bc

Young Hearts B2: Dating Ms. Tomboy

book_age16+
615
FOLLOW
1.1K
READ
badboy
goodgirl
comedy
bxg
humorous
lighthearted
campus
first love
school
classmates
like
intro-logo
Blurb

Iniwan ni Elven ang pagiging Casanova niya nang makilala niya si Ara ang nagpabago ng katauhan niya, akala niyang minahal na babae eh mahal din siya ay isa palang malaking AKALA, nagsisi siya na seneryoso niya ito lalo na nang makipag-break ito sa kanya, ang malala pa roon ginamit lang pala siya ng dalaga.

Gusto niyang maghiganti sa ginawa nito sa kanya ni Ara, gagawin niya ang lahat para lang mapabagsak niya ito, makukuha lang niya ‘yon kong may isang siyang ipangtatapat, si Max. Ang tomboy-next-door na lalaki pa kong pumorma sa kanya, pero sa loob ng cargo pants na palagi nitong suot, loose shirts at messy bun hair, may aking gandang ito na hindi inaakala ng lahat.

chap-preview
Free preview
First Break-up
Elven’s POV Maingay sa buong paligid pero ramdam mo ang saya ng bawat isa, kantahan, tugtugan, batian ng mga magkakakilala at kong ano-ano pa ang nangyayari sa venue kong na saan ako ngayon. Ako heto, naghihintay sa paglabas ng pinakamagandang babae sa buhay ko, si Ara. Ang Ara ng buhay ko, sa totoo niyan malabong kaming kami na kahit ako hindi makapaniwala, siyang nerd noong makilala ko siya, manang kong magsuot, may malaking salamin at hindi nag-aayos. Pero nagandahan ako sa kanya, doon na nag-umpisa ang lahat hanggang sa ligawan ko siya, maging kami at almost one year na rin kami. Well, pagnarinig mo ang pangalang Elven Monforte kikiligin ka na, pagmakita mo pa lang ako makalaglag panty, sabi ng mga nakausap kong babae, Elven is Elven, pero nagtataka ako kong bakit sinasabi nilang Casanova ako or playboy, dahil lang ba marami ka nang nakakausap na chicks eh playboy na, inggit lang sila dahil marami akong kaibigang babae. Pero mas pinili kong si Ara na lang ang babae sa buhay ko, pakiramdam ko nagbago ako, wala na ang mga babae, ako na mismo ang umiiwas katulad ngayon puro lang ako ngiti sa mga babae, ito naman mga babae ngitian lang akala nila gusto ko na nila, minsan talaga maraming assuming sa mundo. “Hi,” pa cute pa nong isang babaeng lumapit sa akin. “Hello,” tugon ko naman sa kanya, nakakahiya naman kong hindi ko pansinin. Magsasalita pa sana siya nang lumipat ako ng ibang upuan, inayos ko ang bow tie na suot ko, hindi naman makapaniwala ang babaeng iniwan ko sa upuan ko kanina, sorry sila may Ara ako, ayokong magselos o magalit siya. Na saan nga pala ako? Na andito lang naman ako sa 55th launch ng magazine na si Ara uli ang cover, ako mismo ang nagpasok sa kanya sa kompanya namin na may hawak sa sikat na magazine company about sa mga beauty products at fashion styles. Alam ko kasing maganda siya, ‘yon nga lumabas ang tunay niyang ganda, sikat siya dahil sa pag-modelling sa kompanyang hawak ng pamilya ko at may iilang commercial, pinag-aagawan nga siya ng ibang modelling company dahil perfect model siya sa mga teenage fashion. Napasulyap ako sa direksyon na tinatakbo ng mga cameraman at photographer na andito sa venue kasi dumating na ang star ng gabing ‘to, nakasuot siya ng pink dress na abot hanggang tuhod, tube style, nakasuot ng 3 inches na heels na kulay puti, ngiting-ngiti siya sa lahat, nahahawa ako sa ngiti niya kaya napangiti ako. Pero nawala ang ngiting ‘yon nang makita ko kong sino ang kasama niya, si Orle? Akala ko ba ako ang mag-escort sa kanya paakayat sa stage, bakit iba ang kasama niya? Si Orle pa, akala ko ba na iinis siya sa taong ‘to dahil sobrang yabang, isa rin itong model na madalas niyang makapartner sa photo-shoots.   Sumulyap siya sa akin si Ara at ngumiti saka siya tumingin sa mga naroon kong saan ang mga camera. Baka naman nag-iba ng plano, nakita ko si Kuya, siya lang naman ang may alam sa lahat ng ‘to dahil siya ang humahawak kay Ara at isa siya sa boss ng kompanya namin. “Hey,” sabay harang ko sa kanya bago niya ako lagpasan. Tinaasan niya ako ng kilay, kasama niya sa likod niya ang sekretarya niyang parang wala sa mood palagi, baka nasabon na naman ni Kuya. “Anong kailangan mo?” Iritado niyang tanong sa akin. “Bakit iba na ang escort ni Ara, akala ko ba ako?” “Huh?” “Huh?” Inulit ko dahil nagtataka ako sa reaksyon niya. “Huh?” Inulit niya uli. “Ano ba Ely!?” Napasigaw na ako sa inis pero buti na lang maingay kaya hindi nila lama na sigawan ko ang boss ng kompanya. “Bakit mo kasi sa akin tinatanong yan? Niloloko mo ba ako, kahapon lang nagbago lahat ang plano, sabi kasi ni Ara nakipag-break ka raw sa kanya, dahil heartbroken siya mas gusto niyang si Orle na lang ang maging escort niya.” “What?” Hindi ako makapaniwala sa kwento ni Kuya Ely, wala akong naalala na nakipag-break ako sa girlfriend kong si Ara. “Bro this is misunderstanding, hindi ako nakipagbreak sa kanya, totoo bang sinabi niya yan sayo?” Kahit siya’y parang nalilito pero muli siyang bumalik sa pagiging seryoso, huminga siya ng malalim na para bang pagod na pagod, “dude wala akong oras para pag-usapan ang problema ninyo, may trabaho pa ako, dyan ka na.” I was dumbfounded. What I’ve done? Dahan-dahan akong sumulyap sa stage kong na saan siya, masayang kasama si Orle? HINDI ko na tinapos pa ang launching, hinintay ko si Ara sa dressing room na nakalaan sa kanya, gulong-gulo ako sa nalaman ko, pati ang saya ko nawala lahat, hindi ko alam, parang hindi maganda ang mangyayari ngayon.             Napasulyap ako sa pintuan nang magbukas ito, tawa agad ni Ara ang narinig ko, napasulyap silang dalawa sa akin nang makapasok sila dahil kasama niya si Orle, nawala ang mga ngiti nila sa labi.             “Orle mamaya na lang uli,” sabi ni Ara sa gagong Orle na ‘yon.             “Sige,” nang laki ang mata ko nang halikan niya si Ara sa noo sa mismong harapan ko bago siya umalis, dahil sa inis napatayo ako, pumayag siyang gawin ‘yon sa kanya? Sa mismong harapan ko pa talaga!? Nakakagago.             “Anong ibig sabihin no’n?” Tanong ko sa kanya at pilit kong pinapakalma ang aking boses.             Sinulyapan niya ako na parang pagod na pagod at walang ganang makipag-usap sa akin.             “I don’t wanna see you right now, Elven, pagod ako, mag-aayos lang ako at uuwi na rin.”             Napangisi ako, “pagod o makikipagdate ka lang kay Orle?”             Humarap siya sa akin at para bang iritado sa akin, the way tumingin siya sa akin para bang hindi na siya ang malambing na Ara na nakilala ko, ang taray ng mukha niya.             “Ano naman ngayon kong makikipag-date ako sa kanya, ano bang pake mo?”             Mas kinagulat ko ang mga sinabi niya, napapakuyom na ang kamao ko sa galit at inis.             “Ano bang problema mo Ara? Mag-usap naman tayo ng maayos, akala ko ako ‘yong escort mo ngayon sa event pero nalaman kong nakipag-break daw ako sayo,” diniin ko talaga ang mga salitang binibitawan ko, “kong hindi pa ako magtatanong hindi ko malalaman, para akong tanga kanina, tapos ganito ka pa?” Sumasagot ang ulo ko dahil sa kanya, sa tagal naming magkarelasyon ngayon lang kami nagkaroon ng problema. “Do you want the truth? Matagal na akong gustong makipagbreak sayo, ang baduy mo sa pagtawag mo sa aking baby, nakakasuka ang mga yakap mo at nakakadiri yang mga paglalambing mo sa akin, oo tanga ka kasi nahulog ang loob mo sa akin, alam mo ba ang totoo, ginamit lang kita para makuha ko ang pangarap kong maging model at cover ng isang magazine, that’s the truth and you are the big problem na dapat mawala.” Para akong sinapak sa mga sinabi niya, “what?” Tanging lumabas sa bibig ko, “hindi pwede, nagsisinungaling ka lang, diba,” siguro nakakaawa na akong tignan, pero mahal kong ‘to si Ara, “mahal mo ako diba?” Ngumisi siya sa akin, “ako mahal kita? Elven kailan pa, sumakay lang ako sa trip mo, malakaing swerte na siguro na nagkagusto ka sa akin, matagal ko nang boyfriend si Orle simula nang makapasok ako sa kompanya ninyo, hindi mo ‘yon alam dahil sobra mong tanga, pinalaki nga sigurong tanga ng mga magulang mo, sorry na lang Elven pero break na tayo.” Kinuha niya ang sling bag niya sa upuan at tinalikuran ako hanggang sa makalabas siya, ako naman ito hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari, gusto kong manapak, gusto kong uminom, sabihin ninyo hindi ‘to totoo?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
234.1K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.4K
bc

Rewrite The Stars

read
94.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook