nai-lock ko ito agad. narinig ko ulit na para ba na lumabas ang tao dahil wala na ako naririnig na ingay. Nakahinga ako ng maluwag, Nag-umpisabn ako maligo. sabon lang ang nakita ko na meron ang banyo. Katawan lang ang pinaliguan ko. nakakita ako ng goma at itinali ko pataas ang mahaba ko na buhok para hindi ito mabasa. Paglabas ko ng pintuan ng banyo sumilip muna ako. nang masiguro na walang ibang tao tuluyan na ako na lumabas ng banyo. Napatingin ulit ako sa glassdoor ng pintuan sa terrace madilim na pala. tinignan ko ang relo ko sa pala-pulsuhan ko. Wala na pala ako na suot. napaisip ako nasaan na ang mga gamit ko? may mga damit din ako na dala. nasa kotse na inupahan ko lang para mas mabilis na makapunta sa hacienda. Napaupo ako na nanghihina sa kama. sino ba kasi ang apat na kumuha sa akin at sino ang dalawang lalaki na nandito? Bakit nila ginagawa ito? Sino ba sila? ano ang kailangan nila sa akin? Nang-hihina pa din na napahiga ako sa gilid ng kama. habang ang dalawang paa ko ay nakasayad sa sahig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.0K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
47.9K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook