bc

A Soldier's Love Montenegro

book_age18+
19.0K
FOLLOW
68.1K
READ
possessive
aloof
drama
sweet
scary
captain
soldier
small town
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Si Bianca, umuwi ng bansa matapos ang dalawang taon na pagiging ofw abroad. Hindi niya inaasahan na sa kan'yang muling pagbabalik sa bansa ay makakaranas siya ng kabiguan sa lalaking kan'yang minahal at pinagkatiwalaan.

Ayaw na niyang masaktan tulad ng naranasan sa dating boyfriend na sundalo kaya umiwas siya sa mga lalaking nasa serbisyo. Ngunit, mapaglaro ang tadhana dahil hindi titigil ang isang First Lieutenant Mateo Montenegro na gagawin ang lahat mahalin niya.

Handa kaya siyang sumugal alang-alang sa tunay at wagas na pag-ibig na kan'yang inaasam? Paano kung muling maging mapaglaro ang tadhana at muli siyang maging biktima ng nakatagong kasinungalingan sa likod ng pagkatao ng taong kan'yang pinagkakatiwalaan?

Lalaban ba s'ya para sa pag-ibig o muling susuko dahil napagod na ang kan'yang puso?

-----------------------------------------------------

All Rights Reserved, 2021

Do not copy, plagiarism is a crime.

©️ Dragon1986

-----------------------------------------------------

Warning‼️

Hindi ito typical na romance, 2nd chance love story ang plot ng kwento na ito kaya matagal lumabas ang bidang lalaki.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAIA TERMINAL 1 Habang pababa ang eroplanong sinakyan ni Bianca ay hindi niya mapigilan ang labis na excitement na nararamdaman. It's been two years ago simula ng huling tapak ng mga paa niya sa bansang sinilangan. Hindi siya mapakali sa upuan, habang panay ang silip sa labas ng katabing bintana. "Hoy, Bianca, kumurap ka naman," sabi ng kaibigang si Sheng. Kasamahan niya ito sa trabaho at pareho silang galing sa isang agency na in-aplayan nila papuntang Lebanon. "Ano ka ba, nag-eemote ako dito at ninanamnam ko ang oras na ito, h'wag ka munang makulit, bessy," sagot ni Bianca na hindi maitago ang excitement at saya. "Oo na. Ako rin ganyan, bessy. Parang katumbas ng sampung taon ang dalawang taon natin sa abroad sa sobrang homesick natin doon," sagot ni Sheng na katulad niya ay excited rin. "Hay, sinabi mo pa. Kahit anong mangyari, hinding-hindi na ako babalik doon, Sheng. Kaya hindi na ako nag-renew ng contract sa kanila, dahil ang hirap nilang pakisamahan," reklamo pa niya habang hindi inaalis ang mga mata sa tanawin sa labas ng bintana. "Ay, tama ka d'yan, bessy. Ako rin, kahit magmakaawa pa sila sa akin, hindi na talaga ako babalik sa kanila. Kaya sumabay na ako sa 'yo pauwi, dahil alam ko naman na mas mahihirapan ako, kung magpapaiwan pa ako doon," naiinis na sagot ni Sheng, habang iniisip ang mga naging amo sa abroad at pinagsilbihan nila sa loob ng dalawang taon. Pareho silang abala ng kaibigan sa paghahanap sa kapatid na si Che-che na susundo kay Bianca sa arrival area ng terminal, pero hindi niya ito makita. Nangako kasi ito na susunduin siya personally, dahil excited rin ang ate niya na makita siya. "Anong plano mo ngayon n'yan, bessy, saan ka tutuloy?" Hindi mapigilang mag-tanong ni Bianca kay Sheng. Wala kasi itong sundo, dahil sa malayong probinsya nakatira ang pamilya ng kaibigan. "Mag-hotel na lang ako, bessy, at bukas na ako uwi ng Cagayan. Late na rin kasi at siguradong wala ng biyahe ngayon. Mabuti nang ganito ang gawin ko at least makakapag-pahinga pa ako," balewalang sagot ni Sheng. "Mabuti pa ay doon ka nalang muna sa bahay nang ate ko, tutal siya rin ang susundo sa 'kin, sabay na tayo bukas umalis pauwing probinsya," suggestion ni Bianca since magkalapit lang terminal ng bus pa Bicol at Cagayan. "Ay, bet ko 'yan, bessy, para hindi na ako magbayad ng hotel at sure may free food pa." Napangiting biro ni Sheng kay Bianca. "Sus, ang kuripot mo talaga," sagot niya sa kaibigan sabay irap ng mga mata. Pilya na hagikhik lang ang sinagot sa kan'ya ni Sheng at sabay kurot sa braso ni Bianca. "Huwag ka nang mag-alala, ililibre kita ng favorite mong guyabano." Pigil ang ngiti sa labi ni Sheng habang patuloy na nangungulit kay Bianca. "Yan, sa ganyan ka lagi magaling, may pampalubag loob, bessy," natatawa na rin na sagot ni Bianca. Ganyan silang magkaibigan, despite the differences between the two of them ay naging malapit silang dalawa at naging sandalan ang bawat isa sa loob ng mahigit dalawang taon sa labas ng bansa na parang tunay na magkapatid. 'Bianca! Bianca!" Matinis na tinig ang narinig niyang tumatawag sa pangalan niya, mula sa kaharap na kumpulan ng mga tao sa waiting area. "Ate ko na yata 'yon, bessy," mahaba ang leeg na sabi ni Bianca sa kaibigan, habang hinahanap ang kapatid sa bulto ng napakaraming tao sa waiting area. "Aba, malay ko, bessy. Hindi ko naman kilala ang kapatid mo." Tuloy na pang-iinis ni Sheng kay Bianca. "Tse, kahit kailan talaga, hindi ka makausap ng maayos. Nasaan na ba si ate?" Naiinip na reklamo ni Bianca dahil kanina pa siya naghahanap sa kapatid. Finally, nahanap rin ni Bianca ang kapatid. "Hayon, siya 'yong maliit at maputing babae sa dulo. Nakita mo rin ba, bessy? Let's go, tayo na lang ang lumapit sa kan'ya, dahil hindi siya pwedeng pumunta dito, tawid na tayo," yaya ni Bianca sa kaibigan. Mabilis namang nakalapit si Bianca sa excited na kapatid. "Bakit ang payat mo na? Mukhang na gutom kayo doon ah, pati rin itong kaibigan mo," kunot ang noo na puna ng kapatid niyang si Che-che. "Paanong hindi kami papayat, ate, ang haba nang oras ng trabaho namin doon. Wala man lang kaming panahon na magpahinga. Isa pa, wala rin kaming off day, kaya nagtiis talaga kami hanggang matapos ang kontrata," mahabang paliwanag ni Bianca sa kapatid. "Naku ate, sexy, lang talaga ako. ito na ang katawan ko noon pa, bago kami pumuntang Lebanon," sagot agad ni Sheng, sabay ikot at pose pa sa harap nila. "Ay, siya nga pala, ate. Si Sheng po, best friend ko at kasamahan ko sa trabaho sa Lebanon," pakilala ni Bianca sa kaibigan. "Nice to meet you po, ate," sagot agad ng kaibigan na mabilis naglahad ng palad. "Nakakatuwa ka naman, Sheng," hindi napigilang komento nang ate niya. Masayahin talaga ang kaibigan. Happy pill niya ito, during the time na wala siyang makapitan dahil sa labis na lungkot sa bansang pinuntahan. "Tara na at pumila na tayo sa taxi stand para makauwi na tayo. Alam ko na mga pagod at gutom na rin kayo," yaya ng ate Che-che ni Bianca. "Hindi ko tatanggihan 'yan, ate, dahil isa iyan sa hinihintay ko," biro ni Sheng habang hatak ang traveling bag. "Walang problema sa akin 'yan, nakahanda na ang bahay namin. Ito kasi si Bianca, hindi man lang sinabi na may kasama pala siya. Di sana ay nakapag-handa ako ng maraming pagkain," reklamo ng kapatid, habang kasabay nilang naglalakad. "Ito kasing si Sheng, ate, last minute nagsabi. Kaya gan'yan ang nangyari, akala ko naman may connecting flight papuntang Cagayan iyon pala, may balak pa magtipid at mag-bus na lang bukas," paliwanag niya. "Hay naku, bessy, alam mo namang hindi sinagot ng amo natin ang connecting flight ko, kaya okay na magba-bus ako dahil nagtitipid ako. Ang hirap kaya kumita ng pera sa panahon ngayon," sagot ni Sheng Kung sabagay, alam naman niya kung bakit ganito ang kaibigan. Sa dalawang taon nilang magkasama, nakita niya na halos lahat ng sahod nito ay ipinadala na sa pamilya sa probinsya, kaya halos wala rin natira. "Alam ko na 'yang reason mo, mabuti pa sumakay na tayo at ng makapag-pahinga na," pagputol niya sa usapan dahil kong hindi, sigurado siyang aabutin sila ng umaga. Habang nasa biyahe si Bianca ay nagpasalamat siya sa Diyos. Nakauwi sila ng ligtas at kahit paano ay nakapag-ipon rin ng kaunti, para may magamit siyang panimula. "Welcome back and good luck self," mahinang usal niya sa hangin habang panay ang tingin sa mataas na mga building na nakatayo sa gilid ng kalsada.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
113.7K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.6K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
196.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
967.1K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.0K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
63.5K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook