bc

Falling In love with D.E.A.T.H

book_age18+
2.0K
FOLLOW
6.2K
READ
kickass heroine
mafia
gangster
bxg
heavy
mystery
campus
enimies to lovers
first love
stubborn
like
intro-logo
Blurb

He's a monster...

No, a Demon rather. He can send countless shivers to your body with just his gaze.

St. Augustus Academy is one of the prominent schools in the Philippines. But little did you know that behind the glamorous gate hides the den of demons. And the one who rules them all is what they called D.E.A.T.H. One of the most handsome yet so dangerous man on earth.

Are you ready to face them?

Just a friendly reminder, if you decided to continue reading there's no turning back.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Sacrifice, Sin, and Wrath
"Sir, pwede po ba kayo magbigay ng kumento tungkol dito sa sinasabing antidote na matagal nang iniingatan at ipinagmamayabang ng gobyerno?" tanong ng isang Reporter habang pinipilit nilang malapitan ang tanyag na Doktor. Halos hindi magkandaugaga ang lahat no'ng maglabas ng balita ang Ahensya ng Siyensya patungkol sa 'Midnight antidote' na matagal na itinago at pinaglaanan ng panahon at pera ng gobyerno at mga siyentipiko. "Sa ngayon ay makakaasa ang lahat na by the end of this year, maila-launch na rin sa wakas ang gamot. Huwag kayong mag-alala, dahil ginagawa namin ang lahat at nakipag-ugnayan na rin kami sa iba't-ibang magagaling na scientists dito sa bansa," tugon ng Doktor na balot ang mukha dahil sa init ng araw. Isa siya sa tinaguriang pinaka-batang Doktor na siyang utak sa 'Midnight antidote'. "May mga side effects po ba ang antidote na ito? Ano po ba ang maaaring asahan ng mga mamamayan kung mayroon man po?" tanong ng isa pang Reporter. Hindi alintana ng mga tao ang sikat ng araw basta't makasagap lamang ng balita tungkol sa nasabing antidote na maghahatid ng kagalingan sa anumang karamdaman. "Sa ngayon po ay gumagawa kami ng paraan para mapabilis ang pagkuha ng mga results. Bale, sinimulan na po namin na magsagawa ng ilang tests sa mga volunteers sa aming ahensiya at inaasahan po na makukuha namin ang magandang balita after a week po. Wag po tayong mag-alala dahil ang Ahensiya ng Siyensya po ay magiging transparent when it comes sa update dito sa Midnight antidote. Kung may makita man kami at makuhang hindi magandang resulta mula sa mga test, ipapaalam rin po namin ito sa inyo. Asahan niyo rin po na, once na maging opisyal na pong mailabas ito, gagawin po namin ang lahat para maglabas ng maraming supply para maipabahagi, hindi lamang po sa ating bansa, kung hindi pati na rin sa buong mundo," mahabang lintana ng Doktor na nagresulta sa masayang hiyawan at palakpakan ng mga mamamayan. SOPHIA Sa ulo ng mga nagbabagang balita: Ang pagnakaw sa tinaguriang 'cure of all' na Midnight antidote, kasalukuyan pa ring pinapaimbestigahan. 'Ano, Naomi? Magtititigan na lang ba tayo rito? Ibibigay mo 'yang antidote o papasabugin ko ang bungo nitong boyfriend mo?!' gigil kong tanong sa babaeng kanina pa ngumangawa. 'I'm begging you, stop this nonsense! Pwede naman natin 'to idaan sa maayos na usapan, wag mo naman siyang idamay rito!' pakiusap ni Naomi habang patuloy na umiiyak. Hindi ko alam kung pa'no ako napunta sa ganitong sitwasyon, at kung paano ko ibinubuwis ang buhay ko para lang makuha ang sikat na antidote. Dahil sa halo-halong emosyon na lumalamon sa katawan ko, feeling ko masisiraan na ako ng bait. 'Tangina, Naomi! Hindi ko kailangan nang mahabang usapan, dahil nagmamadali ako! Ang simple lang naman ng gusto kong mangyari hindi ba? Ibigay mo 'yang hawak mo sa'kin ngayon, kapalit ang buhay ng boyfriend mo. Kung hindi mo kayang sumunod sa sinasabi ko, magpasensyahan na lang tayo, dahil nangangati na ang daliri ko na pasabugin ang ulo ng taong 'to!' nanggigigil kong sigaw. Saglit na lumiwanag ang mukha ko nang tumayo si Naomi. Akala ko pumapayag na siya sa gusto kong mangyari, pero laking gulat ko nang bigla nitong dinampot at itapon ang malaking tubo sa direksyon namin. 'Nasisiraan ka na ba ng ulo, ah?' tanong ko. Pasalamat siya dahil mabilis akong nakaiwas sa atake niya, dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang-isip na gawing pananggalang ang walang malay na katawan ng kasintahan niya. 'Isinusumpa kita, Sophia! Isinusumpa ko ang pamilya mo! Ipinapangako ko, magdudusa ka! Pagbabayaran mo ang lahat ng 'to! Buhay ka pa, sinusunog na ang kaluluwa mo sa Impyerno, tandaan mo yan!' nanggigigil niyang sigaw. Puno ng galit ang mga mata ni Naomi, nagtatangis din ang kaniyang mga ngipin sa sobrang emosyon. Pero wala akong paki. Wala akong oras para intindihin kung sino ang mas galit at mas desperado sa'min ngayon. 'Wala! Wala akong pakialam, Naomi kung dagsain man ako ng kamalasan! Ang importante sa'kin ngayon ay makuha 'yang antidote na 'yan! Isa pa, anong akala mo? Makakapunta ka sa langit? Pwe! Sa Impyerno rin ang bagsak mo! Wag kang umaktong isa kang Santa! Mauuna ka lang sa'kin na sasalubungin ni Satanas, pero kung gusto mo rin, gagawan ko ng paraan para magsabay kayong maglakbay ng boyfriend mo patungo sa Impyerno.' Patuloy kaming nagsusukatan kung sino ang unang gagawa ng hakbang. Parehas na rin kaming duguan at anumang sandali ay mauubusan na ng lakas. 'Save your strength Bitch! I won't let you have this hangga't buhay ako, naiintindihan mo ba?! Pinaghirapan niya 'to, tapos kukunin mo lang nang basta-basta?' ani ya at buong lakas niyang ibinato ang kaniyang sarili sa akin, nagbabakasakaling mabitawan ko ang kasintahan niya. 'Talagang hinahamon mo ako! Sa tingin mo makukuha mo sa kamay ko 'tong boyfriend mo? Stop dreaming, Naomi and just die!' Sinugod ako ni Naomi at buong lakas na hinablot ang aking buhok. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang bitawan ang bangkay ng boyfriend niya, para gumanti rito. Sana nga bangkay na ang isang 'to. 'Stop this nonsense, Sophia! Sumuko ka na lang! Hindi mo makukuha 'to, hangga't humihinga ako!' hingal na ani Naomi habang patuloy na nakahawak sa buhok ko. Parehas na kaming pagod, pawisan, at gutom. Wala na kami sa katinuan pareho at ang tanging nagbibigay ng lakas na lang sa amin ay ang rason kung bakit kami naririto sa lugar na 'to. 'Oh really! Then you leave me no choice then!' Malakas na alingawngaw ng baril ang yumanig sa apat na sulok ng lumang bahay. Bumulagta sa sahig ang katawan ni Naomi habang unti-unting gumugulong ang antidote. Kaagad ko itong kinuha at hinayaan ang dalawang katawan na parehas nag-aagaw buhay. "MOM! Dad! Talk to me please! Ano 'yon? Bakit wala si Keisha dito sa bahay! Are you insane? Bakit niyo pinayagan si Keisha na pumasok sa Saint Augustus!" nanggagalaiti kong tanong sa mga magulang ko. Wala akong pakialam kung mainis man sila sa akin, pero hindi ako papayag na pumasok si Keisha sa impyernong 'yon. Hinarap ako ni mom at tinapunan ako nito ng hindi kaaya-ayang tingin. "Anong magagawa namin, Sophia? Kakagaling lang ng kapatid mo sa bingit ng kamatayan, kaya kung ano man ang gusto niyang gawin sa buhay niya, edi ibigay natin sa kaniya. Minsan na lang humingi ng pabor ang kapatid mo kaya pag bigyan mo na," paliwanag nito. Halos masampal ko na ang lamesa sa sobrang inis noong marinig ko ang kalmada niyang paliwanag. Pagbigyan? Naririnig ba niya ang sinasabi niya? " 'Yon na nga, mom! Kagagaling lang ni Keisha sa coma, tapos heto kayo at isasabak niyo pa siya sa peligro! Saint Augustus Academy is a dangerous place! What the fuck! Wala na ba talaga kayong ibang alam kung hindi ang putanginang business niyo?! Pwede ba, kahit ngayon lang, oh! Pagtuunan niyo ng pansin 'yong kalagayan namin!" sigaw ko. Pakiramdam ko mapapatid na ang ugat sa aking leeg sa sobrang gigil. "Watch your mouth, Sophia! You're talking to your Mother!" agad na saway ni dad. Pinandilatan niya ako mata, sign 'yon na kailangan ko nang tumigil sa pagsasalita. Pero fudge! Walang preno ang galit at inis na nararamdaman ko ngayon. "Please stop, Sophia. Kung gusto mong pigilan ang kapatid mo, do what you want! Lahat ng ginagawa namin ay para rin sa inyo! Male-late na kami ng daddy mo kaya ikaw na ang bahala. Let's go hon," ani mom, tapos nagmamadali silang lumabas ng bahay. 'Lahat ng ginagawa namin ay para rin sa inyo,' pag-uulit ko sa sinabi nito. The fuck! Sinong lolokohin niyo?! Sa sobrang inis, hindi ko na napigilan pang suntukin ang lamesa bago padabog na umupo sa sofa. Makalipas ang ilang segundo, kinuha ko ang aking cellphone para tawagan si Keisha na malamang sa malamang ay nasa Saint Augustus na ngayon. "Hell—" Agad kong pinutol ang sasabihin niya dahil umuusok na ako sa sobrang galit. "Puta naman Keisha! Bakit hindi mo ako hinintay bago ka magdesisyon! Hindi lugar palaruan 'yang putanginang school na 'yan!" nanggigigil na sigaw ko. Imbes na matakot, matapang na sinagot din ako ng kapatid ko pabalik. "Ano na naman 'yan, Sophia! Hanggang ngayon ba naman? Ibang klase ka talaga! Salamat sa pagtawag, sobrang na-appreciate kong bruha ka! Kung 'yan lang naman ang pino-problema mo, edi gagawin kong playground 'tong Saint Augustus, napaka-basic naman! At saka, ikaw ba si mom para ipaalam ko sa iyo lahat ng gusto kong gawin? You're being paranoid again, Sophia, mali dahil lagi naman pala. Try mo kayang magpatingin 'no? Kasi baka may sira na 'yang utak mo. At pwede ba, kung ang ipinuputok na naman ng butsi mo ay ang pagpasok ko sa Saint Augustus, get lost, Bitch!" maldita niyang sagot na mas lalong nagpagalit sa'kin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.9K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook