Dumating na ang hinihintay ni Lara. Tumawag si Draco sa kaniya at sinabing ngayong araw idi-deliver ang kaniyang sasakyan. Tuwang-tuwa siya nang makita itong muli. Ang buong akala niya nang umalis siya sa bahay na iyon ay ibinenta na ni Draco ang sasakyan na ibinigay nito sa kaniya. Kahit ilang taon na ang lumipas ay bagong-bago pa rin ang itsura nito. Agad niyang tinanggap ang susi ng i-abot iyon sa kaniya ng staff ng casa na naghatid nito. "Masaya akong makita ka uli, Mochi!" tuwang sabi niya na hinimas pa ang bumper ng kumikintab sa kinis na Mercedes Benz. Nalaman ni Draco ang hirap niya sa araw-araw na pagko-commute para lamang makapasok sa trabaho kaya pinaayos nito at ipina-kondisyon ang sasakyan bago ito ibinigay muli kay Lara. "Danda! Sakay si Cayden, Mama!" Kinalabit nito

