bc

Knight Series 2: Storm Dela Vega (R18 Tagalog)

book_age18+
3.5K
FOLLOW
17.9K
READ
revenge
pregnant
playboy
independent
drama
female lead
male lead
first love
weak to strong
knight
like
intro-logo
Blurb

Nangako si Storm Dela Vega kay Jeni Ramos na pakakasalan niya ito ngunit hindi iyon ginawa ng binata pagkatapos niyang makuha ang gusto niya rito.

Sa paglipas ng limang taon ay muling babalik si Jeni kasama ang kaniyang anak sa Hacienda Victoria para maghiganti sa lalaking nanloko at nanakit sa kaniya.

Mapapatawad pa kaya siya ni Jeni o tuluyan na siyang kamumuhian ng dalagang matagal na niyang hinihintay na bumalik?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Siya na yata ang pinakaguwapong bestman na nakita ko," nangingislap ang mga mata ni Jeni habang kausap ang kaniyang matalik na kaibigan na si Juvy. "Loka, halos lahat naman yata ng guwapo ay crush mo. Dapat maging dalagang Pilipina ka, Jeni. Hindi porket kinindatan ka na, kikiligin ka at sasagot ka na agad. Maraming mga babae ang naloloko dahil diyan... iyong iba nga nababaliw, e," sermon sa kaniya ni Juvy habang inaayos naman ang buhok nito. "Juvy, iba kasi ang feeling ko sa feeling mo. Itong puso ko, tumitibok nang mabilis kapag may guwapo. Alam mo iyon, para akong hinahabol ng mga kabayo." Hinila ng mahina ni Juvy ang kaniyang maikling buhok. "Baliw ka na!" "Okay lang mabaliw basta hindi magmukhang matandang dalaga, fren," natatawang sabi ni Jeni sa kaibigan. Ibinulsa niya ang larawan ni Storm Dela Vega sa kaniyang bulsa at saka sinundan si Juvy na lumabas ng ret room ng Mall na pinagtratrabahuan nila. Graduate si Jeni ng highschool at may vocational course na caregiver sa Tesda. Iyon nga lamang ay hindi pa niya nagagamit ang pinag-aralan dahil mas pinili niyang maging saleslady kaysa magtrabaho sa Taiwan. Pangarap na ni Jeni ang makapunta sa Taiwan para magtrabaho roon. Bukod sa malaki ang sahod ay marami ring mga benipisyo. Gustong-gusto rin ni Jeni na makita ang mga sikat at guwapong artista sa Taiwan. Lalo na ang kaniyang mga favorite Taiwanese actors, ang mga F4. Mahilig siya sa mga guwapo, pinagpapantasyahan niya ang mga ito. Lalo na kapag may magkabilaang dimple, mapuputi ang mga ngipin at may mga six pack abs. Kilig na kilig siya at pinapangarap na magkaroon ng asawang guwapo pagdating ng araw. Madalas ay pagalitan na siya ng kaniyang Tatay dahil napupuno na ang kuwarto niya ng mga poster ng F4 at ng mga Pilipinong artista. Nagsimula ang hilig niya noong highschool pa lamang siya. Walang nagkakagusto sa kaniya dahil bukod sa maitim siya ay kulot pa. May mga tigyawat din siya sa mukha. Kaya noong nagtratrabaho na siya ay naintriga na siyang magpaganda. Lahat ng mga beauty products ay binibili niya at sinusubukan para gumanda. Imbes na ibili niya ng masasarap na pagkain ay sa mga pagpaganda lamang napupunta ang perang naitatabi niya para sa sarili. Nagpabanat siya ng buhok, nagpaayos ng mga ngipin at nagpaputi ng balat. Ngunit hindi pa rin nawawala ang mga tigyawat niya na forever na yatang kasama niya sa buhay. Nginitian ni Jeni ang sariling repliksyon bago umalis sa rest room. Maganda siya... magandang-maganda. Sino pa nga ba ang pupuri niyon kun'di siya. Bumalik siya sa kaniyang linya bilang promodiser ng sapatos. Magiliw siyang ngumiti sa mga customers kahit na masungit ang mga iba. Sabi nga, customers are always right. Iyon ang protocol sa kanila bilang saleslady. Tinitiis ni Jeni ang maghapon na pagtayo para lamang sa three hundred fifty pesos na kita araw-araw bilang isang saleslady. Namumulikat ang kaniyang paa at tuhod. At namamaos na rin ang kaniyang boses kakatalak nang paulit-ulit para i-promote ang kanilang paninda. "Twenty percent off na po sa mga brand-new shoes. At kung bibili po kayo ng dalawang pares ay may libre kayong handbag. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, pumili na para sa masayang pasko. Thank you," masayang sabi ni Jeni sa mga nagsisilapitan na customer. "Ano ba iyan? Twenty percent off na nga mahal pa rin!" Narinig niyang reklamo ng Ginang at saka ibinagsak pa ang sapatos na nasa tabi lamang niya. "Ang pangit naman ng mga sale nila!" Reklamo pa ng isang Ginang. Pinilit ni Jeni na maging positibo kahit na puro negative comments ang naririnig niya. "Ay naku, Nanay. Marami pong magaganda. Gusto ninyo piliian ko kayo. Heto isang brown shiny shimmering splendid na sandals. Matibay ito para sa inyong ballroom dancing. Kahit na ilang beses pa kayong umikot-ikot ay hindi iyan masisira, Nanay. At perfect na perfect sa skintone ninyo ang kulay. Maputi kayo at brown itong sandals, magandang i-partner dito iyong mga nude color fitted dress, Nanay. Sa halagang four hundred eighty pesos lang," magiliw na paliwanag ni Jeni habang nakangiti sa matanda. "Totoo ba na bagay ko?" natutuwa namang tanong ng masungit na Ginang. "Ay opo, Nanay. Bagay na bagay sa inyo ito. Ano po bang size ninyo para mahanap ko. Maganda rin po iyong red, open toes siya. Naku, makikita ang bagong pedicure ninyong daliri sa paa." Kinindatan ni Jeni ang matanda na aliw na aliw sa kaniya. "Hanapan mo ako ng size thirty five, ineng." "Sige po, Nanay." Mabilis na naghanap si Jeni ng size ng sapatos nito at saka ipinasuot iyon dito. Nagustuhan iyon ng matanda. Sinamahan niya iyo sa may cashier nila at saka ibinigay ang hand bag na free ng binili nito. "Thank you, Nanay sa pagbili ng Toe Shoes," masayang sabi ni Jeni sa matanda. Bilib na bilib sa kaniya si Juvy dahil sa mabilis niyang pakikipag-usap sa matanda. Iyon lamang naman ang dapat na gawin ng mga sales lady sa mga masungit na buyer. Pasensiya at maayos na pakikipag-usap lamang dapat. Sa kanilang branch ay si Jeni ang palaging outstanding bilang sales lady. At may nakukuha siyang dalawang libong piso bilang gantimpala. Pambili niya ng iniinom na glutathione at make up. Marami pang nagsidatingan na customer at masayang nakipag-usap si Jeni sa mga ito. Hanggang sa makarami na sila ng benta at mahahabol nila ang kanilang christmas qouta ngayong taon. Sa loob ng thirteen hours na trabaho ay walang sawa si Jeni sa pagiging madaldal sa mga customers. Hyper nga raw ang energy level niya dahil palagi siyang masaya kahit na marami siyang problema na dinadala. Napansin ni Juvy ang pananahimik niya habang nakasakay sila ng bus pauwi ng Tarlac. "Matamlay ka yata?" takang tanong nito na hinawakan pa ang kaniyang pisngi. "May lagnat ka ba?" "Wala, fren. Malungkot lang ako dahil uuwi na naman ako sa amin. Alam mo naman ang problema sa bahay hindi na natatapos. Tumawag kanina si Nanay, sinabi niya na nabuntis daw ang kapatid kong bunso." Nanlaki ang mga mata ni Juvy sa sinabi niya. "Ano! Hindi ba katorse anyos pa lamang ni Gina?" "Ayon na nga! Maagang naglandi ang pasaway na anak. Inunahan pa ako, fren. Pero ano pa nga ba ang gagawin namin kun'di tanggapin ang kapalaran ng kapatid kong nawala sa landas. Akala siguro ay madali ang buhay pamilya. Ang nakakalungkot lamang ay hindi pa siya nakatapos ng highschool." Narinig ni Jeni ang pagbuga ng hangin ni Juvy. "Malaking problema nga iyan." "At heto pa, buntis si Nanay." Nasapo ni Jeni ang kaniyang noo.. "Bakit naman kasi nagbuntis pa si Aling Zoraida? Anim na kayong magakakpatid hindi ba?" "Kasalan din ito ni Tatay dahil sweet siya sa Nanay ko. Hay naku, Juvy. Alam mo iyong gusto mong magalit sa pamilya mo dahil mahirap na nga ang buhay pero hindi mo naman magawa dahil mahal mo sila. Kaya minsan naiisip ko na rin na pumayag na lang na pumunta ng Taiwan. Hindi sapat ang kinikita ko sa pagiging sales lady ko para sa amin. Ako ang bread winner ng pamilya namin. Kaya siguro ako tinutubuan ng mga pimples dahil sa stress." Tumawa nang malakas si Juvy at saka niya inakbayan. "Loyal sa iyo ang mga pimples mo, fren. Sila ang forever na mag-stay sa buhay mo... mawala man ang lahat." Sinimangutan ni Jeni ang matalik na kaibigan. At sa huli ay tumawa rin siya nang malakas sa sinabi nitong iyon. NAABUTAN ni Jeni na naghahapunan ang kaniyang mga magulang at kapatid. Naroon si Gina at nakayuko na dati-rati ay unang sumasalubong sa kaniya. Malapit sa kaniya ang bunso niyang kapatid. At dahil may nagawa itong kasalanan sa kaniya ay hindi ito makalapit para salubungin siya nang mahigpit na yakap. Inilapag ni Jeni ang bitbit na letchong manok sa lamesa at saka nagmano sa kaniyang mga magulang. "Kumain ka na ba anak? Halika na at sumabay ka sa amin. Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka ngayon ang akala namin ay bukas ka pa uuwi," sunod-sunod na tanong ng kaniyang Tatay na tumayo para ikuha siya ng plato. "Tumawag po kasi si Nanay sa akin, 'Tay. Nagulat ako kaya imbes na bukas pa ako uuwi ay napauwi tuloy ako." Tumingin siya kay Gina na nakayuko at tila umiiyak. Hindi umimik ang kaniyang mga magulang at iba pa niyang kapatid. "Hindi ho ako kakain, sa labas na muna ako at makakape," mahinang sabi niya. Mataas ang pangarap niya kay Gina. Gusto niyang pag-aralin ito ng kolehiyo dahil sila lamang dalawa ang babaeng anak ng kaniyang Tatay. Ang mga kapatid niyang lalaki na sumunod sa kaniya ay may asawa na. At ang pangatlo niyang kapatid ay nagtratrabaho sa bayan bilang dishwasher. Kasama niya itong tumutulong sa kanilang pamilya. Dahil marami silang mga utang sa pagsasaka. Nasalanta sila ng bagyo noong nakaraang taon at halos walang matira sa ani ng kaniyang ama. Inutang pa man din nito ang ginamit sa pagsasaka. Isang ektarya ang kanilang lupa sa Victoria. At umaani rin ito ng eighty cavan hanggang one hundred cavan kapag maganda ang palay. Pagkatapos magtimpla ng kape at umupo siya sa labas ng kanilang bahay. May upuang kawayan na ginawa roon ang kaniyang ama. Na siyang pinagtatambayan nila ng kaniyang mga kapatid. "Galit ka ba sa akin, ate?" mahinang tanong sa kaniya ni Gina. Linapitan siya nito habang nakaupo sa labas ng bahay nila. Umupo ito sa kaniyang tabi at saka pinagtiklop ang mga palad. "Sorry, ate," umiiyak na sabi nito habang nakayuko. Ibinaba ni Jeni ang hawak niyang tasa na may lamang kape sa ibabaw ng lamesa. Sandali siyang hindi nagsalita at mga huni ng palaka sa paligid ang naririnig nila. "Ate..." untag muli ni Gina. Tumingin siya sa kapatid na umiiyak. "Bakit ka ba nagpabuntis, Gina? Sinabi ko naman sa iyo na iwasan mo muna na magkaroon ng boyfriend. Nag-promise ka pa sa akin na hindi mo ako susuwayin. Gina, naman!" "Ate... hindi ko sinasadya." "Paano na ang pag-aaral mo niyan? At ano ang magiging kinabuksan ninyo ng boyfriend mo na menor de edad? Hindi madaling magpalaki ng bata, Gina. Nakita mo naman ang buhay nating magkakapatid. Sana inisip mo man lang ang pagod ko, namin nila Tatay bago mo nagawang magpabuntis. Hindi ka pa graduate ng highschool. Saan kayo kukuha ng ipapakain ninyo sa magiging anak ninyo?" mahabang sermon niya sa kapatid habang umiiyak. Pinahid nito ang luha bago sumagot. "Titigil sa pag-aaral si Randy at sa kanila na ako titira, ate. Mahal na mahal ko si Randy at alam ko na aalagaan niya kami ng magiging anak namin," matapang na sagot nito. "Kung alam ko lang na lalandi ka nang maaga Gina. Hindi ko na sana pinagkaabalahan na---" "Bakit ate! Nagsisisi ka na pinag-aral mo ako? Hindi ko naman gusto na mabuntis ako at hindi ko kasalanan kung bakit maraming nanligaw sa akin. At walang nagkakagustong lalaki sa iyo." Sinampal ni Jeni ang kaniyang kapatid dahil sa sinabi nito. "Imbes na makipaglandian ako sa mga lalaki ay inisip ko kayo, Gina. Ikaw at sina Tatay! Hindi mo alam kung ano ang sakripisyo na ginagawa ko para lamang makatulong sa pamilya na ito. Inuuna ko kayo dahil alam ko na kapag kayo ang inuna ko ay magiging masaya ako. Hindi rin ako nagsisisi na pinag-aral kita. Iniisip ko lang ang magiging buhay mo. Lumaki na tayo sa hirapan at ayoko na maranasan din iyon ng mga magiging anak mo. Katorse anyos ka pa lang, Gina." Nagsilabasan ang kaniyang mga magulang sa pagsusumbatan nilang magkapatid. "Hindi ako ikaw, ate. Hindi ako kasing galing mo. Hi di ako kasing bait mong anak. Oo na! Kasalanan ko dahil matigas ang ulo ko at hindi ako nakikinig. Pero alam mo ate, kasalanan mo ito dahil pinipilit mo akong maging katulad mo!" Panunumbat nito habang walang patid sa pag-iyak. "Tama na, Jeni. Buntis ang kapatid mo at ang Nanay mo. Huwag na kayong mag-away," pakiusap ng kaniyang ama na umawat sa kanilang magkapatid. Hindi na napigilan ni Jeni ang pagpatak ng kaniyang luha. "Ginagawa ko ang lahat para sa inyo pero bakit ganito?" madamdaming tanong ni Jeni at tumakbo papasok sa kanilang bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook