bc

Hari Ng Selda (Filipino)

book_age16+
6.2K
FOLLOW
52.0K
READ
revenge
possessive
age gap
badboy
mafia
king
drama
tragedy
comedy
small town
like
intro-logo
Blurb

Napaka-selfish at the same time selfless magmahal.

Selfish, kasi ayaw mong may makapiling siyang iba.

Selfless, kasi handa mong isuko at ibigay ang lahat para sa kanya.

Ang pagmamahal na minsan ay nasa maling pagkakataon o sa maling tao..

Paano mo ito ilalaban sa buong mundo na ang isinisigaw ay hindi kayo para sa isa't isa?

At paano kung habang lumalaban ka para sa inyong dalawa ay bumitaw na pala ang taong pinaglalaban mo?

Hanggang sa mapapaisip ka na lang kung ipinipilit mo nalang ba ang sarili mo sa kanya o pinipilit mo siya para sa sarili mo..

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Maria's POV   "ALEXANDER SIMON o alyas Alas kung tawagin sa loob at labas ng bilangguan. Ang kaso niya, pinatay niya ang sarili niyang ama." Tinitingnan ko ang hawak kong folder kung nasaan ang litrato ni Alas. Ang Hari Ng Selda na kinakatakutan at pinangingilagan ng kahit sino man. Ang tinitingala ng mga kapwa niya preso maski ng mga alagad ng batas—mga pulis. "Kaya mo bang pumasok sa bilangguan para lang ma-interview 'yang si Alas, hija?" Unti-unti akong tumango nang marahan habang hindi bumibitaw ang mga mata ko sa litrato ni Alas na animong nakatitig din sa akin. Para akong nahipnotismo sa kulay lupa niyang mga mata. "Sheena, what to do? What to do? My God! Bakit ba kasi ako um-oo kay Sir Dizon? Napasubo tuloy ako!" Nagpapadyak ako sa inis. "E, kasi nga, na-hipnotismo ka niyang si Alas," pang-aasar niya na ikinahaba ng nguso ko. "Pero in fairness, napakaguwapo at napaka-amo ng kanyang mukha, a! Bad boy ang datingan. Iba rin ang karisma," wika niya habang tinititigan ang picture ni Alas. Agad ko iyong hinablot sa kanya at itinago sa loob ng folder. "Sus! Ang damot! O, sige na. Sa iyo na 'yang si Alas. 'Di ako pumapatol sa kriminal," tawang aniya pero hindi ko nagustuhan ang huli niyang sinabi. Para bang nagpanting ang tainga ko dahil sa panghuhusga niya agad sa taong hindi pa namin nakikilala. "Sheena, kung wala kang magandang sasabihin sa taong ito, itikom mo na lang ang bibig mo," seryoso kong sabi sa kanya na ikinatitig niya sa akin. "Maria, c'mon. Huwag mong sabihin nahulog ka na agad d'yan sa Alas na 'yan sa isang titig mo lang sa picture niya? And, I am just saying the truth. He is a criminal!" Inirapan ko siya at tinalikuran bago lumakad palayo. Kaibigan ko siya pero wala siyang karapatang manghusga ng kahit sino lalo na ng mga preso na hindi lahat ay nagkakasala para mapiit sa impyerno na kung tawagin ay bilangguan sa ibabaw ng lupa. Masama ang manghusga ng kapwa mo. Tanging ang nasa taas lamang ang may karapatang husgahan tayong lahat. Dahil nawala na ako sa mood ay dumiretso na lamang ako ng uwi mula sa school. Naiinis ako kung bakit ganito na lang ang asar ko kay Sheena nang tawagin niyang kriminal si Alas. Ano bang nangyayari sa akin? Ang profile ni Alas ay pinag-aralan kong mabuti. Pero background ng family niya at kung saan talaga siya nagmula ay unknown. So, paano ko sisimulan ang interview ko sa kanya bukas? Damn. Napasubo ako. Katok sa pintuan ng kuwarto ko ang nakapagpagising sa ‘kin. "Maria, nand'yan ka ba? Halika na, kakain na tayo ng hapunan." Napabangon ako bigla sa tawag ni Nanay Trining, ang aming mayordoma. "Nand'yan na po," sagot ko bago ko hinubad ang lahat ng saplot sa katawan ko at nagpalit ng damit pambahay. Nakatulugan ko na ang pagbusisi sa katauhan ni Alas kaya pati uniform ko kanina ay hindi  na napalitan. "Ang daddy at mommy mo ay kararating lang mula sa Spain." Natigil ako sa pagbibihis nang marinig ang sinabi ni Nanay Trining. Bakit nga naman hindi? Mahigit kalahating taon silang nasa Spain for business daw. Ngunit hindi man lang ako matawagan kahit na isang beses lamang. Nag-iisa na nga lang nila akong anak ay mas pinaramdam pa nila. Hindi naman materyal o pera ang kailangan ko na lagi nilang binibigay. Pagmamahal. Pagmamahal ng isang magulang ang kailangan ko, hindi ano pa mang bagay. Kahit lumaki ako sa marangyang buhay ay hindi ako lumaking maluho sa katawan. "Sige po, 'nay. Susunod na po ako," matamlay kong sagot muli bago humarap sa malaki kong salamin. "Smile, Maria. Nandito na ang mga magulang mo," kausap ko sa aking sarili  habang nakaharap sa salamin. Pilit kong pinatatatag ang sari-saring emosyong nakapaloob sa dibdib ko kahit gustong-gusto na nitong bumigay at kumawala. "Welcome home, Mommy, Daddy. Na-miss ko po kayo," pilit na saya ang pinakita ko sa mga magulang ko. Niyakap ko sila nang mahigpit at hinalikan sa mga pisngi nila. "We're very sorry, hija. Hindi kami nakauwi agad o nakatawag man lamang sa 'yo habang nasa Spain kami. Sobrang busy lang namin ng dad mo sa mga negosyo natin, at nagkaroon ng aberya ang isa nating negosyo kaya kami inabot ng kalahating taon sa Spain. Kumusta ka na? Nagda-dalaga ka na talaga, anak. Seventeen years old ka na." Nabura ang malaki kong ngiti at pilit na tawa ang kumawala sa ‘kin. "Mommy, I am twenty years old na po." Natahimik siya at saka nag-iwas ng tingin sa akin. Kunwari'y inasikaso ang mga pagkain na inilalagay sa plato ni Dad. Napayuko ako at napakagat-labi. Kinalma ko ang aking sarili bago nag-angat ng tingin sa kanila. Sumalubong sa akin ang seryosong mga mata ni Dad na kailanma'y hindi ko nakitaan ng kahit na anong emosyon kapag ito'y dumadapo sa akin. "Kumusta ang pag-aaral mo?" seryoso at malamig niyang tanong bago sumubo ng pagkain. "Isang interview na lang po, last project namin and after that, magpi-pictorial na po kami for our graduation, Dad," nakangiti kong sabi sa kanya na ikinatango niya. "May boyfriend na ba ang anak ko?" malambing na tanong ng aking ina na ikinatingin ko sa kanya. Agad akong umiling bago nagsimula kumain. Mas maayos pa sa pakiramdam kapag hindi ko sila kasalo sa hapag. Napatawa ako nang pagak habang nakatingin na naman sa malaki kong salamin. Sarili kong magulang hindi alam kung ano ang edad ko? What the fucking fuck? Sa sobrang busy nila hindi na nila maalalang may anak sila. Napailing ako at inihiga ang sarili sa aking kama. Pumasok bigla si Alas sa isip ko. Bumangon muli ako at kinuha ang folder niya at saka hinarap sa laptop ko para mag-type ng ilang impormasyon at kung ano ang mga tanong na ibabato ko sa kanya sa interview. Kaya ko kaya? Napahinga ako nang malalim bago ipinag-patuloy ang ginagawa. Kakayanin ko ito para sa pag-aaral ko. Last project na namin ito at hindi ko alam kung bakit ganitong project ang binigay sa aming mga estudyante. Ano'ng mayroon sa mga presong pinapa-interview ni Mr. Dizon sa amin?    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.3K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.2K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.8K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
453.8K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook