bc

Beyond The Boundary

book_age18+
428
FOLLOW
1.1K
READ
forbidden
shifter
mate
aloof
drama
twisted
bxg
werewolves
vampire
pack
like
intro-logo
Blurb

I don't understand why destiny allowed us to meet when there's no way for us to be together?

Are you willing to go beyond the boundary of forbidden love?

Story of Hades Devilton and Alira Kenta.

Isang kasalanan sa lahi ng mga lycan o lobo at bampira na magmahal ng hindi nila kalahi dahil meron iyong kaakibat na sumpa. Pero ang mga magulang nila Hades at Hera ay nilabag ang kani-kanilang batas, dahil 'dun si Hades ang nagdala ng nasabing sumpa.

Tulad ng kakambal niya ay meron din siyang kakaibang kakayahan na nakuha sa dugo ng mga bampira. May kakayahan si Hades na marinig ang nasa isipan ng mga tao, ganun din ang nasa isip ng mga hayop. Pero bukod 'dun, mayroong nakatagong pagkatao si Hades na kinakatakutan niyang mabuhay.

Dahil si Hades ang nagtaglay ng dugong bampira sa kanila ni Hera ay inilayo si Hades ng kanyang ama at iniwan sa pangangalaga ng isang hybrid vampire na tinuring niyang pangalawang ama.

Habang lumalaki si Hades ay nagtatangka siyang uminom ng dugo at sa tulong ni Heves tinuruan siya nitong kontrolin ang sarili mula sa pag-inom ng dugo at mamuhay na parang isang normal na tao.

Pero hanggang sa hindi inaasahang natagpuan ni Hades ang isang puting lobo na naliligo sa ilog ng Indigo Forest mula sa kabilang destrito. Ang lahat ng paghihirap ni Hades sa mahabang panahon ay naglaho lalo na nang makita niya ang anyong tao nito.

Nagawang tibagin ni Alira ang pader na binuo niya ng mahabang panahon. Binuhay nito ang mga damdamin na pilit niyang kinalimutan. Kahit anong pilit niyang iwasan ito ay hindi pa rin niya mapigilan ang pusong ibigin ito.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
My life will never be the same. Anas ko sa aking isipan habang inilalagay ko ang mga damit sa bag na dadalhin ko pauwi sa Garrette. Matapos ko gawin 'yun ay napatingin ako sa litrato na nasa ibabaw ng bedside table. It was taken on Eli's seventh birthday. Ibinigay niya 'yun sa'kin bago ako dinala nila ng ama ko rito sa Feramis. Tandang tanda ko pa ang tagpong 'yun dahil isa 'yun sa pinaka mahirap at masakit na nangyari sa'kin. Napakahirap umalis hindi dahil maiiwan ko sila kundi dahil nakikita ko silang nasasaktan at nahihirapan, lalo na ang aking ina at ang kakambal kong si Hera, but I need to leave for the sake of others. They said my blood is too powerful to control, kaya kinakailangan kong lumayo para sa kaligtaas ng nakararami. Nagiging tao ako sa tuwing nawawala ang buwan at bumabalik  ang pagiging bampira ko sa tuwing lumalabas ang buwan. May pagkakataon na kailangan kong ikulong ang aking sarili dahil kahit man ako hindi ko magawang kontrolin ang sarili ko sa taong nakatago sa pagkatao ko. Ang sabi ng Babaylan na nakausap noon ng aking ama at ina, ito raw ang bunga na ipinagbawal nilang pag-iibigan. Mom is a hybrid vampire, while my dad is a Lycan. Ang pag-iibigan nila ang sanhi kung bakit kakaiba kami ni Hera, ang pinagkaibahan lang ako ang nakakuha sa dugo ng aking ina na si Celestine. Kahit nahirapan ako noon ay kinaya kong kayanin mag-isa ang lahat at sa tulong na rin ng aking guro na si Heves na isang mabuting bampira. Nagpakatatag ako para sa mga taong mahalaga sa'kin, pero ang lahat sa pagkatao ko ay tuluyang nagbago. Buntong hiningang inabot ko ang picture frame at pagkatapos ay pinakatitigan ang maamo at magandang muka ni Eli mula sa litrato. Kahit na nasa malayo ako, lagi kami nitong nag-uusap sa social media noon. Walang araw na hindi kami nagkukumustahan o nagkukwentuhan, pero naputol 'yun nang tumutong ako sa edad kong sampung taon, kahit sa aking ina ay wala na akong kumunikasyon na tanging si Heves na lang ang nagbibigay ng detalye sa mga araw-araw kong ginagawa. Matapos kong pagmasdan ang larawan ni Eli ay padapa ko 'yung ibinalik sa dati nitong pwesto bago ko sinipat ang aking bag kung meron pa ba akong nakalimutang dalhin. Nabaling ang tingin ko sa pinto nang bumukas 'yun at iniluwa si Heves. "Ready to go? Dumatin na si Cage," tinutukoy niya ang beta ng aking ama. "Kung tatanungin mo ako, I don’t want to go back to Garrette," walang emosyon kong sagot. Mapait siyang ngumiti. "There you go again. Pinag-usapan na natin ito Hades, you can't stay here forever, you are too young para ikulong mo ang sarili mo rito," "Why can't I stay here? I can take care of myself if that's what you're worried about," "That's not what I'm worried about, Hades. May pamilya kang naghihintay sa pagbabalik mo, they need you, they missed you," Mapait siyang natawa. "Pamilya? Do I have a family, Heves? Nasaan sila noong panahong kailangan ko sila? The only thing I have is you and myself," mariin niyang sabi. Nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga. "I know you suffered a lot, pero huwag mo punuin ng galit ang puso mo, Hades, you know why you're here. Kahit mahirap para kay Celestine na ilayo ka, ginawa niya para rin sa ikabubuti mo," "Sa ikabubuti ko o para sa ikabubuti nila?" Tumalim ang tingin niya sa akin. "Meron kang hindi alam na alam ko. Your parents is not a bad person as you think, binibisita ka nila rito para kumustahin ang kalagayan mo, pero ako ang nagsabi sa kanila na huwag silang magpakita sa'yo para sa ikatatatag ng dibdib mo. So, kung mayroon mang masamang tao rito ako 'yun at wala ng iba," mariin nitong sabi. "Huwag ka ng mag inarte dyan at lumabas ka na." anito at lumabas na ng kwarto niya. Nagbuntong hininga siya at sa huling pagkakataon, inilibot ko ng tingin ang kabuohan ng naging silid ko sa loob ng labing dalawang taon. Kahit na sabihing hindi ito ang talagang tahanan ko ay ito naman ang lugar na naging saksi sa lahat ng mga kalungkutan, pangungulila at paghihirap na kinaharap ko ng ilang taon. Mahirap para sa'kin na iwan ang lugar na ito dahil dito ako lumaki, gustuhin ko man na huwag umalis ay tulad nga ng sabi ni Heves hindi pwede. When Heves say no, it's a no. Bitbit ang bag na lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa labas ng bahay. Naabutan ko si Beta Cage na nakasandal sa pintuan ng sasakyan. Abala siya sa pakikipag-video call sa asawa niya. "I miss you more Wishart, pabalik na kami," anito sa tapat ng cellphone. Naputol lang ang pag-uusap nila nang mapansin niya ako. Lumakad ako palapit sa sasakyan. Inuna kong isinakay ang aking bag bago ako sumakay gano'n din si Beta Cage. "It's been a long time, Hades. Binatang binata ka na." Naka ngiting tiningnan niya ako mula sa review mirror. Inalis ko ang tingin sa kanya at ibinaling kay Heves na naka sandal sa pintuan. Bahagya niya akong kinawayan bilang paalam pero wala akong ginawa bilang ganti sa pagpapaalam niya. Binuhay na ni Cage ang makina. Isang sulyap pa ang iniwan ko sa lugar na natutunan kong mahalin bago 'yun tuluyang nawala sa paningin ko. "DO YOU still remember this place, Hades?" tanong ni Cage pagkapasok ng sasakyan sa Alta Montaña. Tiningnan ko siya mula sa review mirror at mabagal na tango lang ang isinagot ko. Hindi ko makakalimutan ang lugar na ito. Muli pang nagpatuloy ang byahe at nanatili lang kaming tahimik. Napatingin ako sa kanya nang marinig ko kung ano ang nasa isip niya. He's talking to his wife mula sa mind link. Nag-iwas ako ng tingin dahil puro kapilyuhan ang nilalaman niyun at itinuon ko nalang  ang atensyon ko sa labas ng sasakyan. Kaya kong marinig kung ano ang nasa isip ng iba at pinag-aralan ko 'yun kontrolin. Noong unang matuklasan ko ang tungkol sa kakayahan ko ay nahirapan ako dahil maraming usapan akong naririnig, tulad ng pagplano ng mga elders na patayin kami noon. Mahirap marinig ang nasa isip ng isang tao lalo na kung nakasasakit 'yun sa damdamin. I was never thankful having this ability. Kahit hindi ko gustuhing marinig kung ano ang nasa isipan nila ay hindi ko iyon makontrol noon, but I can now. "We're here," sabi ni Cage na nagpahinto sa paglalakbay ng isip ko. Bumukas ang malaking tarangkahan at kumaway pa ang deltang nagbukas sa amin. "Welcome home, Hades," muling sabi ni Cage na bahagya akong nginitian. Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang sasakyan sa tapat ng mansion. Buntong hiningang itinulak ko pabukas ang pinto ng sasakyan at bumaba. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuohan ng mansion, walang nagbago tulad pa rin ito ng dati. "Hades!" Napa tingin ako kay Hera na patakbong sinalubong ako. Bago pa ako makapaghanda sa gagawin niya ay payakap siyang tumalon sa akin kaya pabagsak kaming natumba sa lupa. "What are you doing Hera?" may bahagyang inis na tanong ko sa kanya. Nakangusong kinalso nito ang mga kamay sa lupa. "I miss you too is enough." Tumayo ito at pinagpagan ang nadumihang mga kamay. Tumayo ako at walang emosyong ginulo ko ang buhok ni Hera na lalo n'yang ikinanguso. Tanda ko pa na ayun ang pinaka ayaw niyang ginagawa ko sa kanya noon. "Alam mo pa rin talaga kung paano ako bwisitin!" inis na sabi nito. Tikhim sa likod ang nagpabaling sa amin sa may pintuan. It's Mom, Dad and Zielissa standing in the door way. Nang makita ko ang aking ina ay may naramdaman akong lungkot sa aking puso. "Hindi mo ba ako yayakapin, Anak?" nahihimigan ko ang lungkot sa kanyang tinig. Pero nanatili lang ako sa aking kinatatayuan na lalong ikinalungkot ng aking ina. Siya na ang kusang humakbang palapit sa akin at binigyan niya ko ng mahigpit na yakap. After twelve years, naradaman ko ulit ang yakap ng isang ina. Pero imbis na ikatuwa ko 'yun ay lalong nakaramdam ng kirot ang puso ko. "I miss you, Son," Mom murmured. "Son," nabaling naman ang tingn ko sa aking ama nang tawagin niya ako. Nilapitan din niya ako at binigyan ng yakap, pero imbis na gantihan ito ng yakap ay nanatili lang akong nakatayo. "Welcome home," aniya niya tulad ng sinabi ng aking ina. Nabaling naman ang tingin ko sa binatilyong katabi ni Zielissa. Nabanggit ni Heve na nagkaroon pa kami ng kapatid ni Hera at sa pagkakatanda ko, Harvey ang pangalan niya. "Siya ang nakababata ninyong kapatid ni Hera. Harvey, anak, salubungin mo ang kuya mo," sabi ng aking ina, pero imbis na lumapit ito ay tumalikod siya at walang paalam na iniwan kami. "Pagpasensyahan mo na ang kapatid mo, Hades, galing kasi siya mula sa pagsasanay," sabi ulit ng aking ina. Pero ang totoo wala naman akong pakialam 'dun. Ibinaling ko kay Zielissa ang tingin na tila naghihintay lang na lapitan ko. Pero imbis na bati ko siya ay inalis ko ang tingin ko sa kanya. Walang dahilan para gawin ko 'yun. "Hindi mo man lang ba lalapitan o kakausapin si Eli, Hades?" si Hera. "She came here just to see you," "I didn't ask her to do that," sabi ko na walang pakialam kung marinig man 'yun ni Zielissa. "Hades!" saway ni Hera. Marahan akong nagbuntong hininga. "All I want is to rest," tanging sabi ko. "Of course. Ihahatid na kita sa magiging kwarto mo," suhestyon ng aking ina. "Thank you, but I can go there alone. I think hindi niyo naman ako tinanggalan ng kwarto diba?" "Oo naman, Anak, 'yun pa rin ang kwarto mo," "Pupunta na ako sa kwarto ko." Bitbit ang dala kong bag na iniwan ko sila at pumasok ng mansyon. Dumiretso ako sa ikalawang palapag at agad na tinungo ang silid ko na iniwan ko ng matagal na panahon. Nilibot ko ng tingin ang apat na sulok ng silid na 'yun. Nagpapasalamat ako na wala silang ginalaw o binago rito. Nabaling ang tingin ko sa litrato na naming apat mula sa picture frame na nasa study table ko noong bata pa ako. Kuha 'yun noong bagong kasal ang aming mga magulang. Humakbang ako palapit 'dun, kinuha 'yun at itinapon sa trash can. I'm home, but I don't feel like that. Sa pagbalik ko rito wala akong ibang naramdaman kundi hinanakit para sa'king mga magulang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.0K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook