bc

Singing for Mr. Billionaire

book_age16+
2.9K
FOLLOW
8.4K
READ
billionaire
dark
opposites attract
brave
twisted
bxg
office/work place
betrayal
humiliated
passionate
like
intro-logo
Blurb

Maria Bendita Aguas' passion for singing was crushed when she was insulted by the CEO of the label that she was auditioning for that lead her to loathe him for years, not knowing that he will also be the man to bring her passion back.

****

Mataas ang pangarap ni Bendita sa pagkanta at marami ang naniniwala sa kanya. Growing up, tiwala siya sa kanyang kakayahan sa pagkanta hanggang sa dumating ang kanyang big break. Akala niya ang big break na iyon ang magiging daan para matupad na talaga ang kanyang pangarap, hindi niya akalaing iyong big break na iyon pala ang mismong sisira pa sa kanyang pangarap. Ni minsan sa buhay niya, wala pa siyang narinig na ganoong klaseng insulto sa tanang buhay niya. Sobra siyang nasaktan sa sinabi ng lalaking iyon kaya noong nagkita silang muli ay talagang pinakita niya rito kung gaano siya nito sinaktan pero hindi niya akalaing magiging iba ang takbo ng tadhana sa kanilang dalawa.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Ano ba ‘yan, ang tagal naman yata? Halina kayo at baka ma-late na iyang si Bendita!" sigaw ng isang babaeng nasa mid-forties na ang edad habang nagpa-pack ng tatlong tupperware ng mga ulam. Halos mapuno ng sigawan ang kanilang bakuran nang sa wakas ay lumabas na ang kanyang disi-otso anyos na anak. Isang malaking ngiti ang ipinaskil ni Bendita sa kanyang labi tapos ay umikot para ipakita sa madla ang kanyang one inch above the knee na cocktail dress. Beige ang kulay noon at medyo bukadkad na parang ball gown. Sleeveless ang cocktail na iyon na pinaresan niya ng isang three inches na nude pump. "Grabe, Bendita. Ikaw na, gurl! Ikaw na talaga!" "Yes naman, ‘yan ang kababata ko!" "Woohh! Iba ka, Bendita! Kunin mo ulit ang trophy!" "Defending champion na naman for the nth time!" Natawa na lamang si Bendita sa mga cheer ng kanilang mga kapitbahay. Lumakad siya palapit sa mga ito. Nadaanan niya pa ang inang nagpa-pack pa rin ng mga baon nila. Para talagang kung saan ang singing contest na sasalihan niya, samantalang inter-barangay pa naman iyon at isang sakay lang mula sa kanila. "Oh, mag-ingat ka at baka magasgas iyang damit mo!" ani ng kanyang ina nang makalabas siya sa parang tambayan nila at sumama na sa mga kapitbahay at kababata niya. Sa labas kasi ng mismong bahay nila ay parang may payag na nagsisilbing tanggapan ng kanilang bisita aside sa sala sa loob ng kanilang bahay. Open lang ang dingding noon at may mga kahoy na upuan lang sa mga gilid tapos ay isang lamesang kawayan sa gitna. Ang harap noon ay ang kanilang bakuran na maraming halaman. Dito palaging tumatambay ang mga kapitbahay at kababata niya kapag nagja-jamming sila. “Bendita! Oh my gosh!” agad na salubong sa kanya ng isa niyang kaibigang si Lena. Lumapit na rin ang iba sa kanya at pinagitnaan pa siya. Natawa siya sa mga ito. Nagsi-alisan naman ang iba pang mga kapitbahay nila at naiwan siya kasama ang tatlong mga kababata niyang pinakamalapit sa kanya. “Ikot ka, sist!” sabi pa ng baklang kababata niyang si Mario. Napailing na lang siya at umikot na rin para ipakita sa mga ito ang kanyang damit. “Oh! ‘Di ba! Bonggayshos ka talaga, Maria Bendita Aguas!” dagdag pa ni Mario. "Madadagdagan na naman ang mga trophy mo, Ben," sabi naman ng isa niya pang kababatang si Jace. Nginitian niya lang ito. "Sana nga manalo, no. Ang dami pa namang magagaling ngayon," sagot niya na umani ng mga ungot. "Luhh. Ang humble mo ever, te," ani Lena. Agad na kumunot ang noo ni Bendita. "Bakit? Totoo namang maraming magagaling, no. Ayoko lang magpakampante." Agad na umakbay si Jace sa kanya. Ngumiwi naman iyong dalawa niyang kaibigan dito. "Kaya naman the best ka talaga, e. Iba ka, Ben!" Umiling pa ito at ginulo ang buhok niya. Ngumuso siya rito. "Grabe naman! ‘Yong hairdo ko!" reklamo niya pa. Narinig niya pang tumawa lang ang lalaki. Nakita niya naman ang pag-irap nina Lena at Mario kay Jace. "Ang chansing mo rin, Jace," komento ni Lena. "Oo nga. Itong mokong na ito. Friendzone ka na nga ni Bendita, ‘di ba?" Umirap si Mario. Mabilis namang ipinatong ni Jace ang kamay sa dibdib at umarte pang nasasaktan. Ngumiwi lang sina Mario at Lena. Natawa naman si Bendita at tinanggal ang pagkakaakbay ng lalaki sa kanya. "Aray naman!" daing pa ni Jace at umaktong nasasaktan pa. Umiling na lang si Bendita. Pumagitna siya kina Lena at Mario tapos inakbayan ang dalawa. “Basta, gagalingan ko mamaya,” sabi niya sa mga ito tapos ay kumindat. “Asus! Magaling ka na! Pupusta akong mananalo ka na naman at mapupunan na naman ng trophy iyang shelf niyo ng mga awards mo! Ikaw na, sis! Ikaw na!” sabi ulit ni Lena. Natawa lang ulit siya. Nakita niya pang umiling si Jace tapos ay kinuha na ang cell phone nito. “Tama na nga ang drama, selfie muna tayo bago manalo si Ben,” anito at pumwesto sa harapan nila. Nag-bend lang ito nang kaunti tapos ay itinutok na ang camera sa kanila. “One, two, three, smile!” Iba’t ibang pose ang kanilang ginawa. Ang una ay formal, tapos wacky at kung ano- ano pang maisip nilang mga pose. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ang pamilya ni Bendita. “O, ano na? Tara na!” masiglang sambit ng kanyang amang si Martin. “Ito na, ito na ang mga baon natin!” bulalas naman ng kanyang ina at lumabas na rin. “Hala si Aling Mirna, o. Ang lapit-lapit lang naman ng venue, may pagkain pa kayo!” sabat ni Mario. “Ay, nako, mabuti na ang handa no!” sagot naman ni Mirna. Natawa na lang si Bendita. “Ay, ako na po diyan!” prisinta pa ni Jace at kinuha ang dalang mga supot ng kanyang ina. Narinig niya pang nagsitikhiman ang dalawang kapatid niyang lalaki. Napairap na lamang siya. “Kami na diyan, Jace. Andito naman kami,” masungit na sabi ng bunso nilang si Ben. Ngumisi naman ang isa niya pang kapatid na si Jerick. Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid pero mas mukhang panganay kung umasta iyong dalawa sa kanya. Palagi na lang sinusungitan ang mga kaibigan niya. Napaka-protective kasi ng mga ito sa kanya. Lahat yata ng mga kaibigan niya pinagkakamalan ng dalawang manliligaw niya. Ewan na lang talaga niya. Siniko niya si Lena na humagikhik sa kanyang tabi. Nakita niya namang nagkamot ng ulo si Jace at tumabi na rin. “Tara na, tara na!” sabi ng ama niya at nauna nang lumabas sa kanilang bahay. Agad na sumunod naman silang lahat doon. May mutilcab silang pamilya at iyon ang service nila papunta sa contest. Ang ama niya ang magda-drive tapos ay siya ang sa front seat. Ang mga kaibigan niya naman at ang nanay at mga kapatid niya at sa likod naman. Open iyon na multicab pero may upuan naman doon at may silong din. “Thank you!” sabi niya kay Jerick na siyang nag-alalay sa kanya sa pagsakay. Agad na umikot naman ang kapatid niya sa likod. Huminga siya nang malalim at saka umayos ng upo. “Aba, kinakabahan ka pa ba, anak?” natatawang tanong ng ama niya. Natawa na rin siya rito. “Pa, kinakabahan pa rin talaga ako. Ayoko namang maging over confident ako, no. Saka, alam ko namang may mga magagaling pa ring iba diyan, no. Ayoko namang umasa.” Ngumuso siya. Nailing naman ang kanyang ama. “Ay nako, basta, ikaw pa rin ang panalo sa mga kapitbahay natin. May banner ka na nga, o.” Natawa na lang ulit siya. Kasi naman sobrang excited ng mga kapitbahay nila. May nag-congratulate na nga sa kanya nang palabas na sila ng bahay kanina. Ay ewan na lang niya. Nasanay kasi ang mga ito na palagi siyang nananalo sa mga singing contest sa baranggay man o ibang mga bayan. Batang-bata pa lang siya ay pangarap na niya talaga ang kumanta. Iyon na ang kanyang pangarap talaga. Hindi na iyon nagpalit pa, hindi katulad ng mga kaklase niya na noong grade one ay doctor, grade two ay nurse at kung ano-ano pa. Siya, loyal talaga siya sa pagkanta kahit na alam niyang nakadepende sa break ang magiging kapalaran niya rito. Hindi katulad sa ibang mga propesyon na pagka-graduate niyo ay pwede ka nang ma-employ at magkatrabaho. Pero hindi niya susukuan ang kanyang pangarap. Gusto niya nga sanang kumuha ng kursong may kinalaman sa arts at sa music, kaso wala naman sa State University na pinapasukan niya kaya HRM ang kinuha niyang course. Para na rin iyon may fallback siya. Musically inclined din naman kasi silang lahat sa pamilya. Ang nanay at tatay niya nagkakilala dahil sa battle of the bands noong high school ang mga ito. May mga kanya-kanyang banda ang mga ito kaya nagkakilala. Hindi na tumutugtog ang mga ito at wala na ring gig katulad ng dati dahil may kani-kanilang mga buhay na ang mga miyembro, pero kumakanta pa rin naman ang mga ito. Ang mga ito nga ang nagturo sa kanila sa pagkanta. Silang tatlong magkakapatid ay kumakanta kasi at biniyayaan din naman talaga sila ng mga boses. Ang kaso, siya lang itong mahilig sumali sa mga pa-contest at talagang kina-career ang pagkanta kahit na sobrang layo sa course niya. Malaki kasi talaga ang kanyang paniniwala sa pagkanta. Naniniwala siyang balang araw ay magiging successful siya sa larangan ng pagkanta. “O, nandito na tayo,” sambit ng kanyang ama. Ipinagsaklop niya ang kanyang mga kamay at saka bumuga ng hininga. Naramdaman niyang tinapik siya ng ama sa balikat. Nilingon niya ito. “Kaya mo iyan. Ready na ang lagayan mo ng trophy sa bahay.” Napailing na lang siya rito. Tumawa naman ang ama niya. “Papa talaga, o,” sabi niya na lang at saka binuksan na ang pinto. “Oh em ge! Sis, tingnan mo, ang superb ng suporta ng mga kapitbahay, ha!” komento ni Mario habang nakaangkla sa kanya at papasok sila ng plaza. Ikinalat ni Bendita ang kanyang tingin sa buong hall at napangiti na lamang siya sa kanyang nakita. Sobrang daming mga flyers na nagkalat na may mga pangalan at mukha niya. Ito ang mas lalong ikinakataas ng motibasyon niya sa pagkanta, e. Grabe ang suporta ng kanyang pamilya at ng kanilang mga kapitbahay. Halos lahat na lang ng sasalihan niyang contest ay grabe talaga ang suporta ng mga kababayan nila. Parang pamilya talaga ang turing ng mga ito sa kanya at suportadong-suportado siya ng mga ito. Bumuntong-hininga siya at napangiti na lang. “Grabe talaga ang suporta ng mga tao sa’yo, sis.” Si Lena na nasa kanyang kabilang side naman. Mas lalo siyang napangiti. “Oo nga, e. Kaya rin hindi ako pinanghihinaan ng loob, e. Ang lakas niyong makasuporta,” aniya sa mga ito. “Aww. Syempre naman no!” Nagtawanan ang mga kaibigan niya tapos ay sumandal pa sa kanya. This is her life eversince at sobrang nagpapasalamat siya na ganito kalakas ang suporta ng mga tao sa kanya. It boosts her confidence even more.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook