bc

Lie with Me, Mr. CEO

book_age16+
20.1K
FOLLOW
222.8K
READ
possessive
contract marriage
CEO
billionairess
drama
comedy
twisted
office/work place
poor to rich
seductive
like
intro-logo
Blurb

Pagod na pagod na si Eurie na magpaliwanag ng kanyang sarili kaya hinahayaan na lang niyang maniwala ang mga tao sa gusto nilang paniwalaan. Sa mga mata nila, isa siyang maruming babae. Tinatanggap na lang ni Eurie ang lahat ng mapang-aping salita na ibinabato sa kanya ng mga tao ngunit handa siyang lumaban kapag minamaliit na si Kyrie— ang batang may autism at ang kanyang nag-iisang pamilya.

Darating ang isang lalaking nagngangalang Nigel Montecillo at aalukin siya ng isang kasunduan. Isang kasunduan na inaakala niyang magpapatahimik sa kanilang magulong buhay. Pumayag siya sa kasunduan sa isiping mapoproteksyunan at mapupunan ang mga pangangailangan ni Kyrie ng karangyaan ng binata. Inakala niyang makakalayo na rin sila sa mapanghusgang mundo ngunit nagkamali siya. Dahil ang mundong pinasok niya ay mas malala pa sa mundong mayroon sila noon. Magbabago ang lahat sa kani-kanilang mga buhay, ngunit mapapanindigan kaya nila ang kanilang kasinungalingan? Mai-inlove kaya ang matapang na babae sa isang tila walang emosyon na lalaki? Hanggang saan nila matitiis ang ugali ng isa't isa? At anong mahalagang papel ni Kyrie sa buhay nila?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : Criticism
Eurie's Pov: “Excuse me! E-Excuse, ahmn… sorry!” paghingi ko ng paumahin sa bawat taong makakasalubong at makakabangga ko. Kailangan ko ng magmadali dahil baka mag-umpisa na ang programa. Katatapos lamang ng trabaho ko at pinilit ko talagang makapunta agad dito sa paaralan ni Kyrie upang mapanuod ko ang kanilang presentasyon. Naglalakad pa lamang ako sa pasilyo ay napapangiti na ako sa sobrang pananabik. Kahit wala pa akong tulog dahil panggabi ang ikalawa kong trabaho, tila hindi ko naman nararamdaman ang pagod at antok dahil sa pagnanais kong mapanuod siyang sumayaw kasama ang iba pang mga bata. Habang naglalakad ng mabilis ay sinusuklay ko ang aking mahabang buhok upang itali, matapos ay kinuha ko ang pulbo sa loob ng aking bag at nagkuskos ng kaunti sa aking mukha. Iginuhit ko din ang maputlang pink na lipstick sa aking mga labi at tumikom-tikom upang kumalat at pumantay ito. Sinulyapan ko lang ng mabilis ang aking repleksyon sa maliit kong salamin upang tignan kung walang namuong pulbo sa aking pisngi at nang masigurong maayos naman ang aking itsura ay muli ko na itong itinago. Ang paaralan ni Kyrie ay isang pribadong paaralan kaya ang ilan sa mga magulang na dumalo sa okasyong iyon ay mga nakapustura ng magagandang damit at naka-make up na pang malakasan. Iba ako, iba kami. Hindi kami mayaman tulad nila; sapat lang ang kinikita ko para sa mga bayarin at pang-araw-araw naming gastusin kaya kung ano ang suot ko sa trabaho ay ‘yon lang din ang suot ko ngayon. Isang puting polo na may mahabang manggas at itim na mini-skirt. Wala kaming pasobrang pera kaya wala sa prayoridad kong bumili ng mga alahas at kolerete sa mukha, ni magagandang damit na makikita sa mall ay wala ako kahit isa. Puro kami utang pero pinipilit kong pag-aralin si Kyrie sa paaralang ito dahil sa kaniyang kalagayan. Si Kyrie, ang pinakamahalagang tao sa buhay ko at kahit na nahihirapan akong alagaan siya kung minsan dahil sa kaniyang kondisyon, masaya ako na ibinigay siya sa akin ng Panginoon. Humahangos na ako kakalakad, napakadaming tao! Family Day kasi kaya nagdagsaan ang mga magulang para dumalo. Sa wakas, narating ko rin ang Theatre Hall na halos napupuno na nang mga oras na iyon. Nagpatuloy akong sumiksik at dumaan sa mga pagitan nila para lamang mapuntahan si Kyrie sa back stage pero agad ko naman silang nakita sa unahan. “Kyrie!!!” masayang tawag ko nang makita ko siya. Napalingon agad sa akin si Kyrie at gumuhit ang masayang ngiti sa kaniyang mukha. “Mama!” sambit niya at patakbong lumapit sa akin para yumakap. Hinaplos ko ang buhok niya at mariing hinagkan ang kaniyang noo. Masaya akong makita siyang nakangiti ng ganito. “Mama, Kyrie thought you mama not coming, I was sad,” malambing na sabi niya. Si Kyrie ay kakaiba sa ibang mga bata. Sa edad ni Kyrie na walong taong gulang, hirap pa talaga siyang magsalita ng maayos, at kung minsan… hirap din siyang umintindi. Mayroon siyang Autism Spectrum Disorder, sa madaling salita ay isa siyang autistic na bata ngunit kahit ganito siya, siya ay napakatalino. Madali niyang makabisa ang mga numero, madali niyang nasasagot ang mga puzzle games, natatalo niya rin ako sa larong chess at magaling siya sa English kaya lang… kumpara sa mga batang kaedad niya, medyo nahuhuli pa rin siya sa kaniyang development. Hirap siyang magsulat dahil siya ay may learning disability, mayroon siyang dysgraphia. Minsan nahihirapan siyang makaintindi dahil nawawala siya sa pokus na para bang nagkakaroon siya ng sarili niyang mundo; minsan bigla na lang siyang tatawa o kaya naman ay magsasalita mag-isa kaya naman hanggang ngayon… nasa grade 1 pa rin siya. Sa totoo lang, napakahirap tanggapin na gano’n ang kalagayan niya pero si Kyrie… siya ang pinakamalambing at pinakamapagmahal na bata para sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit, “Of course, I’ll be here for you! Hindi ko ata matitiis ang baby ko!” Lumapad muli ang ngiti ni Kyrie at hinagkan ako sa aking pisngi. “I love you, mama!” Napangiti ako ng matamis dahil sa sinabi niya kaya pinisil ko ng magaan ang kaniyang pisngi, “Mas mahal na mahal kita!” Hinawakan ko ang kamay ni Kyrie upang ihatid na siya sa kaniyang mga kagrupo dahil baka mag-umpisa na ang kanilang presentasyon, ngunit bago pa man ako makahakbang ay naramdaman ko na ang mga mapanghusgang mga mata na nakatingin sa akin. “Napakabata namang naging ina nito!? Ilang taon kaya siya nagbuntis? Fourteen? Fifteen?” bulong ng isa sa mga magulang na naroroon ngunit sapat para marinig ko. “Ano ‘yon? Pagkaregla, lumandi agad? Hay naku po!” natatawang sabi ng kaniyang kausap. “At nasaan ang asawa niya? Hindi ba’t Family Day ito? Wala ba siyang asawa?” mataray na sambit ng isa pa sa kanila. “Baka nabuntis lang agad tapos iniwan ng jowa,” ngisi ng isa sa mga babaeng nagpapaypay. “Ang hirap kasi sa mga kabataan ngayon, masiyadong nagmamadali! Akala mo naman mauubusan ng lalaki!” Bakit ba ang daming ‘Marites’ sa mundo? Tsk! Kunot-noo ko na lang ipinikit ng mariin ang aking mga mata saka huminga ng malalim. Pinigilan ko ang aking sarili na pumatol sa mga tsismosang tulad nila. Pagsasayang lamang ng oras ang pagpatol sa mga ganoong bagay at isa pa ay ayaw kong makagawa ng ikalulungkot ni Kyrie. Naglakad na kami ni Kyrie na magkahawak ang mga kamay at pinabayaan ko na lamang na magbulungan ang mga taong ‘yon na walang mga magawa sa buhay. Hindi ko ikayayaman ang pagpatol sa kanila. Sinalubong kami ng guro ni Kyrie, si Lyca, siya rin ang matalik kong kaibigan simula noong nasa junior high pa kami. “Eurie!!!” halos patiling tawag niya sa akin na may abot tengang ngiti. Natawa naman ako sa kaniyang reaksyon at nang makalapit siya ay nagyakapan kaming dalawa. “Mabuti naman nakarating ka! Nalulungkot kaya si Kyrie kanina kasi akala niya siya lang ang walang darating na parent!” Sinulyapan ko si Kyrie at nakita kong ngumuso siya kaya napahagikgik ako ng tawa, “Hahayaan ko ba namang gano’n? Siyempre hindi! Hindi na ako nag-overtime para lang mapanuod na sumayaw ang baby ko! Alam ko kasing gagalingan niya, hindi ba, Kyrie?” Tumango si Kyrie, “Yes, mama! For you, I will do my best!” “Aba! Very good talaga ah!” puri ni Lyca kay Kyrie. Si Lyca, siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ko. Ako ay ulila ng lubos. Siyam na taon lamang ako nang mamatay ang aking ama at ang aking ina naman ay namatay dahil sa malubhang sakit nang ako ay naglabing-anim na. Wala akong ibang malapitan no’n kung hindi si Lyca. Nalugmok kami sa utang dahil sa pabalik-balik na sakit ni mama hanggang sa siya ay tuluyan na ding namaalam. Nilayuan kami ng mga kamag-anak namin dahil sa ayaw nilang saluhin ang mga pagkakautang na iyon at hindi ko na din pinagpilitan pa ang sarili ko sa kanila. Ang ama naman ni Kyrie… isa siyang walang kwentang tao! Tandang-tanda ko pa… umuulan no’n ay karga-karga ko si Kyrie ng lumayas ang walang kwentang lalaking ‘yon. Isang taon pa lamang si Kyrie at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko lubos maisip na mararanasan kong maging isang batang-ina at kahit mahirap… nalampasan ko naman ito. Si Lyca… si Lyca lamang at ang pamilya niya ang tumanggap sa amin; sila ang tumulong sa amin para makabangon muli. Hindi ko inaasahan ‘yon noon na kung sino pa ang hindi namin kadugo, sila pa pala ang magmamagandang loob sa amin. Magkatabi lang ang apartment nila sa bahay namin at sila ang nagbibigay sa amin ng pagkain. Si Lyca at ang pamilya niya, sila lang ang naging sandigan ko noon. Ang pamilya niya ang tumulong sa akin para makakuha ako ng scholarship at makapagpatuloy ako sa aking pag-aaral habang nagtatrabaho sa bakery shop ng mama ni Lyca. Nakapagtapos lamang ako ng Vocational Course pero sobrang laki ng pasasalamat ko talaga sa kanila kasi kahit papaano ay nakapag-aral ako. Hanggang ngayon ay tinutulungan pa rin nila ako dahil wala naman akong ibang maaasahan; wala akong mapagkakatiwalaang iba. Noon pa man, sa tuwing papasok ako sa paaralan at ngayong nagtatrabaho na ako, sa kanila ko iniiwan si Kyrie, at sinusundo ko na lamang siya kinabukasan dito sa kanilang paaralan para sabay kaming umuwi. Hindi ko na kailangan ng iba, si Kyrie lang ay sapat na para maging masaya ako. “Lyca, salamat ulit ha? Alam ko nahihirapan ka rin minsan kay Kyrie, pero salamat kasi hindi ka pa rin nagsasawang alagaan siya,” sabi ko kay Lyca. “Ano ka ba Eurie! Hello? Ako lang ‘to! Your prettylicious BFF! Duh!?” birong sabi ni Lyca kaya natawa na naman ako ng mahina. Napailing ako at biniro ko din siya, “Alam ko! Alam kong mabait ka!” “Mabait lang? Mabait lang talaga? Napaka-mean mo!” kunyaring pagtatampo ni Lyca na umirap pa ng kaniyang mga mata. Natawa na ako ng husto at inalo ko siya, “Joke lang! Siyempre maganda ka! Pero tayo lang ang nakakaalam!” Bumusangot si Lyca at tintigan niya ako ng masama. Niyakap ko na lang ulit si Lyca ng mahigpit habang natatawa saka hinagkan ang kaniyang pisngi, “Love you! Mwuah! Ahahah!” “Sige na! Sige na! Magsisimula na pala!” sabi ni Lyca at kinuha ang kamay ni Kyrie. “Humanap ka na ng mauupuan mo bebs, ako ng bahala kay Kyrie!” Tumango ako at binalingan si Kyrie ng tingin, “Galingan mo ha!?” “Yes, mama! Kyrie will do his best,” tugon ng cute kong baby at hinagkan ko ang kaniyang ilong. “Love you.” “I love you too, mama! Bye!” Umalis na si Lyca at si Kyrie para magtungo sa entablado. Naghanap naman ako ng aking mauupuan kung saan matatanaw ko si Kyrie. Umupo ako sa ikatlong helera mula sa unahan ng entablado, at maya-maya pa ay napuno na ang lugar na iyon ng mga nasasabik na mga magulang at mga guro. Ilang sandali pa, bumukas na ang mahabang kurtina at bumungad ang masasayang bata na magkakahawak ang mga kamay na may masasayang ngiti sa kanilang mga mukha. Kaming mga manunuod ay nagpalakpakan at hindi na kami makapaghintay na magsimula ang kanilang palabas. Halos umabot na sa tenga ang aking ngiti nang makita kong kawayan ako ni Kyrie. Kakaway din sana ako nang makarinig ako ng ilang bulungan sa aking likuran. “Akala ko ba grade 1 ang mga sasayaw? Bakit parang grade 3 na ‘yong isa?” Ang malapad kong ngiti ay unti-unting nangaunti. Alam ko… alam kong si Kyrie ang tinutukoy ng ginang na nakaupo sa aking likuran. “Ahh, ‘yan ‘yong kulang-kulang na kaklase nila Bea! May sapak sa ulo ang batang ‘yan,” sabi ng katabi niya. “Biruin mo, bigla na lang ‘yang lalapit tapos kung anu-ano ang sasabihin. Minsan nangunguha pa ‘yan ng pagkain! Sintu-sintong bata.” Nang marinig ko ang mga salitang iyon, nagpantig talaga ang tenga ko at tila puputok ang ugat ko sa aking sintido. Ang mga taong tulad nila, sila ang mga taong mababaw ang pang-unawa! Sila ‘yong may mga utak pero hindi alam kung paano gamitin! Pinipilit kong huwag pansinin ang kanilang usapan at mag-focus na lang sana sa panunuod ng pagsayaw nila Kyrie. Ayaw kong makagawa ng gulo sa masayang okasyon na ito dahil alam ko ang hirap na pinagdaanan ni Kyrie para lamang makibasado ang bawat steps ng sayaw. Araw-araw, nakikita ko siyang nagpapraktis, at kahit nahihirapan... hindi siya sumusuko! At ngayong ibabahagi na ni Kyrie ang kaniyang pinaghirapan, ayaw kong masira ang kaniyang focus. Ang araw na ito… ay para sa kaniya! “Tignan mo sumayaw ‘yong abnoy na bata! Mukhang tanga! Mas magaling pa sa kaniya sila Bea! Ahahah,” pagtawa ng ginang na nasa likuran ko. Kinakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Pilit kong pinipigilan ang inis na nararamdaman ko pero mukhang hindi ko na makakaya. Habang naririnig kong minamaliit nila si Kyrie ay para akong bulkang sasabog! Mga bwisit sila! Dahil patuloy nilang pinagtatawanan ang pagsayaw ni Kyrie, kinuha ko ang bote ng mineral water sa loob ng bag ko. Iginala ko pa ang itim ng aking mga mata upang masigurong walang nakakakita sa aking ginagawa. Medyo madilim ang Theatre Hall na tulad sa sinehan at dahil abala ang mga katabi ko sa panunuod ay hindi nila alintana ang kalokohang naiisip ko. Bahagya akong yumuko ngunit ang ulo ko ay nakatuon pa rin sa harapan. Marahan kong inihiga ang bote ng mineral water sa aking paahan at kinalangan ko ng suot kong sandals upang bahagyang nakataas ang bukana ng bote. Bahagya kong binuksan ang takip nito at itinapat sa may likuran. Sa pagtatapos ng sayaw nila Kyrie, tulad ng ibang mga magulang, pumalakpak ako at tumayo, at sa pagtayo ko ay binigla ko ang pagtapak sa bote kaya bumukas ito at sumaboy sa mga taong nasa likuran ko ang laman nitong tubig. “Parang baliw talaga ‘yong batang ‘yon— Ahhh!!!” naghiyawan sila sa gulat ng maramdaman ang malamig na tubig na tumalsik sa kanila. Mabilis kong sinipa ang bote para pagulungin sa ilalim ng mga upuan habang patuloy na pumapalakpak at nakangiti sa may harapan. Nakisabay ako sa mga pagtili at papuri ng ibang mga magulang na animo’y wala akong ginawang kalokohan. Nagkakagulo naman ang mga ginang sa aking likuran dahil sa mga basa nilang damit at hinahanap ang pinanggalingan ng tubig sa ilalim ng mga upuan. Napatikom ako ng aking bibig habang pinipigil ang pagtawa at patuloy na pumapalakpak. Pasalamat nga sila tubig lang ‘yon, kung may asido lang ako dito, baka ‘yon na ang isinaboy ko! Huh! Kaya kong tiisin ang lahat ng panglalait sa akin, pero kung si Kyrie ang mamaliitin nila, hinding-hindi ko talaga sila palalampasin!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook