bc

When She Turn Into He

book_age16+
1.8K
FOLLOW
8.6K
READ
possessive
billionairess
comedy
gxg
bisexual
witchcraft
sassy
intersex
like
intro-logo
Blurb

Leigh Clarkson is a spoiled brat, no one can bring her down. dahil kaisa isang anak ng billionaire businessman kaya lahat ng gusto nakukuha niya kaya sinumpa siya dahil sa kanyang kasamaan ng ugali at isang araw pag gising niya naging LALAKI na siya.

chap-preview
Free preview
Chapter One
LEIGH ADDISON CLARKSON "Oh shit" mura ko nang makita ko sa digital clock ang oras kaya namab agad akong napabalikwas sa kama Shit magkikita pa naman kaming magk-kaibigan ngayon dahil may balak kaming mag out of town dahil sa sobrang stressed kailangan din na makapag unwind ka. Dumiretso na ako agad sa banyo para maligo at nagbihis nang matapos na ang morning ritual ko agad naman akong bumaba papunta sa dining room nang makita ako ng kasambahay namin agad naman nila akong inasikaso. "Yaya, cranberry juice" mahinahong paalala ko dahil wala pa din sa lamesa ko narinig ko ang opo ma'am na sagot niya ibinalik ko naman ang tingin sa phone ko dahil ini- stalk ko ang  profile ng ultimate crush ko na si Raven Monteverde ang lalaking nagugustuhan ko sa loob ng dalawang taon.   He's so hot balita ko single pa siya at tatlong beses lang nagka GF kailan kaya niya ako mapapansin   "Oh shit" tili ko at agad na napatayo dahil naramdaman ko ang malamig na tubig na tumapon sa damit ko pagtingin ko may mantsa na yon at ang cranberry juice pala na pinapakuha ko sa kanya. Nakakamatay na tingin ang ipinukol ko sa babaeng kasambahay namin na namumutla ang mukha halatang kabado ito. "Stupid, Look what you have done" angil ko sinisira nito ang magandang mood ko pero napansin ko na bagong mukha lang siya dito sa mansion baka bagong maid na kinuha ni mommy.   "Sorry po ma'am leigh hindi ko po sinasadya" kinakabang saad nito akmang pupunasan na sana niya ang damit ko pero pabalang na tinabig ko yon at masama siyang tinignan. "Don't touch me with your filthy hands" naiiritang singhal ko sa kanya ang mayordoma  naman at ibang kasambahay pinapanood lan kami ayaw nilang makialam dahil tiyak mawawalan sila ng trabaho. "Isang pagkakamali pa magbalot balot kana" pagbabanta ko sa kanya napayuko naman siya nanginginig ang tuhod nito sa takot. "Naiintindihan ko po" she said looking at me and lowering her voice inirapan ko lang siya "manang pakiligpit na yan wala na akong ganang kumain" malamig na utos ko sa isa pa naming kasambahay agad naman siyang tumalima samantalang ang bagong maid nakayuko lang.   Iritableng umakyat ako sa kwarto ko pabalibag na sinarado ko ang pintuan"Ugh! That girl!! She's so stupid bakit ba siya ang kinuha nila mommy" inis na sabi ko habang isa isa kong tinanggal ang saplot ko naligo na at pumunta na sa bathtub para maligo ulit narinig ko naman ang pagtunobg ng phone ko si kristina ang tumatawag. "Hello leigh! Wag kang male-late mamaya sa private jet daw tayo ni alwina sasakay" saad nito naririnig ko ang malakas na music sa background nito idagdag mo pang may nginunguya siya.   Wala talagang manners to kaya laging pinagsasabihan ni railey   "Okay sige na ibaba ko nato" sagot ko at nagmadaling tapusin ang ginagawa ko pagkatapos kong nag halfbath agad naman akong nagbihis para hanapin ang stupid na babae na yon hanggang ngayon kumukulo pa din ang dugo ko sa kanya. Nakiga kong naglilinis ito ng bintana napansin naman niya ako agad kaya tumigil ito sa ginagawa niya. "Bakit po ma'am? May kailangan po ba kayo?" magalang nitong tanong. Inihagis ko maman ang polo shitt ko "paki plantsa to" malamig na utos ko sa kanya "pati na din itong dress" dagdag ko pa tumango naman ito tinanong ko ang pangalan niya sinabi naman niyang siya si blaire maganda ang pangalan niya pati na din siya pero tanga naman.   "Wag na wag mong masusunog yan" babala ko sa kanya bago umakyat sa itaas para hanapin ang makeup kit ko nang makita ko naman ito agad akong nag-apply ng makeup pero light lang "You are gorgeous leigh" nakangiting puri ko sa aking sarili habang pasulyap sulyap sa salamin. Bumaba na ako para pumunta sa maid's quarter para kunin ang damit na pinapa plantsa ko nakita ko si blaire na hindi mapakali at namumutla "S-señorita" nauutal na sabi ni blaire hindi nakaligtas sa akin  ang panginginig ng kamay niya habang hawak niya ang damit ko.   "Finished ironing my blouse, stupid?" tanong ko . sabag hablot ng damit ko ganoon nalang ang gulat ko nang makita ko iyon "Anong ginawa mo sa damit ko" singhal ko sa kanya dahil regalo pa ni momsie (grandma) ko ang mga ito pero ganoon nalang basta masisira. Lintek na maid ito sinunog niya ang damit ko.   "Stupid ka talaga! Sinunog mo ang damit ko alam mo ba na paborito ko to ngayon hindi ko na masusuot" galit na sabi ko gustong gusto ko siyang saktan pinipigilan ko lang ang sarili ko.   Ubos na ang pasensya ko sa babaeng to ayaw ko siya makasama dito baka hindi lang tong kapalpakan ang magawa niya.   "You're fired" malamig na saad ko kay blaire "butler timy" sigaw ko sa personal butler wala pa itong dalawang minuto nasa harapan ko na siya. "Bakit po señorita?" tanong nito na pinagpapawisan pa ang noo. "Gusto kong paalisin mo itong babaeng nasa harapan ko ngayon din" maawtoridad na utos ko pero halata naman ang pagtutol sa mukha niya marahil may crush sa siya bobita nato.   "Pero señorita leigh baka pwede namang bigyan ng panga—" sinenyasan ko siyang itigil ang sasabihin niya. "Gawin mo nalang ang ipinapagawa ko baka gusto mong sumama sa kanya maluwag ang pintuan namin dito" angil ko dahil may balak pa itong magmarunong sa akin. "Wala po señorita.. tara na blaire" saad ni butler timy sumunod naman ako sa kanilang dalawa samantalang si manang rosalinda naman nililigpit ang gamit ni blaire halata ang lungkot sa mga mata nila. "Aba kung malungkot kayo sa pagpapaalis ko sa bobita na ito pwede kayong sumama sa kanya" singhal ko dahil nakakairita silang tignan sabay alis ko sa kwarto nila umupo nalang ako sa couch nakita ko siyang lumabas ng pintuan at huminto ito sa harapan ko "pag gising mo malaki ang pagbabago na mangyayari sayo at sisiguraduhin kong ka-kailanganin mo ako at hahanapin subalit hinding hindi mo ako matatagpuan" saad nito habang nakangisi tumaas naman ang kilay ko napaka weirdo talaga nito dinaan lang sa ganda.   "You're crazy! Wala akong kailangan sayo napaka stupid mo talaga. Get out of my face" singhal ko inalalayan naman siya ni butler timy napaismid naman ako hanggang sa nakita ko kung anong oras na agad ko naman kinuha ang gamit ko at sumakay sa kotse.   DALAWANG ARAW din kami sa tagaytay sa totoo lang hindi ako gaanong nag enjoy dahil kasama namin ang nemesis ko kung alam ko lang sana hindi na ako sumama sa kanila. Nakaksira ng araw si Adriana hindi ko nga alam kung bakit galit na galit siya sa akin konti nalang iisipin kong may gusto siya sa akin dahil wala naman akong matandaan na ginawa sa kanyang masama.   Hanggang sa school kami kalat na kalat ma kami ang mortal na magka-away kaya naman lagi kaming laman ng detention hanggang sa nakapagtapos na kami ng college hindi naman lang kami nagkaka-ayos. "Young Mistress mabuti at nakapabalik na kayo andito ngayon sir rene na galit na galit dahil hindi ka daw po nagsabi sa kanya na mag out of town ka" saad ni butler timy napabuga naman ako at naglakad papunta sa living room "Leigh" bungad ni daddy may hawak itong cellphone napaismid naman ako bakit napaaga ng uwi sila daddy? akala ko next week pa sila babalik  "may balak sana kaming iregalo sayo kaya masaya kaming umuwi nang mommy mo pero kami ang na surprise" saad nito sabay hagis nang newspaper "ganito ba ang ginagawa mo habang wala kami dito sa pilipinas ang pumunta sa bar at makipag-away" angil nito  "hindi ko alam kung kanino ka nagmana ng katigasan nang ulo" dugtong nito.   "Dad pino-protektahan lang namin si rose sa manyakis na yon kaya nabugbog siya ng mga kaibigan ko" pangangatwiran ko pero namula naman ang mukha niya "pero paano kapag napahamak ka? Alam mo naman kung gaano ka namin iningatan ayaw namin nang mommy mo na nasasangkot ka sa gulo"  sagot nito na pagod ang boses nakarinig naman kami ng yabag nasa hagdanan na pala si mommy na may pag-aalala sa mukha. "My baby" masayang saad nito at niyakap ako sabay pugpig ng halik sa buong mukha "Ikaw bata ka hindi mo sinabi na nag out of town ka tapos may mababasa kami sa newspaper na sangkot ka sa gulo" seryosong saad nito na may pagaalala sa mukha tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kung may sugat ba ako o wala ganyan talaga sila ka over protective sa akin. "Kumain kana ba anak?" Tanong nito tumango naman ako kumain kasi kami sa restaurant bago umuwi "Leigh magpahinga kana dahil bukas may pag-uusapan tayong dalawa" singit ni daddy napakunot naman ang noo ko. Ano kaya ang paguusapan namin bakit pakiramdam ko hindi ko yun magugustuhan.   Humiga na ako sa kama nakatingala lang sa kisame biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni blaire at ang sinabi niya bago umalis sa mansion.   "pag gising mo malaki ang pagbabago na mangyayari sayo at sisiguraduhin kong ka-kailanganin mo ako at hahanapin subalit hinding hindi mo ako matatagpuan" paulit-ulit na ume echo sa pandinig ko napailing nalang ako bakit ba pinagaaksayahan ko ng oras ang babaeng yon nakapikit na ako nang biglang nakaramdam ako na parang napapaso ako kaya naisipan kong maligo nalang hanggang sa nawala pero bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko?   Nag blower na ako nang buhok at humiga ulit sa kama bakit sobrang lamig naman ngayon ang nararamdaman ko? Naiiling malang ako at kinuha ang kumot at ibinalot ko sa aking katawan pinilit kong makatulog pero ang weird si Blaire na naman ang nasa isip ko. Pabaling baling ako sa kama "May sa mangkukulam ata ang babaeng yun" mahinang bulong ko bumangon na lang ako sa kama para kunin ang sleeping pills para makatulog hindi alam nila mommy at daddy ang tungkol doon dahil tiyak magagalit sila uminom na ako at bumalik ulit sa kama pero bago ako makatulog may narinig akong tinig.   "Ito na ang umpisa"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Perfect Yaya

read
240.9K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
337.8K
bc

My Secret Agent's Mate

read
113.8K
bc

Contract - Tagalog

read
752.3K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
245.6K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
197.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook