bc

Alluring the Heiress

book_age12+
6.3K
FOLLOW
37.0K
READ
billionaire
revenge
love-triangle
contract marriage
CEO
boss
heir/heiress
drama
lighthearted
small town
like
intro-logo
Blurb

Kasabay ng pagbabalik ni Ciara sa kanilang hacienda upang alagaan ang lolo niyang may sakit, hindi niya ni minsang naisip na makukulong ang matandang don at mawawala sa kanila ang lahat kapag hindi nabayaran ang malaki nitong utang. Sa kagustuhang matulungan ang matanda at maisalba ang mansiyon na tanging alaala sa kaniya ng mga yumaong magulang, napagdesisiyunan niyang ibenta ang Hacienda Lancheta upang ipambayad sa lahat ng pinagkauutangan nila.

Si Linus Gallardo, ang mayamang businessman na nakahandang bilhin sa dobleng halaga ang kanilang asyenda ay inaalok siya ng isang kasunduang ni sa hinagap ay hindi niya naisip—ang magpakasal dito.

Kung tatanggapin ng dalaga ang alok nito, matatanggap din kaya niya ang pag-ibig ng lalaki? Paano kung madiskubre niya ang isang madilim na sikretong itinatago nito? Tuluyan niya kaya itong kamuhian?

———

Book cover resources not mine.

Credits to the rightful owners.

Photo: Woman photo created by ArthurHidden - www.freepik.com

chap-preview
Free preview
Prologue
Mataas na ang sikat ng araw ngunit hindi gaanong ramdam ang init sa malawak na lupain ng Hacienda Lancheta. Nakapalibot sa paligid ng mansiyon ang malalaking puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga, kung kaya't bawat parte ng lupain ay makulimlim. Kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ng binatang si Argento Meneses—ang anak ng mayordoma ng pamilyang Lancheta. Nakaupo ito sa lilim ng puno ng mangga at nasa tabi nito ang kababatang kaibigan na si Kaname. Payapa nilang pinagmamasdan ang pagsayaw ng mga dahon sa puno. Nakangiting nilalanghap ang masarap at matamis na amoy ng mangga na tinatangay ng hangin sa kanila. Makalipas ang ilang minuto ay napatayo si Argento nang matanaw ang dalagang si Ciara Lancheta. Ang nag-iisang apo ni Don Corne, ang tanging heredera ng pamilyang Lancheta. Kasama nito ang mga kaibigan na galing pa sa Maynila at nagbabakasiyon sa probinsiya nila. Marahan na tumatakbo ang babae habang may matamis na ngiti sa mga labi. Makinis ang balat nito na mistulang gatas dahil sa kaputian, at ang mamula-mula nitong mga labi at pisngi na tila kasing-kulay ng rosas ay nagpadagdag lamang sa kagandahan ng dalaga. Napakaamo ng mukha at namumungay ang mga mata. Hindi niya tuloy maiwasan ang paghawak ng isang kamay sa tapat ng sariling dibdib nang maramdam ang malakas na pagtibok doon. Nang lagpasan sila ng babae at tuluyan itong makalayo kasama ang mga kaibigan nito ay tumayo sa tabi niya si Kaname at mataman siyang tinitigan. "Tapos ka na ba?" narinig niyang untag ng babae. Nilingon niya ito at nakangiting sinagot, "Saan?" "Sa pagtitig sa apo ni Don Corne." Mabilis na naglaho ang ngiti sa mga labi niya at nagsalubong ang dalawa niyang mga kilay. "Ano'ng pinagsasabi mo?" Umismid ang babae at umiling. Tila nang-uuyam ang mga titig nito. "Nakita ko kung paano mo titigan si Señorita Ciara! Hindi ka man lang kumurap!" Lumunok siya bago tuluyang binaling sa ibang direksiyon ang tingin. Malayo siyang tumitig at muling umupo sa lilim ng punong mangga. Umupo naman uli sa tabi niya si Kaname at ngumiti nang malapad. "May gusto ka kay señorita, ano?" tudyo ng kaibigan niya. Napailing siya bago binalingan ng tingin ang hawak niyang papel kung saan naroon ang mukha ng apo ni Don Corne. Nakaguhit ang mukha nito roon gamit ng lapis. "Ano ngayon kung oo?" Mula sa ginuhit na mukha ng babae ay nilingon niya si Kaname na nang mga oras na iyon ay bahagyang natigilan sa pag-amin niya. "M-may gusto ka sa kaniya?" tila hindi makapaniwalang tanong ng dalaga. Humugot siya ng malalim na hangin saka iyon ibinuga. Wala namang punto kung maglilihim siya sa kaibigan. Kasama na niya ito simula pagkabata kaya alam niyang maiintindihan siya nito. "Matagal ko na siyang iniibig. Noon pa mang tayo ay mga bata pa... " nakangiti niyang pag-amin at muling binalingan ang papel kung saan niya iginuhit ang mukha ng dalagang lihim na minamahal. Mula sa kaniya ay nag-iwas ng tingin si Kaname. Binaling nito sa malayo ang mga mata at isinandal ang likod sa katawan ng puno. "Tingin mo ba magugustuhan ka ni Señorita Ciara?" may himig pang-uuyam na tanong ng babae. Mula sa papel ay unti-unti niyang binaling ang tingin sa mukha ng kaibigan. Nakita niya itong nakatitig sa kawalan. "Para kayong langit at lupa." Nilingon siya nito at mataman na tinitigan. "Sa tingin mo, magkakagusto ang apo ni Don Corne sa isang... u-utusan? Ni hindi ka nakapagtapos ng hayskul!" Matagal niyang pinagmasdan ang mukha ng babae dahil sa mga bagay na lumabas sa bibig nito. Hindi niya inaakala na ganoon kababa pala talaga ang tingin sa kaniya ng kababata. Nagbuga siya ng hangin. "Hindi tumitingin sa antas ng buhay ang señorita—" "E, sa mukha?" putol nito sa sinasabi niya. "Hindi rin ba tumitingin sa mukha si Señorita Ciara?" Isang lunok ang kaniyang ginawa bago binawi ang tingin at binaling sa malayo. Aminado si Argento na hindi siya guwapo. Maitim siya, pango ang ilong, makapal ang mga labi, at maraming tigyawat sa mukha. Hindi siya katulad ng ibang lalaki sa probinsiya nila na nagkakagusto rin sa Señorita Ciara nila na pawang may maipagmamalaki pagdating sa pisikal na anyo. Siya ay mahirap na nga, hindi man lang nakapagtapos ng hayskul at pangit pa. Ang tanging maipagmamalaki niya lamang ay ang malaking pagtangi para sa apo ni Don Corne. Pero ano nga ba ang magagawa ng pag-ibig niya kung salat naman siya ng mga bagay na pangunahing hinahanap ng mga babae sa isang lalaki? "Kung ako sa iyo, kalimutan mo na lang iyang nararamdaman mo para kay Señorita Ciara. Hindi kayo nababagay, Argento." Ilang beses na napalunok si Argento dahil sa mga bagay na narinig mula sa kaibigan. Ang inakala niyang taong maiintidihan siya ay kabaliktaran pala ang iniisip sa kaniya. Pero isa lang ang nasisiguro ni Argento, na tunay ang nararamdaman niya para sa dalagang si Ciara at hindi niya isusuko ang pag-ibig para dito hangga't hindi ito ang nagsasabing sumuko siya. Pagsapit ng alas-tres ng hapon, mula sa mansiyon ng mga Lancheta ay nagtungo siya sa kuwadra ng mga kabayo sa pagbabakasakaling naroon ang dalagang si Ciara. Simula pagkabata ay may lihim na siyang pagtingin dito. Bata pa lamang ay magkakaibigan na silang tatlo nina Ciara at Kaname. Mabait sa kanila ang batang tagapagmana gaya ng lolo nitong si Don Corne na napakabuti ng trato sa kanila ng kaniyang ina. Ang kaso lang, simula nang mamatay ang mga maguling ni Ciara ay naging tahimik at malungkutin na ang babae. Hindi malaman ni Don Corne ang gagawin upang pawiin ang lungkot ng apo, kung kaya't nagdesisiyon ito na ipadala ang dalaga sa Maynila nang tumuntong ito sa hayskul at doon pag-aralin. Simula noon ay isang beses na lang sa isang taon kung umuwi ang babae. Kahit papaano ay namamansin pa rin ito sa kanila ni Kaname, ngunit hindi na katulad ng dati na sobrang malapit ito sa kanila. Ngunit kahit ganoon, ang pag-ibig niya para dito, kailanma'y hindi nagbago. Natagpuan ni Argento ang dalagang si Ciara malapit sa taniman ng mga tubo. Maliban sa mga puno ng mangga, may mga tanim ding sugarcane o tubo sa asiyenda ang mga Lancheta. Ang pamilya Lancheta ay ang nagdadala at nagbibenta ng mga tubo sa iba't ibang parte ng bansa. Nakaupo ang dalaga sa isang kubo na walang pader at tanging bubungan at mauupuan lamang ang naroon. Nakatanaw ito sa kahabaan ng tubuhan habang nag-iisa. Tinatangay ng hangin ang mahaba at itim nitong buhok. "Magandang hapon, Señorita Ciara." Lumapit siya sa tabi nito habang ang dalawang kamay ay nasa kaniyang likuran. Sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi ng babae nang makita siya. "Ikaw pala, Argento. Ano'ng ginagawa mo rito? Ipinapatawag ba ako ng lolo?" Mabilis siyang umiling sa tanong ng babae. "Hindi, iba ang pakay ko." Bahagyang tumango si Ciara at umusog ng upo sa mahabang upuan upang magbigay ng kaunting espasiyo. "Upo ka rito," anyaya nito na agad niya ring inilingan. Alanganin siyang ngumiti sa babae. "Hindi ako magtatagal." Mula sa likuran ay inilabas niya ang dalawang kamay at inabot sa babae ang picture frame kung saan niya inilagay ang papel na mayroong guhit ng mukha nito. Sa kabila naman niyang kamay ay naroon ang isang gumamela na kulay pula. Mula sa mga hawak niya, nag-angat ng tingin si Ciara. "Para sa akin?" Tumango siya sa tanong nito. Pilit pinapakalma ang puso niyang tila nakikipagkarera sa mga kabayo. Nang tanggapin ni Ciara ang mga ito ay halos tumigil sa pagtambol ang dibdib niya. Ibig niyang ngumiti nang malapad ngunit mariing pinigilan ang sarili. Nang makita ng dalagang si Ciara ang guhit sa picture frame, matagal itong nakatitig doon bago muling nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi niya mabasa ang ekspresiyon sa mukha ng babae. Hindi naman ito galit, ngunit hindi rin masaya sa mga ibinigay niya. Ibinuka ng dalaga ang bibig at akmang magsasalita ngunit mabilis na natigilan nang agawin ng kung sino ang picture frame na hawak nito. Nang lumingon siya upang mapagsino iyon ay bumungad sa kaniya ang tatlong kaibigan ni Ciara na mula pa sa Maynila. "What's this?" tanong ng isang babaeng may maikling buhok. Nakasuot ito ng loose t-shirt na inibabawan ng oversized shirt at black shorts. May itim na lipstick din ito sa mga labi at kung makatitig ay tila tumatagaos hanggang kaluluwa ang mga mata. "Oh! Is this you, Ciara? Who drew this?" singit naman ng isa pang kaibigan nitong babae na nakasuot ng puting sando at blue jeans. Nagbaba siya ng tingin nang mabaling sa kaniya ang mga mata ng lalaking kasama ng mga ito. Tila nang-uuyam ang tingin nito nang titigan siya mula ulo hanggang paa. "Ciara, don't tell me, nagpapaligaw ka sa pangit na iyan?" sinundan ng tawa ng lalaki ang sinabi nito. Isang lunok ang ginawa niya bago binalingan ng tingin ang dalagang si Ciara. Hindi ito makatingin sa kaniya at halata sa mukha ang pagkapahiya. "At may pa-gumamela pa talaga si Lover boy," naiiling na sabi ng babaeng may itim na lipstick sa mga labi. Muli siyang lumunok at nanatiling sa baba ang tingin matapos balingan ang dalaga. "Mauuna na ako, Señorita Ciara," paalam niya rito at akmang aalis na nang harangan siya ng lalaking kasama ng mga ito. May nang-uuyam itong ngiti sa mga labi habang sinisipat siya ng tingin. Tila ibig pa nitong matawa nang mabaling sa mukha niya ang mga mata. "Hanga ako sa iyo, pare. Biruin mo iyon? Sa pangit mong iyan, may lakas ka ng loob para manligaw sa girlfriend ko!" Nag-angat siya ng mukha nang marinig ang sinabi nito. Pakiramdam niya ay may humiwa sa sugatan niyang puso kaya matinding sakit lalo ang naramdaman niya roon. "Ciara, sweetheart, mag-thank you ka naman dito sa utusan n'yo." Inakbayan siya ng lalaki at pilit na pinaharap kay Ciara na ngayon ay pinapagitnaan na ng dalawang babae. Nagbaba siya ng mukha dahil wala siyang mukhang maihaharap sa babae, lalo pa nang makitang binubulungan ito ng mga kaibigan at sinasabayan pa ng nang-uuyam na tawa. Ilang beses siyang lumunok at sinubukan kumawala sa pagkakaakbay ng lalaki. Magkasingtangkad lamang sila nito ngunit mas malaki ang pangangatawan nito kumpara sa kaniya na patpatin. "Come on, sweetheart, don't be rude. Say thank you," natatawang dagdag ng lalaki. Nagbuga siya ng hangin at buong lakas na inalis ang kamay ng lalaking nakaakbay sa kaniya. Akmang tatalikuran na niya ang mga ito nang marinig ang tinig ni Ciara. Nagdadalawang-isip man dahil sa labis na pagkapahiya ay hindi naman niya kayang talikuran ang dalaga. Hirap man ang kalooban ay pinili niyang lingunin ito. Matamang nakatitig sa kaniya si Ciara bago nito marahas na inagaw ang picture frame sa kamay ng kaibigan. Itinapon nito ang hawak na gumamela at tinapak-tapakan iyon. "Kung inaakala mong magkakagusto ako sa iyo, nagkakamali ka!" Malakas nitong itinapon ang picture frame sa lupa dahilan ng pagkabasag niyon. "Uminom ka ng kape o `di kaya'y manalamin ka!" Matapos sabihin ang mga bagay na iyon ay tuluyan na itong umalis kasama ang tatlong mga kaibigan nitong nang-uuyam siyang tinitigan at pinagtawanan. Naiwan siyang tulala habang sugatan ang nawasak niyang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.6K
bc

Broken Angel

read
3.8K
bc

The ex-girlfriend

read
138.6K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.0K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
236.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook