bc

GAANO KATIGANG ANG MINSAN

book_age18+
12.1K
FOLLOW
53.8K
READ
comedy
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Helana Magnaya. Babaeng lumaki sa hirap palaban sa lahat ng hamon sa buhay lahat kayang gawin para sa nag iisang kapatid n'ya. Nang mamatay ang kanyang Tatay pinamahanan s'ya nito ng napakaraming utang. Kaya naman lahat ng trabaho kanya ng pinasukan para lang makabayad sa mga pinagkakautangan. Isa na nga dito ang pagiging yaya ng anak ng isang gwapo pero suplado na Architect. Sa unang kita n'ya pa lang sa Tatay ng magiging alaga n'ya lumuwag na agad ang garter ng panty n'ya.

Trevor Galledo. Tall, daks and handsome Architect.

He is also a single Dad to his 5 year old daughter Ysha. 4 years ago nang mamatay ang asawa n'ya sa isang aksidente nangako s'ya na hindi na muli pang magmahal itutuon na lang n'ya ang kanyang atensyon at pagmamahal sa anak.

Sa pagpasok ni Helena bilang yaya ng anak n'ya. Paano babaguhin ng dalaga ang puso ng lalaki na akala mo araw-araw ay may regla.

Dahil sa pagiging makulit at mapagmahal ni Helena sa anak n'ya unti-unti na rin syang nahulog sa dalaga ngunit paano kung malaman n'ya ang babae na natutunan na nyang mahalin ay may malaking parte sa pagkamatay ng ex-wife n'ya. Sapat na ba ang pagmamahal upang kalimutan at magpatawad na lang? O mas mananaig ang galit at pagkamuhi?

chap-preview
Free preview
Daks
"Pechay! Pechay kong sariwa! Pechay, suki bili na kayo ng pechay! Murang mura lang ang pechay ko!" malakas na sigaw ng babae sa palengke. Mukhang madami rin syang customer dahil halos lahat ng kalalakihan nasa pwesto n'ya halos di magkamayaw ang mga ito. At wala sana akong balak bumababa ng sasakyan. Kung hindi ko lang narinig ang sigaw ng babae may kung ano na nag -udyok sa akin na bumaba. Na-curious ako bigla kung bakit s'ya pinagkakaguluhan ng mga tao kaya naisipan kong sumama kay Nanay Linda. "Evo, akala ko ba ayaw mong sumama?" Nagtataka pa nyang tanong sa akin. "Gusto ko lang mag libot Nanay," palusot ko pa sa kanya. "Oh, s'ya samahan mo ako, sa bilihan ng pechay." Nagpatiuna ng maglakad si Nanay sa pwesto ng babae na nagtitinda ng pechay sumunod naman ako nang tuluyan na kaming makalapit dito. Hindi ko kaagad makita ang mukha n'ya sa dami ng mamimili. May nag-aaway pa harapan ko sa tingin ko mag- asawa sila at mukhang galit na galit ang babae. "Tinola ang lulutuin ko! Sabi ko sa'yo papaya ang bilihin mo! Bakit sa bilihan ka ng pechay nagpunta?" galit na sabi ng babae sa lalaking nasa harapan namin ngayon. Saka n'ya hinila sa tenga ang lalaki palayo. Nang makaalis ang lalaki sa harapan ko saka ko lang nakita ang tindera. Wow! Una kong nasambit nang makita ko ng malapitan ang tindera ng pechay nakasuot ito ng maikling short at black na spaghetti strap. Kaya naman exposed ang maganda n'yang legs nang madako naman ang paningin ko sa kanyang dibdib sa tingin ko 36 ang size 'non dahil magaling ako sa sukatan. Maganda rin ang hubog ng katawan niya maliit ang bewang ,morena, at matangkad nang matitigan ko s'ya habang abala sa mga namimili. Oh! She's hot damn gorgeous! Mas mukha syang model kesa tindera kaya naman pala halos kalalakihan ang mga customer n'ya. "Helena! Pabili ako ng pechay mo," sabi pa ng matandang lalaki na nasa tagiliran ko. Mukhang takam na takam ito sa tindera dahil sa uri ng tingin n'ya halatang pinagnanasahan nito ang babae. So, Helena pala ang name n'ya bagay sa kanya. Kasing ganda n'ya rin pinagalitan ko pa ang sarili ko dahil todo puri ko rin s'ya. "Pechay! Sir, bili ka na ng pechay ko. Sariwa 'yan sagana sa dilig kaya mabasa basa!" alok niya sa akin. Gusto kong matawa sa sinabi niya parang iba ang naging meaning ng pechay. Trevor behave! "Nay, pechay po? Organic ang pechay ko!" alok n'ya kay Nanay Linda. "Magkano ang pechay mo?" "Nay, para sayo bente na lang isang tali! Bagong ani ang pechay ko, saka tignan n'yo po malapad ang pechay ko!" buong pagmamalaki niya pang sambit. "Sige, Ineng, bigyan mo ako ng dalawang tali ng pechay mo. Ito ang bayad." Nag-abot si Nanay Linda ng limampu. "Keep the change. Ineng, natutuwa ako sa'yo araw araw-araw yata iba-iba ang paninda mo," pahabol pa ni Nanay. So madalas na syang makita ni Nanay Linda bulong ko pa sa sarili. "Nay, hindi ko tatanggihan 'to! Masama tumanggi ayon sa horoscope ko ngayon. Lahat daw ng blessings na dumating ay dapat tanggapin," mahaba pa nyang paliwanag. Seriously may tao pa bang naniniwala sa horoscope ngayon? Well baka s'ya na lang. "Sir, ayaw mo ba ng pechay ko?" nagulat pa ako ng tumingin s'ya sa akin. "Magkasama kami," malamig kong sagot sa kanya saka ko tinuro si Nanay at tumango naman s'ya sa tindera. Nakita ko pang sumenyas ang tindera kay Manang Linda. Nilagay n'ya ang kamay sa ilalim ng baba n'ya hindi ko naintindihan ang ibig sabihin nyang sabihin pero ng lingonin ko si Manang tumawa s'ya saka tumango sa tindera. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko, nang haplosin s'ya sa braso ng isang lalaki. Hindi naman n'ya pinansin 'yon kunot noo ko pa syang tinignan. Bakit s'ya pumapayag na hawakan s'ya tsk! Hindi ko gusto ang mga ganong uri ng babae. "Evo, tara na! Baka may gusto ka pang bilihin?" Baling ni Nanay sa akin. "A- ah wala na po Nay. Pechay lang ba ang kailangan mo?" "Kailangan ko rin ng bawang." Bigla naman sumabat sa usapan namin ang tindera ng Pechay. "Nay, ilang kilo ng bawang ang kailangan mo? Meron din ako rito," aniya. "Aba! Ang sipag mo naman anak," puri pa ni Manang dito. "Sipag at ganda lang ang meron ako Nay," nakangiti pa n'yang sagot. "May asawa ka na ba?" tanong ni Nanay habang napili ng bawang. Bigla naman akong nagkainteres sa magiging sagot n'ya. Narinig ko pa na tumawa s'ya ng malakas. "Nay, ang mga lalaki ngayon magaling lang umararo sa gabi tapos pag nasawa na sa lupain mo, hahanap ng ibang aararuhin 'yan kaya wala po akong asawa!" Napahagalpak naman ng tawa si Nanay sa sinabi nito. May pagkabastos din pala s'ya sayang maganda pa naman bulong ko pa. Ibang iba sa asawa ko mahinhin at kimi ang bawat kilos samantala itong kaharap ko mukhang may sayad. "Sir, may sinasabi ka?" tanong pa n'ya sa akin narinig n'ya pala na bumulong ako. "Nothing." tipid kong sagot. "Nay, anak n'yo?" Usisa n'ya pa. "Alaga ko s'ya," nakangiti pang sagot ni Nanay. "Nay, daks ba?" natatawa pa nyang tanong. At sabay pa silang tumawa ng tumango si Nanay Linda. Daks? What the hell anong word yon? Bakit si Manang mukhang alam n'ya? Ganoon na ba talaga ako katanda? "Sir, ang daks ibig sabihin malaki ba 'yang kumpare mo sa baba, alam ko iniisip mo 'yon kung ano," namula naman ako sa sinabi n'ya babae ba talaga to? Hindi nahihiyang sabihin ang mga ganitong bagay tsk! Maya maya pa may dumating na babae sa pwesto nito. "Bakla! Si Corazon hinahakot lahat ng gamit sa bahay n'yo! Dali puntahan mo!" Baka wala ka nang maabutan!" humahangos na sabi pa nito. "Ano? Sige ikaw na muna ang bahala dito!" "Nay, salamat po sa tip maiwan ko na po kayo!" Tumango naman si Nanay. "Sir, check mo kung daks or juts ka! Kung itatanong mo kung ano ang juts maliit ang talong! Galingan mo na lang sa romansa!" pahabol pa n'ya kaya naman nagtawanan ang mga tao sa paligid. Buong buhay ko ngayon lang ata ako napahiya ng ganito. Architect Trevor Galledo respetado at ginagalang ng marami! Anong meron ang babae na 'yon para mapahiya ako ng ganito! Wag na wag na sana mag krus ang landas natin!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook