bc

Behind a Stupid Lie

book_age16+
74
FOLLOW
1K
READ
arrogant
student
drama
bxg
realistic earth
lies
school
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Keila doesn’t want anything but just to finish her studies and to have a job so that she can move out already because she hate staying at there house where no one cares for her unlike Hero who hate attention that’s why he moves out of there house but despite of that his parents still controlling him. For them nothing is important but to get away and be happy with their own lives, but life is not all about having fun and playing game, it is about growing and learning how to live with it.

In the world where a lot of challenges and problems we should know how to survive with it especially when we need to do something that might cause us sadness, pain and at the same time happiness and love.

It all started with a stupid lie that turns their feelings upside down without them knowing that they fell into a trap that it is hard to get out.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Pagmulat ng mata ko sumalubong agad sa akin ang kisame ng kwarto ko at panibagong araw na naman ngayon, ano kaya ang mangyayari sa araw na ‘to? Maaga akong gumising at naghanda na para pumasok dahil baka ma-late na-naman ako sa klase ko ngayon. Inayos ko agad ang sarili ko para makaalis na ako ng bahay. Pagkatapos kong magkapag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba na para lumabas ng bahay. Hindi ko na inabala ang sarili ko para magpaalam sa mga tao sa bahay namin dahil wala naman silang pakielam sa akin. Nakatira nga kami sa iisang bahay pero madalang naman kaming magkita-kita, alam kong malaki ang bahay namin pero hindi naman siguro rason ‘yon para halos araw-araw wala akong nararamdaman na tao sa bahay. Noong una nahihirapan pa ako pero sa tagal ng panahon nasanay na rin ako dahil simula ng nangyari ang bagay na ‘yon hindi ko na sila naramdaman sa bahay na ‘to.  Sumakay na ako sa sarili kong kotse at nagmaneho na papuntang eskwelahan. I am a college student, and I am taking up a business course. Luckily, gusto ko ung course ko at nagpapasalamat ako na hindi ako pinakielamanan ng mga magulang ko sa kursong kinuha ko. Ang kailangan ko na lang gawin ay ipasa ang kursong ‘to ng makawala na ako sa kanila kasi wala naman silang pakielam sa akin. Sa totoo lang pwede naman palang umalis ako ng bahay namin pero bilang respeto na rin sa kanila hindi ko ginagawa hanggang sa makahanap na ako ng sarili kong trabaho dahil sa ngayon umaasa pa rin ako sa kanila. Wala silang pakielam sa akin pero kahit paano naman ay sinusuportahan nila ang pag-aaral ko. Nang makarating ako sa eskwelahan ay ipinarada ko na ang kotse ko at bumaba na para pumasok sa loob ng building ng department namin. Mabuti na lang ay maaga akong pumasok ngayon dahil wala pang masyadong tao sa classroom namin bukod na lang sa dalawang taong gusto kong iwasan palagi. Agad naman akong umupo sa upuan ko at hindi sila pinansin dahil walang mangyayari kung papansinin ko silang dalawa. Wala naman akong problema kay Karl pero sa kasama malaki ang inis ko, me and Hero are mortal enemy. Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero nagising na lang ako isang araw na ung dating kasundo ko kaaway ko na ngayon. Inilabas ko na lang ang mga notes ko sa bag ko at binasa ang mga ‘yon. Ganito ang ginagawa ko kapag wala pa kaming klase kasi wala naman mangyayari kung tutunganga ako habang inaabangan ang professor namin. Napatingin ako sa wristwatch ko ng makitang ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin dumadating na mga kaklase namin at kahit na ang professor. Nilingon ko ung dalawa at mukha naman wala silang pakielam sa nangyayari sa paligid nila kaya ibinalik ko na lang ang mga gamit ko sa bag ko at lumabas ng classroom. Kapag ganitong ilang minuto na ang nakalipas at wala pa rin ang professor namin paniguradong wala ng klase. Nagpunta na lang ako sa locker ko para ilagay ang mga gamit ko na hindi ko pa naman kailangan at pagkatapos kong ilagay ang gamit ko ay muntik na akong mapatalon sa gulat kasi naman pagkasara ko ng locker ko agad naman na bumungad sa akin ung mukha ni Karl kaya napairap ako at iniwasan s’ya ng bigla naman humarang sa kabila ko ang isang taong ayokong makita. Tiningnan ko na lang sila at pinagtaasan ng kilay, “Ano bang kailangan n’yong dalawa?” tanong ko sa kanila. Hindi naman silang nagsalita kaya umiwas na lang ako pero humarang si Hero sa dadaanan ko kaya tiningnan ko s’ya ng masama. H’wag s’yang umasta na parang okay kaming dalawa dahil sa totoo lang naiinis ako sa kanya. Hinarap ko si Karl dahil mukhang s’ya na naman ang may pakana ng lahat ng ‘to. “Anong kailangan n’yo?” tanong ko sa kanya. “We need to talk,” sabi n’ya sa akin at bigla na lang akong hinila papunta sa music room. “Ano ba trip n’yong dalawa?” tanong ko pero hindi sila sumagot at nagtinginan lang napa-irap na lang tuloy ako.  “Alam nyo para kayong sira! Hihila-hilahin n’yo ako dito tapos hindi kayo magsasalita ngayon,” sabi ko at lalabas na sana ng hawakan ni Hero ung kamay ko. Napatingin ako sa kanya at bigla bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa n’ya na ‘yon pero agad din akong natauhan at inalis ang kamay n’yang nakahawak sa akin. “Listen to Karl first before leaving,” sabi n’ya sa akin. “You don’t have the right to tell me what to do,” sabi ko sa kanya. “H’wag kayong mag-away na dalawa dahil kailangan ko kayo parehas,” sabi ni Karl sa amin kaya hinarap ko s’ya. “Wala akong oras Karl kaya hanggang nandito ako sabihin mo na,” sabi ko sa kanya.  “Magpanggap kayo ni Hero bilang magkarelasyon sa loob ng dalawang buwan,” sabi n’ya sa akin at muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi n’ya na ‘yon. Nababaliw na ba si ‘tong si Karl para sabihin ang bagay na ‘yon? Alam na alam naman n’yang hindi kami magkasundo ni Hero at kulang na lang magkasakitan kaming dalawa tapos sasabihin n’yang magpanggap kami ni Hero na may relasyon, nasisiraan na talaga s’ya. “May tama ka ba Karl? Nababaliw ka na ata d’yan sa sinasabi mo na ‘yan,” sabi ko sa kanya. “I’m not crazy Keila, seryoso ako sa sinabi ko na magpanggap kayo ni Hero” sabi n’ya sa akin. “Baliw na kayong dalawa, kung anu-ano na pumapasok sa isip n’yo,” sabi ko sa kanya at nilayasan na silang dalawa ni Hero. I don’t like the idea of me being with Hero and be part of their crazy plan. Nasa tamang pag-iisip pa naman ako para tumanggi sa gustong mangyari ni Karl. Hindi ko alam kung anong dahilan n’ya pero kahit ano pa ‘yon hindi ako papayag sa gusto n’yang mangyari. Bumalik na lang ako sa locker ko at inayos ang mga gamit ko. Walang mangyayari sa akin kung iisipin ko pa ang sinabi ni Karl, hindi ko na problema kung ano man ang problema n’ya. Hindi sa lahat ng bagay kaya kong gawan ng paraan ang mga problemang inilalapit nila sa akin. Nang maayos ko ang gamit ko ay pumunta na lang ako sa library para magpalipas ng oras dahil mamaya pa ang next class ko, ayoko naman na umuwi dahil masasayang lang ang oras ko sa byahe kaya magbabasa na lang ako sa library. Nang makarating ako sa library nagpunta ako sa may tagong lugar para doon umupo. Ayoko kasing may iistorbo sa akin kapag nagbabasa ako kaya hanggang maari ako gusto ko na malayo ako sa iba. Sanay naman kasi akong mag-isa kaya wala naman ng bago sa akin kung lagi akong walang kasama. May mga kaibigan naman ako pero dahil nga nasa kolehiyo na kami nasa iba’t-ibang landas kami ngayon. Malayo sila sa akin pero wala naman akong problema do’n dahil may kanya-kanya naman kaming buhay. Itinuon ko na lang ang sarili ko sa librong hawak ko ng bigla na lang itong umangat sa ere kaya naman nanlaki ang mata ko dahil do’n at muntik na akong mapasigaw ng bigla na lang n’yang inilapit ang mukha n’ya sa akin pero bago pa man ako makapagreklamo ay natakpan na n’ya ang bibig ko. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook