SOFIA Matapos masiguro na nakauwi na si Chase sa bahay niya ay umalis na rin ako ng ospital na naging malaking bahagi ng buhay ko sa loob ng ilang taon. Hindi ko pangarap noon ang maging doktor pero dahil kailangan sa negosyo ay unti-unti akong nagkaroon ng interest hanggang sa natapos ko ang medical course ko at naging lisence doctor ako. Sa bahay ng mga magulang ko dito sa Quezon City ako tumuloy. Nadatnan kong narito na rin si daddy, kasama si mommy na kumain ng dinner sa dining room. Tuloy-tuloy na umakyat ako sa second floor at pumasok sa loob ng silid ko. Siniguro ko na naka-lock ang pintuan dahil wala akong ganang humarap sa kahit na sino para makipag-usap. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Gusto kong umiyak at maglupasay sa sahig, saka sumigaw ng ubod lakas para palayain ang

