bc

Dead Air

book_age16+
1.3K
FOLLOW
4.5K
READ
playboy
bxg
scary
office/work place
magical world
first love
spiritual
sacrifice
lords
civilian
like
intro-logo
Blurb

Isang gabing aksidente ang magpapabago sa buhay ni Rinzen, isang aksidenteng kahahantungan ng lahat ng mga barkada niya sa isang party ang pinuntahan nila, mabubulag siya at nalunod. Hindi akalain ng lahat na mabubuhay pa siya pagkatapos niyang ma-coma, pero isang boses ang narinig niya ang siyang nagpagising sa kanya at halos hindi niya maalala ang lahat ng nangyari ng gabing na aksidente silang lahat, magigising na lamang siya at malalaman na nawawala na pala ang lahat ng estudyanteng umattend sa party maliban sa kanya na siyang pinagtataka ng lahat.

Si Than ang tutulong sa kanya para maalala ang lahat na isang detective, para masagot ang lahat ng katanungan at matapos na ang haka-haka na si Rinzen ang may kasalanan. Pero habang sinasagawa ang imbestigasyun, marami pa silang malalaman sa nangyari sa gabing ‘yon at mauulit ng ilang beses, hanggang sa mapagtanto ni Rinzen kong bakit siya pa ang nabuhay at bakit nangyari ang aksidente ng gabing ‘yon.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
1: End to Begin Nang magbukas ang elevator para sa magbabarkadang sila Rinzen, Ruby, Michael, Maureen, Jules at Cherry, bumungad sa kanila ang ingay ng tugtugan sa party na pinuntahan nila ngayon, agad silang lumabas ng elevator, nasa rooftop ang lahat ng kamag-aral nila dahil isa itong pa-party ng isa nilang sikat na kamag-aral nanalo sa isang soccer match sa kabilang school, lahat sila doon ay mga college students at magkakasing-edad para uminom ng alak sa kasiyahan. Agad na nagpaalam si Jules at Michael na kapwa mga lalaki sa kagrupo nilang mga babae, sila Rinzen naman ay agad na pumunta sa pool area. “Inom tayo girls,” anyaya ni Ruby sa kanilang mga babaeng naiwan. Pero agad silang sumulyap kay Rinzen na hindi pa nakakainom ng kahit na anong alak kahit na 20 years old na ito, “baka hindi pwede guys hanggang juice lang ako,” sabay tingin niya sa tatlong babaeng kasama niya. “Ano ka ba Rin uminom kana isang beses mo lang ‘to gagawin, wala naman makakaalam,” aniya naman ni Maureen.” Wala talagang makakaalam lalo na ang pag-alis niya sa bahay nang gabing ‘yon dahil tumakas lang siya, mabuting anak si Rinzen at mag-aaral, madalas siyang mag-party kasama ang mga kaibigan pero ang isang ‘to ang hindi alam ng magulang niya dahil biglaan kaya hindi niya alam kong anong magiging reaksyon ng mga ito kong sakaling malaman, nangako naman ang mga kaibigan niya na ibabalik siya ng ligtas at hindi pababayaan lalo na’t siya din ang pinakabata. “Sige, sige, sige,” sabi niya sa mga kaibigan na may tipid na ngiti. “Alright,” sabi naman ni Cherry sabay akbay kay Rinzen. “Sige, kami na kukuha ni Ruby tapos tatawagin na rin namin sila Jules,” masayang saad ni Maureen saka hinila papasok sa isang sala si Ruby. Naiwan sila Rinzen at Cherry sa pool area na ‘yon kasama ang ibang hindi nila ga’ano kakilala, napasulyap si Rinzen sa paligid niya, may mga nagsasayawan, may ilang nang trip sa mga nakatulog na dahil sa kalasingan, may ilang naliligo sa pool, may nag-hook up at nagkakasiyahan sa kong ano man ang kanilang ginagawa. Dahil nasa rooftop sila malamig ang hangin lalo na’t mataas ang gusaling pinuntahan nila, isang pribadong hotel, sigurado siyang mahal ang binayad para lang makuha ang lugar na ito sa isang gabing party. Nakangiti si Rinzen sa kanyang nakikita, pa minsan-minsan ay sasabay sila ni Cherry sa tugtug na naririnig nila mula sa loob ng sala habang hinihintay ang pagbalik ng mga kaibigan nila. Natigilan si Rinzen nang may ingay mula sa loob na mas nangibabaw, sigawan. Nagkatinginan sila ni Cherry, ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya sa kaba, hindi niya mawari kong narinig din ba ng iba yong sigawan na yon mula sa loob ng animoy sala. Papasok saka siya ng hawakan ni Cherry ang kamay niya kaya napasulyap siya sa kaibigan niyang nag-aalala sa kanya. “Anong ginagawa mo?” tanong ni Cherry sa kanya habang humihigpit ang hawak nito sa braso niya. “Sila Jules at Maureen baka kong anong nangyari sa kanila sa loob,” aniya ni Rinzen. “Ano ka ba? Baka mamaya may nang t-trip lang sa loob o kaya may palaro silang ginagawa kaya may nagsisigawan---.” Hindi na ituloy ni Cherry ang sasabihin niya nang mas malakas na sigawan ang narinig nila. Nagsitakbuhan palabas ang mga iilang estudyante mula sa salang ‘yon, kitang-kita sa mga mukha nila ang takot, hanggang sa may isang lalaki ang lumabas sa sala na may hawak na shut gun, nakasuot it ng varsity jacket, nang laki ang mata nilang dalawa ng kaibigan nang kong sino-sino ang pinapatamaan nito, nagtatalsikan ang mga natatamaan ng bala ng shut gun, mas lalong umalingangaw ang sigawan sa rooftop. Hindi makakilos sa kinatatayuan ang dalawa hanggang si Cherry ang sunod na tamaan ng bala ng shut gun sa mismong ulo, dahil sa malakas na impact nito tumalsik ang iilang dugo sa mukha ni Rinzen lalo na sa mata niya, agad siyang nagsisigaw sa hapdi ng nararamdaman niya, atras siya ng atras hanggang sa nalaglag siya sa pool, kaba, pagtataka at takot ang nararamdaman niya ng mga oras na ‘yon. Rinig parin niya ang sigawan sa paligid habang siya pilit na binubuklat ang matang masakit, kinukumpas din niya ang paa sa ilalim para makalangoy siya pero wala siyang makita kaya hindi siya makaalis sa tubig, lalo siyang natakot nang may humawak sa dalawa niyang paa pailalim, malakas ang pwersang humihila sa kanya hindi niya mawari kong sino ang humihila sa kanya, hirap na hirap na siya at hindi niya mapigilan ang humihila sa kanya. Nawawalan na rin siya ng hininga hanggang sa bumigay na siya, kasabay n’un ang pagbitaw sa kanya ng dalawang kamay mula sa ilalim, unti-unting lumutang ang katawan niya sa ibabaw ng tubig na wala nang malay, lumubog na ang doll shoes niyang suot sa tubig at sumasabay na lamang sa tubig ang suot niyang floral dress na kulay itim. ----- Naglalakad si Detective Than sa pasilyo sa pangatlong palapag ng ospital na pinuntahan niya kong saan binabantayan nila ang dalagang nakaligtas sa mass murder noong nakaraang dalawang buwan, palagi siyang bumibisita doon para makita kong may pagbabago o nagising na ba ang dalagang pwedeng makasagot sa tanong nilang lahat na mga pulis. Huminto siya sa pintuan na may 077 na nakalagay sa itaas na bahagi, pinakita niya sa dalawang pulis na bantay ang kanyang id na isa siyang detective bago siya tuluyang papasukin, nang makapasok naman siya ay agad niyang inayos ang coat na abot hanggang tuhod, maulan nang makarating siya doon kaya bahagyang basa ang buhok at coat na suot niya. Nilibot niya ang tingin, mga balloons, regalo para sa dalaga, mga sulat at kong ano-ano pa. Dalawang buwan simula nang mabalitan nila ang mass murder na nangyari sa isang pribadong hotel, hindi nila matapos ang imbestigasyun lalo na’t may iilang estudyanteng nawala pagkatapos ng mass murder na ‘yon at ang nagsagawa naman ng mass murder ay nagpakamatay din. Kaya himala na buhay pa ang dalagang nakita nilang palitang-lutang sa pool na nagngangalang si Rinzen, na-coma lang ito at higit pa sa lahat sa tingin nila bulag na ang dalaga lalo na’t ang gasang nakatakip sa mata nito. Marami pa silang bagay na pinagtataka sa pagkakaligtas ng dalaga, pero masasagot lang ‘yon kong magkwento ito sa nangyari, kong may alam ba ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga, may kakaiba pa siyang nararamdaman, animoy itim na aura, nag-antandang krus siya at saka niya binulong ang ‘amen.’ Saka lang nagliwanag ang aura sa paligid ng dalaga, “hindi ka ligtas, ‘yon ang alam ko,” bulong niya sa hangin habang nakatitig sa dalagang nahihimbing.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
117.6K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
40.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
168.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook