bc

The Young CEO's Revenge

book_age18+
2.3K
FOLLOW
28.7K
READ
drama
twisted
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

#towritingcontestGirlPower

The Rejected Girl's Revenge

Eternity Veox— sanay sa marangyang buhay. Nakukuha niya ang lahat ng gustuhin, dahil na rin sa yaman ng kanyang pamilya. Nag-iisang anak kaya sa kanya mapupunta ang buong Veox Company at uupo bilang CEO.

Pero...

Biglang nagbago ang lahat nang bumagsak ang negosyo nila. Halos gumuho ang kanyang mundo nang maging kritikal ang kondisyon ng kanyang ama sa hospital.

Paano kung may isang lalakeng magsasalba sa kanya? Pero...

Maging alipin naman ang kapalit.

Ano ang mangyayari sa kanya gayong nabuhay siya sa karangyaan? Makakaya niya kayang maging isang alipin?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
(Eternity) "Congratulations!" Masigabong palakpakan ang natanggap ko mula sa aking pamilya at mga kaibigan. Nakuha ko ang summa cum laude sa kursong Business Management. Sa edad kong twenty five ay nakapagtapos na ako. Ngunit ang hiniling ko lang sa mga magulang ko ay huwag muna akong sumabak sa trabaho. Gusto ko munang i-enjoy ang buhay ko bago ako sasabak sa aming negosyo. Dahil sa nag-iisang anak lang ako, kaya walang ibang sasalo sa trono ng mga magulang ko kung hindi ako lang. Ayaw ko rin munang mag-boyfriend dahil sakit lang ito sa ulo, gaya nang nakikita ko sa mga kaibigan ko. Gusto kong maging malaya sa paraan na gusto ko. "Hija, congratulations! Masaya kami ng Mommy mo at nakapagtapos ka na ng pag-aaral. Naiintindihan ka namin kung ayaw mo munang i-train kita sa pamamalakad sa kumpanya," wika ni Daddy nang makauwi na kami sa bahay namin galing sa party. "Thank you, Dad, Mom," sagot ko sabay halik sa kanila. "Basta, kapag ready ka na sabihin mo lang sa akin at ako mismo ang mag-train sa iyo," wika ulit ni Daddy. "Yes, Dad. Kahit po wala pa ako sa pamamahala ng ating mga negosyo ay pinag-aaralan ko na po ito paunti-unti," sagot ko naman. Nagpaalam na ako para magpahinga na dahil napagod din ako sa ginanap na party kanina sa hotel namin. Roon kasi ginanap ang party. Excited na akong magbakasyon. Matutupad na rin ang isa sa mga gusto ko— ang makapag-travel sa iba't ibang lugar. Ilang taon ding puro pag-aaral lang ang inatupag ko. Ngayon na nakapagtapos na ako at hindi ko naman binigo sina Daddy at Mommy, gagawin ko naman ang mga gusto ko. Alam kong pagkatapos ng bakasyon ko ay magiging abala na ako sa negosyo namin. Plano kong magpatayo ng resort sa isang lugar na dinadayo talaga ng mga tao lalo na ng mga foreigner. Nagpagulong-gulong pa ako sa kama ko bago tumihaya at pinagmasdan ang kisame ng kwarto ko. I'm blessed enough to have this kind of life. Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Dahil wala naman akong pasok, makikipagkita ako mamaya sa mga kaibigan ko party na gaganapin sa isang sikat na club. Ang iba sa mga kaibigan ko ay maghahanap na ng trabaho, at ang iba naman ay magtatayo na ng mga sarili nilang negosyo. Samantalang ako ay i-enjoy-in ko na muna ang sariling buhay bago sumabak sa trabaho. Alam ko kasing malaking hamon ang pagpasok ko sa negosyo namin. --- (Gomer) "Sir, balita ko ay malapit nang bumagsak ang kumpanyang ito," sabi ng tauhan ko sa akin. "Bantayan mo ang lahat ng galaw at pangyayari sa pamilyang ito pati ang buong negosyo nila," utos ko naman sa kanya. "Masusunod, Sir. May ilan na rin akong mga nakalap sa pamilyang ito," sabi niya. "Sige. Alamin mo lahat at balitaan mo ako," bilin ko sa kanya. "Yes , Sir. Aalamin ko po lahat," sagot lang nito sa binatang boss. Napatayo ako habang nakatanaw sa labas ng gusali, dahil puro glass ang opisina ko. Napangiti ako nang mapait sa nalaman. Gusto kong malaman ang lahat ng nangyayari at gagawin ko ang mga plano ko. -- (Eternity) "Guys, on the way na ako," sabi ko sa group chat namin. "My God! Kanina pa kami rito at marami na rin ang nagsidatingan!" "Oo na, malapit na ako, relax," sagot ko naman. Dala ko ang kotse ko na regalo nina Daddy at Mommy noong birthday ko. Hindi na ako nagdala ng driver, dahil alam ko naman na kaya kong kontrolin ang sarili kapag nakainom ako. Kaagad kong narating ang lugar kung saan ang gaganapin ang party namin. Gabi na kaya alam kong maraming tao sa lugar na ito lalo pa at kilala talaga ang club na ito. Pinarada ko muna ang sasakyan bago inayos ang sarili at pumasok na ako sa loob ng bar. Hindi nga ako nagkakamali, dahil marami na ngang tao sa lugar na ito. "Eternity, here!" Kaway ng kaibigan ko nang makita niya ako. Lumapit naman ako kaagad sa kanila at nakipagbeso-beso. May mga lalaki rin silang mga kasama at ang iba siguro ay mga boyfriend nila. Kaya naman, tumabi na lang ako sa baklang kaibigan namin. Binigyan kaagad nila ako ng maiinom at inabot ko naman ito. "Cheers!" sabay-sabay nilang sabi at nakisali na rin ako. Tinungga namin ang mga shot glass na hawak-hawak namin. Kwentuhan, asaran, hiyawan, at sayawan ang ganap namin sa mga oras na ito. Sanay na sanay na ako sa ganitong ganap. Maingay sa loob dahil sa lakas ng tugtog. Nagkayayaan silang lahat na sumayaw. Halos nagwawala na silang lahat sa gitna ng bulwagang. Medyo lasing na silang lahat, pero kaya ko pa naman ang sarili. Nagpaalam muna ako sa mga kasamahan ko na gagamit muna ng restroom. Sa pagmamadali ko ay may nabangga akong lalakeng may malaking katawan. "Ano ba? Duling ka ba?" inis at galit na tanong ko sa lalake. Kaagad namang may mga humarang sa lalake. Hinuha ko, mga bodyguard niya. Sosyal! Ngunit sinuway sila ng lalake kaya lumayo sila. "Miss, maluwag ang daan. Nasa tamang daanan kami, ikaw ang wala," seryosong sabi ng lalake. "So, kasalanan ko pa?" pagtataray ko. "Okay, kasalanan ko na, sorry," wika ng lalake. Madali naman pa lang kausap. In fairness, gwapo siya. Pero, no. Wala akong pakialam. Tinalikuran niya na ako at wala akong nagawa kung hindi ang pumunta ng rest room. -- (Gomer) "Sir, maraming tao ngayon. Halos mga vip natin ay okupado lahat, at may party sa table na iyon," sabay turo ng manager sa kumpol ng mga kababaihan. Nilingon ko naman ang itinuro niya at nakita ko ang babaeng nakasalubong ko kanina, kasama pala ito sa may party sa gabing ito. "Okay, good kung ganoon. Wala naman sigurong problema ngayong gabi?" tanong ko sa kanya. "Wala pa naman po, Sir," direkta niyang sagot. "Good." Iyon lang ang nasabi ko habang nakatitig pa rin sa babaeng nakasalubong ko kanina. Nasa sulok lang siya habang umiinom ng isang mamahaling alak. Wala pang sampung minuto ay may nag-aaway na sa parteng table ng babaeng nakasalubong ko kanina. Nakiramdam lang muna ako dahil may mga tauhan naman ang club na ito, para tingnan at awatin ang mga nag-aaway. Nakita kong binabastos ang babaeng nakausap ko kanina, at pinagtatanggol naman siya ng mga kasamahan niya. Lasing ang lalaking kasagutan nila. Inawat naman ng mga tauhan sa club na ito para hindi na lumaki pa ang gulo, ngunit may nakita akong bumunot na ng baril. Kaagad akong tumayo at nilapitan ang babaeng nakausap ko kanina, sinenyasan ko ang kanyang mga bodyguard ko na sila na bahala sa lalakeng tinuro ko. Hinila ko ang babae papalayo sa table na iyon. "Ano ba binatawan mo ako!" asik ng babae sa akin at pili na tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak ko. "Kung ayaw mong mabastos magdamit ka nang maayos!" mariin na sabi ko sa kanya. "Hello! Alam mo kung nasaan tayo at hindi naman ito simbahan!" ganting sigaw niya sa akin. "Umalis ka na sa lugar na ito," utos ko sa kanya. "Bakit mo ako papaalisin? Hoy, ako ang nagbayad sa booking namin dito, tapos papaalisin mo lang ako?" kunot-noong tanong niya sa akin. "Kahit pa triplehin kong ibalik sa iyo ang pera mo basta umalis ka na sa lugar na ito," sabi ko sa kanya. "Hindi ko kailangan ang pera mo, baka mas mayaman pa ako sayo!" sagot niya sa akin at salubong na ang mga kilay. "Aaalis ka sa lugar na ito or may gagawin ako sa iyo?" seryosong banta ko sa kanya. Nakita kong natakot siya base na rin sa reaksyon ng mukha niya. Napansin ko ring kumalma ang paghinga niya na kanina lang ay halatang hinahabol na niya ang hininga. Hindi na siya sumagot at lumabas na sa club. Sinundan ko pa siya ng tingin at nakitang sumakay na nga siya sa kotse niya. Kaagad kong pinuntahan ang manager at tiningnan kung ano ang pangalan ng may booking sa may party. Nagulat ako nang makita at nalaman kung sino ang babaeng nakausap ko kanina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook