bc

Celeste Alejandro: Dangerous Love (R-18)

book_age18+
2.4K
FOLLOW
21.5K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
arrogant
CEO
heir/heiress
drama
sweet
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Alluring Series #3:

SPG! Read at your own risk.

Si Ares Montenegro ay miyembro ng isang sikretong organisasyon na tinatawag na Omega Org. Siya ay sinanay nang husto sa mga intensive trainings ng naturang organisasyon at isa siya sa dalawang pinakamahusay na miyembro nito. Kilala siya sa pagiging tahimik at dangerous person sa kanilang lugar.

Iniligtas ni Ares si Celeste mula sa taong pinagkakautangan niya ngunit kailangan niyang maging maid ni Ares bilang bayad sa kanyang utang, hanggang sa may mangyari sa kanila. Matapos mapagtanto ni Celeste na umibig siya sa mapanganib na tao sa kanilang lugar, nalaman niya na si Ares ay isang lihim na miyembro ng isang mapanganib na organisasyon. Binigyan si Ares ng misyon na nakawin ang pera ng malaking kumpanya nila Celeste at patayin ang kanyang buong pamilya pagkatapos.

Labis na nasaktan si Celeste sa nalaman. Mas pipiliin ba niya ang taong tinitibok ng kanyang puso kaysa sa kanyang pamilya o isuplong siya sa awtoridad?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Celeste Marie Alejandro "Ma, call kuya, please," pagpupumilit ko kay mommy Alena habang nagluluto siya sa aming modern type at malaking kusina. She's wearing her apron at ibig sabihin niyon ay ganado siyang mag-bake. "Why don't you call him yourself? You have your phone," malumanay na sagot naman ni mommy. Niyakap ko siya sa likod niya at ipinatong ang pisngi ko sa may shoulder blade niya. She know's what I'm doing. "Hindi niya ako sinasagot, eh. Alam ni kuya kong panget na may kailangan akooo.." inda ko. Tinigil ni mommy ang pagmasa ng dough at humarap sa akin. "Celeste, you are adult already. Don't you think oras na para harapin mo yung mga problema mo on your own?" nag-aalalang sambit niya. Naiwas naman ako ng tingin. Ito ang palagi nilang sinasabi sa akin. Twenty-six years old na raw ako pero kung kumilos at mag-isip ako ay parang bata pa rin. Sometimes, I wanted to blame them for spoiling me. Pero hindi ko rin naman sila masisisi dahil ako lang ang nag-iisang babae sa pamilya namin. Alam kong mahal lang talaga nila ako kaya nila iyon ginagawa and I appreciate them for that. "I'm sorry, anak. Gusto lang kitang matuto sa buhay. Hindi kasi habang buhay kasama ninyo kami ng daddy ninyo. You are precious to us, Celeste. I want you to act and decide on your own and become responsible for the things happening in your life." Huminga ako ng malalim at tumango. "Sorry po, ma." "It's okay," ani mommy. She tucked a few strands of my hair behind my ear. "You look just like me," ngiti niya sa akin habang nakatitig siya sa mukha ko. "Everybody keep saying that to me and I'm beyond proud, mommy," I said. I smiled back at her. Pagkatapos niyon ay itinuloy na niya ang kanyang ginagawang pagmasa sa dough. "So, how's your cosmetics company?" pag-iiba ni mommy. "It's going well. Si tita Katie ang namamahala ngayon sa CC Cosmetics. Medyo na-stress kasi ako lately," sambit ko. "So, ayon nga, ma. I'll make a way on my own para maresolba na yung pinoproblema ko." "That's what I'm talking about. I'm proud of you, anak," ani mommy. Pinilit kong ngumiti sa kanya dahil ayokong mag-alala pa siya sa akin. Saan ko kaya hahanapin ang half a million pesos? Hindi naman ako pwedeng mag-pull out ng pera sa CC Cosmetics dahil kasosyo ko doon ngayon si tita Katie. Kahit mag-best friend sila ni mommy ay magkaiba pa rin sila. Hindi nagto-tolerate si tita Katie kaya hindi ko alam kung paano ako kukuha ng pera pambayad ng utang ko sa isang lending company. "Ma, pangtira mo ako ng ibe-bake mo, ah. Lalabas lang ako," wika ko kay mommy. "Okay, ingat ka, anak," aniya. Bineso ko siya at saka na ako nagtuloy sa pag-alis. I drove to my best friends house that is thirty minutes away from the penthouse. Nang makarating bumusina ako. Wala pang isang minuto ay lumabas ng bahay si Seraphine para pagbuksan ako ng gate. Ipinarke ko ang sasakyan ko sa garahe niyang pangdalawahang sasakyan. Madali akong bumaba ng kotse. Nakasuot pa ito ng ternong pink na pajama at pang-itaas na puro teddy bears ang disenyo. Niyakap ko kaagad ang best friend ko. Ang kanyang buhok ay maiksi na sakto hanggang balikat niya. Nakasuot rin ito ng teddy bear na slippers. Masasabi kong opposite kami ng best friend kong si Seraphine dahil siya ay goody-goody girl habang ako naman ay party-goer. Kung pag-uusapan ang pananamit, I prefer flaunting my confidence with the use of nice clothes. Samantalang si Seraphine ay medyo conservative type. "Seraaaa, anong gagawin kooo," daing ko sa kanya. "Wait, anong nangyari? Huwag mong sabihing.. nako, Cc!" Nagmadaling humiwalay sa akin si Seraphine at tinulak-tulak ako papasok muli sa kotse ko. "Wala, sarado ang bahay ko ngayon. Alis!" "Sera, kailangan kita!" pagpupumilit ko. Niyuko pa niya ang ulo ko para tuluyan akong makapasok sa kotse. "Wala, closed ako ngayon! Closed! Sige na!" aniya at saka siya tumakbo papasok sa loob ng bahay niya. Bwisit itong babae na 'to. Iniwan ako sa ere! Hindi ko rin naman siya masisisi. Marami na rin siyang naitulong dahil sa mga kalokohan ko. I may be my mommy's loving daughter and my daddy's one and only girl, ngunit ang hindi nila alam na ang matinong Celeste na kilala nila ay malala pa sa malala. The good thing is that I have never tried any dr*gs nor smoked. Hindi rin naman ako lasinggera. Well, nagsinungaling ako doon sa huli. Oo na't medyo tumadora ako. Kaya kapag lasing na lasing ako, hinahatid na lang ako nila Ingrid at Kiel sa condo na pagmamay-ari ni Kiel. They are my other friends. Minsan naman, nagugulat na lang ako dahil nakakauwi akong mag-isa nang hindi nagigising sina mommy. Sometimes, miracle happens, you know. Wala na akong nagawa kundi ilabas ang kotse ko mula sa garahe ni Sera at umalis. Sawang-sawa na talaga sa akin si Sera. Malaki-laki na rin kasi ang nagastos niya sa akin na hindi ko pa nababayaran hanggang ngayon dahil sa mga kalokohan ko. Last month lang may umaway sa akin na babae sa isang bar. Kung hindi ba naman aanga-anga ay pinagbibintangan niya akong kabit ng asawa niya. I know I'm sexy and beautiful. Malakas ang charisma ko at maraming nahuhumaling sa akin, but I have never been into a relationship with a married man. Sure, may mga nakaka-fling ako, pero may standard naman ako. So, Ingrid and Kiel were my witnesses. Kilala ako ng mga kaibigan ko. I would never do that. Dahil sa page-eskandalo nung babae, kumuha ako ng bote ng beer at saka ko pinukpok sa ulo niya. I have a temper. Hindi ko alam kung kanino ko nakuha. Maybe kay grandpa Menandro. I may be the spitting image of my mom pero ugaling Alejandro ako. I was wearing a very sexy dress that night and she just humiliated me like that. How dare she. Iyon ang napala niya sa akin. Sa huli, tumawag ng ambulansya ang management ng bar. Tsaka ko na inisip ang consequences noong humupa na ang lahat. Pinagbabayad ako ng isang daang libong piso ng babaeng yon dahil sa pananakit ko sa kanya. Sinalo ako ni Sera kasi alam niyang wala akong pambayad. Pinipilit ako nila Ingrid at Kiel na sabihin na kay mommy o kay dad ang mga utang ko ngunit hindi ko ginagawa dahil natatakot ako at nahihiya sa kanila. Lalo na ngayon na pinayuhan ako ni mommy na tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ko na rin magawang lapitan si kuya Archer. Sawang-sawa na rin siya sa akin. Hindi ko rin naman magulo si Markus dahil hindi niya ako tutulungan. Palagi niyang sinasabi sa akin ang mga katagang "Look at mom. Receptionist lang siya dati. Huwag kang mag-inarte dahil pangit ka." Kapag naiisip ko ang mga katagang yon, hindi ko na tinutuloy ang paglapit kay Markus dahil magbabardagulan lang kami sa huli. Hindi naman ako mananalo sa kanya dahil black belter siya sa taekwondo. Anong magagawa ng mga bibilugin at magaganda kong mga braso kumpara sa bulky at toned na braso ni Markus, diba? Maghahanap lang ako ng sakit ng katawan kapag siya ang nilapitan ko. Kukutyain ka na nga, masasaktan ka pa. Sa huli tinawagan ko na lang si Kiel habang nagmamaneho ako. He answered it right away. "Yes, babe?" bungad niya sa akin. Sanay na akong tinatawagan niya akong babe. Minsan, napagkakamalian kami ng mga tao na mag-jowa dahil sa closeness namin. Minsan nagyayakapan kami. Hinahalik-halikan ko ang pisngi niya kapag nanggigigil ako sa kanya dahil sa mga corny jokes niya. Umuupo ako sa lap niya kapag kailangan ko ang tulong niya. Kiel is a good-looking guy. Siya ang tinaguriang Inst*gr*m king dahil sa magaganda niyang mga photos. Marunong rin kasi siyang manamit at maraming nagkakagusto sa kanya. He has a million followers too. "Kiel, help?" pagpapa-cute ko. "Hay, hindi ka na talaga nagsawang babae ka. Nasaan ka ba?" aniya. "Nagdi-drive ako ngayon. Galing ako sa bahay ni Sera. She disowned me," pagda-drama ko. Tumawa naman ng tumawa sa kabilang linya si Kiel. "Sawang-sawa na siya sayo, Cc. Puro ka na lang kasi utang. Ang laki na ng hiram mo sa kanya kumpara sa amin ni Ingrid. Hindi sa kinekwentahan kita," ani Kiel. "I know. Promise last na talaga 'to. Kailangan ko lang talagang bayaran.." sambit ko. "Pumunta ka dito sa condo. Aalis na dapat ako, eh. Naglinis lang ako. Balak ko sanang pa-rentahan," aniya. "Sige, malapit na ako. Wait for me." Pagkasabi ko niyon ay binaba ko na ang tawag. Bumaba muna ako sa isang convenience store para bumili ng makakain, pagkatapos ay dumiretso na ako sa condo ni Kiel. Ipinarke ko ang sasakyan ko sa basement at saka ako sumakay sa elevator papunta sa tenth floor. Pinagbuksan ako ng pinto ni Kiel nang makarating ako sa tapat ng pinto ng condo niya. Pinapasok niya ako kaagad at kinuha niya sa akin ang plastic na dala ko. Umupo ako sa sofa niya at hinubad ang mga boots ko. Nag-indian sit ako habang pinapanood siyang inilalabas ang mga pagkaing dala ko. "Sige, magkwento ka na," ani Kiel. "Kiel, I badly need some money. Hina-hunting na kasi ako.. baka bukas makalawa patay na ako," nangangamba kong sambit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.8K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook