bc

VNIGHT: Vampire in Disguise (COMPLETED)

book_age16+
4.1K
FOLLOW
9.4K
READ
spy/agent
CEO
student
heir/heiress
twisted
mystery
vampire
campus
betrayal
superpower
like
intro-logo
Blurb

FILIPINO VAMPIRE STORY.

Alam mo bang nasa mundo ka ng bampira? Paano ka makikisama sa mga bampira? E pano na lang kung malaman mo na ang lahat ng tinuring mong kaibigan ay Bampira? Ano pa kung malaman mo na isa ka pala sa nilalang na iyon?

AT HIGIT SA LAHAT, ISA KA PA LANG VAMPIRE HEIRESS?

Kaya mo bang panay BAMPIRA na lang ang naririnig at nakikita mo? Kaya mo bang mahalin ang taong minsan ay pinagtaksilan ka? At kaya mo bang patayin ang kalaban mo?

chap-preview
Free preview
Start of the Story
 “Madam” Saan nanggagaling ang salitang yun? Guni-guni ko lang ba yun?  “Madam”  “Madam” I saw a man wearing black tuxedo in front of me. How come na nasa harap ko agad siya? E kanina pa ako palingon lingon sa paligid. Hindi ko pa makita ang mukha niya dahil madilim. "You're a Vampire" What? Ako Vampire? Nagbibiro ba yun? "You need to kill the Vampire Monster, the Dracula." Vampire, Dracula? Naguguluhan na ako! Pinaglololoko ba ako ng lalaking to? "You're the only one who can defeat him."  Natawa naman ako. Sa sobrang panonood ko ng mga vampire movies e pati panaginip ko naaapektuhan.  "He will kill all the Vampires even his family. His main plan is to rule the world."  Oh hala paano ko naman matatalo yun e hamak na isang normal na tao lang ako?  "Madadamay ang mga normal na tao?" "Yes, you must kill him as soon as possible." "Hindi ko siya kilala. Pati normal na tao lang ako." "You'll know him and don't trust too much.” “You’re the Vampire's Heiress” “I’m the Vampire's Heiress?” Ano ba yon? Ang sakit ng ulo ko. Vampire's Heiress? Err no.  Ang pangit naman ng panaginip ko, yung tipong hindi pa kapa-kapaniwala. Nyemas na yan. Buti nagring na yung alarm clock ko. Napahimas naman ako sa ulo ko kasi masakit talaga. Epekto lang siguro to ng pagpupuyat ko kakanood ng Vampire Movies.  Bukas na nga pala ang First Day ko bilang isang College student. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Sa Lauren Academy ako mag-aaral. Sabi nila na mas mahirap daw sa college at sobra talagang magiging busy. Kaya ko naman yun kasi pag-aaral ang unang inaatupag ko.  Sabi ng nag-ampon sa akin, patay na daw ang parents ko. Isang aksidente daw ang nangyari at ako lang daw ang nabuhay. Nakalulungkot lang kasi sanggol palang ako, namatay agad sila. Wala ring pictures na natira. Yung bahay daw namin ay nasunog na kaya walang naiwang gamit. Hindi ko alam ang itsura nila. Pati yung suot ko nung sanggol pa ako, tinapon na ng nag-ampon sakin kaya hindi ko kilala ang buong pagkatao ko. Masaya naman ako ngayon.  Kahit na patay na ang parents ko, may Mommy at Daddy paring nag-aalaga sakin. Sobrang bait nga nila eh. Sa sobrang bait nila, naging spoiled brat ako. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Wala silang naging anak kaya ako ang itinuturing nilang nag-iisang anak. Pero mahal na mahal ko yung mga yun. Ginagawa ko nga ang lahat ng makakaya ko para maging proud sila sa akin e. Ayoko rin na ma-disappoint sila sa akin kaya minemaintain ako ang pagkarank 1 sa buong klase at school.  By the way, I'm Michie Candee Cortez. Yun ang binigay na pangalan ng aking mga tinuring na magulang. Bagay naman sa akin at sobrang nagustuhan ko ito. Pero nakakainis lagi nalang akong nananaginip tungkol sa mga Bampira na sa Tv lang napapanood. Paulit-ulit nalang kasi. Kailangan ko nalang siguro bawas-bawasan panonood. Okay lang sana kung romantic yung panaginip ko e. Kaso ako daw papatay sa Dracula? Aba hindi tama yan.  Wala naman sigurong gustong ipahiwatig ang panaginip kong yun no? Halos makabisado ko na ata yung mga panaginip ko e. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
969.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
780.2K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

NINONG III

read
362.7K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook