SOFIA Mainit ang ulo na bumaba ako sa ground floor para kumain. Gutom na rin ako dahil hindi ako kumain ng tanghalian, kaya mabilis na hinarap ko ang pagkain ko. Wala si Chase dahil iniwan ko siya sa loob ng library. May tatapusin daw siyang trabaho habang naghahanda ako, kaya hinayaan ko na lang dahil ayaw ko siyang abalahin. Kumakain ako nang lumapit sa akin si Roxy. Suot pa rin niya ang kakarampot na damit, kaya halos lumuwa na ang dibdib niya nang umupo siya sa bakanteng upuan kaharap ko. Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy na kumain pero hindi talaga matatapos ang araw na wala siyang gagawin para inisin ako. “Alam mo, nilagyan ko ng lason ang pagkain mo para mawala ka na sa buhay namin ni Chase at nang anak ko.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Really?” Hindi kasi ako naniniw

