SOFIA “What the hell is wrong with you Sofia?!” nanggagalaiti sa galit na tanong sa akin ni mommy ng sabihin ko sa kaniya ang totoo. Nanliliit ang mga mata niya habang masamang nakatingin sa akin. Alam kong disappointed ngayon sa akin si mommy pero mas makabubuti sa akin at sa sitwasyon ko na sinabi ko sa kaniya ang totoo. Besides, hindi ko na rin naman maililihim pa sa kaniya ang tungkol dito dahil nalaman pala agad ni mommy na kasal na talaga kami ni Chase, right after ipa-register ng judge na kaibigan niya ang kasal naming dalawa kagabi. “Now tell me, paano mo malulusutan ang gulong ito, Sofia?” pormal na tanong sa akin ng aking ina habang katabi kong nakaupo dito sa sofa, sa loob ng opisina ko. “Sa tingin mo ba, hindi ka kamumuhian ng lalaking iyan sa oras na malaman niya kung si

