bc

HFH: Atticus Finnick Quinn-The Hunkie Eggxecutive

book_age18+
427
FOLLOW
1.1K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
opposites attract
independent
sweet
bxg
humorous
lighthearted
engineer
like
intro-logo
Blurb

HFH SERIES

ATTICUS FINNICK QUINN: THE HUNKIE EGGXECUTIVE

Paano nga ba nasusukat ang tagumpay? Sapat na ba ang karangyaan upang masabing nakamit na natin ang tunay na kaligayahan?

Malapit n'yo nang makilala si Tikoy, ang pinakagwapong Balut Vendor na magpapalambot ng inyong mga tuhod!

#soontoserve

#dreamecollab

chap-preview
Free preview
Prologue
"Where the f*ck did I put my keys?" inis niyang turan sa kanyang sarili habang nakayuko at pilit na hinihanap sa kanyang bag ang susi ng kanyang kotse. "Where the h*ll did I put it?" patuloy niyang reklamo habang nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa loob ng kanyang bag. Sa parehong kadahilanan kaya hindi sinadyang nabangga niya ang isang matipunong lalaki na nakatayo sa may exit ng gusaling kung saan kasalukuyan siyang naroon. Biglang bumaling ang lalaki paharap sa kanya dahilan upang tumapon kay Brook ang bagay na hawak ni Atticus. "Shoot! Sorry, Miss!" natatarantang turan nang lalaking nabunggo ni Brooke.  Abala si Atticus sa pagpunas ng natapong sabaw sa damit ni Brooke. Nagkaroon ng pagkakataon si Brooke upang bahagyang matitigian ang mukha ng lalaking kanyang nabangga. Nangingibabaw sa paningin ni Brooke ang makapal na kilay at mapungay na mga mata ng lalaki. Pati na rin ang mapupula nitong mga labi na tila ba kay sarap halikan. Ilang minutong pagtitig pa ang kanyang ginawa bago tuluyang nahimasmasan sa ginagawa ng lalaki. Halos lumuwa ang mga mata ni Brooke nang mapagtanto niya ang ginawa ng lalaki. Pinagpag nito ang likidong tumapon sa kanyang dibdib gamit ang mga kamay nito. Hindi maintindihan ni Brooke ang kanyang sarili dahil bukod sa inis ay mayroon kakaibang kuryente ang gumapang sa himaymay ng kanyang pagkatao dahil lamang sa simpleng pagkakadaiti ng palad nito sa kanyang balat. "Get your filthy hands off me!" malakas na bulyaw ni Brooke sa lalaki upang itago ang kakaibang kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan dulot ng magaspang nitong palad. "I-I'm sorry, Miss. Hindi ko sinasadya," abot-abot ang paghingi ni Atticus ng tawad sa babae.  "What's that smell?" kunot-noong tanong ni Brooke saka marahas na pinasada ang kanyang palad sa basa nitong damit bago iyon dinala palapit sa kanyang ilong upang amuyin. "Sabaw po 'yan ng balut. Pasensya na, Miss," turan ni Atticus. "Sabaw ng what?" inis at maarteng tanong ni Brooke. "Sabaw po ng balut. Masarap po ito, Miss. Gusto mo? Sakto mainit-init pa itong dala ko. Tamang-tama at bagong hango ko lang 'to," nakangiting saad ni Atticus saka inabot malapit sa mukha ni Brooke ang isang pirasong balut. Hindi maintindihan ni Brooke kung bakit ganoon na lamang ang bilis ng tibok ng kanyang puso dahil lamang sa simpleng ngiti nito. Pasimple niyang hinagod ng tingin ang lalaki mula ulo hanggang paa. Malayong-malayo ito sa tipikal na lalaking kalimitan niyang nagugustuhan. Ang t-shirt nitong basa ng pawis at lumang maong na short ay sapat na upang ma-turn off siya rito ngunit kabaligtaran ang nangyari. Bibihira lamang ang lalaking nakakapasa sa kanyang panlasa. Kaya naman hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ang lakas ng dating nito sa kanya.  "Get away from me, you stinky j*rk!" hiyaw ni Brooke upang itago ang kakaibang damdaming unti-unting nabubuhay sa kanyang dibdib. Kahit pa nga ang totoo ay gusto niyang ibaon ang kanyang mukha sa leeg nito upang amuyin ang natural nitong amoy. Malakas nitong tinabig ang kamay ni Atticus dahilan upang tumalsik ang hawak nitong balut. "Look what you did to my dress! Alam mo ba kung gaano kamahal ang damit na 'to? Kulang pa ang lahat ng kikitain mo sa pagtitinda ng balut para ipambayad sa damit na 'to!" "Miss, masyado ka naman atang masakit magsalita. Baka nakakalimutan mong ikaw itong bumangga sa akin. Kung tutuusin nga ay ikaw itong may atraso sa akin. Bayaran mo tinapon mong balut," nakapamaywang na turan ni Atticus sa babae. Gusto man niyang pagsisihan at bawiin ang kanyang sinabi ngunit huli na ang lahat. S "Iyon lang ba? Bakit magkano ka ba? Kaya kong bayaran kahit magkano ka pa," mataray na saad ni Brooke.  "P'wede mong bilhin ang lahat ng balut ko, Miss. Pero kahit kailan ay hinding-hindi mo kayang bayaran ang pagkatao ko. Walang katumbas na halaga ang prinsipyo ko," seryosong turan ni Atticus. Likas siyang masiyahin at palabiro pero hindi ito pumapayag na tapak-tapakan lamang siya. "Hindi kabawasan sa kayamanan mo ang paghingi ng tawad lalo na kung alam mo sa sarili mong ikaw ang nagkamali. Ikaw ang bumunggo sa akin dahil hindi ka natingin sa dinaraanan mo," saad niya. Mapaklang tumawa si Brooke, "Hindi ka mapapakain ng prinsipyo mo. Come on, tell me, how much do you want for your filthy eggs," nakataas ang isang kilay nitong turan. Nanatiling walang imik at mariing nakatitig si Atticus kay Brooke. Mariin niyang kinuyom ang kanyang mga kamay upang pigilan ang nababadyang pagkaubos ng kanyang pasensya sa babaeng may nakakapanghalinang mukha ngunit ubod ng sama ang ugali. Napairap na lamang sa hangin si Brooke nang manatali lamang nakatitig si Atticus sa kanya. Agad niyang dinukot ang kanyang wallet mula sa kanyang bag saka kumuha ng ilang pirasong perang papel.  "Here's two thousand pesos," wika ni Brooke saka inabot ang pera kay Atticus. "Siguro naman sapat na 'yang pera na 'yan para manahimik ka na?"  Bumagsak ang tingin ni Atticus sa perang hawak ni Brooke. Kung tutuusin ay malaking tulong na ang perang iyon para sa kanyang pamilya ngunit hindi niya maatim na tumanggap ng kahit singko mula sa matapobreng babae na nasa kanyang harapan. "Alam mo, maganda ka sana. 'Yon nga lang ubod ng sama ang ugali mo," turan ni Atticus. "Aba't—" Hindi nagawang tapusin ni Brooke ang kanyang sasabihin nang marahang umangat ang kamay ni Atticus saka kinuha ang pera mula sa kamay ni Brooke. Isang mapanuyang ngiti gumuhit sa mga labi ni Brooke. Ngunit agad iyong naglaho dahil sa sunod na ginawa ni Atticus. Itinapon nito sa hangin ang perang kinuha mula sa kamay ni Brooke dahilan upang magliparan ang piraso ng mga iyon sa kanilang ulunan. Laglag ang panga ni Brooke habang nakatingin sa mga perang dahan-dahang bumabagsak. "Hindi ko kailangan ang pera mo," malamig na turan ni Atticus saka yumuko at kinuha ang basket na naglalaman ng kanyang mga paninda. Walang habas niyang tinalikuran ang babae na nanatiling nakapako ang mga paa sa sahig at hindi makagalaw dahil sa labis na pagkagulat. Hindi lubos na inaasahan ni Brooke ang ginawang iyon ni Atticus. Tila bata itong nagpapadyak dahil sa labis na inis. "You j*rk!" malakas na sigaw ni Brooke sa papalayong imahe ni Atticus.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

His Obsession

read
70.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook