bc

MY BILLIONAIRE BODYGUARD

book_age18+
4.2K
FOLLOW
68.1K
READ
comedy
twisted
serious
like
intro-logo
Blurb

Paano kung balang araw ay nalaman mong pinagkaisahan ka pala ng mga taong nasa paligid mo?

Matatanggap mo kaya?

Paano kung isa roon ang taong minamahal mo at binigay mo na ang buo mong tiwala?

Makuha mo pa kayang magpatawad gayong sa tingin mo ay pinaglaruan ka lang nila?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ilang beses kong sinabi sa inyo na huwag ninyo akong sundan!" galit na sigaw ni Phrylle sa dalawang bodyguard niya. Naiirita siyang may kasamang mga bodyguard, ngunit iyon ang bilin ng ama niya. Maraming banta sa pamilya nila lalo na sa mga negosyo ng magulang ay maraming kalaban. Ayaw ng magulang niya na madamay siya. "Ma'am, utos po sa amin ni Sir na bantayan kayo," sagot ng isa sa mga bodyguard niya. "Ako ang amo n'yo ngayon! Pwede n'yo namang sabihin kay Dad na binantayan n'yo ako," inis pang sabi ni Phrylle sa mga tauhan. "Sorry, Ma'am, pero hindi po namin iyon magagawa," sagot naman nito. "Bahala kayo!" singhal niya. Nag-isip siya kung paano niya matatakasan ang mga ito. Kung nakaya niyang takasan ang mga nauna niyang bodyguard, ang mga ito pa kaya? aniya sa kanyang isipan. --- "Kailangan nating higpitan ang anak natin. Hindi dapat lahat ng luho niya ay ibibigay natin. Dapat matuto siyang paghirapan ang lahat," wika ng ina ni Phrylle sa asawa. "Naisip ko na iyan. Ayaw kong sa kumpanya siya magtrabaho. Kakausapin ko ang kumpare ko na sa kanya ko papasukin si Phrylle, ngunit hindi natin dapat ipaalam sa anak natin na kilala natin ang papasukan niya," sabi naman nito sa asawa. "Kung iyan ang desisyon mo, sige papayag ako. Basta maging safe ang anak natin," sagot naman ng ginang. "Ako na'ng bahala. Pagbibigyan muna natin siya nang ilang linggo at kakausapin ko siya," sabi nito. --- Dahil sa kalokohan ni Phrylle ay nakaisip agad siya ng paraan para matakasan ang kanyang mga bodyguard. Pumunta siya sa ladies room at agad na nagpalit ng damit. Sinuot niya ang dala-dalang wig para hindi siya makilala ng mga ito. Pagkatapos niyang nagbihis ay pasimple siyang lumabas at dinaanan lang ang kanyang mga bodyguard. Napangiti na lang siyang sumakay sa taxi palayo sa lugar na iyon at dumiretso sa isang kilalang bar kung saan naghihintay ang kanyang mga kaibigan. Halos thirty minutes nang naghihintay ang mga bodyguard ni Phrylle. Nagtataka ang mga ito dahil hindi pa siya lumalabas. Nagpasya na ang mga ito na tingnan siya sa loob ngunit wala ang dalaga. Agad ng mga itong tinawagan ang ama niya. "Sir, nalusutan na naman kami ni ma'am!" pagbabalita nito sa amo. "Ilang beses kong sinabi sa inyo na bantayn n'yo ang bawat galaw ng batang iyon. Dahil kahit anong kalokohan ang gagawin noon makatakas lang!" galit na sabi ng Don sa mga tauhan. "Sorry, Sir. Susubukan naming hanapin," sabi naman nito. "Puntahan n'yo ang mga bar na laging pinupuntahan niya," utos ng Don. Alam nitong doon lang palagi tumatambay ang anak kasama ang mga kaibigan nito. Ayaw ng Don na lumaking walang alam ang anak. Twenty-two na siya at fresh graduate lang sa college. Kaya gusto ng ama na matuto siya sa pamamalakad ng kanilang negosyo. -- "Let's party!" sigaw ni Phrylle kasama ang mga kaibigan at nag-iinuman sila. Nagsayawan at nagsigawan sila. Sanay na ang magkakaibigan sa ganoong gawain kahit nag-aaral pa ang mga ito sa ibang bansa. Sabay-sabay silang umuwi sa bansa, dahil nandito ang kanilang mga pamilya. -- "Ano, gabing-gabi na hindi pa rin nila mahanap ang anak natin?" pag-aalalang tanong ng ina ni Phrylle sa asawa. "Kanina ko pa rin tinatawagan pero nakapatay ang linya niya," sagot ng Don sa asawa. "Kaya habang maaga pa dapat bigyan na natin ng leksyon ang anak natin!" sabi naman ng ginang. "Bukas na bukas ay pupuntahan ko ang kumpadre ko," sabi naman ng Don. -- Lasing na ang mga kasamahan ni Phrylle, ngunit siya ay may tama lang. Malakas ang katawan niya sa alak. Matagal siyang malasing at alam niyang paano kontrolin ang sarili. Dahil may mga driver ang mga ito kaya pinasakay niya muna ang mga ito sa kani-kanilang sasakyan at saka siya tumawag ng taxi pauwi. -- Nasa sala naman ang mag-asawa nag-aalalang naghihintay sa pag-uwi ng anak. Narinig nila ang pagbukas ng gate kaya agad nilang tiningnan ito nakita nilang papasok ang anak. "Aba, Phrylle, alam mo ba kung anong oras na ngayon?" tanong agad ng ama nito. "Dad, pagod ako, please bukas na lang," sabi nito sa ama at tuloy-tuloy ito na umakyat papunta sa kanyang room. Hinawakan naman ng ginang ang asawa at sinabing hayaan na muna at bukas na lang nila ito kakausapin dahil alam nilang nakainom ang anak, at hindi ito makakausap nang maayos ngayon. --- Kinabukasan tanghali na nang gumising si Phrylle at masakit ang ulo nito. Agad itong pumasok sa banyo at nag-ayos sa sarili bago ito bumaba. Nakita nitong nasa sala ang ama at ina, alam niyang siya ang hinihintay ng mga ito, at alam niyang sermon ang aabutin niya dito. "Good morning, Dad, Mom!" bati niya sa mga magulang. "Maupo ka. May sasabihin ako sayo," seryosong sabi ng ama. Umupo naman siya. "Yes, Dad?" tanong nito. "Tinanggal ko na ang mga bodyguard mo, dahil sayo nawalan sila ng trabaho. Mula sa Lunes ay mahanap ka ng trabaho. Tutulungan kita. At mula sa Lunes ay ipapaputol ko lahat ng bank accounts mo. Matuto kang magtrabaho at kumita ng sarili mong pera," seryosong sabi ng ama. "Ano?!" kunot noong tanong nito sa ama. "Narinig mo lahat ng sinabi ko," wika ng ama. "But, Dad, bakit pa ako maghahanap ng ibang kumpanya kung p'wede naman akong magtrabaho sa kumpanya natin?" tanong nito sa ama. "Saka ka lang papasok sa kumpanya natin kung matuto ka na sa buhay at kung paano pahalagahan ang trabaho," sagot naman ng ama. "Dad, gusto mong maghirap pa ako?" tanong nito sa ama. "Kung iyan ang kinakailangan para alam mo ang halaga ng mga bagay lalo na sa pera na winawaldas mo!" seryosong sagot nito sa kanya. "Fine, kung iyan ang gusto mo, sige gagawin ko," sang-ayon nito sa ama ngunit sa loob-loob nito ay gusto na niyang sigawan ang ama at magalit dito, dahil bakit siya pinapahirapan nito? Kaya kaya niyang maging employee at utos-utusan siya? sa isip nito. "Good, tutulungan kita dahil sa ngayon mahirap maghanap ng trabaho, at dahil fresh graduate ka pa lang," wika ng ama. "Okay," tipid na sagot nito sa ama. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan mahirap nga naman talaga maghanap ng trabaho sa ngayon, at kailangan niya ng pera. Nagpaalam na siya sa magulang at umakyat ito ulit sa kanyang room at doon pinaghahagis ang kanyang mga gamit sa galit sa ama. --- "Kakausapin ko ang anak ko, kumpadre, at siya na bahala sa anak mo," sagot ng kaibigan ng ama ni Phrylle. "Salamat, kumpadre. Gusto ko lang talaga maturuan ng leksyon ang anak ko," sagot naman nito. "Huwag kang mag-alala, kumpadre. Parating na rin ang anak ko ngayon galing sa training," sabi naman nito. "Training?" kunot noong tanong nito. "Oo. Ay hindi ko pa pala naikuwento sayo," sabi nga kumpadre nito, at kinuwento nga nito ang isa pang pinagkakaabalahan ng anak, mas lalong nabuhayan ng loob ang ama ni Phrylle, at dapat makausap nito ang anak ng kumpadre nito. Matagal na ring hindi nito nakikita ang anak ng kaibigan dahil nasa ibang bansa ito naglalagi at ngayon ay ito na ang namamahala sa lahat ng kanilang negosyo. "Gavin, andiyan ka na pala! Halika dito," tawag ng ama ng makita siyang papasok ng bahay. "Hi, Dad!" bati nito sa ama at tiningnan nito ang kausap ng ama at nginitian niya ito dahil kilala niya ang kausap ng ama. "Hello po, Tito, long time no see," ani Gavin. "Kumusta?" nakangiting tanong naman nito sa binata. "Okay lang po." sagot nito. "Anak, may sasabihin at ipapakiusap ako sayo," wika ng ama nito. "Yes, Dad, ano po iyon?" tanong ni Gavin sa ama. Inabot naman ng ama kay Gavin ang puting papel at kunot noong tiningnan ito at binasa. Pinaliwanag ng ama ni Phrylle kung bakit sa kumpanya niya ito gustong pumasok at matuto, sinabi na rin nito na kailangan niya ng magaling na bodyguard ng anak. "Sige po. Tito, ako na pong bahala makakaasa kayong matututo siya at maging safe sa akin," nakangiting sabi ni Gavin sa ama ni Phrylle. "Salamat, Gavin, aasahan ko," sabi naman nito. Nagpaalam na si Gavin sa dalawa at umakyat na ito sa kanyang opisina sa taas kung saan siya nagtatrabaho kapag may inuuwi siyang mga papers galing sa opisina. Napaupo siya at tiningnan nito ulit ang papel at isang picture ng dalaga na binigay ng ama nito. Napangiti naman si Gavin sa kanyang binabalak para sa dalaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook