bc

MINT ACADEMY 5: CHAOS

book_age18+
204
FOLLOW
1K
READ
kickass heroine
drama
bxg
multi-character
magical world
special ability
school
like
intro-logo
Blurb

After the epidemic the battle has just began. Will they be able to stop or to neutralize the chaos or they will be part of the chaos?

"Chaos will always be from one's self. No one can stop it but it will grow as the time pass by." A man who's watching everyone panicking while he sipping his red wine with a smile on his face.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: MEETING
Walang nagsasalita sa amin at wari mo'y walang may gustong bumasag sa katahimikan na namamayani sa loob ng conference room namin. It's been two weeks since the bombing in country J happened and we're supposed to stay there for almost a month yet we're forcefully send home since it was not safe there. We all thought that it's only country J but upon arriving in our country we discovered that everything is in chaos. I rest my back and head at my chivel chair and close my eyes. Feeling ko hindi gumagana ang utak ko sa mga nangyayari ngayon. Hindi lang dito sa bansa namin nangyayari ang bombahan kundi sa buong mundo. Hindi pa nga namin na-so-solve ang mga binigay sa amin pero every other day may bombang sumasabog sa iba't ibang bansa at lahat ng iyon ay nag iiwan ng markang six side star. Alam na nang lahat ang ginagawa ng mga taga organisasyon kaya naman aware na rin sila. Instead of hating us for pissing and messing them ay binigyan pa nila kami ng suporta. Yun nga lang hindi ko alam kung hanggang saan ang abot ng suporta nila. Some of our fellow country men are trying to kill us and just few days ago there's someone who points its knife to Min. The day after yesterday it was Jullia who was nearly dead. "Argh!" Napatingin naman kaming lahat kay Mark na bigla na lang sumigaw at nakita naman namin na napasabunot sya sa buhok nya. "Problema mo, lalaki?" Taas kilay na tanong ni Kass nang maka-recover sya sa gulat na ginawa ng boyfriend nya. "Hindi ko na kasi kaya eh." Naiiyak na sambit ni Mark kaya naman pati ako napataas na rin ang kilay ko. "Ang tahimik masyado. Nakakamatay." Dagdag nya. Nagkatinginan kami at saka natawa. Kahit papaano at least may isang tao na handang pagaanin ang atmosphere sa paligid. Napailing na lang ako saka bumuntong hininga. "Ano ang balita ng government?" Tanong ko kay Henry at saka naman sumeryoso ang mukha nya. "Hindi pa alam kung sino ang nag hack ng secured system ng gobyerno natin." "Even the H.A.C.K? They can't trace them? Di ba sila ang pinaka magaling na hacker? No one can't beat them when it comes to hacking, di ba?" Gulat at hindi naman makapaniwalang sambit ni Yana. Tama si Yana. H.A.C.K is one of the most powerful hacker in the world and they never fail to identify who tried to mess with them. Kahit ang apat na lalaking pinaka magaling mag secure ng system hindi kayang harangan ang H.A.C.K. If a veteran hacker can't find nor identify who is messing with them then there's something... "Don't you think it's kind of suspicious?" Tanong ko sa kanila at sa akin naman napabaling ang tingin nila. "We all know how veteran the H.A.C.K when it comes to hacking but they can't even find the hacker. Maybe the hacker has special ability." Seryoso ko pang dagdag. Ipinatong naman ni Henry ang baba nya sa likod ng pinag-intertwined nya na kamay at seryosong nakatingin sa akin. Yana crossed her arms and also looked at me like I did say something that hit the jackpot. Si Min at Jullia naman ay napangalumbaba, si Mark ay tumatango tango at si Kass naman ay nakahawak sa baba. "It can be. Knowing na may nakalaban kayo ni Henry na may ability din, hindi imposible iyon." Sambit ni Min. "And if ever na may ability nga ang nag hack ng secured system ng government then it must be related to technology like Kass." "Mas advance pa sa ability ko, Jullia." Seryosong sabi ni Kass at tumingin sa amin. "I can only make three dimensional struckture and my hologram's other duty is to communicate. Pwede din for searching but those abilities? Like hacking? No, hindi kasama iyon sa ability ko." "If what you said is correct," Sambit naman ni Henry at lumapit sa isang white board at kumuha ng white board marker. "This organization," He wrote organization and bellow that he wrote advance technology ability. "Meron silang advance technology ability employee. Hindi lang iyon ginamit din nila ang symbols nila to tell us na sila ang may gawa ng mga iyon ibig sabihin ay may kumpyansa sila na hindi sila mahuhuli." Napabuntong hininga na lamang ako at saka tumingin kay Henry, "Hindi mo ba sinubukan alamin ang mga mangyayari?" Umiling si Henry saka sinabing, "Ilang beses ko nang sinubukan na alamin ang mga mangyayari na may kinalaman sa organization but I failed. Hindi dahil sa hindi ko kontrolado ang ability ko kundi ay may humaharang sa akin." "Humaharang? You mean some kind of barrier?" Min asked. Yana and Henry nod, "Yup, hindi ko alam kung papaano nila nagawa iyon pero isa lang ang masasabi ko. Para sa kagaya kong clairvoyant na hindi fully develop ang ability ay baliwala lang sa kanila. They're monster." He added. Nilaro ko ang ballpen na hawak ko and then I heard Mark said, "What if may kinalaman ang mga taga Twelve Academy dito?" Sandali kaming napatigil sa sinabi nya at nagkatinginan kami. That time, yung sumugod sa Twelve Academy forcing us to do some weapons to counter them. Hindi kaya... Bigla na lang kumalabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan at napahawak naman ako dito. "Okay ka lang, Kesia?" Dinig kong sambit ni Yana na may halong pag aalala sa boses nya. Tumango naman ako, "Okay lang ako bigla lang akong kinabahan. Hindi ko lang alam kung bakit." Marvin. Para akong timang na bigla na lang napatulala nang wari ko'y may nagbigkas sa pangalan ni Marvin sa tenga ko pero alam ko sa sarili ko na galing iyon sa isip ko. Hindi kaya may nangyaring hindi maganda kay Marvin at kuya Jared? "Sila kuya Jared ba hindi pa rin bumabalik?" Tanong ko sa kanila at agad naman sila umiling. "Sabi sa akin ni ate Raquel noong kumuha ako ng papers sa office ni kuya Jared wala pa raw syang balita." Sambit naman ni Jullia, "Hindi ko alam pero feeling ko may nangyayari na hindi natin pwedeng malaman." She added. She's right. Kapag involve talaga ang Forbidden Queen hindi kami pwede basta basta makisali dahil pwede namin itong ikamatay. Just by disobeying her rules will put us six feet under the ground. "Pero sinabi ba nila kuya Jared kung kelan sila uuwi? Or may sinabi ba kuya mo sayo?" Tanong naman ni Kass na may halo ding pag aalala sa boses nya. Umiling naman si Jullia, "Wala eh. Hindi din daw alam ni ate Raquel kung kelan ang uwi nilang dalawa. Pero huwag daw tayo mag aalala dahil uuwi din naman daw sila." Huwag mag alala. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Hindi namin alam kung anong nangyayari sa kanila at bawal din naman namin malaman kung ano ang gagawin nila. Madali mang sabihin na okay lang kami at hindi kami nag aalala pero deep down in our hearts alam namin na nag aalala kami. "About the letters and numbers na binigay sa atin noon sa country J. Hindi pa rin ba natin i-sosolve iyon?" Tanong ni Mark at napatingin naman kami sa kanya. "It's been two weeks at mukha atang nakalimutan nyo ang letters and numbers na binigay sa atin." "Ow." Agad na react ni Yana indicating that she almost forgot. "So do I, I almost forgot about it." Dagdag naman ni Yana. Sinulat ulit ni Henry ang mga letters at numbers na binbigay sa amin sa bombing sa country J. Hindi namin alam kung paano ito masasagutan lalo na ako dahil hindi naman ako mahilig mag decode. 07161995,34.5199N105.8701W,34.5199N105.8701W 08061945,34.3853N,132.4553E,34.3853N,132.4553E "These numbers, feeling ko sinasabi nito ang location." Agad na sambit ni Mark at napatingin naman kami sa kanya, "Sorry, naexcite lang. Mahilig ako sa mga ganito eh kaka-excite kasi." He added and he gave us a peace sign. "Then why don't you lead us?" Sambit naman ni Henry at napatingin sa kanya si Mark saka napanganga. "You know something about this code so you brought this up and I am sure na may naisip ka na possible na sagot." Dagdag pa nya. "But-" "Huwag ka nang umangal pa lalaki. Binibigyan ka na nga ng opportunity ni Henry eh. I know you loved this kind of stuff so wag kang pabebe okay?" Napaawang naman si Mark sa sinabi ng kanyang girlfriend saka napailing na lang, "Fine, kung yan ang gusto nyo." Tumayo naman si Mark at pumunta sa harap ni Henry para kunin ang white board marker at saka naman sya pumunta sa harap ng white board samantalang si Henry naman ay naupo ulit sa pwesto nya- sa tabi ni Yana. Naiinggit tuloy ako, miss ko na si Marvin. I mentally pout. Hindi bagay sa atmosphere ang attitude ko kapag na-mi-miss ko si Marvin so I have to do it on my own mind. Mahirap na baka maasar pa ako. 07161995,34.5199N,105.8701W,34.5199N105.8701W08061945,34.3853N,132.4553E,34.3853N,132.4553E "Gaya nga ng sabi ko it can be a place or a plan." Tapos nilagyan naman ng red circle ang W, N at E. "These two letter represent as West, East, and North." So he really does have a talent about this. Bakit ngayon ko lang nalaman? "As a former mission team we're forced to know everything that can be a possible answer so this is the closest one I can think of about the letters. Since the letters is about the corresponding places then these numbers." Nilagyan naman nya ng blue line ang mga number na may corresponding na direction saka sya tumingin ulit sa amin, "These are the exact location. The altitude and the longitude of the place." Tumingin naman si Mark kay Kass, "Babae, can you do a three dimensional version of these places?" Napa-smirk naman si Kass at nagkaroon ng three dimensional sa ibabaw ng conference table. "According to my research the place that came from that clue is..." May ilang tipa syang ginawa sa holographic keyboard nya saka naman lumabas ang exact place. "New mexico of country A." and "Hiroshima of country J." "Country A and country J? Both are powerful country and both of them are againts the organization. Ano ibig sabihin nyan?" Tanong naman ni Yana na halatang naguguluhan. "And the answer will be from these numbers. 07161995 and 08061945." Agad na sabi ni Mark. "Can you make it a date of an event?" Tanong ni Min. "Napansin ko kasi ang 1995 at 1945 eh feeling ko lang date sila." Napatingin naman kami kay Kass at saka nanlaki ang mga mata namin sa nakita namin sa hologram nya na nasa harapan namin. "Don't tell me they're planning to..." Mahina kong sambit at mas lalong dumagdag pa ang kaba na nararamdaman ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.5K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook