bc

Kalawanging Tanikala

book_age16+
1.2K
FOLLOW
2.7K
READ
dark
goodgirl
bxg
heavy
realistic earth
faceslapping
servant
like
intro-logo
Blurb

"'Yan! 'Yan ang nararapat sa iyo! Pulutin mo 'yan gamit ang bunganga mo dahil d'yan ka naman nanggaling, hindi ba? Sa putikan?!"

Namulat ako na salat sa yaman, ngunit ginawa ko ang lahat upang hindi iyon maging hadlang upang igapang ko ang aking pangarap na maiahon ang aking pamilya sa hirap. Sa murang edad, ako'y nakipagsapalaran sa malaking alon ng buhay, sinuong ang mala-sinulid na pagkakataon para lamang sa inaasam na kaginhawaan. Ngunit paano kung ang lahat ng pagsusumikap ko ay kulang pa rin? Paano kung sa kabila nang lahat ng pagpapagal ay hindi ko pa rin makita ang dulo ng tagumpay? At imbes na kaginhawaan ang matamo, pagdurusa ang siyang naturan? Paano ako lalaban kung salungat sa hangin ang aking kinatatayuan? Paano ako babangon kung may kalawanging tanikalang nakayakap sa aking mga paa? Saan ako kukuha ng lakas kung paggising ko, wala na ang lakas na siyang aking pinanghahawakan?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: ANG PAMILYA CABRERA
Sa lugar kung saan ang sikat ng araw at ang tilaok ng manok ang siyang nagsisilbing hudyat na magsisimula na muli ang panibagong araw, may munting bata ang nagsimulang mangarap. Sa musmos niyang edad, mulat na siya sa salitang kahirapan. Lumaki sa isang kahig isang tukang pamilya si Cassandra Tagubig Cabrera at panganay siya sa apat na magkakapatid. Ang kaniyang Ama ay laman ng kalsada upang mamulot ng bote, plastik, at kung ano pang maaaring maibenta sa junkshop. Sinusuyod niya ang bawat bahay, kinakalkal ang basurahan upang maipalit sa kakaunting salapi araw-araw. Sa gabi naman, ito ay umeekstra bilang kargador sa palengke o hindi naman kaya ay nagtitinda ng balut. Swerte na kung makapag-uuwi siya ng limang daan para maintriga sa kaniyang asawa sa buong maghapong kayod. Sa kabila ng hirap, masaya na ang pamilya nilang pinagsasaluhan ang kakarampot na kita ng kaniyang Ama. Lugaw sa umaga, masabaw na nudols sa tanghali, at kung papalarin, makapagsasabaw naman sila ng gulay sa gabi. Kahit ganoon man ang ikot ng kanilang buhay, kuntento at masaya ang pamilya ni Cassandra. Ngunit alam niya rin na ang saktong kita ng kanilang padre de pamilya ay hindi panghabang buhay na magiging sapat para sa kanila. Lumalaki na ang kaniyang mga kapatid at ilang buwan na lang ang hihintayin ay papasok na sa eskwela ang pangatlo sa kanila. Kaya naman ang simpleng pangangalakal at pag-eekstra bilang kargador ay dinagdagana pa ng kaniyang Ama. Naging tagatinda ng kendi at yosi sa kalsada, kung minsan naman ay basahan. Depende pa sa panahon kung ano ang trabahong makukuha ng kaniyang Ama. Dahil nais ni Cassandra na makatulong, sinasamahan niya minsan ang Ama sa paglalako. Sabay silang sumasabak sa matinding sikat ng araw para lang makapag-abot ng basahan sa mga pampasaherong jeep. Minsan, sumagi sa isip ng munting bata na tumigil na lang sa pag-aaral at ituon ang atensyon sa pagtulong sa pamilya. Ngunit ilang beses na hindi sumang-ayon ang kaniyang mga magulang, imbes ay laging ipinapaala na ang edukasyon na lang ang tanging yaman na maibibigay nila sa kaniya. Kahit nahihirapan at naaawa si Cassandra sa kanilang kalagayan, wala siyang nagawa kun'di ang magpatuloy sa pag-aaral. Noong siya ay makapagtapos na sa ikaanim na baitang at kailangan nang maghayskul, doon mas lalong nag-alab ang kaniyang pagnanais na makatulong sa pamilya. Hindi na tumatandang paurong ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang Ama ay tumuntong na sa ika limampung taon nito at nakakaramdam na rin ng pananakit ng katawan. Ang kaniya namang Ina ay may sakit na tuberkulosis at ni minsan ay hindi pa naipapagamot. "Ma, uminom po muna kayo ng mainit na tubig habang hinihintay si Toto," ani Cassandra habang iniaabot ang baso. Oras na ng tanghalian at nagbabakasakali sila na makakautang ang kanilang kapatid sa tindahan ng kanilang Tiyahin. Habang malakas na umaagos ang ulan, nananalangin nang mataimtim si Cassandra na sana ay nakapagtrabaho ngayong araw ang kaniyang Ama at sana ay nasa maayos itong kalagayan. 'Mahigpit na ipinag-iingat po ang lahat sa paparating na Super Typhoon Ising na inaasahang papasok sa ating bansa ngayong araw. Nakataas sa signal number three ang buong Maynila, samantalang Signal number two naman sa Laguna, Cavite, at buong Bicol Region. Signal one naman sa lalawigan ng Palawan at ang hilagang bahagi ng Visayas. Para sa latest new update, umantabay lamang sa DZWV Radyo patrol.' Malungkot ang mga mata ni Cassandra habang pinagmamasdan ang mga gamit nilang nakabalot na sa plastik. "Ma, sana makauwi agad si Papa para makalikas na agad tayo. Signal three pa naman sa atin," ani 'to. Tanging pag-ubo lang ang naisagot ng kaniyang Ina dahil nahihirapan itong magsalita. Sa wakas, dumating na rin ang kapatid nitong si Toto na may bitbit na dalawang pakete ng nudols. Kaagad na kinuha iyon ni Cassandra at pinitpit. "To, gumawa ka na ng apoy. Tipirin mo lang 'yang panggatong at wala ng iba niyan. Hindi pa naman makapaghanap dahil maulan," utos nito sa kapatid. Wala namang reklamong tumalima si Toto at sinimulan nang ayusin ang mga panggatong at nagsindi ng putol na tsinelas para ipailalim sa mga panggatong. Ihip doon, ihip dito. Huwag hayaang mamatay ang sindi ng apoy. Ihip doon, ihip dito. Huwag hayaang mamatay kahit pa ang mukha ay mapuno ng abo. "Ate, isalang mo na!" bulalas ni Toto. Mabilis na kumilos si Cassandra at maayos na inilapag ang maliit na kaserolang punong-puno ng tubig. "Ilatag niyo 'yong mga plato doon sa loob. Akayin mo na rin si Mama papasok tapos sina Jekjek, patigil mo muna sa paglalaro. Sabihin mo kakain na," utos niya sa nakababatang kapatid. Naglakad palapit sa Ina si Toto at maingat itong inalalayan ang Ina. Dahil siya ay may nakakahawang sakit, lagi itong nakasuot ng mask para mapanatiling ligtas ang mga bata. Mahirap man na sa murang edad ng kaniyang mga anak eh siya na ang inaalagaan nito, walang magawa si Marites kun'di ang maging matatag. "Jekjek, Pampam, itago niyo muna 'yang mga laruan niyo dahil kakain na. Walisan niyo muna 'yong sahig at uupo si Mama, bilis," utos ni Toto sa pang-apat sa magkakapatid na si Pamela o mas kilala sa tawag na Pampam. Mabilis namang kumilos ang pitong taong gulang na babae at masigasig na iwinasiwas ang pudpod na walis tambo. Pagkatapos ng munting patalastas, naupo na sa sahig si Marites. Tinulungan naman ni Jekjek ang kaniyang Kuya Toto sa paglatag ng mga plato sa magaspang na sahig. "Luto na!" bulalas ni Cassandra. Masayang nagtatatalon ang dalawang paslit habang ipinapasok ni Cassandra ang kaserolang may lamang nudols. Masayang pinagsaluhan ng limang tao ang kakarampot na kanin at binusog ang kanilang mga tiyan ng namumutlang sabaw na hinaluan na lang ng asin ni Cassandra upang mapanatili ang lasa nito. "Nga pala Ma, sabi ni Ante kanina, magbayad na raw tayo ng utang. Mahaba na naman daw ang listahan natin sa kaniya," sabi ni Jekjek pagkatapos humigop ng sabaw. "Sasabihan ko si Papa mamaya. Magkano na raw ba ang utang natin?" tanong ni Cassandra. "Hindi ko alam. Hindi naman niya sinabi. Basta raw magbayad na tayo. Pati nga raw 'yong share sa kuryente hindi pa raw naiaabot ni Papa, magbabayaran na naman daw," dugtong pa nito. Umubo nang malakas si Marites dahil sa awa na kaniyang nadarama habang pinagmamasdan ang lugmok na mukhang kaniyang dalawang anak na siyang may-isip sa kung anong estado mayroon sila ngayon. Hindi rin niya maialis ang mga mata sa dalawa niyang maliliit na anak na masarap na isinusubo ang kanin sa kanilang bibig. "To, abot mo nga 'yong tubig," utos ni Cassandra. Mabilis na nagsalin ng maiinom ang lalaking anak ni Marites at ibinigay ang baso sa kaniya. "Ayos lang po ba kayo, Ma? Kapag umalis na 'yong bagyo, pupunta po ako ulit sa center para manghingi ng libreng gamot. Paubos na rin kasi 'yong binigay nila." Hindi magawang sumagot ni Marites dahil walang takip ang kaniyang bibig. Tumango na lamang siya sa nang-aalala niyang panganay bago ipagpatuloy ang pagkain. Mabilis na natapos ang pananghalian ng pamilya Cabrera. Nababahala sila sapagkat lumalakas na ang hanging dala ng masungit na panahon. "Jekjek, Pam, kunin niyo 'yong planggana, bilis. Itapat niyo sa may tumutulo. To, batayan mo muna si Mama at maghuhugas ako ng pinagkainan." Mahirap at labis na nag-aalala si Marites dahil ang kanilang bahay ay hindi matibay upang suungin ang malakas na bagyo. Umaasa na lamang siya na sana ay magbalik nang madali ang kaniyang asawa upang makalikas na sila sa malapit na simbahan. Hindi lang si Marites ang nakakaramdam ng gano'n kun'di pati na rin sina Cassandra at Toto. Habang naghuhugas ng pinggan ang panganay na anak, mataimtim itong nananalangin na sana ay hindi tuluyang magiba ang kanilang bahay dahil hindi niya alam kung saan sila tutuloy pag nasira ito ng bagyo. Si Jekjek naman na siyam na taong gulang ay binabantayan ang tagping yero na nagsisilbing bubong ng kanilang lutuan sa labas. Dahil sa lakas ng hangin, nangangamba siya na baka bumigay ito't liparin. Lumipas ang mga oras na hindi nakakampante ang buong mag-anak. Nakatulog na 'yong dalawang bulilit ng pamilya habang dilat na dilat na nagbabantay ang tatlo na pare-pareho ang ibinubulong, pare-pareho ang idinarasal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.0K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
18.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
214.1K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
47.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
23.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
41.4K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
23.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook