Dumating na araw na pinaka hihintay niya, iyon ay pagdalaw ng mga Dela Vega sa bahay nila. Kung hindi lang siya magmumukhang excited masasabi niyang pamamanhikan na yata ang sadya ng mga Dela Vega sa bahay nila. Sinabi kasi ng Mommy at Daddy niya na pag-uusapan sa dinner ang tungkol sa kanila ni Arkin, baka ipakasal na sila agad ng kanilang mga magulang. Iyon nga lang hindi niya malaman kung matutuwa ba siya o hindi, dahil nga may girlfriend si Arkin, paano na lang ang maganda nitong girlfriend kung sakali. Matapos nga nilang makita si Arkin at ang girlfriend nito sa mall, agad na gumawa ng research si Lexie para malaman nila kung sino ang babaing kasama ni Arkin na bumili ng kape sa mall. Obvious naman kasi na may namamagitan sa dalawa, dahil malapit ang mga ito sa isat-isa, isama pang