bc

Innocent Detective

book_age16+
525
FOLLOW
1.4K
READ
dark
independent
brave
inspirational
drama
tragedy
bxg
serious
mystery
genius
like
intro-logo
Blurb

Unsolved problems

as well as serial killings

The crime that never ends.

This is my work, a work that no ordinary child could do.

I'm Curse, and at the age of 10 I solved crimes.

And they call me the Innocent Detective.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 "The Masked Lady"
****** "Curse!! Cu~rse~" pukaw ng classmate ko.  Iminulat ko naman ang mata ko at kumurap-kurap na muna at tumingin sa kanya. "Oh?" Tangi kong sagot. "Nandito na tayo" sabay pamewang ng classmate ko. Luminga-linga naman ako sa paligid at tumayo sabay labas sa bus ng school. We’re in a field trip kasi, mga highschool and elementary students lang. Nakalimutan ko palang ipakilala ang sarili ko, ako pala si Curse Haibara grade 6 na. Di ko alam kung bakit Curse ang ipinangalan ng mga magulang ko, by the way wala na pala sila, pumanaw na nung 4 pa ako kaya di ko masyado maalala ang mga muka nila, pero sabi ng lolo ko mababait daw silang tao, ang lolo ko nalang ang nagpapalaki sa'kin namatay magulang ko sa isang aksidente. "Curse, punta na tayo sa rest house natin" yaya ni Hanna, kaibigan ko, matagal na nung grade 1 pa kami. "Okay” sagot ko at nagsimula na kaming maglakad patungong rest house. ****** Pagdating namin dun agad namin inarrange ang mga gamit naming. "Curse tabi tayo hah?" Sagot nya. Tumango lang ako, apat na babae ang nakakasya sa isang kwarto kaya apat kaming nandito sa room naming.  Lumapit ako sa bintana at dumungaw para makalanghap ng sariwang hangin, habang sarap na sarap na ako may bigla nalang nagsalita. "Oh, mukang sarap na sarap ka jan ahh?" Asar ng isang lalaking ayaw na ayaw ko, at alam kong nasa kabilang kwarto sya katabi lang ng room ko at nasa side ko lang. Di ko sya nilingon at ipinikit nalang ang mata ko, kaso ang baliw nagsasalita parin. "Alam mo bang may alamat ang lugar na'to?" Pagpapatuloy nya sa pagsasalita kahit di ko sya pinakikinggan. "Eh, talaga?! Ano naman yun?" Interesadong tanong ni Hanna sa kanya. Nakapikit parin ako at di sinusulyapan ang dalawang may pinag-uusapang kabaliwan. "Ang tawag sa kanya ay The Masked Lady…" pagsisimula nya "...ang sabi nila dati nung November 1 may namamatay na tao every night, titigil lang daw ito sa Novemeber 3, sabi nila noon may tatlong tao daw ang nawawala at hanggang ngayon di pa nakikita so they expected that it was the work of The Masked Lady" tas napatingin sya sa'kin.  Sh*t! Di ko namalayan na nakikinig na pala ako sa kanya. Agad naman akong umiwas kaya napangiti sya, kaya nainis ako. "Psh, makikinig din naman pala?" Sabay smirk nya. "Hmph, di rin naman yan totoo e?!" Sabay cross arms ko. "Totoo daw yan" singit ni Levy ang isa ko pang classmate na friend. "How can you be so sure?" Tanong naman ni Hanna. "Sabi nung matandang babae na nakausap namin ni Yumi" sagot ni Levy at tinuro si Yumi, si Yumi naman ang mahinhin naming kaibigan, diba apat ang makakasya sa isang room? So sila ang kasama ko sina Hanna, Levy, Yumi at ako. "Wag naman sana silang manakot?" Sabay yakap sa'kin ni Hanna, takot kasi yan sa mga horror stuffs.  Narinig ko namang tumawa ang ugok kaya pinandilatan ko, binelatan nya lang ako, di ko nalang sya pinansin kinomfort ko naman si Hanna. "Wag kang matakot, malay mo di pala yun totoo" sagot naman ni Yumi na bago lang pumasok. "Totoo yun Yu--" natigilan agad ang ugok dahil tiningnan ko sya ng masama, kaya tumahimik nalang sya.  Mukang magiging magulo ang araw ko ngayon. ****** Gabi na nun at tapos nang kumain ang lahat. Ang mga kaibigan ko naman ay naglalakad na muna, habang naglalakad kami may biglang lumapit na babaeng naka pormal at maamo ang muka. "Ano pang ginagawa ninyo mga bata, gabi na ahh?" Nagtataka nyang tanong. "Kasi po gusto pa naming mamasyal" sagot ni Yumi. "Ganun ba? May bukas pa naman e, matulog na kayo delikado pag gabi dito" sagot nya sabay hawak sa mga balikat namin para maihatid na kami patungong rest house naming. "Uhm, totoo po ba yung The Masked Lady?" Biglang tanong ni Levy.  Napatigil naman yung babae sa paglalakad at mukang namumutla ang muka nya. "A-ate?" Pukaw ni Hanna.  Napailing naman yung babae at ngumite. "San nyo yan narinig?" Tanong nya. "Sabi nung matandang babae" sagot naman ni Yumi habang ako tahimik lang na nakatingin sa kanila. Nagulat naman yung babae at mukang may ibinulong. "Bakit po?" Tanong ko. Nagulat naman sya at agad umiling. "Di yun totoo, gawa-gawa lang yan ng mga tao dito, oh, matulog na kayo" she said, nabantayan ko naman na nakarating na kami sa rest house. Di ko namalayan na nakarating na pala kami dahil sa usapan naming. "Sige po, babye" sagot nina Hanna at pumasok na kami sa rest house. ****** Gabi na at bigla nalang akong nagising dahil sa narinig ko na ingay, kaya napabangon ako, napatingin naman ako sa side ko, wala si Hanna baka nag CR nanaman yun?  Lumabas na muna ako kasi ramdam kong nasa kabilang rest house ang naririnig kong ingay, sinuot ko muna yung sapatos ko at lumabas ng rest house at tumungo sa kabila. Habang papalapit na ako sa ingay, nalilinawan ko na ang mga sigawan nila, muka silang nagbabangayan, kaya sumilip ako sa bintana ng konte at nakita ko yung babae kanina na may kausap na matandang babae. "Ba’t mo naman pinagsasabi sa mga bata ang mga ganun?!" Sigaw nung babae kanina. "Sinasabi ko lang sa kanila ang totoo" sagot naman nung matanda. "Kahit na! Pano pag natako--" natigilan yung babae dahil may biglang pumasok, isang lalaking pormal at babae na nakaglass, at isa pang lalaking naka yosi. "Ano ba naman kayo?! Ang iingay nyo gabing-gabi na oh?" Sagot nung babaeng nakaglasses. "Ito kasi si lola may kung anong pinagkakalat sa mga students" inis na sumbong nito sa kanila. "Ano nanaman ba?! Yung sa Masked Lady?? Magbabangayan pa kayo nyan?! Para sa mga bata lang ang storyang yan kaya matulog na kayo" sagot nung naka yosi na lalake. "Tsk! Pano kung umalis ang mga taong yun dito?!” Sagot nung babae kanina. "Diba nagaganap lang yun sa kinaunahan ng Nobyembre, at diba November 1 ngayon?" Sagot nung lalaking pormal. "Wag ka ngang maniwala sa mga pinagsasabi ni lola, matulog na tayo pati narin kayo" sagot nung babaing nakaglass at lumabas na sila. Tiningnan naman ng babae yung matanda. "Tch, sana ikaw nalang ang biktimahin ng Masked Lady nayun, nakakasira ka ng negosyo e!" Sigaw nya sabay labas ng kwarto. Nagulat naman ako nang biglang lumingon yung matanda sa direksyon ko kaya agad akong napayuko. Mukang kailangan kong bumalik sa rest house naming. Agad akong tumakbo patungong rest house. ****** Paggising ko umaga na pala, di man lang nila ako ginising, tumayu na ako pagkatos ay naligo, etc. Pagbaba ko nagulat ako nang may mga pulis na sa kabilang rest house  Nakita ko naman si Len (yung lalaking kaaway ko) at agad syang nilapitan. "Anong nangyare, ba’t may mga pulis?" Tanong ko sa kanya. "Yung matandang babae na nakausap nina Yumi? Patay na daw" namumutla nyang sagot. A-ano?!  ******  To be continued...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.7K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.4K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
469.7K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.8K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
825.5K
bc

Payment of Debt

read
87.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook