bc

Trained by my CEO

book_age18+
20.7K
FOLLOW
120.5K
READ
billionaire
possessive
sex
CEO
billionairess
office/work place
virgin
gorgeous
wild
like
intro-logo
Blurb

Mahirap lamang si Sandra Fuentes kaya kailangan niyang kumayod. Gamit ang angking ganda'y akala niya ay makukuha niya ang lahat- ngunit nagkakamali siya.

Buong akala niya ay sapat na ang gandang mayroon siya upang magkaroon ng desenteng trabaho...

Bilang isang secretarya ng gwapo ngunit masungit nitong boss na si Axel Montemayor.

May pag-asa bang mabuo ang salitang "pag-ibig" sa dalawang taong may magkaibang mundo? Si Sandra Fuentes na maganda pero lumaki sa hirap at ang boss nitong bilyonaryo pero arogante...

“Maganda ka lang, Miss Fuentes. Use your beauty to gain more advantage which I think the only reason why you’re here in my company.” - Axel Montemayor

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sandra’s POV “WHAT the f*ck, Miss Fuentes!” sigaw ni Mr. Montemayor nang tuluyan kong nabitawan ang hawak kong isang baso na punong-puno ng kape. Hindi ko alam kung saan iyon dumapo lalo pa at sa puntong ito ay nakapikit ang dalawa kong mga mata sa sobrang takot. Hindi ako nakagalaw sa aking kinahihintuan basta ang tanging bumalot sa aking presensya ngayon ay ang malakas niyang boses. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Ngayon ay sobrang bumilog ang aking paningin nang makitang binabalot na ng kulay itim ang suot niyang suit na alam kong dahil sa kapeng dala-dala ko kanina. Mula sa kanyang leeg paibaba sa kanyang binti--- bawat sulok ng kanyang katawan ay nakakalat ang kape na naitapon ko. Lagot na… “S-sorry Mr. Montemayor. H-hindi ko po sinasadya.” Utal na wika ko lalo pa ngayong wala akong ibang maiharap sa kanya kung hindi ang matinding hiya. Ni hindi ko na siya magawang tingnan sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung sapat ba ang patawad lang sa nagawa kong ito. Hindi ko man tanaw ang kanyang pagmumukha ngunit naaninag ko pa rin ang galit nito dahil sa nagawa ko. Ni ramdam na ramdam ko ang usok na alam kong umaalburoto na sa kanyang tainga ngayon. “Sa tingin mo maibabalik pa ng sorry mo ang malinis kong damit sa araw na ito? Dammit, Miss Fuentes! It is still 9 0’clock in the morning and you ruined my entire day just because of this f*cking cup of coffee!” sigaw niyang muli. Hindi siya gumalaw sa halip ay nanatili lamang na nakaangat ang kanyang kamay na alam kong dahil sa kapeng bumabalot sa buong katawan niya. Nanatili lamang akong nakayuko at sa puntong ito ay wala pa akong planong umangat ng paningin. Sino ba naman ang hindi magmamadali sa sitwasyong hindi ka pa nga tapos sa naunang utos ay alam kong may kasunod na naman. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako magkakaroon ng lakas upang manatili pa nang mas matagal sa trabahong ito. Buong akala ko ay magiging madali lang ang pagiging secretary ngunit hindi ko inakalang daig pa pala nito ang isang maid sa dami ng gawain! Akala ko noong una ay sa opisina lamang ang aking tungo at buong araw na nakaupo ngunit hindi pala! E, daig ko pa ang pumasok bilang personal assistant nito e! Hindi ako nagsalita sa kanyang harapan. Hindi lang naman ito ang unang beses na nagkaroon ako ng kasalanan sa kanya ngunit alam kong ito na ang pinakamalupit na nagawa ko na alam kong walang sino man ang hindi magagalit. “Help me to fix it,” ngayon ay naging kalmado na ang kanyang boses. Nanatili lamang siyang nakatayo sa aking harapan kaya napaangat lamang ako ng tingin--- matangakad pa rin siya kaysa sa akin kahit pa high-heeled sandal na ang aking suot. “P-po?” tanong kong muli at baka nagkakamali lamang ako ng pandinig. “Tanga ka na nga, bingi ka pa,” umiwas siya ng tingin sa akin at may kung anong kinuha sa kanyang mesa saka iyon ibinato sa akin. Tumama iyon sa aking dibdib. “Fix this mess, Miss Fuentes. Masyado pang maaga upang mangamoy init ako. Nakakahiya sa mga impleyado.” Pagpapatuloy pa niya. Hinawakan ko na lamang ang bagay na binato niya sa aking harapan na sa dibdib ko pa iyon tumama. Isa iyong tissue. Ilang segundo akong nakatitig doon at bumaling muli sa imahe ni Mr. Montemayor ngunit laking gulat ko nang makita ang kasunod niyang naging hakbang. Dahan-dahan niyang tinanggal ang mga botunes ng suot niyang suit. Mula sa itaaas na parte nito ay dahan-dahang iniluwal nito ang presensya ng kanyang dibdib. Hindi ako makagalaw sa halip ay nanatili lamang akong nakatitig roon. Hindi niya tuluyang tinanggal ang botunes ng suot niyang suit sa halip ay bumaling itong muli sa akin. Kasing bilis ng hangin na nagbago ang aking reaksyon- - - mula sa kanyang dibdib ay kaagad na napalipat ang aking mga mata sa kanyang mukha. “Ano pa ang tinitingin-tingin mo diyan? Fix it. Ikaw ang gumawa ng kalat na ito kaya ikaw rin ang lilinis.” Wika niya dahilan upang mas lalo lang bumilog ang aking mga mata. Tuluyan na rin akong napalunok ng sarili kong laway at pakiramdam ko sa puntong ito ay tuluyan nang nanunuyo ang aking lalamunan sa sobrang kaba. Hindi na ako umangal pa. Marahan ang bawat paggalaw ko sa puntong ito. Dala ang isang pirasong tissue ay dahan-dahan kong tinaggal ang botunes sa suot niyang suot. Umaga pa lang ngunit pawis na pawis na ako lalo pa at sa tuwing nakakapagtanggal ako ng isang piraso ay unti-unti ko ring nakikita ang kanyang katawan--- ang kakaibang hugis ng kanyang katawan. Hindi ko alam kung kaba ba itong aking nararadaman o kung ano. Dahan-dahan kong pinunasan ang kanyang leeg paibaba sa kanyang dibdib. Hindi ako nagtangkang tingnan ang kanyang ekspresyon lalo pa at wala akong mukhang maiharap sa kanya. Pakiramdam ko ay parang kakainin na ako ng kinatatayuan ko ngayon. Ni parang nakalimutan ko na ang huminga dahil sa pinapagawa niya sa akin ngayon. Ilang beses akong napalunok ng sarili kong laway. Nais kong umiwas ng tingin ngunit ayaw kong isipin niyang niyang naiilang ako sa aking ginagawa. Mula sa kanyang dibdib ay bumaba ang pagpunas ko sa kanyang tiyan at mula doon ay pansin na pansin ko ang kurba ng kanyang katawan. Nginig na nginig na ako na kulang na lamang ay mapapansin niya ang panginginig ng aking kamay. Ilang segundo pa at tuluyan ko na iyong napunasan. Wala na akong makitang bakat ng kape sa kanyang leeg paibaba sa kanyang tiyan pwera na lamang sa suot niyang pang-ibaba na alam kong hinding-hindi ko na kayang linisin pa. Dammit! This should be the most awkward day for me! Maging aral na sa akin ito--- huwag magmadali sa trabaho kung ayaw magkamali. Napaayos ako sa pagtayo. Mabilis kong tinapon ang tissue sa storage box saka hinarap siya sa kanyang mukha. Ngayon ay nanatili pa ring nakabukas ang suot niyang suit at hindi ko na rin alam pa kung ano na naman ang kasunod niyang ipapagawa sa akin. Nais kong lisanin ang silid na ito at nang makatakas sa kabaliwang pinapagawa ng lalaking ito ngunit hindi ko magawa lalo pa at isa iyong malaking kawalang-respeto. Boss ko pa rin siya at handa kong sundin ang anumang magiging utos niya sa akin. “Kneel down,” mahinang sambit niya sa akin dahilan upang muling bumilog ang aking paningin. Mula sa kung saan ay napabaling ako ng paningin kay Mr. Montemayor. Lalo pa at parang may kung anong nabubuo sa katatagang binitawan niyang iyon. Hindi ko alam kung bakit ngunit kaagad na binalot ng matinding init ang aking katawan kasabay ng tuluyang pagpatak ng pawis sa aking sintido. “P-po?” tanong ko lalo pa at nais kong linawin ang kanyang sinabi. Baka nagkamali lamang ako ng dinig. “Kneel down, Miss Fuentes,” wika niyang muli dahilan upang mapalunok ako ng sarili kong laway. Dammit! He’s Crazy!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook