bc

My Two Faced Queen

book_age18+
89
FOLLOW
1K
READ
Fantasy Romance Ⅱ Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Si Mr. Damian Martinez at Mr. Max Garcia ay matalik ng magkaibigan mula pa noong una. Dahil sa pagkakaibigan nila ay naitayo nila ang The Martinez and Garcia Real Estate Empire. Kung saan si Mr. Martinez ang presidente at si Mr. Garcia naman ang besi presidente. Dahil tumatanda na ang dalawa at kinakailangan ng magpahinga, napagkasunduan nilang ipaubaya na lamang sa panganay na anak ni Mr. Martinez ang pamamahala sa kompanya. At upang mapanatili ang samahan at ownership ng parehong partedo ay napagkasunduan nilang ipakasal si Dave Daniel sa nag iisang anak na babae ni Mr. Garcia na si Scarlett Faye. Sabay at magkasamang lumaki ang mga anak nina Mr. Martinez at Mr. Garcia, dahilan para panatag ang loob ni Mr. Garcia na ipakasal ang kanyang anak sa anak nito. Kilala niya ang ugali ni Dave Daniel, strikto at masunurin itong anak sa mga magulang kung kaya wala itong tutol sa iminungkahing kasalan.

Sa kabilang banda naman ay hindi sang ayon si Scarlett, ang unica hija ni Mr. Garcia. Alam niya ang ugali ng ipapakasal sa kanya kung kaya tutol siya. Sanay siyang na nasusunod ang gusto niya. Isa pa ay hindi siya sang ayon sa pananaw ng kanyang ama tungkol sa magaganap na kasalan. Ito raw ay para sa siguridad ng kinabukasan niya at sa estado ng susunod na henerasyon ng angkan nila.

Dahil sa siya ay nag aaral pa lamang, ay napagkasunduan na sa mismong araw ng graduation niya gaganapin ang kasalan nila. Kung kaya ay mayroon pa siyang sapat na panahon para baguhin ang desisyon ng kanilang mga magulang at ng kanyang mapapangasawa.

chap-preview
Free preview
CHAPTER I
Naalimpungatan ako sa ingay na gawa ng alarm clock sa sidetable ng aking kama. Pinatay ko iyon at bumalik sa aking pagtulog. Maya maya pa ay narinig ko namang may kumakatok sa labas ng pinto ng aking kwarto. “Maam Scarlett!” Balak kong baliwalain na lang sana iyon, pero dahil sa naririndi na ako sa paulit ulit nitong malalakas na katok ay nawala na ang antok ko. “What?!” malakas at puno ng inis na sagot ko sabay pinagbuksan ang kumakatok. “Maam, pinapatanong po kasi ng daddy niyo kung may pasok po ba kayo ngayon?” Tanong ng isa sa mga katulong sa bahay. “Tell him I don’t have classes today. Why is he asking all of a sudden?” Takang tanong ko sa katulong na inutusan ng daddy ko para istorbohin ang tulog ko. “Po?” Ng maramdaman kong na conscious at nag alala ang kausap ko dahil sa hindi niya na intindihan ang sinabi ko, ay bigla akong na konsensya sa inasal ko. “Pakisabi po kay Dad wala akong pasok” “Okey po Maam” At umalis na ito agad pagkatapos ma isara ang pinto. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking ulo. Lumabas kami kahapon ng mga matatalik kong kaibigan na sina Joelyn at Lacy, pumunta kami sa paborito naming disco pub sa Makati. Si Joelyn ay kaklase ko at matalik ko ng kaibigan noon pa man, conservative siya at napaka down to earth kaya mas closed ako sa kanya. Samantalang si Lacy ay nakilala ko sa agency kong saan ako ang most paid model nila at ito ay isang freelance model. Kagaya kong party goer, happy-go-lucky at mahilig makipag socialize kung kaya kaming dalawa ang madalas na naiiwang nagpa party magdamag. Nag sipilyo lang ako saglit at nag hilamos ng mukha. Pagkatapos ay tiningnan ko ang orasan sa side table ng kama ko, ‘7:00 am’ pa lang. Minabuti kong bumaba na sa kusina para maabutan ko pa si Dad. Minsan lang kami magpang abot sa hapag kainan kaya kahit masakit pa ang ulo ko dahil sa hung over, ay bumababa na ako. Isa pa, na wala na ang antok ko. Habang pababa ng hagdan ay nakita ko si Dad, nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape sa mahabang naming dining table. Dahan dahan akong lumapit at hinalikan siya sa pisngi bilang pagbati. I see him smiling up to his ears. “Good morning sweetie.” Bati sa akin ng aking Ama na ma aliwalas at may ngiti sa mga labi. My Dad has been very busy, simula ng mawala ang mommy ko 3 years ago, hindi ko na siya masiyadong nakikitang ngumingiti o tumatawa, his looks seems different today. “What’s with the face Dad, you seem very happy?” “Am I?” He says na may kasama pang pag haplos haplos sa pisngi. Tumaas ang kilay ko dahil sa kinilos niya. Usually, my dad has no sense of humor. Na alala ko pa nga ng bata pa ako, my mom used to laugh so much at him dahil corny siya mag joke. Ironic right? Well I guess that’s what love can make. “Sabi ni yaya wala ka daw pasok ngayon?” Tanong ng daddy ko, which is lalong dumagdag sa suspicion ko that something is going on. He’s not usually asking me about my schedules, not even knowing where was I last night. “Yeah?” Patanong na sagot ko. If he’s asking me like this, I feel uncomfortable. I feel like he’s about to guard me, and I’m not used to it dahil sa mas sanay ako at nag e enjoy kapag nasusunod ang gusto ko. “So can I ask you a favor?” he asked again. “Anything Dad” sagot ko ng may pag aalinlanagan. I’m already overthinking. “Your Tita Xyrus was been asking for you to visit her. She said she misses you.” I looked at him, I saw seriousness and sincerity. And it seems nothing wrong with that. And so I sighed in relief. Akala ko ay big deal ang hihingiin niyang pabor. “Sure Dad, na miss ko na rin po siya eh.” I replied with excitement as I look into him, and he just smiled back.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.1K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Broken Angel

read
3.8K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook