bc

Chippy

book_age16+
74
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
time-travel
independent
self-improved
student
twisted
bxg
realistic earth
first love
like
intro-logo
Blurb

Madaya ang panaginip, ipapakilala ang taong kailanman hindi magiging sa'yo.

kahit ano pa ang gusto mong mangyari, hindi pa rin pwede.

chap-preview
Free preview
...
Ang istorya po'ng ito ay kathang isip lamang. Ang pangalan ng karakter, Tao, lugar, kabuhayan at kung ano pa man ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang ibang hangarin kundi ang isulat ang nasa isip at mag kwento lamang. Katas ng aking isip, sa inyong utak ay iguhit. ---- Kabanata 1 Dala dala ang isang tray ng pagkain habang papalakad si Chippy sa pinaka gilid na lamesa sa canteen para kumain. Lahat ng mata ay nakaabang sa kanya, lahat inaabangan ang kamalian niya, lahat nakaabang sa kilos, ang ilan ay nagatataka dahil sa kanyang hitsura at ang iba naman ay pinagkakatuwaan siya. Suot suot ang Itim na lipstick habang nasa eskwelahan ay hindi na bago para kay Chippy. Itim na damit, itim na headband na may itim na laso at itim na burluloy sa katawan. Kahit pa pagkatuwaan siya ng kanyang ka eskwela at tawaging demonyita o kasapi ng illuminati dahil sa kanyang hitsura ay wala siyang pakielam. May kaunting katotohanan naman dahil sa kanyang ugali, ugali na pinapalabas ng tao sa kanya, kaya wala rin magtangka na kausapin at kaibiganin siya, maliban na lang sa kanyang kinakapatid na si Diego. Simula bata pa lang ay kasa-kasama na niya ito. Sa birthday, sa away, sa riot at kahit saan pa man. Pero sa ibang school naman iyon nag aaral kaya wala lang. "Mukhang baliw talaga 'yan no? Ang init init naka itim." narinig ni Chippy na sa sinabi ng kanyang ka eskwela. Napailing na lang si Chippy sa narinig sa katabing lamesa. Wala na rin kasing epekto. May mas matindi pa siyang narinig diyan. Baliw? Wala lang 'yan para kay Chippy. Chef kiss, ika nga. "Kasali nga daw 'yan sa kulto, kaya tignan mo, walang gustong makipag kaibigan.. Ang creepy kasi." sagot naman ng kausap nito. Napailing na lang si Chippy dito. 'Kalalaking tao, ay mga chismoso.' sa isip isip niya. Sa apat na taon ni Chippy dito sa Unibersidad na ito ay na immune na siya, sa bawat masasamang salita at trato sa kanya ay parang wala na lang. Mas malala nga nung 1st year college pa lamang siya dito, may mga naghahagis sa kanya ng ink ng ballpen, sinusulatan ang kanyang uniporme at binabato siya ng kamatis na kinupit galing canteen. Dahil lang 'yon sa kakaiba niyang pananamit. Dahil lang sa hindi nila maintindihan, kaya nila pinagtatawanan. Ngayon nga'y binabalikan niya 'yon, natatawa na lang siya. Mga nambubully na wala namang budget. Kung tutuusin, medyo gumanda ganda na ang trato sa kanya ngayon, puro na lang parinig at wala ng hinahagis sa kanya. Marahil siguro ay nagmatured na rin kaunti ang mga utak nito. Napapikit siya ng may maramdaman siyang tubig na bumuhos galing itaas. Hindi na kailangan tignan at alamin pa, maririnig naman sa tawanan ng mga walang utak. "Putang ina, bakit kasi nakita ko pa 'tong babae na 'to? Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.." "Tol, kung tutuusin, maganda naman si Chippy, yun nga lang, Hipon!" Muli na naman silang nagtawanan. At muli siyang binuhusan. Pero this time champorado naman galing sa maliit na mangkok. Dahan dahan namang tinanggal ni Chippy ang mga kanin na galing sa champoradong kakabuhos lang. Kinuha niya rin ang bimpo niyang nasa loob ng kanyang bag at maingat na pinunasan ang kanyang ulo. Malagkit 'yon. Kaya mas lalong dinagdagan ni Chippy ang kanyang malapit nang maubos na pasensya. "Hoy! Nagka boyfriend ka na?" kalabit nung isa sa kanya. "Kung titignan naman ay laman tiyan ka rin e, pwede ng pag tiyagaan. Basta takapan lang ng unan." "Oo no.. malay mo naman, dun magaling 'tong si Chippy.." ani ng isa pang lalaki at hinaplos ang leeg niya. Hindi pa nagtatagal ay mabilis niyang tinapik ang kamay nito paalis. 'putang ina lang.' sabi ni Chippy sa kanyang isip. "Aba, pre! Lumalaban!" natatawang hiyaw nung isa. Huminga ulit ng malalim si Chippy at nagpigil pa. "Pwede bang tigilan niyo na si Chippy? Wala namang ginagawa sa inyo yung tao." napatingin ang lahat doon sa nag salita. Maging si Chippy ay ganoon din. Si Luvey, yung SC president ngayong taon. "At isa pa, kalalaki niyong tao, si Chippy ng si Chippy yung pinagtitripan niyo, try niyo mantrip ng iba, tignan natin kung makapalag kayo!" "Eh bakit ka ba nangingielam? Hindi porket presidente ka dito,ikaw na ang masusunod!" sagot pa rin nung isa. "At isa pa, anong tao sinasabi mo?" Hindi na 'yon punagtuunan ng pansin ni Chippy dahil ang atensyon niya ay napunta sa kamay ng isang lalaki. Gumagapang ang kamay nito pababa sa kanyang dibdib.. Dahan dahang ibinaba ni Chippy ang hawak niyang bimpo bago hinablot ang kamay ng lalaki at mabilis itong inikot. Mabilis na dumaing sa sakit ang lalaki at hinawakan ang kamay niya upang tanggalin ito. Ngunit mabilis na sinipa ni Chippy ang tuhod nito dahilan para mapaupo ito sa sakit. Masyado ng nagdilim ang paningin ni Chippy para mag pigil pa.. Sobra na.. "Hoy, anong ginagawa mo kay Ian?!" tanong naman ng isa at mabilis na lumapit, ngunit mabilis na nakakilos si Chippy at gamit ang isang kamay ay mabilis niya itong siniko sa mukha. Natumba ito. Nasanggi pa nito ang kabilang lamesa kaya natapon ang mga laman nito. Nang hindi na tumayo ang nasuntok ay tinignan naman niya ang hawak hawak na lalaki. "Tang ina mo'ng kulto ka, pag ako nakawala dito, basag yang mukha mo!" nasasaktan hiyaw nito. Sinusubukan pa nga nitong abutin ng suntok si Chippy ngunit hindi naman tumatama sa dalaga. "Kung makakawala ka pa!" hiyaw niya. Sinuntok niya ito ng isang beses at diniinan ang pagkakaikot sa braso, bago sabunutan at iangat ang ulo nito. Gigil na gigil si Chippy, habang nakatingin sa kaharap. "Ako din putang ina ka! Wala akong ginagawa sa inyo, nanahimik lang ako, ako pa napili niyong pag tripan?!" halos hindi na bumubuka ang bibig ni Chippy habang nag sasalita dahil sa gigil. "Chippy tama na 'yan." si Luvey na inaawat si Chippy ngunit parang isang sintunadong kanta lang siya dahil ayaw pakinggan ni Chippy. "Kung ayaw niyo sa hitsura at pananamit ko.. Huwag niyo akong tignan! Simple diba?" ani nito at sinampal pa ng isang beses ang kaharap. "At sa tingin mo, makakalagpas sa akin yang kamanyakan mo? Gago! Hindi! Sino may sabi sayong, hawakan mo ako? Manyak ka!" hiyaw niya at binigyan pa ulit ng isang suntok sa mukha. Susuntukin pa sana 'yon ni Chippy ng may humila sa kanya at nilayo siya doon palabas ng canteen. Hindi niya kilala kung sino ito dahil nakatalikod lang ito.. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Yung gamit ko naiwan ko! Yung bag ko!" hiyaw niya. Hindi naman kalayuan sa canteen ay tumigil sila ng kung sino, ng hinarap niya ito, ay nakita niyang si Luvey ito. Yung SC president. "Ano ba? Bakit mo ako hinila? Yung gamit ko nandon pa sa loob!" Hinihingal na tumango ito at ibinigay sa kanya ang bag niya, nakasabit pa dito ang bimpo niya na may bakas pa ng champorado. "Siguradong mapapatawag ka na naman nito sa dean's office." anito at umiling pa. Animo'y walang narinig ay inayos ni Chippy ang gamit niya at itinapon sa basurahan ang bimpo. Malay ba niya kung nalawayan na ng mga ito ang champorado. At kung tungkol naman sa dean. Handa na siya roon. Parang regla lamang 'yan para sa kanya. Dahil buwan buwan siyang nasa opisina nito. Wala ng bago. As usual, ika nga. "Aalis na ako. Salamat dito." paalam ni Chippy rito. "At saan ka pupunta?" "Sa dean's office, hihintayin ko na lang sila doon."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
65.6K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

Rewrite The Stars

read
94.1K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
227.2K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
118.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook