Palabas na ng building si Lara ng madaanan niyang naglalakad si Marie. Binusinahan niya ang kaibigan para makuha ang atensyon nito. Napalundag naman ito sa gulat. Madilim ang mukha na tiningnan nito ang sasakyang paparating. Ibinaba niya ang salaming bintana sa kaniyang harapan at inilabas ang ulo para sumilip. "Marie, halika, sumabay ka na sa akin palabas," aya niya rito. Huminto sa paglalakad si Marie kaya itinigil na rin niya ang sasakyan. "Huh! Bongga, yayamanin si ate!" bulalas nito habang tinitingnan ang magarang kotse ni Lara. "Sumakay ka na!" muli ay aya niya sa kaibigan. Binuksan nito ang pinto sa tabi niya at doon pumuwesto ng upo. "Alam mo nagdududa na ako sa 'yo. Lagi kang nagtitipid pero may ganito ka pala kamahal na sasakyan." Matapos nitong isuot ang seatbelt ay

